Chapter 27. Ridiculous
SA LOOB ng isang taon mula nang maitatag ay naging maganda ang takbo ng Sweet Bites Café. Lumago iyon at dumami ang customers niya kaya binili na rin niya ang katabing lupa ng gusali kung saan niya tinayo ang café at pina-renovate iyon. May dalawang palapag na ang cafe at nag-hire na rin siya ng ilan pang mga staffs.
She celebrated her twenty-ninth birthday hosting a children's party at an orphanage. Nagapa-catering din siya roon at binigyan ang mga ito ng mga cupcakes and pastries na gawa niya.
Naging abala rin siya sa pagvo-volunteer sa orphanage tuwing weekends, tinuturan niya ang mga bata. Kadalasan ay binabasahan ng children's books o tinuturuang bumasa at sumul at.
It was her best friend's twenty-eighth birthday soon and she wanted to surprise Megan. Pinilit niya itong mag-leave para magbakasyon sila sa ibang bansa. They went to South, Korea and Bangkok, Thailand. Sa Thailand niya pinlano ang selebrasyon ng kaarawan nito dahil saktong may Anniversary Concert ang Eclipse doon, pagkatapos ay lilipad pa-Japan ang grupo. She couldn't imagine it's been seven years since they debuted. At sobrang layo na ng narating ng mga ito deapite of issues and dating scandals.
Nakikibalita pa rin kasi siya sa Eclipse, lalo na sa Sunshine na namamayagpag na rin sa buong Asya. Her friends were now busy on their First Asia Tour.
Nang manood na sila ng concert ni Megan ay nawalay siya rito. She decided to wait for her on ther seats but the concert was already finished, and still, Megan wasn't there. Tinawagan niya ito at nagulat ng ibang tao ang sumagot. Isang lalaki.
Pagkatapos ay nalaman na lang niyang dinala sa ospital ang kanyang kaibigan.
When she went to the hospital, she cried and blamed herself for what happened to Megan. Nanakawan ito at muntik nang halayin.
"MEGAN! Gosh! I'm sorry I didn't know..." mangiyak-ngiyak na bungad ni Rachel nang maabutang kumakain si Megan sa ospital, nakaupo ito sa kama at may bed tray sa harap nito kung saan nakahain ang mga pagkain.
"It's okay. I feel better now."
"No! Kargo kita. I was the one who brought you here! If only I didn't process your papers and filed a leave for you... I shouldn't have given you Eclipse' concert ticket, too! We should've just stayed in Jeju Island or went back to the Philippines." May pagsisising hayag niya.
"Reych, it's an accident. Wala kang kasalanan, 'no! Kaya cheer up! Give me a hug na lang para lalong um-okay pakiramdam ko," paglalambing niya.
"Hmm..." She hugged her. "...kung may nangyaring masama pa talaga sa 'yo, hindi ko na alam ang gagawin ko. You're my other half, my sister from another mother, my twinnie... alam mo 'yan."
"Bola!"
Kumalas siya sa yakap nang marinig ang isang malakas na pagtikhim. Nagtatakang tiningnan niya kung sino iyon at nanlaki ang mga mata nang mapasino ang lalaki.
"Ano'ng...?" Hindi niya matapos ang pagtatanong at nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Megan at Lancelot.
"Then I should thank you for bringing Megan here," simpleng banat ni Lancelot.
"You knew each other?" tanong niya. What was he doing here? Hindi ba't papunta na ng Japan ang Eclipse para sa Anniversary Concert Tour ng mga ito? Lancelot's a member so he should be there!
"I think I forgot something. Let me just go out for a while," paalam ni Lancelot. Pagkalabas na pagkalabas ng huli ay inulan niya ng tanong ng kanyang kaibigan. Not answering the questions one by one, Megan told her the whole story on how did she become closer with Lancelot.
"You mean, the elevator thingy..." naguguluhang tanong pa rin niya.
"Oo, I realized that was really him."
Out of amusement, she formed an "O" with her mouth. "If this isn't fate... Ang swerte mo, friend! I-set up mo naman ako kay Seiji!" At malakas na tinampal ang braso nito. Napa-"Aray!" si Meg habang tumatawa lang siya at humihingi ng paumanhin sa napalakas na pagkakapalo niya.
"Akala ko ba ayaw mo kay Seiji?" panghuhuli nito. Kahit walang alam ay nasisiguro niyang may duda na ito.
She pouted. "Iniiwasan niya kasi ako." That's partly true. Ang tamang salita ay nag-iiwasan silang dalawa sa nakalipas na mga taon. Halata namang gustung-gusto siyang lapitan ni Seiji pero mukhang pinanindigan nito na hindi na siya lalapitan pa. At pinagsisisihan pa rin niya ang desisyon hanggang ngayon. Nanghihinayang siya. She realised she had loved him from the very start and she wasn't just aware of her own feelings. Masyado siyang naguluhan sa mga sitwasyong kinaharap. She tried sighing nonchalantly.
Iniba niya ang usapan pagkatapos. Nang minsang kasama niya ito sa café, nakwento kasi niya na sa lahat miyembro ng Eclipse ay si Sage ang pinakaayaw niya. Nang tanungin siya kung bakit ay nagkibit-balikat siya.
She excused herself and pretended she'd get something. Ang totoo'y sinundan niya si Lancelot at nahanap niya itong may kausap sa phone.
"Find them no matter what! I won't let them go." May diin na pahayag nito bago tinapos ang tawag.
Nagpanggap siyang napadaan at makakasalubong lang ito.
"Hi?" alanganing bati nito pero pinaningkitan niya ito ng mha mata. She's also crossing her arms. Tila nagtatanong kung ano'ng ginagawa nito roon.
"What are you doing here? Really? Lancelot of Eclipse is interested with Megan? Are you toying my friend? Kung ako sa 'yo, balikan mo na ang mga kasama mo. I knew you didn't participate in your Japan tour. It's all over the news now. Pasalamat ka at hindi pa nag-o-online o nanonood ng news si Megan. You can go now. I can take care of her," tuluy-tuloy na litanya niya.
He stood firmly. "I'm not toying Megan, Miss. I'm serious. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasisigurong mabubulok sa bilangguan ang gumawa niyon sa kanya," determinadong untag nito. The way he looked at her was telling her that he still knew who she was.
Lumambot ang mukha niya at pagkuwa'y nagsalita, "I'll help you. I won't let Megan see the news. But on one condition—" Malapad siyang ngumisi sa naisip.
He kept still, waiting for her condition.
"—Let me meet Sage."
Nangunot ang noo nito sa kondisyon niya. But his eyes were saying it's just an easy thing to do. "Alright, then."
"Siguraduhin mong magkikita kami."
"Yes. Aalis na ako. May aasikasuhin lang ako."
Seryosong tumitig siya rito. "You're going to catch the criminals, aren't you?" Paninigurado niya. He just nodded. And when he was about to go away, she asked him, "Why would you do that?"
He just smirked and left her. Hindi na ito tumuloy sa private ward kung nasaan si Megan.
Sa dami ng nangyari ay hindi natupad ni Lancelot ang kondisyon niya. Nakauwi na sila ni Megan sa Pilipinas ay wala pa ring balita. Hanggang sa sinukuan na lang niya ang isipang habul-habulin si Sage. Siguro nga'y hindi sila para sa isa't isa. Sa katagalan ba naman ay malamang nalimutan na siya nito. After all, they were never in a relationship.
Sayang, perpekto na sana ang buhay niya kung kapiling niya ito.
"SIGURADO ka bang gusto mo nang lumipat ng tirahan?" tanong kay Rachel ng kuya niya nang buksan niya rito ang pagnanais na bumukod. Nasa swimming pool siya nang lapitan siya nito kaya umahon siya't nagsuot siya ng roba at kinausal na ito tungkol doon.
"Oo, gusto ko sana, mas malapit sa café." Nanuot ang ginaw sa kanyang balat kaya tinali niya ang kulay rosas na roba. She's only wearing a one piece swimsuit.
"You can just occupy the third floor of your building whenever you need to stay longer at work. Dito ka na lang sa mansiyon."
Umiling siya. "Gusto ko ngang subukang manirahang mag-isa Kuya."
"Why is that? Papa will be sad once he heard about this."
She pouted but her brother just patted her head like a she's some kind of puppy. "Kuya naman."
"Do you know that my sister-in-law's husband is an Eclipse' member? Kaya alam ko ang nakaraan ninyo ni Sage. Nasabi ni bayaw sa asawa ko."
Gulat na lumingon siya rito. "Sino?"
"Secret. Tsismoso pala ang Eclipse, 'no? Daming alam."
"Bwisit ka, Kuya!"
"Hey, it's true. If you want, I'd set you up a date with Seiji Watanabe."
Naningkit ang mga mata niya. "Kilala mo siya?"
Her brother mockingly laughed.
"Pinagloloko mo ako."
"Hindi. I met him many times at Montreal Agency. For your information, dear sister, I'm one of their major stockholders, I even met your Villarama ex-boyfriend during some of the meetings. In fact, he's in the living room right now."
"Sino?!"
"That Villarama, baby sister. See for yourself."
Sinamaan niya ito ng tingin at nagmamadaling pumasok sa mansiyon. It was true, Luis was there with a bouquet of flowers, while sitting in the middle of their sofa.
What's ridiculous was there's another person holding a bouquet as well and she couldn't be wrong. It was Sage who's sitting on the other side of the big sofa, looking so devilishly handsome.