Napa-bangon ako sa higaan ng mapag-tanto kong wala na si Logan sa tabi ko. Sinubukan kong igala ang mga mata ko sa paligid pero mukhang umalis na ata siya. Pumanglaw naman ang mukha ko.
Tumayo nalang ako sa hinihigaan ko, palabas na sana ako ng kwarto nang bigla kong narinig na tumunog yung cellphone ko. Mabilis ko naman iyon tinungo at saka ko kinuha.
Matapos kong mabasa yung text niya, kahit papaano ay napa-ngiti ako. Nag-text kasi siya sa akin na umalis na siya dahil may aasikasuhin siya doon sa kompanya niya. Saka hindi na rin niya ako pinapasok para daw makapag-pahinga ako. At tatawagan nalang daw niya ako mamaya.
Lumabas na ako ng kwarto at saka ko naman tinungo yung kusina. Nang makarating na ako 'don, tumambad naman sa akin 'don si Dwayne na naka-upo at nag-aalmusal.
"Good morning ate.." bungad niya sa akin at naka-ngiti ito nang wagas. Napuna ko tuloy na parang may kakaiba ata at mukhang good mood siya?
"Good morning rin Dwayne.." kumuha ako ako ng baso saka ako nag-timpla ng kape. Oo, kape na kasi gusto ko ngayon, nasanay na kasi akong sa office 'yon na yung tinitira namin palagi ni ate Cecil. Sabay umupo ako sa harap niya.
"Kamusta na pala kayo nung boss mo? Mukhang lumelevel up na kayo ha? Saka ang sweet niyo na sa isa't-isa. Hula ko, kayo na siguro 'no?" tinapunan ko siya ng tingin matapos kong sumimsim ng kape. Patago akong napa-ngiti sandali. Sabay sumimsim ulit ako ng kape ko.
"Sus, si ate. Kunwari pa. Alam mo halata naman eh, mag-asawa na ba kayo ate? Nakita ko kasing mag-katabi kayo sa higaan kanina. At sa palagay ko, hindi na 'yon gawain ng mga-jowa. Tama ba?" siguro kung ka-iinom ko lang ng kape, baka naibuga ko na 'yon sa kanya. Buti nalang at nainom ko na.
Letseng Dwayne 'to, bakit ang lakas niyang mang-asar? Jusme. Ang aga-aga. Ugh. Napa-ngisi ako. Pero sabagay, kinikilig naman ako.
"Hindi pa kami mag-asawa Dwayne. Kaya tumigil-tigil ka jan sa panghuhula mo.." aniya ko. Sabay tinaasan ko pa siya ng kilay. Saka ulit ako lumagok ng kape ko at sinabayan ko pa ang pagkain ng tinapay.
"Pero maiba ako ate, bumabalik na ba yung mga alaala mo?" natilihan ako sandali ng mapa-tingin ako sa kanya. Sumeryoso naman ang tingin niya sa akin.
"Oo Dwayne. Pero marami pa akong dapat malaman. Lalo na ngayong nalaman ko na hindi lang pala si Logan yung nakaraan ko.." hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang 'yon nasabi sa kanya. Napansin ko sa kanyang mukha na halatang interesado siyang alamin yung sinabi ko, sabay tinanong naman niya ako.
"Ate..alam mo na pala.."
"Yung alin Dwayne?" napa-tanong ako bigla ng may halong pag-tataka. Sa pagkakataon na 'to, hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Napansin ko namang napa-iwas siya ng tingin sa akin.
"Bakit Dwayne, meron pa ba akong dapat malaman?" pagdaka'y ibinalik niya ang tingin niya sa akin. Bumuntong-hininga siya.
"Ate. Tama ka, hindi lang si kuya Logan ang past mo. Dahil bago ang nangyari kila mama at papa, 'don na nagsimula ang lahat.." hinawakan ko siya sa kamay niya nang huminto siya sandali.
"Dwayne Suzanne, sabihin mo sa akin ang lahat. Ano pa ang dapat kong malaman?" Para naman akong nagmamaka-awa sa kanya na sabihin niya sa'kin ang lahat. Bahagyang bumaba ang tingin niya.
"Ate, nagkaroon kayo ng relasyon ni Steven nung naka-tira pa tayo noon sa bicol matapos ninyong mag-kakilala doon. Pero sa isang iglap, inamin mo sa'kin na wala ka nang pag-tingin sa kanya. Pero alam ko, na mahal mo pa rin siya--dahil ginawa mo lang 'yon na tulay para makalimutan siya. Dahil matapos ang nangyari kila mama at papa, Lumawas na tayo ng maynila para dito mag-simula ulit.."
Habang kinuwento iyon sa'kin ni Dwayne, parang unti-unting bumabalik ang mga alaala ko. Sandali ay, pumasok iyon lahat sa isip ko--kung paano kami nag-kakilala ni Steven. Dahil 'nung araw kasi na 'yon, pauwi na ako galing sa school ko. Pero di-sinasadya, nasira yung sapatos ko kaya nag-paa nalang ako. Kahit na may bitbit pa ako 'non na tsinelas dahil, minsan kasi ay nagtsi-tsinelas ako pauwi. Pero mas ginusto ko nalang na mag-paa, dahil doon na ako nasanay.
Lalo na kapag tinutulungan ko sa pag-sasaka si mama. Pati yung letter na binigay ko kay Steven. Dahil nga sa pagkamatay nila papa at pati ni mama, tinapos ko na ang relasyon ko kay Steven. Gumawa ako 'non ng letter at inawan ko 'yon doon sa duyan na nasa likod ng bahay na madalas ay palagi naming pinag-tatambayan. Kahit na sa totoo lang, may nararamdaman pa rin ako sa kanya. At 'yon ang sinabi ni Dwayne na mas pinili kong putulin na ang relasyon namin dahil ayokong mahirapan pa siya dahil sa akin lalo pa't mag-hihiwalay na ang landas namin.
"Pero Dwayne, yung naaksidente ako? Gusto kong malaman kung paano paano dumating sa buhay ko ulit si Steven.." alam kong naikuwento na niya ito noon sa akin. Pero hindi pa sapat 'yon, gusto kong malaman ang lahat ng bagay na totoong nangyari noon sa amin. At alam kong si Dwayne rin ang mag-papatunay ng lahat ng 'yon.
"Like what I've said to you ate noon, matapos mong ma-aksidente ng bumunggo ang sinasakyan mo sa isang malaking puno, siya ang naka-kita sa trahedyang nangyari sa'yo. At matapos 'non ay dinala ka niya sa hospital. Nalaman ko nalang yung nangyari sa'yo nang tinawagan niya ako. At hanggang sa pinuntahan kita sa hospital na sinabi niya, at natagpuan kita sa kwarto ng hospital na naka-ratay at maraming naka-tarak sa ibang parte ng katawan mo. At akala ko 'non ay pati ikaw, iiwan mo na rin ako. At nakita at nakilala ko siya doon--si Steven. Hanggang sa lumipas ang tatlong araw nang pag-babantay at pag-hihintay namin sa naging kondisyon mo, nalaman ko na nalang sa kanya na magka-amnesia ka na. Hindi ako naniwala nung una pero wala na rin akong nagawa kundi ang tanggapin ang nangyari sa'yo. Nawala ang lahat ng alaala mo--kahit ako, na pinipilit na ipa-alala sa'yo ang lahat bilang kapatid mo, nabura na 'yon sa'yo.." tumigil siya sandali, napansin ko naman na pumatak ang kanyang luha. Pinilit pa rin niyang mag-salita.
"Pero kahit ganon man ang nangyari. Nag-papasalamat ako kay kuya Steven dahil siya ang tumulong sa'tin--sa pagpa-pagamot sa'yo. Nag-presinta na rin siya ang nag-alaga sa'yo dahil sinabi ng doctor na kailangan ng aagapay sa'yo. Hanggang sa dumating yung araw na tumira muna tayo sa bahay ni Steven. At unti-unti ay, nahulog ulit ang loob mo sa kanya. Sinubukan ulit niyang ipa-alala sa'yo ang nakaraan ninyo kahit na mahirap sa'yo at pilit mong inaalala 'yon. At hanggang umabot sa punto na nalaman kong sinagot mo siya bilang fiancee mo. Nalaman ko 'yon mula sa'yo ng ikuwento mo 'yon sa akin, pati ang singsing na binigay niya sa'yo.." pagka-sabi niya nito, wala nang umimik sa amin.
Bumalot ang katahimikan sa aming paligid sandali. At habang walang umiimik pa ni-isa sa'min, tumatakbo na ang lahat ng 'yon sa isipan ko. At ang lahat ng 'yon ay unti-unti nang nag-bibigay ka-liwanagan sa aking isipan--at unti-unti na rin iyon binibigyang kasagutan ang lahat sa isipan ko.
"Pero Dwayne, bakit pati yung bagay na naging fiancee ko si Steven, burado sa isip ko? Bakit pati 'yon ay nawala sa isip ko?" napa-isip rin kasi ako sa bagay na yaon nang maitanong ko sandali 'yon sa sarili ko tungkol 'don.
Pero dapat, kahit papaano ay naalala ko pa rin 'yon. Pero bakit pati 'yon ay hindi manlang sumagi sa isip ko? Lalo na dapat, noon ko pa 'yon naalala, at noon pa dapat nung mag-kita ulit kami ni Steven?
"It was because when you abruptly decided to seek Him--si kuya Logan. After you said to me na gusto mong malaman ang tungkol sa kanya--when you saw his picture na naka-sulat sa luma mong notebook, at alam kong napa-tanong ka sa sarili mo kung sino si kuya Logan. Kaya napag-desisyunan mo na itanong 'yon kay kuya Steven, pero sinabi mo sa akin na wala siyang alam tungkol kay Logan. Kaya naisapan mong ikaw nalang mismo ang tumuklas kung sino ba si kuya Logan..and you just don't know why, pero isang bagay ang sinabi mo noon sa akin..na sinabi mong parang nakita mo na siya noon. At 'yon ang naging dahilan para matigil ang maintenance mo at napalitan na 'yon ng bagong alaala.."
Nang maikuwento na 'yon ni Dwayne. Sandali ay pumatak na rin ang mga luha ko. Lahat ng iyon ay bumalik na sa alaala ko habang sinasabi ni Dwayne ang lahat ng 'yon sa akin. At naging mas lalong maliwanag na sa'kin ang lahat, at nabigyan na rin ng kasagutan ang isa pang katanungan ko na 'yon sa aking sarili.
Napa-punas ako ng aking luha ng bigla akong nakarinig na parang may tumunog. At napagtanto sa cellphone ko pala 'yon nang-gagaling. Nawala sa loob ko na nailapag ko pala yung cellphone ko dito sa ibabaw ng table. Pagdaka'y, kinuha ko 'yon sabay tinapunan ko ng tingin.
Nakita kong nag-text sa akin si Logan, at sinabi niya na na-miss na naman daw niya ako. Napawi naman ang pag-iisip ko ng sinubukan kong mapa-ngiti sa text niyang yaon.
Pero sandali, habang binabasa ko pa yung ilang text niya sa akin, naka-tanggap na naman ako ng isa pang text. Pero sa pagkakataon na 'yon, napagtanto kong hindi na kay Logan iyon galing.
Sinubukan kong basahin yung text ni Steven. At nabasa ko naman sa text niya na kinaka-musta niya ako. Pagdaka'y, tumunog ulit ang cellphone ko ng naka-tanggap ulit ako ng text galing sa kanya. Sabay binasa ko rin iyon.
"Bakit ate? May problema ba?" napa-iling nalang ako kay Dwayne. Napansin ko naman sa kanya na balot ng pagtataka ang kanyang mukha.
Naisapan kong i-balewala nalang muna ang text ni Steven nang pinatay ko na muna ang ilaw ng cellphone ko. Napa-tungkod naman ako ng magkabilang siko ko habang naka-sapo ang ulo ko.
Sandali ay napa-isip ako sa huling text sa akin ni Steven, na gusto niya uling makipag-kita sa kanya. Sa pagkakataon na ito, hindi ko alam kung gagawin kong bang makipag-kita ulit sa kanya. Dahil masyado pa akong naguguluhan sa mga nangyayari. Gusto ko munang maging mapayapa ang buhay ko.
"Ate?" sandali ay napa-angat ako ng tingin kay Dwayne ng marinig kong nagsalita siya. Walang ekspresyon ang kanyang mukha habang tinatapunan niya ako ng tingin. Hinintay ko lang siya sa susunod niyang sasabihin.
"Gusto kong malaman ate. Ngayong nalaman mo na ang lahat, at parehas silang naging bahagi ng nakaraan mo, mamahalin mo pa rin ba si kuya Logan? How about si kuya Steven?" napa-hugot naman siya ng hininga.
"Ikaw lang ang makakasagot niyan ate. Besides, mahal ka nila pareho. It's kinda hard to decide pero gusto kong malaman mo ate na piliin mo yung nilalaman ng puso mo. Even though they're both fighting their love for you, piliin mo kung sino ba ang karapat-dapat sa puso mo.."
Habang pinapaliwanag sa'kin 'yon ni Dwayne, napaisip rin ako sandali doon. Alam ko naman na may nararamdaman pa rin sa akin si Steven, kaya niya ginagawa ang lahat ng 'yon. At si Logan, mahal ko siya. 'Yon ang alam ko, dahil 'yon yung sinasabi ng puso ko.
Pero si Steven? Hahayaan ko nalang ba siya? Kapag mas pinili ko pang mahalin pa rin si Logan? Paano yung past ko sa kanya?
Sandali ay, naisip ko rin na ngayong may relasyon na kami ni Logan--hindi ko alam pero ayoko na basta nalang 'yon mabalewa. Dahil mahal ko nga siya eh. At siya yung palaging hinahanap ko. Kahit na alam kong hindi madali ang pag-sasama namin dahil kay Stella. Ayoko namang mabalewa lang rin ang pag-mamahal ko sa kanya dahil lang sa Stella na 'yon.
Sa dinami-dami ng gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Pinikit ko sandali ang mga mata ko pagkatapos ay binuksan ko iyon.
Kinuha ko ang cellphone, sabay kaagad kong tinext si Steven na hindi muna ako makikipag-kita sa kanya. Pagkatapos ay tumungo ako sa kwarto ko.
Isinantabi ko nalang muna ang lahat ng 'yon sa isip ko ng bigla nalang akong may naalala tungkol sa naitanong ko kay ate Cecil. Kapagdaka'y, Isinara ko ang pinto ng maka-pasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Naisapan ko kasi na isa rin ito sa paraan para mapatunayan kong si Logan ang laman ng puso ko. At naisip ko na rin na gawin 'to para matapos na yung mga problema na patuloy na gumagambala sa buhay ko.
Ugh! Bahala na kung anong mangyari. Basta mahal ko si Logan. At handa akong magpa-buntis sa kanya. Bulong ko sa sarili.