Chapter 1. School
KINAKABAHAN ang Grade seven na si Eri dahil pasukan na. Buong elementarya niya kasi'y ginugol niya sa pag-aaral sa bahay at ngayon lang ulit siya papasok sa isang private school mula noong kindergarten siya. Naninibago siya dahil sa tingin niya'y napakarami ng mga mag-aaral sa Gonzales High School.
"Lambert, Naeri Shane"
"Huy, ikaw ba iyong tinatawag ni Ma'am? Pangatlong beses ka na niyang tinawag. Baka ma-absent ka," bulong ng ka-seatmate niyang hindi pa niya gaanong kilala. Bahagya siya nitong kinalabit kaya natauhan siya.
"Present!"
Bahagyang tumigil ang kanilang guro at umiling. Mukhang may gustong sabihin ngunit hindi na lamang tumuloy.
"Luzano..."
Tuluyan nang nawala atensiyon niya dahil sa sobrang kaba. Sana pala ay hindi na niya pinigilan ang kanyang mommy nang balakin nitong samahan siya sa unang araw ng klase. Ngayon tuloy ay gusto na niyang umuwi at magpa-home school na lang ulit.
"Hindi ka na magho-home school, Naeri Shane," anang kanyang daddy nang kausapin niya ito tungkol sa pag-aaral niya.
"But daddy, I've been home-schooled throughout my elementary years," katwiran niya.
"You have to go out on your comfort zone."
"It's our fault. Hinayaan ka naming masanay sa loob ng bahay. We shouldn't have sheltered you for long," paninisi ng kanyang mommy sa sarili ng mga ito.
Umiling siya. "No, Mommy. Dad's right. I have to go out of my comfort zone." Biglang nagbago ang desisyon niyang pilitin ang mga magulang na i-home school na lang siya ulit. She didn't want her parents to carry out the guilt they shouldn't had been carrying.
Noong kindergarten kasi siya'y muntikan na siyang ma-kidnap kung hindi lang naging alerto ang gwardya ng kanilang paaralan. Base sa pagkakatanda niya at base na rin sa imbestigasyon, may isang babae ang sumusundo sa kanya noong uwian na nila.
Ayon sa kwento ng mommy niya noong lumaki-laki na siya, sasama na sana siya sa estranghera nang pigilan sila ng school guard dahil natandaan nito na hindi niya sundo iyong babae. Konti lamang silang nag-aaral sa private school na iyon at kindergarten lamang ang ino-offer na level kaya nama'y halos magkakakilala na ang mga tao roon.
Walang ibang sumusundo sa kanya noon kundi ang kanyang mga magulang lamang. Kadalasan ay alas singko siyang nasusundo kahit alas tres y media ang labasan nila, dahil na rin sa trabaho ng mga magulang.
The doubtful security guard didn't let go of the suspicious woman who pretended to be her guardian so she could kidnap her. He asked her questions and when she couldn't answer him right, he and called the police. Which turned out that she was wanted for kidnapping and robbery.
Simula noon ay tumigil na siya sa pagpasok sa eskwelahan at pinag-homeschool na ng mga magulang. Her mom quitted her job, too, so she'd focus on her. Though, her mom had online jobs, those only lasted for four to five hours a day, graveyard shift.
"Hi, ako nga pala si Mercedita Niña, but you can call me 'Mercy' or 'Niña'. Medyo mahaba kasi ang pangalan ko, 'no?" pakilala sa kanya ng kanyang seatmate.
Break time na nila at may baon siyang snacks pero hindi niya kinain. Busog pa siya sa isang buong chocolate bar na kinain niya kanina bago magsimula ang klase.
"I'm Naeri Shane, "Eri" na lang." Ngumiti siya ngunit hindi siya sigurado kung natural ba ang pagkakangiti niya. Ngayon lang siya magkakaroon ng kaibigan kung sakali.
"Tabingi ang ngiti mo," pansin nito.
Nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Huwag kang ma-offend, ah! Napansin ko lang kasi," she defended.
Prangka rin ang isang 'to.
"Kanina ko pa napapansin... kinakabahan ka ba?"
Napalunok siya. Was she that obvious?
She awkwardly nodded.
"'Uy, don't be so awkward. Magka-seatmate pa naman tayo." sita nito.
She smiled again. Pilit nga lang. Not that she's being plastic. She just didn't know how to respond. Dapat pala nag-research muna siya on how to make friends bago siya pumasok sa school.
"Ang cute mo naman! Pati height mo, cute!" pagpapagaan nito sa usapan.
Aray, ah? Real talk ba 'to? Sa edad na labing-isa kasi ay nasa mas maliit siya kumpara sa mga kaedad niya. Maputi naman ang kutis niya, halos kasimputi na ng singkamas. Ang kanyang mukha ay maliit din, animo'y hinulma upang maging mamahaling manyika. Mahahaba ang mga pilik, bilugin ang mga mata, matangos ang maliit na ilong at mapula ang manipis na labi. Ang kanyang buhok ay maiksi, hanggang batok ang haba. Mayroon din siyang full bangs. Madalas ay ang kanyang mommy ang nanggugupit sa kanyang buhok mula noon.
"You are so petite. Gusto ko ng ganyang katawan, parang manyika."
Namula siya sa papuri nito.
"Mamayang lunch, maglibot tayo sa campus!" yaya pa nito.
At iyon nga ang kanilang ginawa.
Malawak ang school grounds kaya halos patapos na ang lunch ay hindi pa rin sila tapos na maglibot.
"B-Bukas na lang natin ituloy. Orientation lang naman bukas ng umaga," medyo hinihingal na sambit niya.
Mercy agreed.
Nagpapasalamat siyang naging maayos ang mga unang baitang niya sa sekondarya. At nagkaroon din agad siya ng kaibigan. Tama nga ang mga magulang, kailangan na niyang lumabas sa kanyang lungga.
"Kung minsan, nakakainis maging Star section, sa totoo lang," reklamo ni Mercy.
"Ha? Bakit naman?" nag-aalalang tanong niya.
"Kasi, ang taas ng expectations sa atin. Ultimo recess, nagre-review ang mga kaklase natin. Nakakasakal."
"Sila naman iyon. Hayaan na natin."
"Hay naku, kung sanang masipag lang ako, 'di sana, hindi mababa ang grades ko."
First periodical na kasi at kuhanan na ng cards nila bukas. Gayunpama'y pinaalam na sa kanilang mga estudyante ang nakuha nilang average.
"Ninety is not low!"
"It is. Ako ang isa sa lowest sa section natin."
She couldn't believe it. Other students were grateful if they got seventy-five.
"Mapapagalitan ako nito." pagmamaktol pa nito.
Ngumuso siya. Because she couldn't blame her friend from whining. Hindi kasi katulad ng iba na basta walang bagsak ay okay na, iba ang pamilya ni Mercy. She had to be on top for her to be fully recognised. Naaawa na nga siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang ibang magawa kundi ang pakinggan ang mga sentimyento nito at pagaanin ang loob.
"Hindi talaga ako nagkamali na nakipagkaibigan sa iyo! You always make me feel light. I don't regret na nagpalipat ako rito. Sa school ko kasi rati, wala akong kaibigan. Galit sila sa 'kin kasi hindi ko deserve ang top one. I can't blame them though."
Napawi ang ngiti niya sa kalagitnaan ng mga sinabi nito.
"Saang school ka ba nanggaling?"
"St. Benedict Academy."
"That's a big school!"
"As if Gonzales isn't."
"But that's way bigger than this. Doon dapat ako mag-aaral pero umatras ako."
"Bakit naman?"
"Kasi nga big school."
Umiling ang kaibigan.
"Ang iba'y gustung-gustong makapasok doon pero heto tayo, lumihis." Akmang makikipag-high five ito ngunit tumunog na ang bell. Nagmamadali silang tumakbo hanggang makarating ng classroom.
Nakahinga sila ng maluwag nang maabutan ang Class Mayor nilang nakatayo sa harapan.
"Wala pa si Sir!" bulong ni Mercy.
In-announce ng Class Mayor na magkakaroon sila ng free time ngayong hapon dahil may importanteng bagay na inaasikaso ang Math teacher nila. Ngunit walang lumabas sa mga kaklase niya maliban kay Leonardo de Guzman na siyang isang lowest sa klase nila. He tied his average with Mercy. Dating nasa top three ang binatilyo.
"Let's go outside, too?" yaya ni Mercy.
Pumayag siya.