Chereads / Finding Sehria / Chapter 11 - Chapter 10 - Together

Chapter 11 - Chapter 10 - Together

Nagtungo ako sa clinic nang may mabigat na dinadala sa dibdib ko. Sana may gamot para dito o kaya itutulog ko na lang 'to tapos paggising ko, maayos na ulit ang lahat.

Ito ang isang bagay na ayokong maramdaman. Sino bang tao ang may gustong makasakit ng kaibigan? Ang hirap ng ganito, wala akong kamalay malay na nakakasakit na pala ako.

Minsan talaga nakakaloko ang mga ngiting pinapakita sa'yo ng mga tao. Sana may simpleng math equation para ma-solved ko naman kung ano talagang nilalaman ng puso nila.

Humiga ako sa isang bakanteng kama at hinayaan kong tangayin ng antok ang lahat ng bumabagabag sa isip ko.

---

Natagpuan ko ang sarili ko na muling nakatayo sa harap ng malaking puno. Hindi gaya ng mga nauna kong panaginip, napakaaliwalas na ng paligid. Nakatapak ako malambot na damuhan. Wala na ang malalaking apoy na tumutupok sa kapaligiran. Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa kung saan. May mga makukulay na paru-paro din na nagliliparan sa asul na kalangitan. Para akong nasa paraiso.

Nabaling ang atensyon ko sa isang pigura na nakaupo sa may sanga ng puno. Hindi ko siya maaninag dahil napakalabo nito sa paningin ko.

"Kamusta ka na?" tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang tumulo ang luha ko. May pamilyar na emosyon na umusbong sa puso ko. Pangungulila? Bakit pakiramdam ko, sabik na sabik ako sa kung sinumang nagmamay-ari ng boses na yun?

Lumapit ako sa kanya para mas lalo siyang makita, ngunit napakalabo talaga niya. Para siyang ilaw na aandap-andap sa paningin ko.

"Dalagang dalaga ka na nga."

Napakalungkot ng boses niya. Ramdam ko rin ang pangungulila niya sa akin. Gustong gusto ko siyang yakapin. Gustong gusto ko siyang makita. Pero sino ba siya?

"Umuwi ka na, anak. Hinihintay kita."

Rumagasa ang luha sa mga mata ko, tila isang ilog na walang katapusan na umaagos. Naramdaman ko ang pagbaba niya mula sa sanga. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya pero tila walang lakas ang mga paa ko para humakbang. Dahan dahan siyang lumapit sa akin, akala ko sa bawat hakbang niya palapit ay magiging malinaw ang imahe niya pero kabaligtaran ang nangyari. Habang palapit siya nang palapit, unti-unti rin siyang naglalaho hangang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

---

Napabalikwas ako sa kama, pawis na pawis. Hinahabol ko ang paghinga ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng puso ko, kanina pa mabigat ang nararamdaman ko pero parang lalo lang itong nadagdagan dahil sa panaginip ko. Pinilit kong alalahanin kung tungkol saan ang panaginip ko pero hindi ko ito matandaan.

Wala sa loob na napahawak ako sa pisngi ko. Basang basa ito ng luha.

"Hey, what happened? Why are you crying?"

Bumungad sa harap ko ang nag-aalalang mukha ni Janus. Umupo siya sa tabi ko, pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya. Dahil sa ginawa niya, muli akong napaiyak. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako biglang nagkaganito.

"Ang sakit sakit dito," pag-amin ko. Tinuro ko ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko. Hindi ko na matukoy kung anong dahilan nung sakit. Dahil ba kay Glessy o may matinding dahilan pa ang pagkirot nito.

"Ssshhh. It's okay. Just let it out. I'm here, I will listen." He locked me inside a comforting embrace and I found myself crying in his arms.

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin habang sinasabi ko sa kanya ang mga nagpapabigat sa dibdib ko. I end up telling him everything. Para akong bukas na libro sa harap niya, wala akong itinago. Sinabi ko din ang tungkol sa boses ng babaeng napapanaginipan ko nitong mga nakaraang araw.

"May kulang. Pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko, pero hindi ko alam kung ano ito. Akala ko tanggap ko na ang lahat, pero parang hindi sapat yung nalalaman ko. Bukod sa pagiging Sehir, sino ba ako?" paglalabas ko ng hinaing sa kanya.

"I know how it feels." I heard him sighed.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Medyo nanakit na ang mata ko, dahil sa kakaiyak ko siguro. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para titigan siya ng diretso sa mata niya. Wala na akong pake kung makita niyang maga na ang mata ko. Pakiramdam ko mahahanap ko sa mga mata niya ang kasagutan.

"I have these weird dreams too," he continued. "It was a voice, she's calling me. She wants me to find her."

Kinuwento niya ang tungkol sa mga panaginip niya dati. Parehas na parehas ito sa mga panaginip ko nitong nakaraang araw.

"For years, I keep searching for her. I keep looking for an answer, until one day those dreams suddenly stop coming. It stop the moment I met you." Diretso siyang nakatingin sa akin habang sinasabi niya yun, I could see myself reflecting on his soft-brown eyes.

"The voice sounded like you. I know, it's you from the start, I just don't want to admit it."

"Sigurado ka?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Kung ako yung babae sa panaginip niya, bakit naman ako magpapahanap sa kanya. At bakit napapanaginipan ko rin ito?

"I feel empty here too," tinuro niya din ang puso niya. "But I've never felt so complete my whole life until I met you." His gaze never leaving mine. The emotion in his eyes are real and it made my heart beats crazily.

Ang bilis bilis ng tibok nito. Gusto kong umatras palayo sa kanya para saglit na makahinga pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Hindi ko magawang bumitaw dahil nanaig din ang kagustuhan kong maramdaman ang init na nagmumula sa kamay niya. Mas lalong nagwala ang puso ko.

Kinain ko ang sinabi ko kanina, hindi ko kayang patayin ang nararamdaman ko sa kanya. Huli na para pigilan ko pa ito, dahil ang totoo matagal na akong hulog sa kanya.

"Pero paano kung si Sehria ang babae sa panaginip mo at hindi ako?" Nangangamba ako. Paano kung mali siya?

"I'm sure it's you. I know you're confused too, but together we will figure this out, okay?"

Tumango ako. Tila naubusan ako ng salitang sasabihin sa kanya. Parang kailan lang halos magpatayan na kami sa sobrang inis sa isa't isa pero heto kami ngayon magkahawak ang kamay. Parang ayaw na nga niyang pakawalan dahil ang higpit ng hawak niya. I'm glad to know that I was the one who filled that void in his heart.

"Hoy, ano yan? Bakit may holding hands? Kayo ha."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang dumating si Elliot kasama sina Austin at Fina. Mabilis akong bumitaw kay Janus pero kinuha niya ulit ang kamay ko.

"What?" Inosenteng tanong niya nang pandilatan ko siya ng mata. "They should know about us," sabi pa niya.

"Anong 'us'? Kapal nito! Parang kaninang umaga lang diring diri ka sa akin. May 'she's just an acquaintance' ka pang nalalaman," panunumbat ko. Binabawi ko ang kamay ko sa kanya kaso parang inasar niya ko lalo, mas hinigpitan niya ang hawak dito at winagayway sa harap ng mga kaibigan namin. Siraulong 'to!

"I lied okay? If you want me to court you then I will court you starting tomorrow."

Bwisit ka, Janus! Huwag mo kong pakiligin.

"Woaaaaaaaah! Kidlat ka ngang tunay!"

"Tatahi-tahimik, pero matinik."

"Kaya pala masungit kay Lei, the more you hate the more you love talaga."

Kanya kanyang komento ng mga kaibigan ko. Halos mabingi din ako dahil sa sunod sunod na hiyawan nila Elliot at Austin. Para silang mga kiti-kiting kinikilig, kalalaking tao. Nagsasasayaw pa ang mga ito. Mabuti na lang walang ibang tao dito sa loob ng clinic, wala din ang nurse kundi baka naitapon na kami palabas ng Earth. Si Fina naman nakatingin lang sa magkahawak naming kamay ni Janus, nangingiti ang gaga.

Ayoko na! Nakakahiya na. Lupa, lamunin mo ko please.

"It's payback time, Lei! Mouhahahaha!" Parang demonyong humalakhak si Austin. Sigurado akong gaganti 'to ng pang-aasar sa akin.

Hayup ka talaga!

*****

"Huwag mo kong sunduin bukas. Pwede ba yun?" Para akong sirang plaka na paulit-ulit na nakikiusap sa kanya. Nakakailang tanggi na din siya. Ang tigas ng ulo mo boy kidlat.

"Why?"

"Ayoko kasing mapag-usapan na naman sa school."

"Are you ashame of me, woman?" Nagsalubong na naman ang kilay niya. Ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Oo na self, hulog na hulog ka na nga sa kanya. Hindi ko napigilang pisilin ang magkabilang pisngi niya. Hindi naman siya umangal.

"Gago ba ako? Bakit kita ikakahiya? Kung pwede nga lang ipagsigawan ko sa school ang pangalan mo, gagawin ko. But let's be sensitive, okay? Alam mo na, yung kay Glessy," paliwanag ko. Naintindihan naman niya. Akala ko makikipagtalo pa siya.

"Okay, just let's be clear here. You won't avoid me after this," paniniguro niya.

"Oo naman!"

"You will let me hold your hand in public," dagdag niya pa. Nag-init na naman tuloy ang pisngi ko.

"Oo, pero pag andiyan si Glessy bawal ha?"

"Alright," he sighed, defeated. Lumukot ang mukha niya. Halatang ayaw niya naman talaga pero no choice siya. Ako ang masusunod. Charing!

"Pasok na ko. Kita na lang tayo sa school bukas," paalam ko.

Nakasimangot siyang tumango sa akin. Bugnutin talaga nito. Para mawala ang inis niya, mabilis ko siyang hinalikan. Tumingkayad pa ako dahil sobrang tangkad niya. Sa pisngi ko lang dapat siya hahalikan pero tumama ang labi ko sa labi niya dahil natumba ako sa pagtingkayad ko. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Maging ako ay nagulat din sa nangyari.

"Bye!" Tumakbo ako papasok ng bahay namin at sinara ang pinto. Hindi ko na kayang hintayin pa ang reaksyon niya dahil baka mauna pa akong matunaw sa harap niya.

"Bye, Lei. Can't wait to see you tomorrow."

Tumatagos sa pintuan ang saya at sigla sa boses niya. Hawak hawak ko ang labi ko, kahit saglit lang yun ramdam na ramdam ko pa din ang labi niya. Napangiti na lamang ako na parang isang baliw.

*****

Maaga akong pumasok kinabukasan. Well, lagi naman talaga akong maagang pumapasok. Gaya nang napag-usapan, walang Janus na sumundo sa akin sa bahay. Kaso pagdating ko sa locker area, nandun siya nag-aabang.

Nakasandal siya sa hilera ng mga locker na malapit sa locker ko. Nakasilid ang dalawang kamay niya sa bulsa niya. Pinagtitinginan din siya ng ilang estudyante kasi ang gwapo niya sa postura niyang yun.

"Good morning!" nakangiting bati nito. I almost got a mini heart attack. Huwag nga siyang nangiti bigla.

"Good morning, boy kidlat!" I acted naturally. Nilakasan ko pa ang boses ko dahil natatakot ako na may makarinig ng kabog ng dibdib ko, ang lakas kasi.

Binuksan ko ang locker ko para ilagay ang mga gamit ko sa loob. Pasimple namang lumapit sa akin si Janus.

"How's your sleep?" tanong nito.

"Okay lang naman. Masarap ang tulog. Bakit?"

Pilyo itong ngumisi. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko. "Damn, woman. I couldn't sleep last night because of what you did."

"Ano bang ginawa ko?" pagmamaangan ko. Tinatagan ko ang boses ko kahit ang totoo gusto ko nang maglaho nang maalala ko ang ginawa kong paghalik sa kanya kagabi.

"Do you really want me to remind you that, or should I kiss you too so we're even?" bulong nito na parang nanghahamon. Kinabahan ako dahil mukhang seryoso siyang gagawin niya ang sinabi niya. Help!

"Uy, Lei. Kanina pa kita inaantay. Tara sa gym, badminton tayo." Biglang dumating si Elliot na siyang pinagpasalamat ko.

Agad namang nawala ang ngiti sa labi ni Janus nang umakbay sa akin si Elliot. Nakita kong kumikislap ang kanang kamay ni Janus, napansin din ito ni Elliot kaya mabilis niyang inangat ang dalawang kamay niya sa ere.

"Tangina, pre! H-Huwag kang seloso. Hindi kami talo ni Lei." Itinulak pa ako ni Elliot palapit kay Janus. Gagong 'to!

"Diyan ka na nga, Lei. Ayaw na kitang kakampi, ayokong matusta."

Natawa ko dahil kumaripas ito ng takbo. Madapa-dapa pa siya.

"Punta na ko sa gym," paalam ko. P.E kasi ang first subject namin. Hindi siya umimik, nakatitig lang siya sa akin.

Aalis na sana ko kaso bigla niya kong hinila at niyakap. Gusto ko na talagang matunaw. Ang sweet ni boy kidlat. Mabuti na lang nakaalis na ang ibang estudyante at kaming dalawa na lang ang nandito sa locker area.

"Don't let other guy touch you," he whispered softly. Possessive naman this boy.

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa akin at pinagdikit niya ang mga noo namin. Habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa, pakiramdam ko panandaliang tumigil ang oras para sa aming dalawa, na parang kami lang ang tao sa mundo. Nawala sa isip ko ang takot na baka may makakita sa amin na ganito kalapit.

"Wanna cut class with me?"

Hindi ako huwarang estudyante pero sa tanang buhay ko, hindi ko pa nagagawang magcutting classes. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'to dahil namalayan ko na lang ang sarili ko na pumapayag sa gusto niya.

*****

"Bad influence ka, alam mo yun?"

I heard him chuckled. "You could have said no, but here you are with me."

"Binudol mo kaya ako," katwiran ko.

"I didn't do anything. You just really can't resist my charm."

Napairap na lang ako sa kanya. Pinisil-pisil naman niya ang kamay ko na kanina niya pa hawak. Parang may super glue na nga eh. Hindi na maalis pagkakahawak niya. Akala mo naman mawawala ako.

Nakasakay kami sa harap ng jeep papunta sa mall. Nagtext na lang ako kay Fina, sinabi ko sa kanya ang totoo para siya na ang bahala na pagtakpan ako sa mga teacher namin. I am sorry, mama.

Mahigit isang oras pa bago magbukas ang mall kaya tumambay na lang muna kami sa isang convinience store. Sa bandang sulok kami pumwesto para medyo tago. Para tuloy kaming mga pugante. Hirap talaga kapag gumawa ng ilegal.

Panay ang kwento ko sa kanya ng kung ano para maaliw siya, tahimik lang siyang nakikinig. Minsan naman tumatawa siya kapag nagjojoke ako. Kahit nga korni, tumatawa pa din siya. Ang sarap sa pandinig ng tawa niya. Hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong side niya. I feel so special dahil tanging sa akin niya lang pinapakita ang side niyang ito.

"I know I'm handsome, but quit staring."

"Feeling mo naman, doon kaya ko kay kuyang pogi nakatingin." Tinuro ko si kuyang nasa counter. Nilingon niya ito saglit pagkatapos ay tinaliman niya ako ng tingin.

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro. Gusto mo ng ice cream?" tanong ko pero umiling lang siya. Hala! Nagtampo na. Pati ice cream tinanggihan niya.

"Bati na tayo. Huwag ka nang magalit," paglalambing ko

"Ayaw mo ba ng ice cream?" Hindi pa din siya naimik. Ang hirap suyuin, masyadong pa-chicks. Sabi ko nga eh, hindi ko na siya bibiruin.

"Ano bang gusto mo boy kidlat koooooo?" pasweet na ang boses ko, para kong tanga.

Umiwas siya ng tingin sa akin pero huling huli ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para makita ko ulit yung reaksyon niya. Bigla siyang humarap sa akin kaya halos magtama na naman ang mga labi namin. Mabuti na lang mabilis akong nakaatras. Muntik na yun!

Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ko nang bigla siyang magtanong.

"Can I kiss you?" Siya naman ang naglapit ng mukha niya sa akin.

Malakas ko siyang naitulak at nahampas sa balikat. Masyado siyang mabilis. Kasing bilis nga naman talaga siya ng kidlat.

"Slow down, my boy. Slow down. Hindi pa kita boyfriend kaya huwag kang makahingi-hingi ng kiss diyan ha!"

"But you kissed me yesterday even though I'm not your boyfriend, not yet."

Natameme ako. Ramdam na ramdam kong nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko. Kailan ba ako mananalo sa lalaking 'to? Lagi na lang siyang may bala laban sa akin. Help, mama.

"Kidding. I'm just teasing you," patawa-tawang saad niya. "You really look cute when you blush."

And boy, I really love it when you smile.