Chereads / LIE TO ME. / Chapter 5 - Crush

Chapter 5 - Crush

Chapter 4. Crush

KINAUMAGAHAN ng Lunes, naganap ang assembly sa kanilang paaralan. Sabay-sabay silang tutulak papuntang St. Vincent para sa semifinals. Naabutan niya si Heizen, ka-teammate niya, na nag-aayos ng tali ng sintas ng sapatos nito.

"'Morning, Heizen! Have you seen Mercy?" bati niya rito.

"'Morning! Nag-cr lang yata saglit."

"Okay, thanks!"

Nagpunta na siyang girls' bathroom at naabutan niya nga ang kaibigan na nagpupusod ng bubok.

"Medyo basa pa ang buhok mo, mamaya mo na talian," pansin niya rito.

"Mas madaling talian kapag basa," katwiran naman nito.

"Sana all nakaka-relate, hindi ba?" pagbibiro niya. Hindi kailanman humaba ang buhok niya ng lampas-balikat.

She got her headband in her bag and fixed her short hair.

"Pagugupitan ko na nga niyan ito ng maiksi. Gaya niyang iyo." Ngumuso ito sa direksyon niya, partikular na sa kanyang buhok.

"Ang ganda kaya ng buhok mo! I like your natural big curls."

"Weh?" pagdududa nito.

"Oo nga! Kaya nga ako nagpapahaba ng buhok kasi para ma-style-an ko ng ganyan."

Saglit itong napaisip.

"Sige na nga, hindi na ako magpapagupit."

"Tara na."

"Balita ko, kasama mong nanood si Leonard noong Friday, a?"

"Ito naman. Issue ka, ah. 'Tsaka hindi lang siya ang kasama ko, kasama namin iyong best friend niya."

"That Flare from one of the lowest section? Iyong natalo ni Inoue sa re-election ng SSC Secretary position?" she asked.

"Tone down your voice. May makarinig sa iyo, aakalain nilang minamaliit mo ang lowest sections."

"Why? I was just asking." dipensa nito sa sarili. "In fact, I'm a little bit inggit with Flare, kasi I saw how proud her parents were with her little achievements last Nutrition Month. I remember she got third place sa slogan making tapos kung makapuri ang parents niya na nagbabakasyon lang from abroad, kung makapalakpak at hiyaw, akala mo'y overall champion ng big event ang anak nila."

Bumusangot ito nang bahagya dahil naalala na naman nito noong nanalong first place sa slogan making contest, ngunit hindi nakontento ang pamilya dahil iyon lang daw ang nakuha niyang first place sa tatlong contests na sinalihan.

"Anyway, balita ko titig nang titig si Ram kay Kanon noong Friday? Hindi mo ba napansin iyon?" pag-iiba nito sa usapan.

Naningkit ang kanyang mga mata. Paanong mangyayari iyon, e, sa kanya nakatitig si Ram?

"Sana pala nanood na ako noong Friday!" sambit pa nito.

At may napagtanto siya. Nakaupo nga pala si Kanon sa pwesto nila bandang likuran noong Biyernes.

If that's the case, then, the one that Ralph had been staring for so long wasn't her. Maybe he didn't even glance at her at all.

Stop being delusional, Sita niya sa kanyang sarili.

"Bes, ayos ka lang?"

"Oo," walang ganang tugon niya.

Ngayong araw malalaman kung saan gaganapin ang finals bukas. Mas ginalingan nila ang paglalaro kaya hindi kataka-takang pasok ang volleyball team sa finals. Though their basketball team didn't make it, it's still alright, because one team from their school made it to the finals.

Ang finals ng volleyball game ay gaganapin sa kanilang eskwelahan bukas ng hapon. Kalaban nila ang mga taga-St. Benedict Academy. Ang basketball match naman ay sa Miyerkules, sa SBA naman ang venue. Pupunta pa rin sila dahil susuportahan nila ang sister's school nilang nakapasok sa finals.

At afternoon, they only played one game for practice. Maaga silang d-in-ismiss ng kanilang coach.

"One practice game is enough. You have to rest well. Ikondisyon ninyo ang inyong mga sarili para sa laban bukas," paalala nito.

"Goooooooooonzales!" They all cheered before dismissal.

"Wala pa ang sundo ko," pagmamaktol ni Mercy.

"Sumabay ka na lang sa amin ni Mommy, idadaan ka namin sa inyo."

"Ano ka ba? Magkaiba ang way natin. I'll just wait for Manong." tanggi nito.

"Hello, my most beautiful cousin!"

Napakislot siya sa biglang sumabad.

"I'm your only girl cousin, Archibald." Her friend almost rolled her eyes.

"Kuya Arc, Mercedita," pagpapaalala nito.

As far as she remembered, Arc was on twelfth grade. Star section din.

"Hi, Eri!" bati nito sa kanya. He still remembered her despite of meeting only once.

"Hello," ganting-bati niya.

"Sakto, Kuya Arc. Wala pa si Manong. Pasabay na lang ako."

"Uh, mauna na ako. Naghihintay na si mommy sa parking."

"Sige. See you tomorrow!" paalam ng kanyang kaibigan.

Tinanguan lamang niya ito.

Habang naglalakad ay nagtataka siya dahil maraming estudyante ang lumilingon sa parking. Sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito at nakita niya ang kanilang sasakyan sa bandang iyon.

"Are they looking at mom?" nagtatakang bulong niya sa sarili.

Nang makalapit ay unti-unti niyang napagtanto kung sino ang tinitingnan ng mga ito.

There he stood, holding his helmet on his side as he leaned on his Harley-Davidson mortorcycle.

Suminghap siya nang matitigan ito ng malapitan. He's dominating. Parang gusto niya itong luhuran at magmakaawang i-crushback siya nito.

"Naeri Shane! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako rito, lumalamig na ang snacks mo!" sita ng kanyang mommy.

Mom, not now.

Bahagya siyang napapikit.

Lumabas ito ng sasakyan at bahagyang natigilan nang mapansin ang presensya ni Ram sa tabi ng kanilang Subaru.

Lumapit siya sa kanyang mommy para magmano at humalik sa pisngi nito. At nagpapasalamat siyang hindi nito tinuloy ang panenermon.

"My! My! What a handsome young man," puri ng mommy niya.

"'My!" awat niya. "N-Nagugutom na po ako. Tara na."

She heard Ram chuckled which made her stopped for a bit. Ngunit nawala rin ang focus niya rito nang mapansin niyang papalabas si Kanon sa campus.

Ramdam na ramdam niya ang marahang paninitig ni Ram sa kanya ngunit hindi niya napigilan ang pagbusangot.

Naaalala niyang sinabi ni Mercy na campus crush si Kanon sa pinanggalingang eskwelahan noon. Siguro ay may gusto rin si Ram dito noon, at hanggang ngayon dahil nag-effort pa itong puntahan ang schoolmate niya sa school nila.

And besides, Grade nine na ang mga ito. She wouldn't understand their world.

"Mommy, nagugutom na po ako." pag-uulit niya at padabog na nagmartsa hanggang makapasok sa loob ng kanilang sasakyan.

Subalit hindi niya napigilang tingnan ito nang paandarin na ng kanyang mommy ang sasakyan. Hindi pa rin nito inaalis ang paningin sa kanilang sasakyan at may pakiramdam siyang alam nito na nakatingin siya kahit pa nga heavily tinted ang kanilang Subaru.

Mabilis siyang napailing para iwaglit ang bagay na iyon sa kanyang isipan.

"Stop being delusional," mahinang bulong niya.

"What?"

"Ha? Wala po, mommy."

"By the way, do you know that boy? Is he from your school?" usisa nito.

"H-Hindi po."

"Anong hindi?"

"Hindi ko po siya kilala at hindi siya sa school nag-aaral," paglilinaw niya.

"How would you know he's not a student from your school if you don't know him, sweetie?" panghuhuli ng kanyang mommy.

Napanganga siya sa sinambit nito. Tama nga naman kasi ang kanyang mommy. Sure, they did not know each other personally but she still knew who he was.

"Hmm?" her mom smirked.

"W-Wala po."

"Anong wala?"

Inilibot niya ang paningin sa loob ng sasakyan nang may mapansin sa dashboard.

"Oh, milktea! Is this mine?" pag-iiba niya sa usapan.

Tumango ito.

Kinuha niya iyon at agad na ininuman. Nangangalahati na siya nang magsalita ulit ang kanyang mommy.

"So... is that handsome boy your crush?" Lumapad ang pagkakangisi nito nang sumulyap sa kanya.

At nasamid siya sa iniinumang milktea.