Kumain muna kami sandali ni ate Cecil nung pinabalot niya kanina sa jollibee. Nag-break time muna kasi kami ng alas-kwarto. At mukhang ilan palang rin ang natatapos namin.
Speaking sa dito, habang kumakain kami ay kinuwento ko na rin sa kanya lahat yung tungkol kay Steven. At halatang hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya.
"So, ano nang desisyon mo? Papayag ka bang mag-simula ulit kayo?" nangalumbaba ako ng itungkod ko ang siko ko sa table ko. Ngumiwi ako.
"Hindi ko alam. Naguguluhan nga ako e. Ang dami kasing may papel sa buhay ko. Hays.."
"Hay nako girl, alam mo. Ang ganda mo kasi, kaya 'yan, sa haba rin ng hair mo, dalawang mga guwapong nilalang pa ang humahabol sa'yo. Mamigay ka naman.." kung pwede lang eh. Kahit sa kanya na sana si Steven, at syempre si Logan sa akin.
Hays. Ba't ba kasi ang ganda ko?
Pero marami pa ring katanungan sa isip ko tungkol 'don sa isiniwalat ni Steven sa akin. Pero naisip ko, kung papayag ako sa gustong mangyari ni Steven, paano na yung pag-tingin ko kay Logan? Siya kasi yung gusto ng puso ko. Lalo pa't nitong mga nagdaang-araw, halos mabuang na nga ako sa kakaisip sa kanya. Dahil hindi ko pa masabi-sabi sa kanya yung nararamdaman ko.
"Pero sa'kin lang Marsha, piliin mo kung sino yung totoong nag-mamahal sa'yo.." ngumuya siya ng french fries. "Sigurado akong hindi mo 'yon pag-sisisihan at hindi ka na maguguluhan.."
Tama nga si ate Cecil. Pero paano kung si Steven ang piliin ko? Pero ang tanong naman, mahal niya ba talaga ako? Paano naman si Logan?
Eh, kung si Logan yung pipiliin ko, paano naman si Steven? At yung nararamdaman niya para sa akin simula nang malaman ko sa kanya na may nakaraan daw kami? Jusme. Mukhang lamang silang dalawa eh. Hindi ba pwedeng dalawa nalang? O 'wag nalang kaya ako pumili? Nahihirapan ako eh.
"So, napagisip-isip mo na ba kung sino yung pipiliin mo?" Isinandal ko ang likuran ko likod ng inuupuan ko. Tumanaw naman ako sa malayo.
"Ate Cecil, kapag pinili ko ba yung taong mahal ko, mamahalin rin ba niya ako?"
"Bakit, sino ba 'yang mahal na sinasabi mo?" nilingon ko siya at tinignan ko siya sandali. Napansin kong nag-isip muna siya sandali. Pagdaka'y, nagsalita siya. "Ahh, alam ko na kung sino.." tumigil muna siya sandali ng kumain ulit siya ng fries. "Alam mo, walang masama kung siya yung pipiliin mo, tutal mukhang mahal ka rin naman nung tao at mahal mo rin naman siya, eh di maganda. Yung isang pag-pipilian, akin nalang. Para walang problema.." nginisian pa niya ako.
"Hays, si ate Cecil talaga oh.." sabay napa-tawa siya ng marahan. Napa-tawa nalang rin ako. Hanggang sa nauwi sa ang usapan namin sa biruan, at parang mga abnormal lang.
----
Napa-hikab ako habang hindi pa rin ako tapos sa trabaho ko. Mag-isa ko nalang ngayon 'tong tinatapos dahil umuwi na si ate Cecil kani-kanina lang.
Niyaya na rin niya akong umuwi para sabay na sana kami. Kaso lang, kailangan ko pa kasing asikasuhin 'tong mga reports at mga dokumento. At kailangan ko ring i-check ang lahat ng 'yon isa-isa. Naipasa na kasi sa'kin lahat ni ate sa akin at ako na ang kailangan ko pa uling suriin ng mabuti kung pulido na ang lahat ng 'yon. At saka halos ay naka-tambak na sa akin.
Hindi na ako pumayag na magpatulong kay ate Cecil kahit na gusto niya akong tulungan. Pero sabi ko na kaya ko naman at saka mas okay na rin kung maka-uwi na siya para makapag-pahinga.
Hay! Sa wakas! natapos na rin!
Ininunat ko ang mga kamay ko sandali na medyo naramdaman kong nangangalay na pati medyo sumasakit na ang likod ko nang matapos na rin ako.
Napa-hikab uli ako at naisipan kong isinandal muna ang likod ko backrest ng inuupuan ko.
Ramdam kong bumibigay na ang mga talukap ng mga mata ko, pero pinilit ko paring manatiling gising. Pero hindi ko na talaga kaya, gusto nang pumikit ng mga mata ko.
Napa-mulat ako at napa-ayos ng upo. Sinulyapan ko ang orasan sa cellphone ko nang kunin ko iyon mula sa loob ng bag ko.
8:55 pm.
Napa-balikwas ako ng tayo dahil hindi ko namalayang naka-idlip pala talaga ako. Inayos ko isa-isa ang gamit ko, pati yung mga kalat sa ibabaw ng table ko.
Inayos ko rin ang papel at maayos kong isinuksok ang lahat ng iyon sa mga folder.
Pero sandali, bago ko maisipang lisanin yung opisina, napa-tingin ako sa bag ko. Ibinaba ko muna yung mga dala-dala kong folder nang naisip kong kunin sandali yung cellphone ko sa loob nang kaagad ko iyon ibinalik sa loob ng bag ko kanina.
Bahagyang napa-uwang ang bibig ko ng makita kong may mga missed calls akong nakita sa screen ng cellphone. At may natanggap rin akong text galing sa di-kilalang numero.
Mabilis kong tinungo ang inbox at tinignan ko kung sino yung nag-text. Kinabahan ako sandali ng mabasa ko 'yong mga text niya. At napagtanto kong si Logan pala 'yon. Parehas rin sa number na tumawag sa akin kagabi.
"Where are you?"
"Why don't you answering my calls?"
"Marsha, please answer my calls.."
'Yan yung mga maka-ilang ulit niyang minessage niya sa akin. Sandali naman ay napa-ngiti ako.
Inalog ko ang ulo ko sandali. Mabilis kong ibinalik muna 'yon sa loob ng bag ko ng maalala kong kailangan ko na pala maipasa kay ms. Lailani yung mga pinagawa niya sa akin.
Mabilis kong binaybay ang daan papunta sa department niya. At nakita kong iniluwa siya 'don mula sa loob nito. Kapagdaka'y, napagawi naman ang tingin niya sa akin.
"Oh, Marsha. Uuwi ka na ba?" tinignan niya akong mabuti.
"Ahh, opo." medyo humahangos akong humarap sa kanya. "Siya pala, ms. Lailani. Tapos ko na palang gawin yung mga pinagawa mo sa akin.." ibinigay ko sa kanya yung mga folder at inabot naman niya 'yon sa akin.
"Thank you, Marsha. Pinag-igihan mo talagang tapusin 'to.." tumawa ako ng marahan.
"Walang anuman po. Saka alam kong kailangan niyo na kasi 'yan ngayon kaya, tinapos ko na.."
"Oh, siya. Babalik na ako sa loob para tapusin rin 'to.." sabi niya. Sabay tumango ako.
"Mauna na po ako sa inyo, ms. Lailani.." pagdaka'y ngitian niya ako, at saka naman siya bumalik ulit 'don sa loob ng department niya.
Pagkatapos nun ay, saka ko naman binaybay ang daan papunta sa loob ng elevator. Pinindot ko yung first floor at saka nag-sara ang pinto.
Ilang segundo ang kumipas at naibaba na ako sa first floor kaya lumabas na ako doon pagbukas na pinto niyon.
Napansin kong iilang ilaw nalang ang naka-bukas, at tumatama ang sinag ng dilim sa kalahating paligid. At pansin ko rin na wala na akong nakikitang naglalakad na mga empleyado dito.
Bahagya na ring natatakpan ng nabalot ng diilim ang daan patungo sa labas ng building.
Humugot ako ng lakas. Nilakasan ko ang loob ko na maglakad patungo doon para makalabas ako sa building.
Pero sandali, napa-hinto ako sa pag-lalakad ng mapansin kong parang may sumusunod sa akin.
Hanggang sa sinimulan kong ihakbang uli ko ang mga paa ko. Binilisan ko ang pag-lalakad ko kahit na bumubugso na ang kaba sa dibdib ko.
Tama. Matapang ako. Hindi ako natatakot sa multo.
Napansin kong parang sumusunod pa ito sa akin dahil nasulyapan ko yung anino niya. Binilisan ko pa rin ang pag-lalakad ko.
Jusko. Kayo na po ang bahala sa akin. Minumulto na naman ata ako ngayon. Dati nakaw ngayon naman multo. Ugh! Bulong ko sa sarili.
"Marsha.." napa-hinto ako sa paglalakad ng marinig kong may boses na nagsalita galing sa aking likuran.
Parang pamilyar sa akin ang boses. Pero hindi ko sinubukang lumingon sa likod ko at mataman pa ring akong nananatiling naka-talikod doon. Halos nanginginig na rin ang mga tuhod ko sa kaba at takot na ngayon ay bumalot na sa buong katawan ko.
"S-sino ka?" pilit akong nag-matapang. Ilang segundo ang lumipas at wala akong narinig na boses na nagsalita.
Sinubukan kong iikot ang katawan ko sa'king likuran. Kahit na kinabahan na talaga ako at balot ng takot, nilakasan ko nalang ang loob ko na harapin kung sino 'yon.
"Marsha.." malamig ang mga tono nang pananalita niya. Sinubukan kong suriin siyang mabuti kung multo nga 'yon o baka empleyado lang dito, dahil baka may kailangan lang siya sa akin. Pero pinag-hihinalaan ko siyang multo.
Nabigla ako ng naramdaman kong may mainit na yumakap sa akin. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil naninigas na iyon ngayon sa kaba. Napa-lunok nalang ako.
"I really damned missed you..." inangat ko ang tingin ko at sabay napakurap-kurap pa ako sandali.
Nananaginip ba ako? Siya ba talaga 'yan?
"L-logan?" sinubukan ko uling suriin ang mukha niya. At nakita ko ang kalahati ng mukha niya, at siya nga iyon. Medyo natatamaan kasi ng sinag ng dilim yung kalahati niyang mukha na tumatama dito.
Pero seryoso, siya ba talaga si Logan? Ibig sabihin, hindi ako minumulto? At hindi pala siya yung empleyado dito?
Sinubukan kong hawakan ang mukha niya ng humiwalay ako sa pagkaka-yakap niya sa akin.
At totoo nga, siya nga iyon.
Napalunok ako. Sandali ay biglang bumugso ang tibok ng puso ko, bigla rin akong napangiti ng hindi ko alam.
"So, do you believe on me now?" nakita kong gumuhit ang ngisi sa kanyang labi matapos niyang sabihin iyon. Napa-tango naman ako sa sinabi niya.
"L-logan.. kailan ka pa umuwi?" naka-tingin pa rin ako sa kanya.
"I came back here a while ago." tumugil muna siya sandali. Halos kanina ko pa naamoy ang mabango niyang hininga. "Why did you ask?" napakunot noo siya. Napa-iling ako ng may ngiti sa aking labi.
Hindi na ako nag-dalawang isip at kaagad ko siyang hinagkan. Saka ako nagsalita.
"Na-miss rin kita Logan..." naka-sandal ang ulo ko sa dibdib niya habang patuloy pa rin akong nakayakap sa kanya.
Sandali ay parang tumatalbog pa lalo ang puso ko sa saya. Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman kong dumapo ang mainit niyang palad sa aking mukha, at iniharap niya iyon malapit sa kanya ring mukha. Pero naka-pulupot pa rin ang mga bisig ko sa kanyang katawan. Halos ilang pulgada na ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"Is this true? You really missed me?" tumango-tango ako na may ngiting naka-silay sa aking labi.
Nalunod naman ako sa kanyang halik ng mabilis niya iyon idinampi sa aking labi. Parang may kung anong nag-liliparan sa aking tiyan at may halong saya akong nararamdaman sa aking dibdib, nang sinubukan kong tumugon sa kanyang halik.
Ipinulupot ko naman ang mga kamay ko sa kanyang leeg at patuloy pa rin kami sa bagay na yaon. Hanggang sa mag-hiwalay ang aming mga labi.
"L-logan, may gusto akong sabihin sa'yo.."
"What is it?" napa-taas ang isa niyang kilay. Napa-yuko ako ng ulo ko nang naramdaman kong parang nag-iinit ang pisngi ko. Napansin kong inangat niya ang ulo ko ng hawakan niya ako sa'king baba. At naka-titig na siya sa'king mga mata ngayon, ganun rin ako.
"Tell me, what is it? I want to know.." tinitigan ko muna siya ng ilang segundo bago ako nagbitiw ng salita.
"M-mahal kita.." napansin kong napa-titig rin siya sakin. Sandali, gumagalaw ang kanyang mga balintataw at parang sinusuri ang nangungusap kong mga mata.
"What did you said again?" sa pagkakataon ay nilakasan ko uli ang loob kong sabihin 'yon sa kanya.
"Mahal kita Loga--" sa sobrang kapusukan niya ay binigyan niya ulit ako ng matamis na halik.
Naka-pulupot pa rin ang mga kamay ko sa kanyang leeg at naka-pulupot naman ang kanyang mga bisig sa aking bewang. Hindi pa rin siya naawat at patuloy pa rin niya akong pinalulunod sa malalim niyang mga halik sa akin.
Bakit ang sarap sa pakiramdam? Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao?