Chapter 2: You Know What I Need
Panay ang buntong hininga ko habang pinagmamasdan ang kakahuyan mula sa bintana ng aking silid. Mula noong gabing nangyari ang tangka kong pagtakas, madalas ko nang matagpuan ang sarili kong tumititig sa madilim na bahagi na iyon ng likod ng mansyon. I don't know why I got drawn to the darkness. Perhaps because I can barely see light in my life now that my relationship with my dad got ruined.
Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko mahanap sa puso ko ang kapatawaran. How could he betray my mom when all she ever did is love and care for him? Hindi ba at sa kanya mismo nanggaling ang kwentong iyon? Sabi niya walang kayang humigit sa aking ina, pero bakit nagawa niyang ipagpalit si mama sa mismong kapatid niya? My Aunt Olga may look so much like my mom, but she's not even halfway from reaching her.
Inipit ko sa aking mga labi ang ballpen na hawak saka ko nilukot ang papel na dapat ay pagsusulatan ko ng sulat para kay papa. Pang ilang subok ko na ba ito na sulatan siya pabalik? Everytime I try to reply to his every "how are you?", all I ever wanted to say was, "how could you?"
I know I am being unfair. Matagal nang patay ang mama ko pero hindi ko talaga kayang makita si papa na may kasamang iba. Especially if it's my aunt Olga. Hindi ko sinasabing isa siyang masamang tao. It's just that, she's just so much less of everything. She cares less about how my day went nor if I feel okay with our set-up. She doesn't speak to me as often as a concerned aunt should have been. And, she barely looks at me in the eye, as if she sees something she hates to see in me.
Funny how I still consider her my family, when family was supposed to be your closest ally at all times. Siguro nga ay hindi sa lahat ng panahon ay pwede mong bigyan ng parehong kahulugan ang isang bagay. People often get hurt when they expect to have what they see in others. Kung sabagay, ganoon nga siguro talaga ang buhay. It's a dark journey, and whether you like it or not, you shouldn't expect a reliable company on your way to its end.
Umalingawngaw ang ingay ng lumang orasan sa salas. Ni hindi ko man lang napansing papalubog na pala ang araw at halos dalawang oras na rin ang naigugugol ko sa pagtunganga sa aking silid. Ano pa nga ba ang bago? Madalas namang lumilipas ang araw na ganito at tingin ko'y ito na talaga ang magiging takbo ng buhay ko.
Ibinalik ko sa lagayan ang aking ballpen saka isa-isang tiniklop ang mga aklat na nagkalat sa harap ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman pinag-aksayahan ng oras na basahin ito habang nasa kwarto. Gusto ko lang magkaroon ng excuse kung sakaling bigla na lang papasok si Tiya sa silid ko.
I stood up as I tied my curly brunette hair into a bun, and as I make my way towards the door, I threw one last glance to the woods that looked darker, more mysterious during sunset. Minsan pakiramdam ko ay nakikipagtitigan ako sa isang taong hindi ko naman nakikita, ngunit imbes na makadama ng takot, may kakaibang emosyon pang namumuo sa aking puso. Emosyong hindi ko alam kung handa ko bang tanggapin sa oras na maging totoo.
Gaya ng nakasanayan, naging tahimik kami ni Tiya Olga habang naghahapunan. She was sitting at the end of the table, looking so prim and proper without any emotion sketched on her face, while I'm three seats away from her acting as if she doesn't exist.
Mayamaya'y tumikhim si Tiya bago niya inilapag ang kanyang kopita sa mesa. Saglit ko siyang tinignan, ngunit gaya ng dati, siya rin mismo ang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Your father wants to talk to you. He's asking how your studies are going so far." Malamig niyang tanong.
Nilunok ko ang pagkain sa aking bibig saka ko nilapag ang mga kubyertos. "Boring. Maybe if he'll let me go to the community college, my life would be better."
"Trust me, Guia. This is the best place to be at for you at all times."
Gusto kong matawa ngunit naalala kong hindi ko pwedeng bastusin ang tiyahin ko. Seriously, does she even hear herself? This place is nothing but a prison to me.
Bumuntong hininga si Tiya, tila nabasa ang tumatakbo sa aking isip. "The outside world is a dangerous place. As long as the seal of your fate is safe, there's no other place for you but this house."
Nagsalubong ang aking mga kilay. "What exactly does that even mean?"
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Tiya Olga maging ang pag-igting ng kanyang panga, ngunit imbes na inis ay tila lungkot pa ang nakita ko sa mga mata niya.
Hindi niya napigilang sumandal sa kanyang silya bago ako sinagot, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon sa kanyang kopita. "Alam kong nasusuklam ka na sa lugar na ito. I cannot blame you. You're about to turn eighteen and people at your age tend to be hungry for new things. Sana lamang ay bago mo pasukin ang mga bagay-bagay, kung sakali mang tuluyan na kaming mawalan ng kakayahang protektahan ka, maisip mong hindi lamang ang buhay mo ang maitataya mo sa bawat desisyong gagawin mo. Every move, every choice, every single decision we make, it can make us a better version of ourselves, or it can destroy us and the people we care about the most."
There we go again with the overly-dramatic lines. Kapag tinanong ko naman siya kung bakit ganoon siya magsalita, sasabihin niya ay huwag kong intindihin ang mga pinagsasabi niya. Crazy and odd, but what else can I do? She's still family, and family respects each other.
Fuck respect. Fuck family.
Pilit ko na lamang itinango ang aking ulo. "Naiintindihan ko po, Tiya."
"No you don't, Guia." She stood up and carried her wine glass in her hand. "Not until you get to wear my shoes."
Uminit ang sulok ng aking mga mata nang tuluyang makalabas ng dining room si Tiya. Pakiramdam ko ay naupos ang aking katawan at nahigop ng mga salita niya ang lahat ng lakas ko at ang kaya ko na lamang gawin ay ang kagatin ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili kong tuluyang maluha. Kung tutuusin, hindi naman talaga masakit ang sinabi niya, pero bakit gano'n? Para pa rin akong sinaksak ng punyal sa dibdib at ngayon, parang hirap na hirap ang katawan kong tumanggap ng sapat na hangin para makahinga.
I shut my eyes and balled my fists as I tried to calm myself, but as pain slowly thrum in my veins, I knew what I'm feeling was no longer because of my aunt's words. It's... It's something else, coming from something I don't know.
Napahawak ako sa tela ng aking damit. Gusto kong sumigaw nang madama ko ang kakaibang init at lamig, sakit at galit. All of it at the same time. Tila gusto akong patayin o parusahan sa hindi malamang dahilan.
I tried to scream but no voice came out of my mouth, and as the pain gone worse, I felt darkness slowly consumed my remaining consciousness. Bumagsak ako sa sahig, nanginginig at takot na takot. Tuluyan akong napasigaw at sa pagkakataong iyon, isang malakas na tili na ang kumawala sa aking mga labi.
Sa isang iglap, biglang naglaho ang nakamamatay na pakiramdam na kanina lang ay nagpahirap nang husto sa akin. Hapong-hapo ako at ang noo ko ay pawis na pawis. Pinilit kong imulat ang aking mga mata habang nakahiga ako ng patagilid. Malalim ang aking bawat paghinga at nanlalabo ang aking paningin. It took me a few seconds to have a clearer view of the man sitting on a throne whose head was bowed down. Ilang metro ang layo ng lalake sa akin, ngunit nang marinig ko ang kanyang bulong sa aking isip, nanlaki ang aking mga mata at nagwala nang husto ang aking puso.
"Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?" Nahihintakutan kong tanong habang pilit ibinabangon ang sarili ko.
The guy's head remained bowed down, but I saw how he licked his lips as if he was so thirsty of something I'm afraid I cannot give.
"You know what I need from you, Meshka. You are just too scared to admit it to yourself."