Chereads / Finding Sehria / Chapter 10 - Chapter 9 - The Distance Between Us

Chapter 10 - Chapter 9 - The Distance Between Us

Pula at itim.

Iyon lamang ang tanging kulay na nakikita ko nang imulat ko ang mga mata ko.

Pula, dahil sa malalaking liyab ng apoy na kumakalat sa paligid.

Itim, dahil matapos tupukin ng apoy ang bawat parte na madadaanan nito, nilalamon naman ito ng makakapal at itim na usok.

Nasa gitna ako ng isang napakalaking kagubutan at hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na 'to. Nasaan ba ako?

Naglakad lakad ako hangang sa makarating ako sa dulong bahagi ng kakahuyan. Ang pagkalat ng apoy sa paligid ay hindi ko na alintana. Ang tanging sinusunod ko lang ay ang kabog ng puso ko na nagsasabing huwag akong mangamba dahil ligtas ako.

Parang may kusang pag-iisip din ang mga paa ko. Dinala ako nito sa harap ng isang napakalaking puno. Lagas na ang mga dahon nito at natutuyo na rin ang mga sanga nito, mababakas na ang katandaan sa punong iyon.

Hindi ko na namalayan ang pag-angat ng kanang kamay ko at hinaplos ang gitnang bahagi ng puno na nasa harap ko. Parang may kung anong mahikang taglay ang kamay ko dahil bigla na lang itong nagliwanag.

Sa gulat ko ay napaatras na lamang ako. Wala akong ibang maramdaman kundi pagkamangha lalo pa nang unti-unti umusbong ang mga dahon sa sanga nito at namukadkad ang mga kulay puting bulaklak nito.

Paano nangyari na ang kaninang patay na puno ay namumukadkad ng magagandang bulaklak ngayon? Nasaan ba talaga ko?

"Sehira."

Napapitlag ako nang may bumulong sa hangin. Sinagot nito ang mga katanungan sa isip ko. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin kung saan nanggagaling ang napakagandang boses na yun, ngunit bigo ako. Wala akong makitang kahit na anong bakas na may iba akong kasama sa lugar na ito.

"Sehira. Iligtas mo ang Sehira." Muling sabi ng boses. Boses babae ito. Bakit napaka-pamilyar ng boses na yun?

"Sino ka?"

Lumapit ako sa malaking puno, tinignan ko rin ang bandang likuran nito, nagbabaka sakaling mahanap ko doon ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses pero wala pa din akong nakita. Para akong pinaglalaruan ng kung ano.

"Nararamdaman kong malapit mo na akong matagpuan. Pakiusap, hanapin mo ako bago ka pa nila maunahan." Parang nagsusumamong bilin pa nito.

"Sehria? Ikaw si Sehria hindi ba? Magpakita ka! Sabihin mo kung paano kita mahahanap!" sigaw ko sa kawalan. Daig ko pa ang nakikipag-usap sa hangin.

"Buksan mo lang ang puso mo, pakinggan ang sinasabi nito at mahahanap mo ang kasagutan."

******

BLAAAAAAG!

Nagising ako dahil sa malakas na pagkakabagsak ko mula sa higaan. Imbes na bumangon ay nanatili lamang akong nakahiga sa malamig na sahig. Nakatitig ako sa kisame habang pilit na sinasariwang muli ang panaginip ko. Ilang araw ko na kasi itong napapanaginipan pero hanggang ngayon, wala pa din akong makuhang sagot. Nakakaaning na talaga! Konti na lang talaga baka sa mental na ang bagsak ko.

"Lorelei, anak. Gising ka na ba? Baba na nang makakain ka," narinig ko ang pagtawag ni mama kaya dali dali akong bumangon at inayos ang higaan ko.

Sapo sapo ko ang pwet ko habang naglalakad ako pababa, medyo masakit yung pagkakabagsak ko. Parang nagkapasa ata ang pisngi ng pwet ko.

"You look like shit."

Sa isang iglap parang gusto ko nang mamatay nang maabutan ko si Janus na nasa hapag-kainan at umiinom ng gatas. Hayup! Anong ginagawa niya sa pamamahay ko?

"Nak, baka gusto mong maghilamos muna? May panis na laway ka pa," mapang-asar na paalala pa ni mama. Hiyang hiya ako mga friend!

Tumakbo na lang ako papunta sa cr para maligo na at ayusin ang sarili ko. Na-conscious din naman ako nung kay Azure, pero hindi ganito ka-conscious! Huhuhu Baka isipin niya ang dugyot ko. Bawas ganda points. Okay, self. Kalma tayo.

Taas noo akong bumalik sa kusina nang matapos akong maligo. Nakasuot na rin ako ng uniform ko. Sinubukan kong huwag maapektuhan nang tapunan ako ng tingin ni Janus. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito gaya ng dati, pero may kakaiba sa mga tingin niya. Parang pinag-aaralan niya ko. Tumabi na lang ako sa kanya para hindi naman obvious na tinatablan ako ng hiya pagdating sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Pasimple ko siyang sinulyapan.

"Azure asked me to keep an eye on you," sagot niya habang binubuksan ang takip ng peanut butter. Nagsalubong pa ang dalawang kilay nito dahil hirap na hirap siya sa pagbubukas. Such a cutie patootie.

Inagaw ko sa kanya yung garapon ng peanut butter at binuksan iyon ng walang kahirap-hirap. Mali kasi ang pag-ikot niya ng takip, dapat pakanan.

"Magaling nga makipaglaban, sa pagbukas naman ng takip ng peanut butter, weak." Pang-aalaska ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Bago pa siya mapikon ay kumuha na lang ako ng tasty bread at pinalamanan yun para sa kanya. Pagsilbihan si boy kidlat, tutal bisita.

"Bakit pala ko pinapabantayan ni Azure?" tanong ko.

"Because you're stupid."

Sanay na ko sa tabas ng dila ng lalaking ito pero di ko pa rin mapigilan ang mainis. Ang sarap niya salaksakin ng kutsara sa bibig. Si mama naman nakatingin lang sa amin, akala mo nanunuod ng teleserye. Saya saya niya eh.

"Ikaw ba hijo, nililigawan mo ba itong anak ko?" biglang tanong ni mama.

Nakita ko naman kung paano namutla si Janus, nailuwa niya din yung tinapay na kinakain niya. Kadiri! Where is your manners, boy?

"No! I'm not courting her. She's just an acquaintance," mabilis na sagot nito.

Nakakainsulto ang ginawa niya! Sukang suka ba talaga siya sa akin? Ganun ba niya kaayaw sa akin? Acquaintance talaga? Hindi pwedeng kaibigan? Akala ko ba close na kami?May naramdaman akong mabigat sa dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung ano yun.

"Grabe ka naman sa anak ko hijo. Ganda ganda ng anak ko eh. Ligawin kaya yan," pagtatanggol ni mama. Ganyan nga mother, iangat mo ang pagkatao ko na niruyakan ni boy kidlat.

"I'm sorry ma'am," he whispered softly.

Tumawa lang si mama. Tumingin din sa akin si boy kidlat pero inirapan ko siya. Nakakapeste ka po ng umaga!

*****

"Lei, nakapagreview ka ba sa precalculus? Pakopya naman."

Hindi pa ko nakakaupo sa upuan ko, pinuputakte na agad ako ni Elliot. Wala na nga ko sa mood, mas lalo pang nasira ang araw ko dahil sa ibinungad niya.

"May exam ba?" nakakunot noong tanong ko.

"Meron. Ayan kasi, si Janus na lang ba lagi laman ng utak mo kaya nakalimutan mong may exam?"

Ikinuyom ko ang kamao ko at itinapat sa pagmumukha niya. Ang lakas ba naman ng bunganga niya, baka may ibang makarinig at mapag-tsismisan na naman ako. Dami pa namang tsismosa sa paligid. Mabuti na lang wala ding masyadong nakapansin na sabay kaming pumasok ni Janus.

Nagpeace sign sa akin si Elliot, pero yung ngiti niya nakakaloko pa din. Sapakin ko kaya 'to? Paisa lang?

Hanggang sa makaupo ako ay nakabuntot pa rin siya sa akin. Umupo siya sa upuan ni Glessy. Nakakalungkot kasi hanggang ngayon hindi pa rin niya kami pinapansin. Lumipat din siya ng upuan. Masyado siyang mailap kaya hindi pa din namin siya nakakausap ng maayos.

Sabi ni Austin bigyan lang daw muna namin ng space si Glessy. Hanggang kailan naman kaya? Miss na miss ko na si bulinggit.

Hindi naman ganun kahirap ang exam namin sa precalculus kahit hindi pa ako nakapagreview. Basta alam mo lang ang tamang equation sa problem, madali na lang yun. Kaya hindi totoo ang sinasabi ni Janus na stupid ako, mukha niya ang stupid! Feeling gwapo.

'Gwapo naman talaga siya,' bulong ng isang bahagi ng isipan ko. Weh, epal.

Sa kabilang banda, mukhang mabobokya naman si Elliot. Ang higpit ba naman ng pagbabantay sa amin ng teacher namin kaya hindi ko siya mapakopya. I am sorry my friend.

Si Fina naman ay chill chill lang din sa tabi ko, matalino naman din yan. Hindi na niya kakailanganin ang tulong ko sa Math.

"Hoy, sabay daw sa atin si Janus mag-lunch." Malakas na tinapik ni Austin ang likuran ko. Gusto ko tuloy buhatin yung upuan at ibato sa kanya. Hayup na 'to! Paano kung malaglag ang baga ko dahil sa malakas na pagkakatapik niya?

"Fina, yung boyfriend mo! Itali mo nga yan," ganti ko. Agad namang namula yung dalawa. Balita ko nagkaaminan na 'tong dalawa eh. Ship is sailing na talaga. Wala nang titibag. Kahit pa ang iceberg na nagpalubog sa Titanic, hindi kayang palubugin ang ship ko.

"T-Tara na nga sa canteen," nauutal na yaya ni Fina. Kinikilig ang gaga.

"Humanda ka talaga sa akin Lei. Kapag ako nakahanap ng baho mo, tapos ang maliligayang araw mo," he laughed evilly. Nagtinginan pa sila ni Elliot. Bigla akong kinabahan.

Hudas, Barabas, Hestas! Kailangan kong mag-ingat sa dalawang 'to.

Pinauna ko na lang muna sila sa canteen dahil tinatawag ako ng kalikasan. Nasa pinakadulong bahagi ako ng cubicle, saglit na nagmumuni-muni. Naramdaman kong may pumasok, ang ingay pa ng mga bunganga nila. Parang kilala ko kung sino sila.

"Nakita ko si Janus kanina, kasabay sila ni Lei pumasok. Sila na ba?"

Wait? Pinagtsitsismisan ba nila ko? Mga inggiterang froglets.

"Grabe talaga yang si Lei. Lahat na lang ata ng lalaki, nilalandi niya. Kunwari kaibigan lang pero may hidden agenda pala," sabi naman ni Edelyn. Hinding hindi ako maaaring magkamali. Boses niyang parang palaka ang naririnig ko.

"She's not like that."

Parang gusto kong lumabas sa cubicle at yakapin si Glessy nang marinig ko ang boses niya. Miss na miss ko na talaga siya. Mabuti na lang kahit sina Edelyn ang kasama niya nitong mga nakaraang araw ay hindi siya naiimpluwensyahan ng mga ito.

"Come on, Glessy. Bakit pinagtatanggol mo pa yun? You like Janus, right? Okay lang sa'yo na inaagaw siya ng taong tinuring mong kaibigan?" pangdedemonyo pa ni Edelyn.

Wala akong inaagaw. Hindi totoo yan. Gusto kong sumagot pero tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

"Hindi ba sabi mo nagseselos ka kapag magkasama sila?" gatong pa nung isa.

Naghintay ako ng isasagot ni Glessy pero ilang segundo itong nanahimik. Nagseselos siya?

"I like Janus. Sobrang gustong gusto ko siya. Pero anong laban ko kay Lei? Siya naman lagi ang gusto ng lahat. Kahit kay Franco, hindi ko nagawang manalo sa kanya."

Tila isang babasaging baso ang puso ko. Nung una ay lamat lang ang nandun, ngunit tuluyan itong nabasag dahil sa mga rebelasyon niya. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Kakumpetensya ba ang tingin niya sa akin? May gusto siya kay Franco noon? Hindi. Baka mali lang ako ng dinig.

"Then fight for your man! Support ka namin." Parang lason sa isipan ang boses ni Edelyn.

Gustong gusto kong ilayo si Glessy mula sa kanila pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Natatakot ako na sa paghakbang ko palapit sa kanya, mas lalo lang siyang lumayo sa akin. Palaki na nang palaki ang distansyang namamagitan sa amin. Paano ko ba ito tatawirin?

Anong klase ba akong kaibigan? Wala man lang akong ideya sa totoong nararamdaman niya.

Hinintay ko muna silang umalis bago ako lumabas ng cubicle. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihilamusan ang mukha ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pwede bang panaginip na lang ito? Pwede bang hindi na lang totoo ang mga narinig ko?

"Bakit ang tagal mo? Akala ko nilamon ka na ng inidoro," nakangising sambit ni Austin nang maupo ako sa tapat niya.

"Mukha mo, inidoro." Pinilit kong magbiro sa kabila ng mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.

"Umiyak ka ba? Bakit namumula mata mo?" nag-aalalang tanong ni Fina.

I smiled at her, trying to put up a facade. "Nasundot ko nung maghilamos ako. Ang sakit nga eh."

"Baka naman nag-aadik ka na, Lei. Magsabi ka nga sa amin," biro pa ni Elliot kaya binatukan naman siya ni Fina at Austin. Sa gitna pa ng dalawa siya umupo, ayan tuloy napala niya.

"Ano na Janus? Kain kain na lang tayo diyan?" Baling naman ni Elliot kay Janus.

Hindi ko napansin na nakaupo pala ito sa tabi ko, abala siyang kumakain ng ice cream. Wala talaga 'tong pake sa paligid niya basta may ice cream sa harap niya. Para siyang inosenteng bata kung minsan.

Nilingon niya ko, matagal siyang tumitig sa akin. Nakakahipnotismo ang magandang mata nito kaya umiwas ako ng tingin. Aaminin ko, may epekto sa akin ang mga tingin niya ngunit sinaway ko ang sarili ko. Hindi ko na ito dapat maramdaman pa sa kanya. Kung anuman ang umuusbong na damdamin ko para sa kanya, papatayin ko na agad yun habang maaga pa.

"Are you okay?" He asked, worry lace in his voice. Hindi ko siya kinibo at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain sa harap ko. Nakatingin lang ako dito ng ilang minuto, ang totoo niyan ay nawalan na rin talaga ako ng gana kumain.

I was caught off guard when I feel Janus' hand on my forehead. Para akong nakuryente dahil sa ginawa niya kaya nahampas ko bigla ang kamay niya.

"Ano ba?!" Nagpanic ako kaya napataas ang boses ko nang hindi ko namamalayan.

"Sorry, I was just checking if you're sick," he said almost in whisper. He sounded so calm. Malayong malayo sa Janus na laging nakabulyaw sa akin.

"Problema mo, Lei? Concern lang yung tao," sita naman ni Austin. I just hung my head low. I couldn't even look at Janus. Nahiya ako bigla dahil sa inasal ko.

"You look so down, Lei. May nangyari ba?" Fina asked once again.

"Okay lang. Punta lang akong clinic. Sumakit bigla ang tiyan ko," pagdadahilan ko.

Ang hirap talagang magpanggap na okay ka lalo sa harap ng mga taong kilalang kilala ka.