Chereads / My Beast Boss / Chapter 65 - 64. To Love Somebody

Chapter 65 - 64. To Love Somebody

"Ate mag-iingat ka ha?" niyakap ko si Dwayne maging ganun rin siya sa'kin. Pagkatapos ay kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't-isa.

"Let's go love?" napa-sulyap naman ako kay Logan nang namataan kong nasa tabi ko pala siya. Sandali ay ipinulupot niya ang kanyang bisig sa aking bewang.

Bigla naman akong napa-baling kay Dwayne nang marinig kong napa-ubo siya. Pagdaka'y mapalad siyang napa-ngiti siya sakin pati kay Logan habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'min. Nag-salubong naman ang kilay ko.

"Ingat ate Marsha! Paka-buntis ka este ingafjksmmabsj.." napakagat-labi ako at bahagyang napa-yuko matapos kong marinig iyon kay Dwayne nang lumabas na kami ng bahay.

Letseng Dwayne 'yon! Pinapahiya pa ako kay Logan. Ugh! Saka narinig kong parang may huli pa siyang sinabi sa'kin eh, hindi ko na narinig eh. Ugh! Yari sa'kin 'yon pag-uwi ko.

Pinasakay muna ako ni Logan sa loob ng sasakyan saka siya umikot papunta sa driver's seat. Ngitian ko siya ng tapunan namin ng tingin ang isa't-isa, saka gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kasunod naman ay binuksan niya na ang engine ng sasakyan saka niya pina-takbo iyon.

Habang nasa biyahe kami, naging mapayapa lang iyon. Naka-tanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan dahil wala namang kaming imikan.

Hindi ko alam kung bakit wala akong masabi sa kanya. Pero kasi, dahil ginugulo ang isip ko tungkol sa sinabi kanina ni Dwayne. Sa isip-isip ko, nakakahiya na tuloy siyang kausapin kaya wala rin siguro akong masabi sa kanya.

Pero sandali, tungkol naman dito--matapos ang pag-uusap namin ni Dwayne kanina tungkol sa mga nakaraan ko, sinubukan kong manood ng mga videos na ipinayo sa akin ni ate Cecil. Sa una, parang ang sagwa panoorin, pero naging interesado akong panoorin 'yon dahil pakiramdam ko kasi, mas masarap kapag mangyari siguro iyon sa amin ni Logan. At nakaka-engganyong panoorin iyon.

Tungkol naman ulit doon, marami pa akong kinuha na mga impormasyon tungkol nga sa pakikipag-talik. At isang bagay rin na nalaman ko doon ay inalam ko rin na dapat ay akitin ko rin si Logan. Hanggang sa magawa ko na yung pakay ko.

Matapos ang ilang oras ko sa pag-bababad ko sa panonood 'non, muntik pa nga ako mahuli ni Dwayne. Buti nalang at nag-kunwari akong naka-video call kami ni Logan habang kunwari'y kausap ko siya sa cellphone ko at habang naka-earphone ako.

Pero nung maka-alis na si Dwayne, hindi ko na napagpa-tuloy 'yon dahil bigla naman siyang tumawag sa'kin. At sinabihan niya ako na tutungo siya sa bahay dahil may pupuntahan daw kami. Pero hindi naman niya sinabi kung saan, at malamang ay mukhang isu-suprise na naman niya ako. Hays. Pero mukhang exciting naman 'yon. Malalaman ko rin 'yon.

"It looks like you don't want to talk with me. Is there anything a problem?" nawala ang patago kong pag-ngiti ng marinig kong kina-usap niya ako. Napa-dapo ang tingin ko sa kanya, sabay napa-sulyap siya sa akin na may pag-tataka.

"A-ahh, wala. May iniisip lang ako.." sabay iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Is it about what?" sinulyapan ko siya sandali, at ngayon ay natanaw kong medyo lumukot ang mukha nito. "Tell me, love.." napa-yuko ako sandali ng sabihin niya iyon. Sabay napakagat-labi ako.

Sasabihin ko ba sa kanya? Ugh! Hindi pala pwede. Masisira ang plano ko.

Inangat ko ang ulo ko para tapunan siya ng tingin, sabay nginitian ko naman siya. "A-ahh, wala. M-masaya lang ako na kasama ulit kita ngayon..." pag-palusot ko. Bigla namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi matapos niya akong tapunan ng tingin. Pagdaka'y naramdaman ko naman ang kanyang palad na dumapo sa aking hita. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"I love you.." sambit niya. Hindi ko pa rin inaalis ang masaya kong ngiti sa kanya, maging ganun rin siya.

"I-love you too, love.." pagdaka'y kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon. Sandali ay, naramdaman ko naman na parang kiniliti ako tiyan ko.

------

Napa-bangon ako sa higaan ng namataan kong wala na pala ako sa kotse. Tumayo ako at naisapan ko namang libutin ang sarili ko, at napagtanto kong bago lang sa paningin ko ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Puro gawa sa tinted glass ang bawat haligi ng pader ng bahay, at gawa sa makintab na marbled ang sahig. May mga mamahaling antique vases at mga paintings ang naka-display sa pader. At isa na 'don ang painting na napukulan ko ng atensyon, nang makita ko sa painting niya na isang babae na naka-hubad, naka-postura ito habang naka-higa ito sa kama. Napa-isip naman ako sandali.

Ano kaya ibig sabihin ng painting na 'to? Sino kaya yung babae?

Sandali ay inalis ko ang tingin ko doon ng maalala kong kailangan ko palang hanapin si Logan.

Tinungo ko ang pintuan na nadaanan ko kanina, hinawakan ko ang door knob at saka ko binuksan ang pinto. Pero bago pa ako maka-labas, napa-baba ang tingin ko ng napansin kong may naka-lagay na puting kahon sa sahig na nasa labas ng pinto.

Nilinga ko ang paligid, sa paga-akala ko na baka nasa tabi-tabi lang si Logan at siya ang nag-lagay nito dito, pero hindi ko siya nakita. Napa-isip naman ako sandali kung para sakin ba itong kahon, napa-kibit balikat nalang ako. Saka ko namang naisipan na i-upo ang sarili ko sa ibabaw ng kama, at sabay kinuha ko ang kahon sabay inilagay ko iyon sa ibabaw ng kina-uupuan ko.

Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko 'to? Hays. Pero baka para sa akin talaga 'to?

Napag-desisyunan kong buksan iyon. Tinanggal ko muna sandali ang ribbon nito. Nang natanggal ko na 'yon, tinanggal ko naman ang takip ng kahon at may tumambad sa akin doon na kapirasong papel na nasa ibabaw. Kinuha ko naman 'yon at binasa ko ang naka-sulat dito.

"Once you opened the box, took out that dress and wear it love.." - Logan

Bigla naman akong nakaramdam ng ilang boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Sabay napa-ngiti ako ng mabasa ko iyon.

Binitawan ko muna ang papel na hawak ko nang tinapunan ko ulit ng tingin yung laman ng box. At nakita kong may dress doon na naka-tupi. Inangat ko iyon at napa-mangha ako matapos ko itong masilayan.

Red dress iyon na velvet cami draped dress, at open ang harap. Napansin ko ang stilletos nang makita ko rin iyon na nasa loob rin ng kahon.

Hindi na ako nag-atubili nang isinara ko na kaagad ang pinto. Hinubad ko ang suot kong damit pati ang bra ko, saka ko isinuot ko iyon. Sinubukan ko ring mag-ayos sa sarili ko. Nag-lagay lang ako ng kaunting foundation sa mukha, red lipstick at saka ko inilugay ang buhok ko.

Matapos 'non ay pinag-masdan ko ang sarili ko sa salamin. Halos mapa-nganga ako at mapangha dahil sa suot at postura ko ngayon. Hanggang kalahati lang kasi nang mga hita ko yung dress, at dahil open nga ang harap nito, halos maluwa na ang mga dibdib ko.

Napa-takip naman ako sandali sa sarili ko. Sa totoo lang, hindi talaga ako sanay sa mga ganitong dress. Pero naisip ko rin hindi ko magagawa ang pakay ko kung hindi maakit si Logan. Ugh! Tama.

Jusme, Marsha! mukhang hindi ka na mahihirapang akitin si Logan. Diyan palang sa suot mo, laglag na panga 'non. Lalo na sa ganda mo. Ugh!

Inalis ko ang pagkaka-takip ko sa katawan ko ng sinuot ko na ang heels na kasamang naka-lagay sa loob ng kahon. Kulay itim ito at mukhang two inches ang taas.

Sinubukan kong ilakad ang sarili ko at napa-ngiti nalang ako, nang sinubukan kong tignan ulit ang sarili ko sa harap ng salamin.

Humanda ka na Logan. Bulong ko sa sarili nang may mapalad na ngisi.

Hindi na ako nag-atubili pa at lumabas na ako ng kwarto. Nang makalabas na ako ay sinara ko naman ang pinto.

Pero bago pa ako maka-tuntong sa labas ng bahay, napansin kong may papel na naka-dikit sa pader na nadaanan ko. Napa-ngisi ako. Kinuha ko naman iyon at saka ko binasa.

"Go there outside. I'm waiting for you, love.." - Logan

Dinala ko yung mga papel na sinulatan niya. Hanggang sa naka-labas na ako ng bahay, napansin kong buhangin na ang natatapakan ko ng mapa-baba ako ng tingin doon.

Napansin ko rin ang rumaragasang ingay ng hampas ng tubig sa dagat nang mapa-baling ako ng tingin doon, malapit sa kinatatayuan ko. Nalanghap ko naman ang sariwang hangin na sumampal sa aking mukha.

Ibig sabihin, nasa beach kami? Pero saan namang lugar kaya ito? Baka nasa cebu ulit kami?

Pagdaka'y inihakbang ko na ang mga paa ko habang ginagala ko ang mga mata ko sa paligid. At mula naman sa nilalakaran ko, natanaw ko malapit ang isang masayang ilaw na nanggagaling sa isang kubo nandoon. At siguro ay nandon na nga si Logan at nag-hihintay na sa akin.

Hanggang sa maka-rating ako doon, tumigil na ako sa pag-lalakad nang matanaw ko siya doon na naka-tayo at naka-talikod sa akin. Habang hawak-hwak niya sa kanang kamay niya ang kopita na may alak.

Sandali ay, napa-tingin naman ako sa set-up ng table--may flower doon sa malliit na vase, may wine at mukhang inihanda niya iyon para sa'ming dalawa. Pagdaka'y, ibinalik ko na ulit ang paningin ko sa kanya.

Naka-suot siya ng black italian navy suit, na tinernuhan ng puting damit sa panloob, naka-black necktie ito at pati ang pants. At masasabi ko naman na bumagay iyon sa kanyang guwapong mukha na natatanaw ko ngayon mula sa kinatatayuan ko. Napangiti ako.

Humakbang ako papa-lapit sa kanya habang napansin kong sumisimsim siya ng alak. Niyakap ko naman siya mula sa kanyang likuran. Pagkatapos ay, hinalikan ko siya ng mabilis sa kanyang pisngi.

Napa-pitlig naman ang ulo niya, sabay inikot niya ang kanyang katawan paharap sa akin. Nang makita na niya akong naka-tayo ngayon sa harap niya, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, at mukhang napa-suri siya sa'kin.

"Anong masasabi mo love? Bagay ba sa akin?" masayang sabi ko sa kanya na may ngiti sa aking labi. Nakita ko namang nap-simsim siya ng alak doon sa hawak niyang kopita saka niya nilunok iyon.

Naisipan kong umupo muna sa upuan na nasa likuran ko. Bahagyang napa-panglaw ang mukha ko dahil wala manlang siyang imik, at parang hindi manlang niya na-appreciate ang pinag-handaan ko ngayon para sa kanya.

Napansin ko namang umupo siya sa harap ko, sabay inilapag niya ang kopita habang hawak pa rin niya iyon sa kabilang kamay niya.

Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya at ganun rin siya sa'kin. Pagdaka'y, ibinababa ko ang tingin ko.

"You make me speechless on you love.." sambit niya at sandali ay napa-angat ang tingin ko sa kanya. Namataan kong hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

A-ano daw? Ibig sabihin, nagustuhan niya iyon?

"I-ibig mong sabihin, b-bumagay sa akin?" bahagya akong napa-ngiti. Lumagok muna ulit siya ng alak, naka-tingin pa rin siya sa'kin.

"It's not only suits to you love, you make me astound for your being pulchritude tonight.." napayuko ako sandali ng ulo nang naramdaman kong parang nag-init ang pisngi ko.

Sa totoo lang, kahit hindi ko naintindihan sinabi niya, kinilig ako 'don. Ugh! Pero nahahalata ko naman sa kanya na nagustuhan niya ang suot at appeal ko ngayon. Napakagat-labi ako.

"Wanna drink wine?" rinig kong sabi niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at sabay tinanguan ko siya.

Nagsalok ako ng alak sa kopita at nang maisalok ko na 'yon, kinuha ko ang wine glass. Pagkatapos ay saka namin pinag-toss iyon.

Sabay kaming sumimsim 'non. At nang malasahan ko na iyon, masasabi kong ang tapang nang alak na ito. Buti nalang at nilunok ko na kaagad kundi baka nabugahan ko na si Logan. Saka first time ko lang kasi maka-tikim ng ganyang uri ng alak.

"First timer?" naunawaan ko naman ang ibig niyang sabihin, kaya napa-tango ako.

Matapos ang ilang segundo, ibinaba ko ang wine glass ko sa table at ganun rin ang ginawa niya.

Pagdaka'y, napa-tingin ako sa kanya ng mapansin kong napa-tayo siya, sabay nakita kong inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa akin.

"Can we dance?" parang may nag-tulak sa akin sa sandali na mapapayag ako sa sinabi niya. Ibinigay ko sa kanya ang kamay ko, kasunod ay tumayo na ako ng may ngiti sa labi ko.

Bahala na kung mag-mukha kaming ewan kahit walang music. Hays. Pero kinikilig pa rin ako. Ugh!

Parang tumigil ang mundo ko habang naka-tingin kami ngayon sa isa't-isa. Naramdaman ko sandali ang mainit niyang mga palad sa'king likuran nang ipinulupot niya ang kanyang mga bisig sa aking bewang.

Pagdaka'y, naisapan ko namang ipulupot ang mga kamay ko sa leeg niya. At halos magdikit na ang aming mga katawan nang sinimulan niya na akong isayaw.

Habang sumasayaw kami, sandali ay may narinig akong may music na tumugtog. At akala ko ay 'ganon lang ang momento namin. Hanggang sa narinig kong nag-simulang kinanta yung To Love Somebody.

Medyo napa-uwang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala na 'yon ang maririnig kong kanta dahil isa iyon sa mga paborito kong old love songs.

There's a light

A certain kind of light

That never shone on me

I want my life to be lived with you

Lived with you

"Did you like my special date with you tonight?" halos mapa-luha ako sa saya. Hindi lang dahil sa momento namin ngayon kundi sa dalang hatid nung kanta na paborito ko ngayon. Masaya akong tumango sa kanya.

"O-oo love, sobrang nagustuhan ko.." sambit ko habang bahagyang naka-angat ang ulo ko sa kanya na nakatingin pa rin sa kanya.

There's a way everybody say

To do each and every little thing

But what does it bring

If I ain't got you, ain't got?

You don't know what it's like, baby

You don't know what it's like

To love somebody

To love somebody

The way I love you

Matapos kong marinig ang liriko na 'yon, saka naman siya nagsalita.

"I love you love..." halos halo-halo ang naramdaman ko nang sambitin niya iyon. Gusto kong mapa-talon sa kilig at sa saya na ewan na ngayon ay nararamdaman ko.

Ugh! Mahal na mahal ko din siya.

"I love you too, love.." halos maluha kong sabi dahil sa sobrang saya.

In my brain

I see your face again

I know my frame of mind

You ain't got to be so blind

And I'm blind, so, so, so blind

I'm a man

Can't you see what I am?

I live and I breathe for you

But what good does it do

If I ain't got you, ain't got?

Pagdaka'y unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Hanggang sa marubdob naming binigyan ng halik ang isa't-isa. Oo, natutuhan ko na kung paano ang tamang pag-halik, at salamat kay ate Cecil dahil hindi niya ako binigo sa mga payo niya.

You don't know what it's like, baby

You don't know what it's like

To love somebody

To love somebody

The way I love you

Pagdaka'y lumalim pa iyon. Hanggang sa nararamdaman kong gumagapang na ang kanyang mainit na mga palad sa'king likuran.

Pagdaka'y naramdaman kong binuhat niya ako habang hindi pa rin nag-hihiwalay ang mga labi namin sa isa't-isa. Hanggang sa napagtanto kong dinala niya ako sa loob ng kwarto habang buhat-buhat niya ako.