Tunay bang nagbalik ka na?
Ikaw ba ang nakikita ko dito sinta?
Sinagot na nga ba talaga ang panalangin ko.
Kinukusot ang mata para masigurong totoo.
Mahal, o kay tagal kitang hinintay.
Kahit na ang puso halos mamatay kakahintay.
Hindi ako sumuko, ganoon katindi ang pagmamahal ko sayo.
Na kahit ilang taon kang nawala, simula una sayo lang ako.
Ako pa rin ba sa mga taong wala ako sa tabi mo?
Nang sinabi mo ay ako'y lamang sayo.
Tunay nga na nagbalik ka na.
Bakit inabot ng halos isang dekada?
Tiniis ko ang lahat, bawat gabi ay bumubuhos ang luha.
Iniisip kung nasaan ka na at kung babalik ka pa.
Kahit isang liham bakit wala ka man lang naipadala?
Sakin ba ikaw rin ay nangulila?
Ipangako saakin ngayon na hindi ka na ulit aalis.
Dito ka na lang sa tabi ko upang puso'y di na magtiis.
Kahit na anong nangyari sa lugar kung saan ka naglakbay.
Narito ako iyong kaakbay, sa mga problema na pareho nating lulutasan.