Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 69 - Empty Tears

Chapter 69 - Empty Tears

Chapter 65: Empty Tears 

Mirriam's Point of View 

  Halakhak. Halakhak ng lalaki ang madalas naririnig ng utak ko simula nung araw na iyon. Sa tuwing susubukan kong ipikit ang mga mata ko upang matulog, ang pambababoy niya, pati ang mga ginawa ko sa kanya ang tanging pumapasok sa alaala ko na kahit gustuhin ko mang alisin, hindi mabura bura. 

  Yakap-yakap ko ang sarili kong binti habang nakaupo sa sulok ng aking kama. Hindi ako gumagalaw at tahimik lamang na nakaupo palagi, ayaw kong makarinig ng kahit na anong ingay dahil 'pag nangyari 'yon, natataranta ako at napapasigaw ng wala sa oras. Ayoko rin makakita ng maraming tao, natatakot ako kapag lalapitan nila ako. 

  Pakiramdam ko, tulad nung lalaking nagngangalang Ong. Sasaktan din ako. 

  May kumatok sa pinto kaya napasinghap ako. 

Pumasok ang isang babae, hindi ko makita ang mukha niya at wala akong balak na iangat ang tingin ko para makita siya dahil sa tuwing gagawin ko. 

  'Yung ngisi ng lalaking iyon ang tanging naalala ko. 

  "Mirri--" 

  Matinis na lumabas sa bibig ko ang sigaw. Binato ko sa taong iyon ang unang nahawakan ng kamay kong unan kaya napaatras siya. Pasabunot kong hinawakan ang buhok ko't tumagilid sa kanya para hindi siya makita. 

  "Mirriam." Tawag niya sa pangalan ko. Pati boses niya, tila parang hindi ko makilala dahil sa sobrang hina kahit ang totoo ay ayaw ko lang talagang marinig. Hiyang hiya ako sa mga nangyari, parang ayokong makita nila ako sa mukha. Ayokong tingnan nila ako sa mata, ayokong makita kung gaano ako karuming tao. "Kumain ka muna, oh?" Mayroon talagang sinasabi ang taong ito sa akin pero dahil pinili kong hindi intindihin o pakinggan siya, sumigaw lamang ako. 

Hinihiling na umalis siya rito sa kwarto ko na ginawa naman niya matapos ang ilang minuto. 

  Narinig ko lang na mayroon siyang inilapag sa tabing lamesa bago siya umalis dito kaya kumalma na ako nang kaunti at dahan-dahang tiningnan ang paligid. Malikot din ang mata kong luminga linga bago ilipat ang tingin sa pagkain na nandoon sa side table. Unti-unti kong nilapitan iyon, nagugutom na talaga ako kaya handa ko na rin sanang kunin pero bigla nanamang pumasok sa utak ko 'yung pangit na pangyayari kaya bumaliktad ang sikmura ko. 

  Humawak ako sa aking bibig at dali-daling dumiretsyo sa banyo upang ilabas ang dapat na mailabas. 

  Hawak ko ang gilid nung sink habang patuloy pa rin sa aking pagsuka. Nang matapos iyon ay napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Mabilis na tumubo ang puting buhok sa gilid ng bangs ko kaya dahan-dahan kong hinawakan iyon bago ang mismong salamin sa harapan ko para hawakan ang repleksiyon ng aking mukha. 

  Ang laki ng ipinayat ko, 'yung mga mugto kong mga mata dahil sa kakaiyak ay lubog na lubog dahil sa ilang araw na hindi makatulog. Nangingitim din ang mga eyebags ko, tipong hindi ko na rin makilala iyong taong nakikita ko ngayon sa salamin lalo ngayong ang gulo gulo ng aking buhok.

  Inilipat ko naman ang tingin sa mga pasa na nasa braso ko't pisngi. Nandoon pa rin ang mga iyon at hindi pa nawawala. 

Ibinaba ko rin ang tingin sa binti ko, may iilan ding galos doon pero hindi maipagkakaila na walang wala ang mga sugat na 'to sa 'mismong' nangyari. 

Mapapahawak ka na lamang sa dibdib sa sobrang bigat, hindi ka makahinga ngunit hindi ka rin makaiyak. 

  Dahil ilang araw na nga ba ako umiiyak? Hindi ko na maalala. 

  All I have is an empty tears. 

  "Alam mo kung sino ang totoong naglagay sa 'yo sa sitwasyon na 'to?" Naalala kong tanong nung Ong nang ilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. "Iyong kapatid ng kaibigan mo." Dugtong niya saka ko naramdaman ang kanyang pagngisi. "Haley Miles Rouge ba pangalan no'n?" Banggit niya sa pangalan nito at humagikhik. "Siya ang nagdala sa'yo rito, kung hindi lang naman dahil sa kanya siguro hindi naman tayo pupunta sa ganito, eh. Dapat kanina ka pa patay." 

  Yumakap ako sa sarili ko't biglang nanginig. Nandoon nanaman 'yung takot, kinikilabutan din ako. 

  "Haley…" Banggit ko sa pangalan niya saka ko naalala 'yung huling babae na nakita ko bago ako mawalan ng kontrol sa sarili't mawalan ng malay. Mayroon siyang asul na mata, kitang kita ko iyon kung paano mag glow sa likod ng lumiliyab na apoy nung nagawa kong halikan siya dahil sa epekto ng nasabing aprosidiac. 

  Unti-unti akong napaluhod nang hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa aking sarili. "Kasalanan ni Haley…?" Paanas kong sabi sa sarili. "Kapatid…? Sino…? Sunod-sunod at naguguluhan kong tanong kahit alam kong walang makakapagsagot. 

  Mas nawalan lang ako ng gana at napatingala. Cruel it is, I can no longer handle this. It's clinging me like a leech. 

  Hinawakan ko ang leeg ko at unti-unting binabaon ang kuko sa aking balat, nangangati ako't naiirita na parang may tumutusok na kung anong insekto sa katawan ko kaya sa kakakamot ko nito ay pati ang leeg ko'y nagkaroon na rin ng gasgas. 

  Nakita ko na lang sa mga kamay ko na may bahid na kaunting dugo, subalit walang buhay ang mata kong nakatingin doon at muli lamang ikinamot ang nasusugatan kong leeg. 

*** 

  PAGKAGISING KO, na sa kama na ako. Titig ang kisame ay ang paghawak ko sa leeg nang maramdaman kong may benda ito. Sa kaisipang may humawak sa akin ay nanlaki na lang ang mata ko't suminghap sa takot kaya muli nanaman akong napasigaw. 

  Ilang minuto rin yata iyon bago may humawak sa pulso ko kaya mas lalo akong nagwala sa hinihigaan ko. 

  Nagpupumiglas ako para makawala, dahil kung hindi ko gagawin. Baka may gawin nanaman sa akin. 

  "Huwag! Huwag! Parang awa n'yo na!" Matinis kong pagmamakaawa habang inaalis ang mga kamay na nakahawak sa pulso ko. Hindi na sila isa, kundi dalawa, tatlo. 

  Naririnig ko 'yung pangalan ko pero nakapikit lamang ako nang mariin para hindi sila makita. Ayoko silang makita. Nakakadiri ako! Lumayo kayo sa akin! 

  "Mirriam, anak." Alam kong si Papa iyon pero noong hawakan niya ang pisngi ko, malakas ko siyang tinulak palayo sa akin. 

Gumapang ako palayo sa kanya't bumalik sa sulok ng aking kama. Nagsisimula nanamang manginig ang katawan ko sa takot, at kahit gusto kong maiyak. Hindi ko magawa, pero maririnig mo ang pagbangga ng mga ngipin ko na animo'y nilalamig. 

  Sa sobrang takot ko, pinagpapawisan din ako nang malamig. Hindi na rin ako makapag-isip nang maayos. 

  Kilala ko lahat ng mga tao sa kwartong ito, pero pakiramdam ko ay sasaktan nila ako't may gagawin silang masama sa akin. Parang sa paningi ko, kaaway ko sila. 

Kung titingnan ko ang mukha nila, pang ang labo na madilim. Ano ba 'tong nararamdaman ko? 

  Natatakot ako. Natatakot ako! 

  Muli akong pumikit saka ko iniharap ang tingin sa pader. "Lumayo kayo sa akin!" Malakas kong sabi dahilan para mamagitan ang katahimikan. Wala akong naririnig na kahit na ano mula sa kanya, malamang ay sa gulat? Hindi ko alam. 

Wala na akong ideya. 

  Higpit kong hinawakan ang damit ko sa may dibdib at mas isinandal ang braso sa pader. "Iwan n'yo ako, parang-awa n'yo na… Wala akong ginagawang masama… Umalis kayo…" Nanghihina't pagmamakaawa ko pa kaya ginawa rin nila ang sinabi ko kahit ramdam ko na gusto nila akong lapitan. 

 

  Ang lakas ng tibok ng puso ko. 'Yung mga balahibo ko ay nagsisiakyatan pa rin. 

  Naririnig ko na ang yabag ng mga paa nila paalis, kaya nung sinilip ko sila. Laking gulat ko naman noong mapagtanto kong nakatingin na rin pala ang mga nakababata kong kapatid na si Julius at Ricka. Lumuluha sila habang nakatingin sa akin kaya unti-unti ko silang nilingunan. 

 

  Binuka ni Ricka 'yung bibig niya at may sasabihin pero nakita ko lang ang imahe ng mga ngisi ni Ong sa akin dahilan para mapasingap ako't inalis ang tingin sa kanila. Tinakpan ko rin ang tainga ko dahil naririnig ko nanaman ang mga halakhak ng taong 'yon. 

Tigilan mo na 'ko… Tigilan mo na 'ko… 

  However, The noise become so clear that it hurts my head, it pierce my body. If those unpleasant chortle won't stop even if I cover my ears, I'm going mad. 

  "You're mine." Boses ni Ong dahilan ng muling pagbagsak ng luha ko. 

Santos' Point of View 

Lumabas na ako ng apartment ko matapos ang ilang araw na confinement para sa pagpapagaling. Hindi pa rin tumitigil ang mga pulis sa kakatanong sa akin kahit wala naman na akong pwedeng maisagot sa kanila kundi ang mga nangyari lamang sa akin kung kaya't under observation din ngayon ang skwelahan para sa investigation dahil alam nilang nakapasok ang kriminal sa E.U. 

Ngunit nalaman ko rin na ilang araw na rin pa lang hindi pumapasok ang nasabing bagong adviser ng klase ko kaya pinaghahanap ng mga pulis ang pwede nitong pagtaguan. Mayroon nga rin akong sariling security dahil na sa gitna pa rin ako ng alanganing sitwasyon kaya hindi ko maiwasang matakot. 

"Ngh." Tumungo ako at inayos ang pagkakasabit ng bag ko.

Nagpa-plano rin ang mga tao sa skwelahan na i-suspendido na muna ang klase ng hindi pinapahalata sa mga estudyante na mayroon ng nangyayaring hindi maganda. Ito ay upang maiwasan ang pagkataranta't pagkabahala ng mga estudyante. 

Naglalakad lang ako habang pasimple lamang nakasunod ang isang nagbabantay sa akin. 

Nakababa lang ang tingin ko noong pumasok sa isip ko 'yung mga batang 'yon. Sila Haley. 

Lalong lalo na 'yung kambal niya. Oo, 'yung kambal niyang may hawak na baril. 

Totoong baril. 

Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang mayroon. Sino ba talaga si Haley? 

Kailangan ko bang pumunta sa Rouge residence para malaman? 

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa nakasibilyang pulis sa likod ko. "Pupunta ako sa bahay ng isa sa estudyante ko, okay lang ba?" Tanong ko kaya naging seryoso ang mukha niya't tumango bilang sagot. 

"Pero hindi tayo pwedeng magtagal, kailangan din nating umalis para maiwasan 'yung mga pwedeng maging komplikasyon." Wika niya kaya tumango ako saka pumaharap ang tingin para makita ang daan. 

*****