Noong namatay siya, nakita ko rin kung paano namatay ang saya sa mga mata mo
Kahit na narito sa gilid, laging suporta sainyong dalawa
Kahit na alam kong tayong dalawa ay walang pag-asa
Lagi't lagi kong iintindihin, siya ang pinakaimportante sayo
Kung hadlang ang tadhana sainyong dalawa
Ako ang titindig, susubukin na kalabanin ang tadhana makita ka lang na sumaya
Para sainyong dalawa na nagmahal lang naman, ngunit sa maling panahon
Sa ibang mundo sana kayo ay masayang magkasama sa mahabang mga taon
Kasama ang kasiyahan mo sa mga panalangin ko
Kasama ang mahabang buhay niya sa panalangin ko
Sa mga dalangin umaasa na maging masaya kayong dalawa
Kahit na habang buhay nalang kita mamahalin.
Kahit na hinding hindi masusuklian ang damdamin.
Tanggap ko sinta ko, na siya lang lagi ang magiging bukambibig mo.
Sa pag-ibig na alam ko ang dulo, ako ay hinding hindi susuko sayo.
Para bang hindi ko na kayang humanap ng katulad mo.
Sa bawat nakikilala ko, hinahanap ko ang tamis ng iyong mga ngiti.
Ito na ata ang nakatadhana sa buhay ko.
Mahalin ka nang buo kahit na ako ay hindi mo pinili.