Chereads / Ang mga tula / Chapter 24 - Kung ang kalaban ay tadhana

Chapter 24 - Kung ang kalaban ay tadhana

Sa bawat oras, sa bawat araw, sa bawat buhay ikaw lang ang gustong makasama

Pilit man tayong paghiwalayin ng tadhana

Paa ko'y sayo't sayo pa rin pupunta

Kahit na anong daan ang tahakin, sa dulo ikaw lang ang nakikita

Sinubukan kong kalimutan ka ngunit hindi ko magawa

Malilimutan man ng aking isipan ngunit ikaw pa rin ang tinitibok ng puso

Bakit tila'y napakaiksi ng panahon na ibinigay ng tadhana?

Napakasakit, hindi ko na kaya bakit ba 'to ganito?

Hindi ko kaya na maghanap ng iba

Ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko na amoy at mukha

Ano ba ang nagawa mo ngayon na pinagbabayaran ko ngayon?

Ayos na malubog sa iniwan mong pagmamahal dahil wala na akong balak na umahon

Sa isang saglit na pikit

Wala na ang lahat saakin, wala ka na saakin, bakit?

Kayang kaya ko na gawin ang lahat kapalit na mabalik ka

Kahit na imposible, ako ay magmamakaawa sa tadhana

Kahit ba na konting sandali ay maibalik ka?

Napakarami ko pang gustong sabihin

Wala na ba tayo talagang pag-asa?

Sa pag-iibigan na ipinagkait ng ilang taon, isusuko na lang ba?