Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

LIE TO ME.

πŸ‡΅πŸ‡­jadeatienza
6
Completed
--
NOT RATINGS
98.8k
Views
Synopsis
Alam niyang mali, pero nagsinungaling pa rin siya dahil iyon lang ang alam niyang dahilan para mapalapit sa taong napupusuan ng kanyang batang puso.
VIEW MORE

Chapter 1 - Request

Prelude. Request

Β  Β  Β  Β Β 

Β  Β  Β  Β 

HABAMBUHAY na magsisisi ang dalagang si Naeri sa isang bagay na kanyang ginawa.

"Kung hindi mo ba naman siya niloko noon, 'di sana, ikaw ang makakatuluyan niya ngayon!" paninisi ng kaibigan niya simula pa noong high school.

Inaamin niyang masyado siyang naging immature noon. Labing-limang taong gulang pa lamang siya nang magsimula sa kasinungalingang kanyang ginawa. Kahit alam niyang mali iyon, hindi dapat isisi na masyado pa siyang bata. Ngunit hindi niya inakalang ang kanyang batang-puso ay mahuhumaling sa sariling pantasya kaya't tumagal ang kanyang kasinungalingan.

"Hoy, babaita, kinakausap kita." pukaw nito sa atensyon niya.

"Ano na nga?"

"Naku, hindi ka naman pala nakikinig! Ang sabi ko, paanong ikaw ang mag-a-asikaso sa engagement party nina Flores kung ang groom-to-be niya ay ang pinapangarap mo noong high school?"

Iyon ang inaalala niya. Kahit pa sabihing dekada na ang nakalipas, sariwa pa rin sa kanya ang mga pangyayari. Subalit mukhang kinalimutan na ng kanyang pinapangarap ang lahat ng iyon.

"I am a professional, Mercy." ang tanging nasagot na lamang niya.

"Pro mo mukha mo, friend! He may have forgotten about the past but we didn't! At akala ko ba'y magpapakasal kayo sa takdang panahon?"

She closed her eyes to calm herself. She had to remind herself that she wasn't that girl he promised marriage. That she wasn't the same teenageer who's head over heels with him. Moreover, she wasn't the girl she used to be in her fantasies.

"Alam mong hindi ako si Kanon." tinutukoy niya ang campus girl crush noong high school pa lamang sila.

Ngumiwi ang kanyang kaibigan. Matagal na niyang kilala si Mercy, magkaklase silang dalawa noong high school, nang mag-college ay sa Maynila siya nag-aral ng business-related course habang ito nama'y pinagpatuloy ang pag-aaral sa probinsya.

"But he knew, right?" paninigurado pa nito.

Did he really know about it? If he did, maybe he had forgotten all of it. In the first place, she pretended to be the Japanese girl he liked before. She was too young. Too naive back then.

"Pero bakit ikaw pa ang dapat na mag-asikaso?"

It was obvious. Siya ang may-ari ng function hall kung saan gaganapin ang engagement party kaya kailangang hands-on siya sa event. At isa pa, naka-reserve na ang mga ito bago pa man niya nalaman kung sino ang lalaki. It was so rushed. Last week pina-reserve ni Ms. Flores ang venue, pagkatapos ay next month ang date ng event.

"I have to go," pag-iiba niya sa usapan. "Iche-check ko lang iyong catering kung okay na." Kahit pwede namang ipagpabukas ang gawain, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

"I don't believe you." Naninimbang ang tingin nito.

She just sighed heavily.

"See?" dagdag pa nito.

"Dekada na ang lumipas. Kung ano man ang nangyari noon, ibaon na lang natin sa nakaraan."

"But you've been clinging to his promises that he'll go back and marry you." It was more of a statement than query.

She wanted to lie, but she couldn't. Her friend knew her better.

"You didn't have long-term relationships because you're still waiting for him to come back."

Nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring may tinitingnan sa cellphone.

"Kailangan ko nang umalis."

Ayaw man ay hinayaan na siya ng kaibigan na makaalis.

Habang lulan ng sariling sasakyan ay pilit na nagsumiksik sa kanya ang mga pangyayari noong dalagita pa siya. Ang mga pangyayaring pilit niyang binaon sa limot. Ang mga magagandang pangyayari ngunit nagdulot ng matinding kahihiyan at nag-iwan ng mga masasakit na alaala sa kanyang nakaraan.

Nagpasya siyang itigil muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada para pakalmahin ang kanyang sarili. Kinuha niya ang cellphone at nilibang ang sarili sa pagse-surf sa internet. Halos mapalundag siya nang tumunog ang notifications ng kanyang Facebook application. It's a social media platform wherein you can connect with other people.

Ralph Alberto Martinez sent you a friend request.

Ang pagpupumilit niyang iwaglit sa isipan ang nakaraan ay hindi natupad. Bagkus ay lalo pang nagsumiksik sa kanyang isipan ang mga alaalang pinipilit niyang tinaboy sa nakalipas na mga taon.