Sabay na lumaki, sabay rin tayong tumanda
Kahit na sa malayo ako ay tagahanga.
Kailan kaya ang panahon na masisilayan ko ang inyong mga mata
Kapos man ang pera sa paparating niyong mga binata.
Laging umaasa na makapunta sa kahit isa niyong palabas.
Isa sa napakarami kong hiling ay ang makita kayo
Kahit di kumpleto, kuntento ang puso ko.
Kahit na hadlangan ng mga magulang ang pagpaalam
Hindi naman siguro masama ang umasa ng kahit kaunti para kayo ay masilayan.
Kahit na maraming pinagdaraanan sa kasalulkuyan
Kasama ko kayo lagi sa laban
Ang matagal kong laban sa aking buhay, ang sarili
Kaya sa pagpunta sana dinig niyo ang aking pasasalamat.
Salamat sa pagkakataon na binigay niyo upang mabuhay muli ang namamatay na sarili
Sa panahong nawawalan ng pag-asa, isa ang musika niyo sa nagpakalma sa magulo kong mundo
Kaya tuwing dadalaw kayo ay lagi akong nag-iipon ng maigi
Kung darating man ang panahon, sana ay isa ako sa makakakita ng anino niyo.
Musika na aking naging takas sa mahirap na buhay
Mga pagpapatawa niyo na aking naging mga alalay.
Dahil sainyo nabuo na ulit ng paunti unti ang sarili.
Ngmamakaawa sa Diyos, sa magulang, sa lahat na sana ay payagan nilang magkita tayong lahat muli.
Hindi na ako makapaghintay na makadalo sa mga bagay na ito ng hindi iniisip kung gaano kalaki ang babayaran.
Sana sa future na ako ay natupad itong mga hiling ko na malapitan naman kayong mahawakan.