Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 66 - Falling Apart Part I

Chapter 66 - Falling Apart Part I

Chapter 62: Falling Apart Part I 

Harvey's Point of View 

  Pinindot ko ang doorbell ng Garcia residence kung kaya't nagkaroon ng tunog mula sa loob. Umatras ako ng isang hakbang pababa ng simento at hinintay ang pagbubukas nung gate. 

  Kasama ko si Jasper na ngayo'y na sa likuran ko. Ngayon at hapon kami nagpasyang dumalaw kay Mirriam matapos ang ilang araw na hindi niya pagpasok. Wala namang nakukwento sila Reed kung ano'ng nangyari. Nabalitaan na lang namin mula sa isang titser na nagbalita kay Miss Kim na nasa ospital sila Mirriam gayun din ang adviser naming si Sir Santos. 

  Ang temporary adviser naman namin na si Sir Emmanuel. Bigla bigla na lang ding hindi pumasok. Na-alarma rin ang mga estudyante nung nagkaroon ng pagsabog malapit sa E.U. 

Halos masiraan na rin ako sa kakaisip kung ano na nga ba talaga 'yung mga nangyayari sa paligid ko na hindi ko alam. Pero dapat talaga matagal ko ng inalam. 

Deep inside, I know there's something going on but I didn't bother to see it thoroughly, doon pa lang kay Haley dapat 'di ako naging kampante roon, eh. 

  O baka dahil nga sa taong nakita ko kaya nangyari 'to kila Mirriam? 

Pero ano nga bang nangyari sa kanya? Kay Haley? Kay Jasper? 

  Pasimple akong lumingon sa nakatungong si Jasper pagkatapos ay napakuyom ang kamao. Ano ba kasing nangyari…?

 

  May nagbukas na nung pinto kaya pumaharap na ako ng tingin. Inaasahan ko na isa sa mga kapatid ni Mirriam ang bubungad sa 'min pero nagulat ako dahil kasambahay ang nagpakita. May uniporme ng isang kasambahay siyang suot. "Sino po sila?" Tanong nito. 

  Humakbang ako ng isa paabante. "Ah! K-Kami po 'yung kaibigan ni Mirriam. Tatanungin lang po sana namin kung nandiyan siya, gusto lang po namin siyang dalawi--" Hindi ko pa nga natatapos 'yung sinasabi ko ay sumabat na siya.

  "Pasensiya na po, nasabi po kasi ni Ma'am Airiam na hindi ko pwedeng papasukin ang kahit na sinong kakilala ni Ma'am Mirriam." Sambit niya, hindi ko rin 'to inaasahan. Masyado silang mahigpit.

Sinubukan ko siyang kumbinsihin.  "Kahit saglit lang po." Pakiusap ko.

  Umiling si Manang. "Hindi po talaga pwede. Saka wala pong kaibigan si Mirriam." 

  Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Walang…. kaibigan? Si Tita Airam din ba nagsabi niyan?" Paninigurado ko na tinanguan niya bilang sagot dahilan para mapaawang-bibig ako. 

Umangat ang tingin ko nung makita ko si Airiam. Nagulat din siya nung nakita niya ako. "Kuya Harvey…" Tawag niya sa akin at tumingin sa likod ko. "Kuya Jasper…" May namuong luha sa gilid ng mata niya pagkakita pa lang niya sa amin kaya tatawagin ko sana siya pero pinapapasok siya nung kasambahay nila. "Pumasok ka sa loob, Airiam." May awtoridad na udyok ni Manang. 

  Pumaharap siya sa amin. "Manang, sandali. Kailangan sila ni ate--" 

  "Airiam. Alam mo ang mangyayari kung hindi ka sumunod, 'di ba?" Namilog ang mata ni Airiam sa sinabi ni Manang, kaya wala siyang nagawa kundi ang mapatungo. Tumakbo paloob sa bahay. 

  Balak ko pa sanang magsalita pero inunahan ako ni Manang. "Pakiusap, umalis na kayo rito bago pa man kayo maabutan nila Ma'am dito." 

  "Pero--" Tila malakas na hangin ang dumaan sa akin gayun din ang pagsunod ng tingin ko kay Jasper na pumasok na lang bigla sa loob. "Jasper!" Tawag ko sa kanya. 

  Suminghap si Manang at tumawag ng guard. 

Na sa harapan na ng pinto si Jasper at pakuyom na kumatok sa pinto. "Mirriam! Nandiyan ka ba?! Mirria--" Mabilis na kumilos ang dalawang security guard at hinawakan sa braso ang walang laban na si Jasper. "Sandali lang! Kailangan ko lang malaman kung okay si Mirriam." Hindi siya pinakinggan ng mga ito at kinaladkad lamang palabas ng area ng bahay. 

  Ngunit hindi iyon ang dahilan para magpapigil si Jasper at pilit pa rin siyang makalapit sa pinto. 

  "Jasper, tigilan mo na 'yan! Umuwi na tayo, p're--" Papasok na sana ako sa loob pero hinarang ni Manang ang kaliwang kamay niya na tila parang sinasabing huwag na 'kong pumasok. 

  Tumigil lang din sa pagpupumiglas si Jasper nang marinig niya ang boses ni Tita Airam na ngayo'y na sa likuran ko. "Ano 'tong gulong 'to?" Pumasok siya sa loob kasunod si Tito Max. 

  Lumakad silang mag-asawa papunta kay Jasper samantalang kita naman ang kaunting takot sa mukha nung kasambahay kaya laking taka akong napatingin sa kanya. Binitawan na siya nung dalawang guard saka nag bow nang kaunti sa amo nila bago umalis. 

  Si Jasper naman ay dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo. "Tit--" 

  "Bakit ka pa nandito?" Kaagad na tanong na binitawan ni Tita Airam kay Jasper na siyang nagpaawang-bibig sa kanya. Nandito lamang ako sa labas ng gate at naghihintay. Gusto kong hilahin na lang si Jasper paalis dito dahil baka mas mapahamak pa kami kung mananatili kami rito, pero nag-aalanganin ako. Dahil alam ko sa sarili ko may gusto rin akong malaman sa pwedeng mangyari, sa pwedeng sabihin ni Tita Airam. 

  "Gusto ko lang malaman kung okay si Mirria--" Pinutol siya ni Tita Airam. 

  "Gusto mong malaman kung okay 'yung anak ko? Hindi siya OKAY! Sa tingin mo sa likod ng nangyari sa kanya, magiging okay siya?!" Matinis nitong sabi kasabay ang pagluha niya. "Magiging okay ang anak ko kung mawawala kayong mga kaibigan niya," Pagkuyom niya ng kamao at umismid. "Sandali, mali. Kaibigan ba talaga n'ya kayo?" 

  Gusto kong magsalita pero muli nanaman siyang nagsalita. 

  "Hindi ninyo ilalagay sa kapahamakan ang anak ko kung kaibigan n'ya talaga kayo!" Galit na galit niyang wika ng hindi tumitigil sa pagluha. "Wala kaming alam kung ano ang nagawa namin sa inyo at ba't sa lahat pa ng tao, 'yung anak ko pa?" Nakatayo lang si Jasper doon at walang imik pero makikita sa mata niya ang sobrang paghihinagpis. 

  "Hindi namin makausap nang matino si Mirriam, palagi na lang siyang tulala… Para siyang wala palagi sa mundong 'to at nakatingin na lang palagi sa kawalan na parang sinasabi niyang kunin siya…" Napaawang-bibig na ako sa sinabi ni Tita. Naalala ko rin bigla si Haley nung huli akong dumalaw sa kwarto niya. Tulad ng nabanggit ni Tita Airam, palagi lang ding nakatulala si Haley at nakatingin sa kawalan. Animo'y gusto rin niyang magpakuha. 

  "Iyon ba ang gusto mong malaman, ha? Na pati 'yung sarili niyang ama, kinatatakutan niya ngayon? Kapag hahawakan siya, nagwawala siya? Iyon ba gusto mong malaman?!" Basag na ang boses ni Tita, ang kaninang luha ay napalitan ng tuloy-tuloy na pagbagsak na pag-iyak.

  Napatungo si Tito Max at pati siya ay naluha. Samantalang wala pa rin akong alam sa kung ano talaga 'yung nangyayari. "Ano ba kasi talagang nangyari…?" Mahina pero mukhang narinig ni Manang. 

  "Kaibigan mo si Ma'am Mirriam pero hindi mo alam 'yung nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Manang. Hindi ko lamang nasagot dahil iniisip ko pa rin 'yung mga posibleng nangyari. Pero parang may tumusok sa puso ko noong marinig ko sa bibig ni Manang ang pangyayari na hindi ko inaasahang papasok sa utak ko. "Na-raped si Ma'am Mirriam." 

  Malakas na humangin sa paligid habang unti-unti namang dimidilim ang ulap. 

Jasper's Point of View 

  Kasabay ang pagbagsak ng mga luha nila ang pagbagsak ng malakas na ulan kaya pareho kaming mga nababasa na sa ulan. Nilapitan sina Tita Airam at Tito Max ng isa sa mga security guard. Pinayungan sila upang hindi masyadong mabasa, samanalang nakatayo pa rin ako sa damuhan at hindi gumagalaw. 

  Dahan-dahan akong tumingin sa may pinto at sa tabing bintana. Nandoon si Airiam, Julius, Ricka, at ate Jean. Nag-aalala't malungkot silang nakatingin sa akin. Subalit nung makita ako ni Jin, nakita ko na may sinabi siya sa kapatid niya bago inurong ang kurtina. 

  "Hindi na namin kayo gustong makita. Umalis na kayo rito bago ko pa ipatawag ang mga police." Si Tito Max na ang nagsabi bago niya iginiya ang asawa niya paloob ng bahay. Samantalang hinawakan muli ako ng dalawang security guard upang paalisin sa area. 

  Patulak nila akong pinalabas at dahil sa nanghihina ako, natalisod at nasubsob ako sa basang simento. Napadapa ako.

  "Hoy!" Pagalit na sita ni Harvey sa dalawang security guard bago niya ako paluhod na nilapitan upang tulungan tumayo. Narinig ko ang pagsara ng gate habang napatingin naman doon si Harvey, nanggalaiti ang ngipin niya pero nagawa pa rin niyang kumalma para sa akin. "Umuwi na tayo." He also tapped my back, bagama't wala pa ring bumubuka sa bibig ko. 

  Inangat ko ang kalahati kong katawan, tumitig sa simento habang isa-isang nagsisibagsakan ang basa mula sa ulap, buhok, katawan, at mata ko. 

  Unti-unti kong ikinuyom ang kamao ko. Ngayong alam kong hindi ko makikita ang mga ngiti ni Mirriam dahil sa mga nangyari, hindi ko magawang hindi sisihin ko. 

Kasalanan ko, bakit ba wala ako sa tabi ni Mirriam nung mga araw na 'yon? Kung nandoon lang ako, malamang hindi naman 'yon mangyayari sa kanya, eh. Makikita ko pa rin siya at makakasama. 

  Makikita ko 'yung ngiti niya, mahahawakan ko ang mga kamay niya at masayang naglalakad sa kung saan. 

  "Krrr…" Inangat ko ang ulo ko't tumingala dahilan para bumagsak ang malakas na ulan sa mukha ko. 

  Tulungan mo 'ko, God… Tulungan mo 'ko… 

***** 

Related Books

Popular novel hashtag