Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 28 - Chapter 22 - Pageant

Chapter 28 - Chapter 22 - Pageant

A/N

Huhu! Nasira laptop ng brother ko. Pero hindi ko kayo maiwanan kaya nag internet shop talaga ako para makapag-UD! Weee! hahaha! Medyo roller coaster po ang emotions sa chapter na 'to. :) And woah! Last chapter nagpasalamat ako for 40K reads, ngayon almost 50K na! Di ko alam kung deserve ko pa ba 'to. Pero salamat talaga!!! God bless us all! :3

--

[Pageant Day]

Tanghali na nang nagising ako. Ang late ko nanaman kasi nakatulog. Tinignan ko ang kalendaryo. October 24, 2014. Biyernes. At may maliit na note doon na nakasulat ay 'Ynna's Judgment Day'.

Ito na nga ba ang araw na pinaka ayokong dumating. Wala man lang kasi kaming nai-practice ni Sky kahit konti. Pagkatapos namin sa horror booth ay hindi na kami muling nagkita pa. Bakit? Bibigyan daw niya kasi ako ng time. Bibigyan daw niya ako ng oras para makapag-isip. At isang linggo lang daw ang kaya niyang ipaghintay. Tss!

*Flashback*

"And I'm serious about breaking the fucking contract."

Ang k-kontrata?

Ang kontrata ang gusto niyang i-break at hindi ang mukha ko, perlas ko o kung ano pa man.

Anong gagawin ko? Matutuwa ba ako? Malulungkot? Tatalon sa saya? Tatakbo? Sasabihin ang totoo? Kikiligin? Iiyak? Mahihimatay? Magwawalling ulit? Matutulala? Nganganga? Ano ba?!

HINDI KO ALAM!

"Hey..." panimula ulit niya nang hindi ako nakasagot.

Sasagot sana ako pero bakit hindi ko mahanap ang boses ko. Napipi na yata ako.

"Okay. Nagulat yata kita. Sorry. Hindi naman ako nagmamadali. I just want you to know about how I'm feeling. I can wait for your answer. I'll give you a week."

"W-W-W-W-Week?" ayun. Nakapagsalita din ako.

"Yes. One week. I'm impatient. Next week, after the pageant, will be your judgment day." sabi niya at saka hinalikan ang noo ko. Inuwi na rin niya ako sa condo namin pagkatapos.

*End of Flashback*

At ngayon, isang linggo na ang nakalilipas simula noong inamin ni Sky sa akin na gusto na niyang maipasawalang bisa na ang kontrata. Natatakot ako sa magiging desisyon ko. Natatakot ako sa pageant. Natatakot ako sa kahihinatnan ng araw na ito. Bakit kasi tila may pakiramdam akong may masamang mangyayari? Marami lang kasi siguro akong masyadong iniisip. Hayy!

Hindi ko na rin pala muna sinabi kay Shibama ang pag-amin ni Sky. Alam ko kasing hindi rin naman siya makakatulong. Kasi ba naman, botong boto kaya yun kay Sky. Sasabihin lang niyang um-oo na ako agad. Siguro mamaya ko nalang sasabihin sa kanya.

Pero para sa akin kasi, ang pagdedesisyon ay hindi ganun kadali. Kung mahal man ako ni Sky, pwede naman kaming magmahalan nalang at maging masaya kahit may kontrata pa rin kami eh. Bakit kailangan pang i-break yun? Mas lalo lang lalala. Mas lalong lalalim ang mga kasalanan ko kay Sky. Mas lalo ko lang siyang maloloko. At least kasi kapag mayroong kontrata, pwede kong sabihin sa kanya na sa huli na kaya ko lang naman pinasok ang kontrata ay dahil sabay matatapos ang kontrata niya at ni Janina. Pero kapag wala nang kontrata, ano nalang ang sasabihin ko kay Sky at sa lahat ng tao kapag lumabas na ang totoo? Wala.

Huling araw na ito ng aming klase. Bukas na ang sembreak. At kapag sembreak na, malamang ay Oktubre na. Hanggang Marso na lang ang kontrata ko kay Janina at Sky. (November. December. January. February. March.) Limang buwan pa. Limang buwan pa para magpanggap. Mabilis nalang iyon. Sana ay kayanin pa akong hintayin ni Sky nang limang buwan. At sana, matanggap niya ako pagkatapos ng limang buwan na iyon.

*Kapal ng mukha, 'di na nahiya

Ang dapat sa iyo pasabugin ang mukha

Ulo-ulo lang 'di kasama katawan

Pag kasama katawan, sabog pati laman!*

[Hey, this is our big day. I'm nervous.] husky na boses ang sumalubong sa akin. Siguro ay kagigising lang din niya. 

"Oo nga Sky! Kinakabahan din ako! Ano nalang itatalent natin? Lagot!"

[I'm actually nervous about your decision. Not about the pageant.]

"Sky naman. Mamaya na natin pag-usapan yan. Yung pageant muna! Paano na? Anong gagawin natin? Mapapahiya tayo!" may panic sa boses ko.

[Relax. I already made a plan. I'll just sing any song. And all you have to do is to dance to it. You're good at that.]

Woah. Oo nga noh. Ang bilis naman mag-isip ni Sky. Pero hindi naman yun ganun kadali! Kahit na sabihing ako ang pinakamagaling na dancer sa balat ng lupa ay kailangan ko pa din ng practice!

"P-Pero... Paano ko sasayawin? Wala akong practice! At ano ba yung kanta?"

[Just do interpretative dance. Anything. It's up to you.]

"H-Ha? Inter-ano? Interpretative? Ano nga muna yung kanta?"

[I still don't know.]

"Tss. Sige sige. Magsearch ka na ng kanta diyan. Sabihin mo nalang sa akin mamaya."

[Yeah right. And by the way, I miss you. So bad.] sabi niya bago binaba ang kabilang linya.

Grabe. Na-iimagine ko lang siyang naka topless at nakahawak ng phone habang kinukusot ang bagong gising na mga mata ay sobrang perpekto na. Paano pa kaya ngayong ako pala yung kausap niya tapos sinabihan pa niya ako ng 'I miss you'? Pwedeng tumili?! Eeeeeek!!!

Pagkatapos ng early dinner ay mabilis akong inayusan ni Shibama at ihinatid ako sa Mall of Asia Arena gamit ang taxi. Naka messy bun at royal blue cocktail dress ako. Naka wedge pa din ako pero yung tipong formal yung style kaya bumagay naman sa damit ko. 7 PM ang simula ng kumpetisyon kaya naman ay dapat pagdating ko ay ayos na ako simula ulo hanggang paa. Ang sosyal naman nitong pageant na ito at sa MoA Arena pa gaganapin. Siguradong maraming tao. Inihahanda ko nalang ang sarili ko sa mga posibleng kahihiyang gagawin ko mamaya. Bahala na. Dapat na siguro akong masanay.

"Girl, dito nalang me, 'di na ko papasok ha!"

"Sige Shibs, thank you!" sabi ko habang nagbebeso beso kami.

Pagpasok ko sa Arena ay bumungad agad ang napakalaking 'Mr. and Ms. Campus Philippines 2014'. So yun pala yung pangalan nitong pageant na ito. Ngayon ko lang nalaman. Kasali nga ba talaga akong maituturing? Err.

Mula sa backstage ay tumingin ako sa mga taong nanunuod. Iba't ibang schools ang naroroon. May kanya kanya silang mga manok. Mas lalong kumabog ang puso ko sa kaba nang nakita ko ang crowd ng ECB. Lahat sila ay chinicheer ang pangalan namin ni Sky. Meron pa silang malaking tarpaulin na may mga mukha namin. Saan naman kaya nila nakuha yung pictures na yun? Isa lang ang masasabi ko, hindi biro itong napasok namin ni Sky. Lagot na talaga mamaya. Waaa! Kinakabahan talaga ako!!! Bakit pa kasi ako sumilip eh!

Teka! Nasaan na nga ba si Sky?

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Mukhang nakapatay ang telepono. Sinundo nalang ako ng mga staff at ihinatid nila ako sa aking dressing room.

"Wala pa po ba si Sky?" tanong ko pagpasok ko sa dressing room.

"Wala pa. Pero nagsabi siya sa amin na sa mismong performance na daw siya dadating." sagot ng isang naka-ID.

"A-Ano?! Ni hindi ko pa nga alam ang performance namin eh!" pagpapanic ko nanaman.

"Don't worry miss Ynna, Sir Sky said that everything is going to be just fine." sabi naman nung isa pa.

Ugh! Nasaan na ba talaga yung lintik na yun?! Humanda siya sa akin!!! Huwag mo sabihing balak nanaman niya akong iwanan mag-isa sa stage tulad nung ginawa niya noon sa ECB auditorium?! Hindi na ako makapapayag! Ano nanaman ba kasi itong bagong trip niya?!

Mabilis na lumipad ang oras. Nagsimula nang mag-perform ang mga ibang schools. Wala rin akong kaalam alam kung pang ilan ba kami ni Sky. Masyado akong nilamon ang kaba. Para akong namumutlang ewan sa isang gilid ng dressing room. Paano kung hindi sumulpot si Sky? Paano kung naduwag siya? Ano nalang ang sasabihin ko sa ECB crowd? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa school pagkatapos? Huhuhu. 

"Miss Ynna, pumunta ka na daw po sa back stage." sabi ng isa pang staff.

"Wala pa si Sky!" mariin kong sinabi. Kala nila? Lalabas ako ng wala si Sky? Hindi! Hindi ako papayag!

"Umm, actually, nasa stage na po siya."

"A-Ano?"

"Yes po."

Pinasilip ako ng staff sa stage at ayun nga, nakita ko si Sky na nakaready na. Naka long sleeves siya na stripes na red at beige, pants, at meron din siyang kwintas pero hindi ko masyadong maaninag kung anong klase bang kwintas yun mula sa distansya ko. Nakatutok sa bibig niya ang isang microphone at may hawak hawak siyang gitara habang nakangiti sa dagat ng mga tao. Masyadong papogi. Lumingon siya sa likod ko at nabasa ko ang sinabi ng mga labi niya. 'Just dance'. Grr! Just dance mo mukha mo! Kakainis!!!

Ininarapan ko siya. Tinignan ko muli ang mga tao. Grabe! Sobrang dami! Nakakakaba! Inikot ko ang aking paningin simula sa taas kung saan naroon ang pinakamalalayong tao papunta sa baba palapit sa kinaroroonan ng stage. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang mga hukom ng mga hurado. May isang mukhang principal na panot, babaeng mataba, isang kilalang singer, isang aktres, isang grupo ng mga babaeng dancers na sikat sa TV, at... at... isang grupo ng mga lalaki na kilalang kilala ko. Nakita ko na maghuhurado sila bilang isang grupo. Naroon sila Ash, Chase, Clyde, King, Viel at Austin na nag-uusap. Hindi nila ako nakikita dahil nasa backstage pa rin ako.

Bakit sila maghuhurado? Hindi ba bias yun dahil galing silang lahat sa ECB? At lalo na si Ash, kapatid niya si Sky! Mas lalo akong nahiya dahil mapapanuod pa pala kami pati ng The Vengeance. Mas nakakahiya yun dahil kilala nila ako. Parang gusto ko na talagang umurong. Ayoko na. 

Sasabihin ko na sana sa isa sa mga staff na uurong na ako nang biglang nagsimulang tumunog ang intro ng kanta. Nagsimula na ring mag-gitara si Sky! Waaa! Kasabay nun ay tinulak na ako ng mga bwisit na staff sa stage na nagdulot ng hiyawan ng mga tao. Ugh! Lagot! Paano na ito! Nandito na ako ngayon sa stage kaharap ang buong MoA Arena na nanghihintay sa performance kong hindi ko naman alam kung papaano simulan!

Nakakahiya man pero umikot ikot muna ako na para bang nagbaballet habang sinasabayan ng tunog ng intro. Nakikita ko kasi dati sa TV na pag medyo slow yung kanta ay medyo ballet yung style ng mga dancer sa likod eh. Kaya ayun, ginaya ko nalang yung mga nakikita ko sa ASAP. Tss. Ni hindi ko man lang nga alam kung anong kanta yung tumutunog e! At sino bang nagsabi na marunong akong maginterpretative dance?! Ugh!!!

♪ There I was waiting for a chance

Hoping that you'll understand ♫

Nagsimula nang kumanta si Sky. Waiting for a chance daw! Kaya umupo lang ako sa sahig at nagkukunwaring nagwe-wait. Tumango tango ako na kunwari na-uunderstand ko. Hindi ba ganun naman ang interpretative dance? Yung tipong gagawin ko lahat ng mga sinasabi niya? Parang acting?

♪ The things I wanna say ♫

Umarte ako na para bang may kausap na tao. Yung tipong parang nasa business meeting ako tapos ako yung boss na nagpapaliwanag sa mga tauhan ko. Yung mga nagsisilbing tauhan ko ay yung mga taong nasa Arena ngayon. Mukha mang baliw pero at least, tama yung iniinterpret ko. Saktong sakto sa bawat lyrics na sinasabi niya. Sigurado akong tama kasi tawang tawa pa nga yung mga taong nanunuod eh. Success!

♪ As my love is stronger than before ♫

Ginawa kong hugis puso ang mga daliri ko at kumenbot ako ng konti. Pagkatapos ay taas noo kong pinakita sa madla ang braso ko at nagkunwaring may muscles. Hinalikan ko pa ang mga kunwaring muscles ko. Mas lalong lumakas ang tawanan nila.

♪ I wanna see you more and more

But you close the door ♫

Ngayon, umarte naman ako na parang may door knob akong hindi mabuksan buksan. Kunot noo kong pinipihit ang imaginary door knob. Sa huli ay sinipa kong kunwari ang door knob at, boom, nasira! Nabuksan! Bwahaha! Kunwari ay nakapasok na ako sa pinto. Tinaas kong muli ang braso ko at pinakita ang muscles ko. Ha!

♪ Why don't you try

To open up your heart

I won't take so much of your time ♫

Nagkunwari naman akong pilit kong binubuksan ang puso ko habang paulit ulit na tumitingin sa relo ko kasi nga 'di ba, it should not take too much of your time daw! Mukhang madali lang naman pala mag-interpretative dance eh. Baka manalo pa kami dito kung sakali! Partida, wala pa kaming practice niyan ah!

Handa na akong gumawa pa ng ibang interpretations pero biglang tumayo si Sky, iniwan niya ang gitara niya at lumapit sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at kinanta niya ang chorus.

♪ Maybe it's wrong to say please love me too

Coz' I know you never do

Somebody else is waitin' there inside for you ♫

Bigla akong nanghina sa biglang pagkanta niya para sa akin. Parang lahat ng kaba ko kanina ay nawala dahil hawak hawak na ako ni Sky ngayon. Hindi na rin ako makasayaw ng mga pinaggagawa ko kanina dahil ngayon ay hawak hawak na niya ako.

♪ Maybe its wrong to love you more each day

Coz' I know he's here to stay

But I know to whom you should belong ♫

Punong puno ng sinseridad ang kanyang mga mata habang kinakanta niya ito para sa akin. Para bang may nais siyang ipahiwatig. Parang konektado ang pagkanta niyang ito sa akin at sa magiging desisyon ko mamaya. Waa! Hindi kaya may trip nanamang gawin itong si Sky?!

Wag mong sabihing...

...balak niya akong pagdesisyunin dito sa harap ng maraming tao?

♪ But my love is strong

I don't know if this is wrong

But I know to whom you should belong ♫

Pinagdikit niya ang mga noo namin nang natapos niya ang kanta. Nakita kong may kukunin siya mula sa bulsa niya! Sinasabi ko na nga ba at may balak nanaman siyang iannounce sa buong mundo itong gagawin kong pagdedesisyon. Hindi man lang ba nya inisip na paano kung 'Hindi' ang isagot ko? Mapapahiya lang siya. Masyado ba siyang confident? Masyado rin ba akong halata na mahal ko din siya? Pero hindi. Hindi pwede! Hindi pwedeng ngayon ko ito pagdesisyunan sa harap ng maraming tao. Dali dali kong pinigilan ang kamay niya sa pagkuha ng kung ano mang balak niyang kunin. Nakita kong nagulat ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Sky, mamaya na yan." sabi ko bago ako naunang umalis sa stage. Tapos na rin naman yung performance eh.

Sinundan naman ako agad ni Sky papunta sa dressing room. Hanggang dito ay rinig ko pa rin ang hiyawan at sigawan mula sa labas. Mukhang nabitin sila sa pagpigil ko sa kung ano man yung kukunin sana ni Sky. Wala akong pakialam.

"Ynna, what's wrong?"

"Sky, ano ba yun? Bakit may ganun? Di ba sabi ko sayo magdedesisyon naman ako pagkatapos ng pageant?"

"I just can't wait. I'm sorry. And I'm also afraid that you'll reject me."

"Kaya dinadaan mo sa maraming tao? Ganun ba yun Sky? Sa tingin mo ba kung wala nang mga tao ay irereject na kita? Ganun ba ang tingin mo sa akin ha Sky?"

"Ynna, I just want you mine. I'm really sorry."

"Mamaya na ako magdedecide. Kakausapin ko lang muna si Shibama. Pumunta ka nalang sa condo mamaya." sabi ko at akmang aalis na pero nahigit niya ang braso ko.

"The pageant is not yet over. May Q & A pa. Lalakad pa tayo sa runway. There's still a lot to do!"

"Aalis lang ako sandali. Babalik ako agad. Marami pa namang ibang magpeperform eh."

"Why are you leaving? Is it because of Farrah? Did she do anything to you? Did she threatened you? Ynna, I don't love her anymore!"

"Hindi!"

"Then why are you leaving?!"

"Kailangan kong kausapin si Shibama."

"Why do you even have to talk to him?!"

"T-Tutulungan niya akong magdesisyon."

"What? Why?! You are just making excuses! You can decide on your own!"

"Basta, Sky." at tuluyan na akong umalis. Buti naman at hindi na rin niya ako pinigilan pa. Ayoko na ring makipagtalo pa sa kanya kasi hindi nanaman kami matatapos.

Nagtaxi nalang ako mag-isa pauwi. Gusto ko rin talagang makausap si Shibama. Kahit na ba naman sobrang kampi niyang baklang iyan kay Sky ay malaking tulong talaga ang nagagawa ng mga advice niya. Gusto ko sa oras na um-oo man ako kay Sky, ay alam niya iyon. Kasi pareho kaming damay dito sa magiging desisyon ko. At isang malaking pagkakamali ang paglihim ko kay Shibama ng pag-amin ni Sky ng ilang araw. Dapat talaga ay wala akong inililihim sa kanya. Ano ba kasing pumasok sa kokote ko? Ugh! Bobo, Ynna!

Pagdating ko sa condo ay mabilis akong tumakbo papunta sa unit namin. Medyo kinakabahang masaya ang pakiramdam ko. Kinakabahan kasi muntik na yung kanina. Muntik na akong lamunin ng kilig at magpadala nalang sa kung ano mang pakulo ni Sky. Buti nalang at nacontrol ko pa din ang sarili ko. Masaya naman dahil kahit napahiya ako, pinagtawanan, at napasubo namaman sa trobol, sa huli ay sinalo pa rin ako ni Sky. Naramdaman ko doon na mahal talaga niya ako. Kasi kung dati ito nangyari, ay sana pinagtawanan na niya ako. Pero ngayon, iba na. Inalalayan niya ako. At kahit pa pagtawanan ako ng buong mundo ay wala na akong pakialam basta ba si Sky ang kasama ko. Oo, alam kong malalang malala na talaga ang epekto ni Sky sa akin kaya naman kailangan ko na talagang makausap si Shibama. Yung matinong pag-uusap. Malaking desisyon ang gagawin namin.

"Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiibs!!!" malakas kong sigaw pagdating sa condo.

Kung kanina ay namumula ako sa kilig, ngayon ay tila naubos lahat ng dugo sa aking katawan nang hindi si Shibama ang nadatnan ko sa condo na naghihintay sa akin.

Si Caloy.

Si Caloy na seryosong nakatingin sa akin. May trabaho siya 'di ba? Bakit siya nandito? At bakit ganyan siya makatingin? May alam kaya siya?

"C-Caloy... Si Shibs?" nauutal kong tanong.

"Umalis siya."

"Ah. Ikaw? Wala ka bang trabaho?"

"Wala. Off ko ngayon."

"Ah. Sige. Pupunta lang muna ako sa kwarto k---"

"Sino si Sky?" seryoso niyang tanong.

Tama ba ang narinig ko? May alam si Caloy kay Sky? Pero paano? Bakit ngayon kung kailan halos okay na ang lahat? Bakit ngayon pa malalaman ni Caloy? May sinabi kaya si Shibama sa kanya? At nasaan ba si Shibama? Anong gagawin ko?!

"Caloy, p-paano mong nakilala si Sky? M-May sinabi sa sayo si Shibama?"

"Walang sinasabi sa akin si Shibama. Nalaman ko lahat ng ako lang."

"A-Anong pinagsasasabi mo?" kabado kong tanong. Anong nalaman niya? Paano niya nalaman?

"Naririnig ko kayong nag-aaway dati mula sa kwarto ko nung mga oras na halatang may tinatago kayo ni Shibama. Nung mga oras na naka-double lock pa yung pinto. At dati rin nang maaga akong makauwi ay nakita kong basang basa kayong dalawa sa ulan na pumasok sa condo. Ynna, natutulog ka sa kwarto ng may kasamang lalaki! Naglilihim ka pa sa akin! Ito ba ang itinuro sayo ng Maynila?!" malakas ang naging boses niya sa huling mga salita niya.

Parang mga saksak ng kutsilyo ang bawat binitawang salita sa akin ni Caloy. Grabe. Narinig pala niya yun. At nakita pa niya kami noong basa kami. At malamang, iba ang naiisip niya. Pero sobrang sakit na galing pa sa best friend ko lahat ng panghuhusgang tinatanggap ko ngayon. At bakit ayaw niyang pakinggan ang mga paliwanag ko?

"Caloy---"

"May gusto ka ba kay Sky?" pagputol niya sa sasabihin ko.

"Caloy magpapaliwanag ako."

"Wala kang ipapaliwanag. Hindi mo siya pwedeng magustuhan. Alam mo iyan, Ynna. Umayos ka. Huwag kang maging pariwarang babae!"

"Caloy! Hindi ako ganun!" nanggigilid na ang luha ko.

Saglit kaming tumigil sa pag-uusap. Hindi ako makapaniwala na nag-aaway kami ni Caloy ngayon dahil kay Sky. Ito ang unang beses na nag-away kami sa buong buhay namin. Mamaya pa konti ay nagsalita na siyang muli.

"Ynna... Sorry... Nabigla lang ako." humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Pero kung may gusto ka man sa Sky na yun, kalimutan mo na siya. Hindi kayo pwede. Alam mo yan. Hindi ka niya kilala." itinaas niya ang baba ko para matignan niya ako ng diretso sa mga mata. "Ako. Ako kilalang kilala kita. Tayo nalang kung gusto mo. Liligawan kita para makalimutan mo siya. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ka sa kanya, Ynna."

"Caloy, A-Anong sinasabi mo? Bakit mo sinasabi yan? Best friend kita."

"Tutulungan lang kitang makalimutan si Sky..."

"Hindi na, Caloy. K-Kaya ko ang sarili ko. At... At... May gusto sayo si Merylle. Magagalit siya sa akin."

"Ikaw ang gusto ko, Ynna. Matagal na."

Panandalian akong natulala sa pag-amin niya. May gusto siya sa akin? Matagal na? Bakit sila umaamin sa akin ng ganito ngayon? At halos magkasabay pa sila ni Sky. Kung dati ay pinapangarap ko na may umamin sa akin na lalaki, ngayon ikinamumuhian ko na ito!

"Caloy please. Hindi tayo pwede. Oo, hindi rin kami pwede ni Sky, pero nastuck ako sa kontrata. May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya. Pekeng boyfriend ko siya nang isang buong taon. Yun ang totoo." pagpapaliwanag ko.

"Ano?! Ynna nagiisip ka ba?! Ano ba itong pinapasok mo?! Alam mo namang may kontrata ka din kay Janina 'di ba?!"

"K-Kasabay naman na matatapos ang kontrata ko kay Sky sa kontrata ko kay Janina eh."

"Buti sana kung ganun lang, Ynna. Pero sa nakikita ko sayo, malapit ka nang mainlove. At hindi ako papayag na mangyari yun. Magkakagulo ang lahat kapag nangyari yun. At masasaktan mo ako. Gusto mo ba akong masaktan?!"

"C-Caloy---"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap. Pinatatahan niya ako. Ni hindi ko man lang naramdaman na kanina pa pala ako umiiyak. Basang basa na ang mukha ko pati na rin ang ilang bahagi ng damit ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong itinaas ni Caloy ang ulo niya at tumingin sa pintuan. Mukhang may dumating. Baka si Shibama. Nako, siguradong magagalit yun sa akin dahil umalis ako sa pageant. At dahil alam na pala ni Caloy.

Nalaglag ang panga ko nang nakita ko kung sino ang pumasok. Hindi ko naman inakalang susunod siya sa akin. Tapos na ba ang pageant? Bakit siya nandito? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nalang umiyak magdamag. Pero hindi pwede. Kailangan kong harapin ito. Pero bakit sa lahat ng pagkakataong dumating siya, bakit ngayon pa na nandito si Caloy, at ito pa ang itsura namin na naabutan niya. Magkayakap.

"What the hell is this?" mahinahon niyang sinabi pero ramdam kong nagpipigil lang siya.

Mabilis akong kumawala sa yakap ni Caloy, pinunasan ang mga luha ko at tumayo para ipakilala silang dalawa sa isa't isa kahit na sobrang sakit na ng puso ko.

"S-Sky.. Si Caloy.. Best friend ko."

Hindi sumagot si Sky. Kaya naman si Caloy nalang ang nagsalita.

"Hindi. Hindi ako best friend ni Ynna. Ako ang boyfriend niya." at ibinigay ni Caloy ang kamay niya kay Sky na para bang makikipagshake-hands pa siya dito. Anong sinabi niya?! Bakit niya sinabi yun?! Nahihibang na ba siya?!

Lumingon ako sa direksyon ni Sky para sana magpaliwanag na mali ang sinasabi ni Caloy at baka nagbibiro lang ito pero mas mabilis pa sa alas sais, narinig ko ang kalabog ng pintuan ng condo unit, dahilan ng galit na pag-walk out ni Sky.

SHIT!