Anong nangyari sa bituin na tila ba'y nawalan ng kislap
Tumingin sa salamin, nakita ang sarili sa harap
Anong nangyari sa batang ako na walang problema sa mundo?
Tuluyan na bang nakain ng salita ng mga tao?
Madilim ang kapaligiran, pundi na ba ang mga ilaw?
Inikot ang mata para tumingin, bakit wala na akong matanaw?
Nakakatakot na mag-isa ako sa kadiliman na ito
Ngunit malinaw sa alaala na simula umpisa ako lang naman pala ang narito
Napakarami nila, nandiyan sila para sa isa't isa, sino ang narito para saakin?
Meron silang likod na nasasandalan, ano ang aking sasandalan kung ang meron ako ay kanilang mapanghusagang mga tingin?
Bakit ba at nabuhay sa mundong ibabaw, hindi ko naman ito ginusto
Lagi nalang nagtatanong sa itaas, ano ba ang dapat kong gawin para hindi ganito?
Sa ilang takbo, sa ilang langoy, at sa ilang lakad
Lagi nalang ako sa kadiliman napapadpad
Kailangan ko bang lumipad upang makaalis sa lason ng lugar ng kadiliman?
O kaya naman wala na itong katapusan?