Hanggang kailan lalaban sa digmaan na walang katapusan?
Matagal ko ng gustong tumigil at huminto.
Laging pinapatunayan ang sarili sa mga tao.
Nakakabingi ang paulit ulit na pagsabi ng papakinggan.
Paano?
Kailan kaya matatapos ang ganito?
Nakakapagod, pwede bang huminto?
Tuldukan ang buhay na mapaglaro, nais ko lamang ay mapayapang bahay.
Ngunit sa ngayon mundo ko'y halos wala ng kulay.
Hindi ko naman gusto na makipagdigmaan ng walang armas.
Sa hindi pamilyar na lugar, napakataas.
Di na alam ang landas na tatahakin.
Bakit ba kayo ganito saakin?
Kahit na ilang beses niyo ako gantuhin.
Maya maya kahit na ayaw ko, sarili'y pinatawad na kayo.
Kahit na batuhin sa malalalim na karagatan at matarik na bangin.
Anak pa rin ba ang tingin niyo saakin?
Matatapos pa ba ang ganitong siklo?
Kung saan lagi nalang ako ang tumatakbo.
Hindi ba pwedeng magpahinga na lang?
Pagod na Pagod na ako.