Mga patagong tinginan na tayo lang ang nakakaalam.
Makalapit lamang sayo ang aking inaasam.
Makahulugang tingin na binibigyan ko ng dahilan
Patungo sayo, saan kaya ako dadaan?
Sa daan na puno ng tao, sayo lang nakatingin
Atensyon mo ba'y pwedeng hingin?
Magkano naman kung ito'y akig bibilhin?
Kahit na magkano, gagastusan para makuha ang iyong tingin.
Nagkakasalubong sa daan, mukha ko ba'y natatandaan?
Sa tuwing iyon ay mangyayari, di ka ba napapaisip ano ang aking pangalan?
Sapat na siguro saakin ang ganitong mata mata
Sa malayo nakatingin, sa malayo humahanga.