• ALYNNA MARIE PAREDES •
Sinabi ko na ba dati na ang bilis talaga ng panahon?
Eh kasi naman..
Isang buwan na pala ang nakalilipas simula nung pumasok ako sa ECB. Kung tutuusin ay napakaikling panahon lang ng isang buwan pero masasabi ko talagang marami nang nangyari. Parang sumakay ako sa isang roller coaster ride ng isang buong buwan. Whew!
Grabe.
Pero so far, nageenjoy naman ako.
Minsan, nakakaiyak na ewan, pero mas iniisip ko nalang ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin dito sa Maynila.
Miss na miss ko na din si papa. Ang alam ko ay binigyan siya ni Janina ng open ticket para bumisita siya sa akin dito sa Maynila kung kelan man niya gustuhin eh. Bakit kaya ayaw pa niya gamitin? Ayaw ba niya akong makita? Huhu. Baka naman ay binenta na niya yun? Tsss. *Pout*
Sa school naman ay naging mas mahinahon na ang lahat. Wala nang masyadong ganap. Nakakapagaral na ako ng matiwasay. Salamat naman.
Kasa-kasama ko pa rin ang The Royals. Medyo natututo na din ako mag English. Oh diba! Kaya ko na sila sabayan! Hehe! Pero siyempre mas magaling pa din sila. Asa pa akong mapantayan ko sila. :P
Naging mas close na din ako sa iba pang miyembro ng The Vengeance na sila Erick at Dwight. Nakakapagharutan na kami minsan. Mababait din naman pala sila. At nirerespeto nila ako bilang tao at bilang kaibigan kaya naman ay sapat na yun sa akin.
Si Sky naman, lagi pa rin akong hinahatid at sundo dito sa condo namin. Ginusto niya yun eh. Hayaan nalang natin siya. Mapapagod din naman siya at titigil din naman niya yan kapag naging sila na nung Farrah babes niya. Yuck. Eww. Parang gusto kong masuka? Hehe. Jokijoki.
Hinahatid lang niya ako pero hindi naman kami halos naguusap. Pekeng peke lang talaga ang mga pag-uusap namin. Naguusap lang kami kapag kailangan. Kapag nandiyan si Farrah niya. Kapag kailangan namin pagselosin yung Farrah niya. Yun lang.
Huling maayos na pag-uusap namin ng bruho ay doon pa sa Yakimix buffet. Ang saya saya ko nun. Hindi lang dahil sa masasarap na pagkain, kundi dahil din sa unti unti ko nang nakikilala si Sky. Mabait din pala siya at matulungin. Akalain mong binuhat pa niya ako papuntang clinic. Nakakakilig kung iisipin. Pero hanggang doon nalang pala iyon. Matatapos na pala any lahat noong araw din na iyon. Dahil pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na niya ako pinapansin man lang. Hindi talaga yata niya ako kayang gawin na kahit kaibigan man lang. Oh well. Papel. Edi wag. Che!
*Baby baby baby baby heaven sent you
Maybe maybe maybe maybe we were meant to be
Together be forever two little hearts go boom*
Merylle calling...
"Bes!!!! I miss you! Kamusta ka na?" pagbungad ko.
[Eto bes, miss na miss ko na din kayo.] Parang malungkot ang boses ni Merylle.
"Magkikita na din tayo! Konting hintay nalang! Hihi!" sinubukan kong pagaanin ang pakiramdam niya sa pamamagitan ng pagkikita namin ulit. Alam kong after this school year pa kami magkikita pero di ba mabilis lang naman ang panahon?
[Bes... Hindi umuwi si Caloy.] Ano daw? Eh ano naman kaya?
"Ha? Uuwi ba dapat siya?"
[Oo bes sabi niya sa akin uuwi siya. Pero hindi siya umuwi. Alam mo ba kung nasaan siya?] Dama ko na malungkot talaga ang boses ni Merylle.
"Kausap ko lang siya kahapon. At parang wala naman siyang nabanggit sa akin na aalis dapat siya."
[Ah ganun ba... Baka nalimutan na niya. Sige okay lang.]
"Anong nakalimutan niya, bes?" Ano ba ang nangyayari? Bakit parang wala akong alam?
[Wala wala. Hehe! Kaartehan ko lang. Sige sige bye bes may klase pa ako eh.]
"Teka Bes---"
*TOOT TOOT TOOT TOOT*
Binabaan ba naman ako? Bastush! Merylle talaga oo!
Pero...
Ano naman kaya yung nakalimutan ni Caloy at parang lungkot na lungkot ang boses ni Merylle? Nakalimutan niya kaya na monthsary nila ngayon?! Anak ng gulay!!!! Sila na pala!? Hindi man lang nila sinasabi sa akin!!! Nakakatampo sila ah! Parang hindi nila ako Bes. Hmp!
Hayyy! Buti pa sila, pumapagibig!
Eh ako, pumepeke lang.
Life is unfair. :|
***
[Saavedra Medical Clinic]
"ARAYYYY!!!!!"
"WAAAAAAHHHH!!!!"
"HUHUHU!"
"DUGO!!!!"
"PAPA!!!!"
"MAMA!!!!"
"LORD!!!!"
"Okay. You're done." sabi nung babaeng nag murder ng mukha ko.
Tumayo ako at pumunta kay Shibama nang umiiyak. Ang sakit kasi! Hmp!
"Shibs! Huhuhu! Bakit nila ginawa yun sa mukha ko?!"
"Gaga! That's called treating pimples!"
"Treating?! Eh feeling ko nga lumaki lalo pimples ko eh! Huhuhu!"
"Girl! Ganyan talaga! Ikaw kasi eh, sabi ko sayo weekly ka dapat pumunta eh. Ayan tuloy, tinubuan ka ng mga sago! Pwede ka nang maging taho!"
"Normal lang naman yun noh! Hindi naman ako perfect! Baka kasi magkakaroon na ako! Nagkakapimples kasi ako kapag malapit na ako magkaron eh!"
"Wushu! Baka naman kasi masyado kang in love!"
"Hayyy!!! Eto nanaman ba tayo, Shibs?"
"Ayiieeee. Miss mo siya agad?"
"Tss."
"Yikeee."
"Shibs!"
"Okay. Okay. I'll stop. Kinikilig kasi ako ee!"
"Lika na nga! Umuwi na tayo!"
"No! Itreatreat pa ang skin mo!" Pagtutol ni Shibama.
"Hindi pa tapos? Eh ang hapdi na nga ng mukha ko eh. At wala na akong pimples!!!"
"Pero madami kang peklat! Peklatin ka, girl, peklatin! Taho na nga yang mukha mo! Zagu naman yang binti mo! Pwede ding sago't gulaman! San ka ba kasi nagsususuot?!"
"Ouch naman. Sakit mo naman makapagsalita, Shibs! Huhuhu! Sumosobra ka na ha!! Porket gwapo kang bakla ka! Huhuhu!"
"Wag ka ngang maarte girl! Kailangan mo ito! At excuse me, hindi ako gwapo!!! Maganda ako! Maganda us!!!"
"Bakit? Kasi almost perfect na ang skin ni Janina? Dapat ganun din ako? Sorry naman! Hindi naman kasi ako siya eh! I am not perfect!" Tignan mo, napapa-English na ako ng wala sa oras! Hanep!
"It's not about Janina!"
"It's not about Janina!" ginaya ko siya pati boses niya. Pati na rin expression niya. Wahaha.
"Aba aba! Gumaganyan ka na girl ah!"
"Umuwi na kasi tayo eh!"
"No! Kailangan mo ayusin ang skin mo! Kasi ikaw ang magiging Ms. ECB! At si Sky ang magiging Mr. ECB! Kayo ang representatives ng school niyo sa darating na Philippine Campus King & Queen pageant! Kakalabanin niyo ang iba't ibang schools! Kaya need mo maging maganda girl! You need to win!"
Proccessing...
Proccessing...
Proccessing...
"A-A-Ano?!!!"
Wait. Parang masyado akong maraming nalaman. Ano daw? Representative ako? Tapos si Sky ang partner? Pageant? Win? Waaaah!
"Yup! Tumawag ang ECB sa akin para paghandain na daw kita! Exciting diba! Tapos SKYNNA loveteam pa ang lalaban! Sure win!!!!"
"Maghunos dili ka!" kinilabutan ako sa sinabi niya! Gumawa ba naman ng loveteam?! Anak ng tokwa!
"SKYNNA! SKYNNA!" at talagang inulit ulit pa! Tsss!
Totoo ba talaga ito? Ano ba itong napasukan ko?! Kala ko okay na ang lahat. May dadating at dadating pa rin pala na gugulatin ka! At oo, gulat na gulat ako! O_O
"Oh Diyos ko."
"Don't you worry dear! Kaya nga tayo nasa skin clinic eh! Aayusin ka namin. Gagawin ka naming perfect! Tapos mahaba haba pang oras para makapagpractice kayo ni Sky! The day before sembreak pa ang competition!"
"P-Practice?!"
"Oo! Duh! May talent portion kaya dun! Hindi ka naman pababayaan ni Sky, girl!"
"T-Talent Portion?!?!"
"Yup! Stop repeating nga girl!!! Para kang sirang plaka eh!"
Oh no!
"OMG" Nasabi ko ito nang nakatulala. Nasasanay na nga yata ako maging Janina. Kaso itong pageant? Lagot na. Wala akong experience sa mga ganito! Bokya ako dito!
"Exciting di ba?"
Tumango nalang ako.
Exciting daw eh.
Hayaan niyo siya.
"Eh Shibs, kelan naman magprapractice?"
"Tomorrow!!!"
"BUKAS?!?!?!"
"Yup!"
"BUKAS NA TALAGA?!?!"
"Paulit ulit girl?"
"..." Nagpout nalang ako. Nakakainis. Parang wala lang sa kanya yun. Sabagay ako naman yung mapapasubo at hindi siya eh.
Hindi naman daw ako pababayaan ni Sky?
Kung alam lang niya na hindi kami nagpapansinan..
Waaahhh!!! Paano na!
I'm dead. So dead. Dead meat. Deadbol.
Joke. Masyado nang OA.
Pero di nga?
Bukas na?!
Waaahhhhh!!!
***
• SKY JAMES ANDERSON •
[The Vengeance Room]
It has been weeks since I last talked to Ynna. Yes, I am spacing out a little because she has a tendency to be really lovely. And I don't want myself to be falling on to her trap. I never want to make the same mistake Dave did. I know that I also have a mission to make her fall in love with me but what if Erick's right? What if I was the one to fall? It's very clear that she won't be there to catch me. She's a bitch for crying out loud. I won't let that happen. If I need to space out while making my Farrah jealous, I will do it.
But what the hell?
"True bro! Ikaw at si Ynna ang napili bilang Mr. & Ms. ECB! At rehearsals niyo na mamaya! Rehearsal room 21 daw kayo!" - Erick
"Bro! Tadhana na yata ang gumagawa ng paraan! Hahahaha! Whoooo!!!" - Dwight
"Tss." I said, annoyed.
"Ano kayang magiging talent niyo? Dapat yung kilig!!!" Erick
"Kakanta si Ynna tapos sasayaw si Sky! Duh!" - Dwight
"Mas maganda sana kung same sila ng talent. Kumanta ka nalang kaya Sky? Basta kilig!!! Hahahahaha!" - Erick
"Yeah whatever."
*TOK TOK TOK*
"Come in." I said.
"Sky, pumunta na daw po kayo sa rehearsal room. Nandun na rin po si Ynna." anonymous said.
"Okay."
"Wooooooooohh!!!" shouted Dwight and Erick.
"This is it!!!" - Erick
"This is the moment! Hahahahaha!" - Dwight
"GO BRO!!!!" - Erick
"Tss." I said as I left the black room.
***
• ALYNNA MARIE PAREDES •
[Rehearsal Room]
Pagpasok ko sa rehearsal room ay nakakita ako ng iba't ibang musical instruments. May gitara, drums, piano, violin at kung ano ano pa. Yun mga nabanggit ko lang kasi yung alam kong pangalanan eh. Hehe.
Wag mong sabihing ipapatugtog nila sa akin yan ah? Wala akong alam na gamitin ni isa dyan. Mas gusto ko pang kumanta. Kaso sabi din naman ng papa ko eh sintunado daw ako. Hindi daw ako nagmana kay mama na magaling kumanta eh. Pero naniniwala pa din ako na magaling ako kumanta. Ang galing galing ko kaya. Lalo na kapag sa CR, kulang nalang ay madiscover na ako. Kulang kulang tatlong album na siguro ang nagagawa ko kung sakali. Bwahaha.
Pumunta ako sa may piano at nakakita ako ng librong naglalaman ng mga lyrics ng iba't ibang kanta.
Kinuha at ko ang lyric book na ito at nagsimulang bumirit ng iba't ibang kantang alam ko. Wala namang tao eh. Para makapagpractice na rin ako. Baka dahil sa pageant na ito ay tuluyan na talaga akong madiscover. Oh yeah!
"Give me one moment in time
When I'm more than I thought I could be *pikit*
When all of my dreams are a heartbeat away
And the answers are all up to me *bend*
Give me one moment in time
When I'm racing with destiny *piyok*
Then in that one moment of time
I will be
I will be
I will be free *piyok*
I will be
I will be free *ubo*"
Ay shocks. Pumiyok ako. At naubo pa! Ahehehe. Sayang! Masyado yata itong mataas. Favorite ko pa naman ito! Sobrang ganda naman kasi ng lyrics eh! Tagos na tagos sa damdamin eh! Sino ba naman ang ayaw maging free? Lalo na sa sitwasyon ko ngayon? Haaayy! Change song na nga lang.
"Baby... *sway*
'Cause you're the one that I love.
Baby you're the one that I need.
You're the only man I see.*kembot*
Baby baby it's you.
You're the one that gives your all. *giling*
You're the one I always call.
When I need you everything stops. *split*
Finally you put my love on top
Baby!!!! *sigaw*
'Cause you're the one that I love.
Baby you're the one that I need. *piyok*
You're the only one I see.
Baby, baby, it's you. *talsik laway*
You're the one that gives your all.
You're the one I always call. *kindat*
When I need you everything stops.
Finally you put my love on top *posing ala beyonce*"
Woooh! Nakakahingal! Siyempre sinabayan ko pa ng sayaw at kembot at posing pa sa dulo! Feel na feel ko talagang ako talaga si Queen B! Kaso kapag ito naman ang kinanta ko, baka hindi kayanin ni Sky. Kasi malamang mas mataas ang boses ko sa kanya. Narinig ko na siyang kumanta noon eh. Mas magaling pa din ako sa kanya. At pang girls kasi yung kanta eh. Dapat pala pag pumili ako ay yung mukhang alam din ni Sky. Dapat alam ng lahat!
Hmmm. Ano kaya?
LIGHT BULB!!!
Tinignan ko ang iba pang page hanggang sa nakita ko ang kantang tunay na babagay sa boses naming dalawa ni Sky! Ang kantang hinahanap ko!
At sigurado ako na alam ito ng lahat ng tao!
Favorite ko din kasi ito eh. Mga 12 times ko na yata napanuod ang movie nito kaya naman memorize na memorize ko na ang kantang ito. Si Sky naman, bagay na bagay din sa kanya to. Wala lang. Feel ko bagay sa kanya eh. Wahaha!
"My power flurries through the air into the ground *ballet style*
My soul is spiraling in frozen fractals all around
And one thought crystallizes like an icy blast *kembot*
I'm never going back,
The past is in the past! *higa sa sahig*
Let it go, let it go
And I'll rise like the break of dawn *tayo sa sahig*
Let it go, let it go
That perfect girl is gone! *crossed arms*
Here I stand
In the light of day
Let the storm rage on, *tili ng sobrang lakas sabay piyok*
The cold never bothered me anyway! *tirik mata*"
Whew!!!! Kapagod!!!
Pero ang galing ko!
*CLAP CLAP CLAP*
"Bravo! Hahahahahaha!!"
Tumingin ako sa kung saan nanggagaling ang palakpak at ang boses. Kilalang kilala ko ang boses na yun!
At yun na nga, nakita ko si Sky na pulang pula na sa kakatawa.
Kanina pa ba siya nandito? Waaaahhh!!!! Hindi man lang siya nagsalita! Pinanuod pa talaga niya ako? Nakakainis!!!!
"You never fail to amaze me, Ynna! Hahahahahahaha!" Patuloy pa din siya sa pagtawa! Eh kung sipain ko kaya to! Hmp!
"Anong nakakatawa ha?!" Nagtapang tapangan ako. Siguro kakarating lang naman niya eh.
"You, your moves and your voice! Hahahahahahaha!" Pulang pula pa din siya at tawa pa din ng tawa.
"Yan ang kakantahin natin!" sigaw ko.
"No way!"
"Eh ano?!"
"Hindi ka naman marunong kumanta eh. Ang pangit pangit kaya ng boses mo. Ang akala ko dati marunong ka, hindi naman pala eh!"
"Ang sama mo! Ang galing ko kaya!!!!"
"Wag mo nang pilitin. Sumayaw nalang tayo. Nakita kita kaninang sumayaw nung kumakanta ka ng Love On Top. Mas may future ka kung sasayaw ka nalang. Para kang kiti kiti eh."
"K-Kanina ka pa ba nandito?" nahiya naman ako bigla. Feel ko namula ako dun. Nakita niya akong nagsasayaw na parang lokaret?! Waaaah!
"Simula pa nung kinanta mo yung One Moment In Time."
"Nakakainis ka!!!!" Binato ko sa kanya yung music book na hawak ko kanina. Babatuhin ko pa sana siya ng iba pang mga papel o kahit ano pang mahawakan ko pero bigla naman siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata habang hawak niya ang dalawa kong kamay.
"We'll just dance. Okay?" pabulong niyang sinabi. Husky voice. Wow. Ngayon lang niya ako kinausap ulit. Yung tunay na paguusap.
"Pangit ba talaga boses ko?" tanong ko.
"We'll just dance." paguulit niya. Siguro nga napangitan siya. Hindi naman kasi ako nakapagvocalize eh. Next time magvovocalize nalang muna ako bago magpractice.
"Anong sasayawin natin?"
Imbis na sagutin ako ni Sky ay kinuha nalang niya ang kanyang iPod at nilagay niya ang kanyang isang earphone sa tenga ko at yung isa naman ay sa kanya. Nagpatugtog siya ng isang mabagal na kanta. Yung kantang tila marerelax ka kapag narinig mo. Ang ganda.
♪ Look at us
Ain't it funny
Is it just beginner's luck
Maybe ♫
Kinuha ni Sky ang dalawa kong kamay at pinaikot ito sa kanyang leeg. Samantalang siya ay hinawakan naman ang bewang ko. Unti unti din niyang pinagdikit ang ulo naming dalawa.
♪ Ooh, with just a touch
Two different people
From such different worlds apart
Has touched each other's hearts
Like candles in the dark ♫
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang ibig sabihin nito? Napapagod na ba ako? Dahil kaya sa sobrang pagsasayaw ko kanina? May sakit ba ako sa puso? Waaaah!
♪ So if it's time for us
We've gotta take it
Take the chance
The chance to make it ♫
Pinagpapawisan ako! Eh diba ang lamig lamig dito sa rehearsal room? May sakit na nga yata ako! Halaaaa! Kailangan ko nang pumunta sa ospital! Pero di ba yung may mga sakit hindi dapat pinapawisan? Eh ako! Grabe ang pawis ko! Ano bang nangyayari!
♪ Now
Let the love begin
Let the light come shining in
Who knows where the road will lead us now ♫
Nakatingin sa mga mata ko si Sky. Parang hindi ako makahinga. Pero bakit may parte sa akin na ayokong tumigil itong nararamdaman kong ito? Ang ganda ng mga mata niya. Kaya ko itong tignan habang buhay...
♪ Look at what we've found
Make this moment turn our hearts around
It may never come again
Let it in
Let the love begin ♫
Mas lalo pang lumapit sa akin si Sky! Waaah! Ngayon ay magkadikit na ang mga ilong naming dalawa. Konting galaw lang ang gawin ko ay tila mahahalikan ko na siya! Kung halikan ko kaya siya? Try lang naman! Nakakaakit eh. Waaa! Ano ba itong iniisip ko! Bakit kasi ang lapit niya! Baka hindi na ako makapagpigil!
♪ Ooh..
Here we are
So close together
I can feel the fire start between us
Ooh...we've come this far
Too far to stop it now
If this is meant to be
A chance for you and me
We found our destiny
Now we're lookin' at a new forever
Make this dream come true together ♫
Sumasabay na ngayon si Sky na kumakanta sa music habang sobrang lapit pa din ng mukha niya sa akin. Ang ganda ng boses niya. Oo na. Inaamin ko na na mas maganda talaga boses niya sa akin. Ang bango din ng hininga niya. Ano kaya ang mouthwash niya? Masubukan nga.
Pero ang pagtibok ng puso ko, ayaw pa rin tumigil. Ano ba to! Waaah! Ano bang meron kay Sky at lagi ko itong nararamdaman kapag kasama mo siya?!
♪ Now
Let the love begin
Let the light come shining in
Who knows where the road will lead us now
Look at what we've found
Make this moment turn our hearts around
It may never come again
Let it in
Let the love begin ♫
Inilapit pa lalo ni Sky ang kanyang mukha sa akin at akmang hahalikan na niya ako...
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Handa na ako sa pwedeng mangyari.
Handa na akong matikman ang first kiss ko...
This is it, Ynna.
...pero biglang tumunog ang tiyan ko.
*KWERK KWERK KWEEERRRRKKK*
Napalayo si Sky at napatingin sa akin. Nakasmirk siya. Waaah!!! Narinig ba niya yung tiyan ko? Waaah!!!
Rinig na rinig naman kasi yung pagtunong ng tiyan ko kahit naka-earphones kami ni Sky eh. Ganun ba talaga ako kagutom? Nakakahiya!
Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapaglunch! Si Shibama kasi eh puro pagcliclinic yung inaatupag. Sayang naman yung kiss! Hmp!
Ano ba naman tong tiyan na to! Wrong timing! Nakakainis! Waaah! Joke lang! Bakit ba ako naiinis? Inaasahan ko ba na hahalikan talaga ako ni Sky? Sinabi ko ba yon? Waaa! Joke lang! Right timing pala yung tiyan ko! Right! Right!
Tama lang na hindi kami magkiss. Wala namang namamagitan sa amin eh! Tama tama! Ang kiss ay para sa taong mahal mo!
"Why are you pouting? Nabitin ka noh?" nakasmirk siya.
"H-Ha? Anong sinasabi mo? Hindi ako nakapout noh! At walang nakakabitin!"
Nakapout ba ako?
"Nakakabitin yung kis---"
"Hindi noh! Ang kapal mo ha!" pinutol ko kung yung sasabihin ni Sky. Ramdam ko kasi na nagiinit nanaman ang mukha ko. At ayoko ng topic namin! Narinig ko naman na tumawa siya ng mahina.
"Anyway, are you hungry?"
Tumango nalang ako. Whew! Buti nalang nagchange topic si Sky.
"Let's eat, then."
"Hindi na, ako nalang."
"No. I'm still in charge of your food."
"Ha?"
"Nutrition, remember?"
"Ah, oo nga pala. Paano yung practice?"
"Next time na."
"O-Oh sige."
***
[Cafeteria]
*Chomp*
*Chomp*
*Chomp*
"Sarap! Woooh!*
*Chomp*
*Chomp*
*Chomp*
"Sarap talaga! Tara Sky kain ka pa!"
"Matakaw ka talaga noh?"
"Oo naman! Grasya kaya yan! Grasya!!!"
"You're funny."
"Whatever, lumamon ka nalang kasi!"
"But hey, Ynna, I am really sorry about the food I let you ate on the game.."
*Chomp*
"Ano ka ba! Okay na yun! Tagal na nun! Pinagyakimix mo na nga ako di ba? Sarap sarap kaya nung hipon doon! Bawing bawi ka na bro!"
*Chomp*
"I'm glad nakabawi na ako. Tara na bilisan mo na diyan! We still have a nutrition class. Bigayan na ng grades mamaya sa month-long activity."
*Chomp*
"Tapos na!!!" Tinaas ko ang kutsara at tinidor nung natapos ko nang simutin yung pagkain ko. Whew! Busogbells!
"Okay, let's go." Tumayo na si Sky.
"Thank you, Sky. Dalawang beses mo na kasi ako nililibre eh."
"You're welcome, Ynna." ngumiti siya sabay hila niya ng kamay ko paalis ng table hanggang sa paglabas namin sa cafeteria.
Oo nga naman.
Fake girlfriend niya kasi ako.
Kaya normal lang ang HHWW.
***
[Classroom - Nutrition Class]
"Anderson and Fortaleza, FAILED!" Pasigaw na sinabi ni Ms. Kara.
"A-Ano?" / "What?!" sabay namin nasabi ni Sky.
"You both lost weight! Ang goal natin ay maging normal kayo right? Sky, look at Ynna, she's very underweight! Mas pumayat pa siya! And Ynna, look at sky, normal na siya before, you should've maintained it! But nabawasan pa din ang timbang niya! And since you are partners, you will recieve the same grade. Same FAILING grade."
"PERO MA'AM!" pagtutol ko.
"No BUTs, young lady! You may now leave."
Waah! Pinalabas ako ni ma'am Kara ng room. Pinagchichismisan nanaman tuloy kami ni Sky!
"Ay grabe! Kala ko mas okay kasi magkarelasyon sila."
"Oo nga eh! Bagsak din pala."
"Twice na bumagsak si Sky! Bad influence yata si Ynna eh!"
"Baka imbis na pagkain kasi ang pinapakain, iba ang kinakain nilang dalawa!"
"Tama! Masyado kasi silang liberated!"
"Kadiri naman!"
Tinignan ko si Sky at kitang kita na parang dissapointed siya. Kasalanan ko nanaman ba ito?
'Oo, kasalanan mo. Never mo kaya siyang pinakain.' sabi ng maliit na boses sa utak ko.
Oo nga pala, never ko man lang siya binantayan sa mga kinakain niya. Halos nawala na din sa isip ko na may nutrition activity pala kami. Waaa! Eh kasi naman eh, hindi ko man lang siya matignan sa mata. Tapos lagi pang mabilis ang tibok ng puso ko kapag kasama mo siya. Tapos lagi pa siyang umiiwas sa akin. Pano ko naman kaya siya mapapakain? Ayan tuloy, ako nanaman ang may kasalanan. Huhuhu.
Kakausapin ko sana si Sky para magsorry pero pag tingin ko sa tabi ko ay wala na siya. Nasa pintuan na siya banda at nagwawalk out na ang bruhildo!
"SKY!" sinigawan ko siya para tumigil siya pero di pa din siya tumitigil sa paglalalakad palayo.
"SKY!!!!" Inulit ko. Ayaw pa din!
Hinabol ko nalang siya! Mabilis kaya ako tumakbo!
"SKY SORRY NA!!!" sinigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng ibang mga students. Sanay na ako sa atensyon nila. Pero si Sky, ayaw pa rin niyang humarap! Sobrang grade concious naman nito! Siya na ang matalino! Siya na ang nahurt kasi bumagsak! Kainis!
"SKY-AAAAAAAAAHHH---"
*BOOOOOOOGSH*
ARAY!
Nadapa ako!
May natapakan kasi akong.. Bato?
Anak ng haliparot! Nagkiss tuloy kami ng sahig! Sahig ang naging first kiss ko imbis na si Sky!
At hindi lang yun! Sinubukan kong tumayo pero di ko magawa.
Kasi...
Nasira pala yung wedge ko!!!!
Ano ba to? Kala ko mamahalin to! Bakit nasira?!?!
At take note, may sugat pa pala ako!
Define MALAS!
"AAAH! MAY DUGO SA TUHOD KO!!! ANG SAKIT! ANG SAMA SAMA MO SKY!!!" pagsigaw ko.
Bigla ko naman siyang nakitang papalapit na sa direksyon ko. Kainis! Kailangan ko pa palang madapa at magkaroon ng duguang tuhod para lang mapalapit siya sa akin? Grrr!
"Clumsy." Ito lang ang sinabi niya sa akin bago niya ako inalalayan papuntang clinic. Binuhat nanaman niya ako.
Pangalawang beses na niya akong dinala sa clinic. Pangalawang beses na din niya akong nilibre ng pagkain.
Pero itong tibok ng puso ko tuwing magkasama kami, hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na.
'BOOM PANES' sabi ng maliit na boses sa utak ko.
--
A/N
Weee! Super kinikilig ako kasi 1k reads na! Thank you po!!! Kahit 2 months palang ako dito sa wattpad ay pinagkatiwalaan niyo agad writing skills ko. :P Ginawa niyo agad 1k+ itong MWG at yung The Magnet. Thank you po talaga!!! You have no idea how can one read/comment/vote can make me smile everyday. Next Friday ulit!!! :D