Chereads / The Offering / Chapter 1 - Chapter 1: Death Is The Beginning

The Offering

🇵🇭CelestineLemoir
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 17.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Death Is The Beginning

Chapter 1: Death Is The Beginning

Nakatutok ang mga mata ko sa asul na ibong palipat-lipat sa mga sanga ng puno. Marungis na ang aking mukha dala ng maghapong paglalaro at ang aking mahaba at kulot na buhok ay nasabitan na ng mga piraso ng tuyong mga dahon dahil sa pagkakahiga ko sa lupa. Ang aking pulang bestida ay puro na rin dumi at ang aking puting sapatos ay puro putik na. Tiyak na malilintikan na naman ako kay Tiya Olga, ngunit sa mga oras na ito, ang aking munting isip ay mas okupado ng pagkamangha kaysa takot sa kurot at palo.

I scratched my dirty cheek before I sniffed. My eyes remained watching the blue bird, fascinated and at the same time, jealous of its freedom. Bakit ba kasi wala akong pakpak? Eh 'di sana ay naging malaya na rin ako.

Umihip ang sariwang hangin at sumilip sa pagitan ng mga dahon ang sinag ng papalubog na araw, senyales na isa na namang araw ang lumipas ngunit ang taong matagal ko nang hinihintay ay mukhang hindi pa rin darating.

I sighed in frustration. Bumangon ako at niyakap ang aking mga tuhod. Ang aking mga mata ay nabaling sa mala-palasyong tahanan ng Tiya Olga ko.

Look at that lonely mansion. Its fading white paint will never hide the fact that no matter how huge it is, it can never be called home.

Ilang minuto pa at narinig ko na ang pamilyar na tunog. My aunt doesn't shout for my name because she said it's inappropriate for a lady to do such thing. Instead, she has this tiny bell she's using whenever she needs me. Pakiramdam ko tuloy minsan ay tila isa akong aso.Dali-dali akong tumayo at pinagpag ang aking damit. Doon ko lang napagtantong sobra pala ang dungis ko ngayon at siguradong magagalit nang husto si Tiya.

Muli kong nadinig ang tunog ng bell. Bahala na. Kagat ang aking ibabang labi, tumakbo ako pabalik sa mansyon nang kumakabog ang puso. I knew I'm in trouble again, but the moment my feet reached the common area, my eyes almost popped out and my jaw dropped in surprise. Beside my mid-30's Aunt Olga is the man I longed to see in years. Pormal ang kanyang suot ngunit ang kanyang itsura'y tila hapong-hapo. Even the smile that slowly sketched on his face looked tired.

Pinasadahan ng aking Tiya Olga ang aking itsura saka siya bumuntong hininga. Ibinaling niya ang tingin kay Papa kasabay ng paglapag niya ng bell sa ibabaw ng side table.

"She never listened, Diether. Katulad talaga siya ng kapatid ko." Nabaling sa akin ang may bakas ng lungkot na mga mata niya. "Look where stubbornness brought my dear sister?"

My father sighed. "Olga..."

"I'm just trying to make you realize what could happen if she won't change," putol ni Tiya Olga kay Papa.

"Alam ko." Gumuhit ang pangamba sa mga mata ni Papa. "Pero kahit naman hindi siya maglaro sa labas, mahahanap pa rin siya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko. Guia, anak? Hindi mo man lang ba yayakapin si Papa?"

Naguguluhan man, pinili kong iwaksi ang pagtataka sa pinag-uusapan nila. Nakangiti akong tumakbo palapit sa aking ama at kahit na amoy pawis at mabantot na ako, buong puso ko pa ring niyakap ang mga braso ko sa kanya.

"Na-miss kita, Papa. Bakit ang tagal mong bumalik?" Tanong ko kaagad nang iangat niya ako para buhatin.

Nagkatinginan si Papa at Tiya Olga. "Marami lang inasikaso si Papa. Pasensya na, Guia pero para naman lahat ng iyon sa kinabukasan mo."

Umiling si Tiya saka naglakad palapit sa center table kung saan nakalapag ang mga tsaa. Nagsalin siya sa dalawang tasa bago naupo sa asul na sofa hawak ang kanyang tasa.

"Guia, why don't you go clean yourself up first? Nakakahiya sa Papa mo ang itsura mo. Isa pa, may importante rin kaming dapat pag-usapan."

My eyes stared at my father's, begging for him to still be there once I finish cleaning myself. Tila naintindihan naman niya iyon dahil gumuhit ang matipid na ngiti sa mga labi niya saka siya humalik sa aking pisngi. Funny because I'm already ten but in my father's eyes, I still look like a tiny little baby he'd love to kiss on the cheek and carry in his arms. Pangit nang tignan pero kung tulad kitang isang batang sabik sa buhat at halik ng ama, wala ka nang pakialam.

"Sige na, anak. Dito lang ako."

"Promise?" I begged silently, kahit na alam kong ilang beses na niyang binali ang pangako niya.He nodded. "I promise."

For the first time in years, he kept his promise. He stayed and didn't break my heart again.

I can't remember being as happy as that day. Aunt Olga made dinner for the three of us and my father sitted next to me. Puro kami kwentuhan—mali pala. Ako lang pala ang kwento nang kwento habang siya ay masayang nakikinig. Dinner had never been that fun and I'd never felt so complete.

Noong gabi rin na iyon ay tinabihan ako ni Papa sa pagtulog. Puro ako tanong sa kung anong ginagawa talaga niya kapag wala siya ngunit ang tanging sagot niya ay, "everything I can do for you. The things I could have done for your mother but failed to do so."

Dis oras ng gabi nang maalimpungatan ako dala ng ingay na nagmumula sa bukas na bintana. Malakas ang ihip ng hangin at sumasayaw ang asul na kurtina, ngunit hindi dahil sa lamig tumaas ang aking mga balahibo kung hindi dahil sa pares ng mga matang nakatitig sa akin. It was like a pair of rubies that are getting burned in the silence of the chilly night, and when I blinked, it disappeared in the dark.

Napabuga ako ng hangin. Madalas ay ganoon ang nangyayari sa akin. Noong una ay natatakot pa ako, ngunit habang tumatagal, tila nasanay na akong kumbinsihin ang sarili kong guni-guni ko lamang ang nakikita ko.

Nilibot ko ang aking tingin sa munting silid. Next to the old lampshade is our first and only family picture. Iyon ang araw na ipinanganak ako at walang kasing-ganda ang aking Mama kahit hindi ko na makita nang maayos ang mukha niya at nakabase na lamang ako sa kwento ni Papa. The photo already moist and some parts of my mother's face was already ruined. Ang tanging malinaw na lamang ay ang kanyang matamis na ngiti. We have the same curly brown hair and long eyelashes, but I got my father's light brown eye color and thin lips. Ngunit kahit na ganoon, sinasabi ni Papa na kamukhang-kamukha ko ang aking Mama.

Speaking of my father, wala siya sa silid kaya nagdesisyon akong tignan kung nasa mansyon pa ba siya. Tahimik ang aking mga hakbang palabas ng silid hanggang sa marinig ko ang dalawang taong nag-uusap at nanggagaling sa pribadong silid sa dulo ng pasilyo.

I was never allowed to get inside and the room was often locked, but my curiosity hit me and I found myself quietly making my way towards the slightly open door. Sa loob ay nakita ko ang aking Papa at si Tiya Olga. May hawak na sulat si Tiya Olga habang umaagos ang luha sa kanyang magkabilang pisngi.

"They're not gonna stop, Diether. They never did, they never will." My Aunt's shoulders quaked as she broke down in tears while holding the letter.

Tumayo ang aking ama at nilapitan si Tiya Olga. Bakas sa mga mata ni Papa ang lungkot at awa nang punasan niya ang luha ni Tiya gamit ang likod ng kanyang palad.

Pero bakit ganoon? Bakit niya...

"Hindi rin tayo titigil sa paghanap ng paraan. Olga, you've done everything you can, even if it breaks your heart."

Aunt Olga sniffed. "Was it...ever enough to pay the price of my mistakes?"

Hindi nakakibo ang aking ama, at nang yakapin niya si Tiya Olga, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Tila sa isang iglap ay nagbago ang tingin ko kay Papa.

Umiiyak akong tumakbo pabalik sa aking silid at padabog na isinara ang pinto. Wala na akong pakialam kung marinig nila iyon. Masakit ang dibdib ko at ang tangi kong nagawa ay ang yakapin ang litrato ng aming pamilya. Bakit ganoon? Was it because my mom's already dead?They kiss like my mom never existed. They hug like they share something special.

Hindi ko masikmura.

Nadinig ko ang mga katok at tawag sa pinto ngunit hindi ako naalarma. Nanunuot ang galit at pagtataka sa aking puso at ang nais ko na lamang gawin ay ang umalis doon.

Suddenly, a plan came inside my head. I've seen enough movies, and if I'd be able to make a rope out of the sheets and curtains, I could escape. Ganoon nga ang ginawa ko. Tinali ko at pinagdugtong-dugtong lahat ng kumot at kurtina sa aking silid saka ko iyon tinali sa handle ng bintana. Hindi ko na naisip kung kakayanin ba noon ang bigat ko. I just want to leave and forget what I saw.

Kinakabahan man at tila lalamunin ng takot, niladlad ko nang tuluyan ang mga telang punagdugtong saka ko sinimulang kumapit doon pababa.

The wind is getting stronger and the beating of my heart gone worse. Nasa pangalawang palapag ang aking silid at sa tuwing sinisilip ko ang ibaba, parang gusto ko nang umakyat muli.I focused my eyes in my trembling hands to keep myself from losing my senses. Dahan-dahan ang aking bawat paggalaw, ngunit nang madinig ko ang isang tunog na tila nabaklas na turnilyo, lalong nagwala ang dibdib ko at isang malakas na tili ang kumawala sa aking bibig.

I was falling to my death, but before my body smashed unto the cold ground, a pair of hands grabbed me, and its strong arms wrapped around me as if protecting me with all its strength.Hindi ko nadama ang sakit ng pagbagsak, kundi ang lamig ng hiningang tumatama sa aking noo.

...at ang natural na amoy na iyon, bakit tila napakabango?

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, ngunit kasabay ng tuluyang pagbukas ng aking ng mga talukap ay ang pagbitaw at paglaho ng kung sinomang nagligtas sa akin.

Nilibot ko ang aking paningin sa madilim na paligid ngunit wala na akong taong makita. Was it a dream? Pero imposible. Pinagmasdan ko ang nanginginig kong mga kamay. It was real. I was really saved by a mysterious man. Pero...nasaan siya?

Puno ng tanong ang aking isip, ngunit nang madama ko ang malamig na hininga sa aking buhok, tila tumigil sa pagtibok ang aking puso.

I heard the man sigh before he stroked his fingertips on the side of my neck, and in that moment, I heard the most mesmerizing voice I'd like to hear over and over again.

"Be careful next time, Guia. Death is just the beginning of more nightmares..."