Chapter 29. Fine
HINDI matagalan ni Sage ang malamig na pakikitungo kay Rachel. The moment he saw her smile when she offered him juice, he knew he wouldn't last being so cold.
The bouquet of flowers was from him as well. Nasabi niyang kay Lance galing iyon dahil nairita siya kung bakit nasa mansiyon din ang gago nitong ex-boyfriend.
Akala ba niya'y gusto siya nitong makita? Pero bakit parang hindi na pala siya kailangan ni Rachel?
Ang plano niya ay pahirapan ito. Nang sabihin ni Lancelot sa kanya na gusto siyang makita ni Rachel ay nagtangis ang bagang niya.
"Date her. Woo her."
"And why would I do that?" Kunwari'y naiirita siya.
"Because you love her."
Bull's eye! Hindi siya sumagot.
"Hinihintay mong bumalik siya sa iyo, hindi ba?"
Nagtangis ang bagang niya. "Walang kami."
"Wala lang kayong label pero mayroong kayo."
"Hindi ko hahayaang makalapit ulit siya sa 'kin."
"Ewan ko sa iyo. Ako nga'y umaasang lalapitan ni Megan pero ano? Tinakbuhan ako. Tapos ikaw, ang babaeng mahal mo na ang lumalapit sa 'yo, magpapakipot ka pa. Man up, bro!"
Iniwan siya si Lance sa practice room. Ilang sandali pa'y nagsidatingan na ang ibang miyembro at bumalik na rin si Lance.
"Ano itong nasabi ni Lancelot na bumalik na si Rachel?" usisa ni Dice, na kanilang manager.
"Umalis ba siya?"
"Tama na nga iyan, mag-practice na tayo," sabad ng leader nila. "Mamaya ka namin gigisahin," baling pa nito sa kanya, malapad ang pagkakangisi.
They're practicing their performances for the encore of Eclipse' Seventh Anniversary Concert that would be held in the Philippines. Pagkatapos niyon ay magkakaroon ulit sila ng mahaba-habang bakasyon para maging mas handa sila sa susunod na recording ng bagong album. Pero ang alam niya'y may ilang schedule pa sila bago tuluyang makapagbakasyon.
The last leg of their Concert Tours was always in Manila. That's very convenient for each members because right after the concert, they'd party and would go straight home. Bagay na hindi nila nagagawa sa tuwing nasa ibang bansa.
In his case, he always flew to Japan. Sa condo siya naglalagi. He still felt that Rachel's scent was all over his place that's why he wanted to spend his vacation in there. At isa pa, paraan na rin niya iyon para pigilan ang sariling puntahan ito dahil kung nasa Pilipinas siya at walang ginagawa ay nasisiguro niyang kay Rachel siya didiretso. And he wouldn't let that happen especially he promised he would never see her again... unless she'd see him.
That's why he was surprised when he learnt that she wanted to meet him. Did she badly want to see him as well? Did she realise her unnamed feelings for him already?
Dahil kung oo, hinding-hindi na niya hahayaang mawalay siya ulit sa babaeng kanyang pinakamamahal.
RACHEL was taken aback. Tila napapasong binitiwan niya si Sage. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin at sa huli ay nagpasya siyang yumuko, hindi na napigilan ang sunud-sunod na pagpatak ng kanyang luha.
"Sorry for disturbing you. S-sige na, umalis ka na."
Hindi ito natinag at umupo sa kanyang tabi.
"I'll be fine, Sage. Hindi ako manggugulo."
"Don't cry—"
"Don't tell me to stop this feeling because I can't. Let me... just love you from afar. I'll be fine. Promise." Nanatili siyang nakayuko.
"Did you forget, sweetheart? You are my wife."
Sinisinok na siya nang mag-angat ng tingin dito. His face was telling her he wasn't lying.
He stood up and got her some water to drink from her refrigerator.
"Drink this, Reych. And please, stop crying," alu nito.
She did.
"I can't stand seeing you hurt. Gusto kong suntukin ang sarili ko."
Speaking of suntok, she noticed his knuckles were reddish. She grabbed the cold compress and pressed it on his knuckles. Halinhinan niyang diniin iyon sa kamao nito. Habang ginagawa iyon ay pinatatahan niya ang sarili. Bahagya pa rin kasi siyang nanginginig at sinisinok.
"I have our marriage papers—" putol nito sa katahimikan.
Maang na napatitig siya rito.
"—but unregistered."
"Wala ka talagang asawa?" paninigurado niya.
Umiling ito.
"Girlfriend? Fiancée?"
Still, he shook his head.
"How about flings? Fuck buddies?"
"None, sweetie. Unless you say yes."
Nangilid na naman ang luha niya. "Kahit fling o fuck buddy, okay na sa 'kin, basta h'wag mo lang akong iwan."
"No, Rachel. I want more than that."
Naluha ulit siya at ngayo'y dahil sa sobrang galak na. Sage knelt down and open a small velvet box. Bumulaga sa kanya ang isang singsing na agaw-pansin ang diyamanteng nandoon.
"Hindi ba masyadong malaki?"
"I couldn't buy it when I was just nineteen, but I already pictured what kind of ring should I give you back then."
"Pero agaw-pansin ito."
"Exactly my reason why it has to be this flashy. Para malaman ng lahat na pagmamay-ari kita. Akin ka na ngayon, Rachel. Hindi na kita pakakawalan pa."
Sinuot nito ang singsing sa palasingsingan niya at umupo ulit sa tabi niya 'tsaka siya hinalikan. Saktong bumukas ang pinto at niluwa niyon ang kani-kanilang pamilya.
Agad na humiwalay si Sage sa kanya pero para siyang nahipnotismo nang habulin niya ang labi nito.
"Sweet, our families are here," he uttered in between her sweet kisses. Doon siya natauhan at nag-ayos ng upo.
She greeted his parents but couldn't look straight into their eyes.
"Are you fine, hija?" tanong ng mama ni Seiji.
"We heard what happened," ang ama nito.
She assured them that she's fine. Ang pinagtatakhan niya ay bakit magkakasama ang mga ito. Tumayo siya at humarap sa mga ito. Hiyang-hiya sa dinatnang sitwasyon. If they came in later, they must've been caught in the act. Wala sa sariling lumipad ang isip niya noong makita sila ng mga ito sa condo ni Sage, higit sampung taon na ang nakalipas.
"Son, your friends called and told us you're proposing to Rachel," baling ng mama ni Sage sa anak.
"We set a meeting with your dad, we were at the nearby restaurant," si Mr. Watanabe.
"But your brother called and told us what happened," ang kanyang Papa.
That explained why they were together.
"Sage naman, bakit dito ka nag-propose? You could've set a fine dining at a restaurant or at the beach or—"
"This is perfect po, Madam," natatawang sabad niya. "This is everything that I want..."
"Oh, call me Mama, hija."
"We'll go back tomorrow night with your brother," baling ng ama ni Sage sa anak.
"Mamanhikan tayo," ang ginang.
Tahimik na lumingon siya kay Sage at nakitang pinasadahan ng dila nito ang pang-ibabang labi.
Marahan lang itong tumango at seryosong nakatitig sa kanyang Papa.
"You already proved yourself to me long ago, son. Pasensya na't natagalan itong anak ko."
"Po?" takang-tanong niya.
"Sige na, ihahatid ko na ang mga balae ko."
"Let's talk about their upcoming wedding..."
Hindi na niya nasundan ang pag-uusap ng mga nakatatanda dahil nakalabas na ang mga ito sa kanyang silid. Sage's mom made sure to lock the door before she finally went out.
"Uh, mukhang napikot kita," biro niya.
"My mom is right. Hindi dapat ako rito nag-propose."
Natawa siya sa reaksyon nito. "Kaya tahimik ka?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Hindi ko kasi ito pinagplanuhan. Dapat ay hahayaan kitang lapit-lapitan muna ako, I should be acting cold."
She laughed out loud by his expression. "Uso pala sa lalaki ang pagpapakipot?"
He groaned to protest.
"Pero, ano iyong sinabi ni Papa kanina?" Subalit tila nakalutang ito sa alapaap nang hulihin ang tingin niya.
"I love you so fucking much, my sweet Rachel."
"I love you, too. But can you drop the fucking? You sounded really sexy that I just want to fucking make love to you."
Ngumisi ito at binuhat siya. Awtomatikong pinagsiklop niya ang mga binti sa balakang nito.
"I love you... I love you so much..." madamdaming bulong niya nang nanatiling nakabaon ang mukha nito sa leeg niya. Napahalinghing siya sa kiliting dulot ng mainit na hininga nito.
She felt him kissed her neck and gently nipped a bit part of her skin. "You taste so sweet, Reych."
"You smell like a fine wine, Mister."
"Uh, I drank a bottle of wine before going here."
"Pampalakas ng loob?"
Nakangising tumango ito.
She chuckled on top of feeling sensual.
Kumapit siyang maigi sa batok nito dahil pakiramdaman niya'y tutumba siya. Inalalayan nito ang likod niya at nag-angat ng tingin. He claimed her mouth at once and she fully responded to his longing kisses.
"I miss you so damn much, sweetie... I love you..." he murmured in between their sweet and loving kisses.