• ALYNNA MARIE PAREDES •
[Wednesday Night]
Uuwi na sana ako nang hinila ako bigla ni Sky sa isang classroom na walang laman. Ang dilim dilim naman dito. Nakakatakot. Buti nalang at hindi ako takot masyado sa mga multo. Hindi rin naman kasi sila totoo eh. Che!
Halos wala nang estudyante dahil gabi na rin. Ewan ko ba dito kay Sky, pwede namang ipagpabukas ang book report na ito dahil next week pa naman talaga yun eh. At yung practice practice na sinasabi niya, next month pa nga yata yung competition na yun eh. Atat masyado! Hayst. Ang akala ko noong una ay siya yung ayaw sumali sa pageant tapos ngayon siya yung gustong gustong magpractice. Tss. Pageant boy.
Oo, iniiwasan ko talaga si Sky. Ang akala ako kasi ay kapag iniwasan ko siya ay hindi na ako susugurin pa ni Farrah. Sabi kasi ni Shibama ay konsensyahin ko siya eh. Baklang yun talaga. Tignan mo, ako tuloy yung bugbog sarado ngayon! Hmp!
Tumingin ako sa gawi ni Sky at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kung bakit? Kasi lumuluha pa rin pala ako. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basang basa ito ng mga luha ko kanina noong sinabunutan at dinaganan ako ni Farrah. Anyare? Never ending ang tears ko! Gripo lang? Magartista kaya ako pag-graduate? Hmm.
Ah! Masyado kasi yata akong nadala sa pinanuod sa akin ni Shibama noon!
*Flashback*
Pagpasok ko palang ng condo ay binungad na ako ng sangkatutak na tanong ni Shibama.
"Saan ka nanggaling?" Hala ka. Daig pa si pala kung makatanong!
"Umm.. MoA?"
"Anong ginawa niyo?"
"Ice skating?"
"Yun lang?"
"Kumain din sa Chinese Restaurant."
"Bakit kayo nag-away?" p-paanong?! Mind reader!
"A-Away? Hindi ah."
"Eh bakit ka nakataxi?"
"Pag nakataxi nag-away agad?"
"Ynna, I'm serious." wow. Sky, ikaw ba yan? Makaserious!
"Nauna lang ako umuwi." pagsisinungaling ko.
"Eh bakit sira na yang make-up mo sa mata?"
Ay. Oo nga pala. Hindi ko na nga pala tinignan ang pagmumukha ko nung umalis ako. Masyado na kasi akong nadala ng mga emosyon ko nung mga oras na yun. Siguradong sira na ang make-up ko. Malamang ay talagang malalaman ni Shibama kung may nangyari dahil pamilyar na siya sa mukha ko dahil siya ang laging nagmamake-up sa akin. At bilang kaibigan ay kilalang kilala na rin niya ang pag-uugali ko. Alam na niya kung nagsasabi ako ng totoo o nagsisinungaling lang ako.
"Ewan." sinubukan ko pa ring paniwalain siya. Nagkibit balikat ako.
"You can't lie to me Alynna girl. Just tell me why."
Katahimikan...
Bakit ang seryoso niya? Naaalala ko tuloy si Sky bigla.
Sasabihin ko ba o hindi?
'Wag nalang kasi baka maawa lang siya sa akin.
Tsss! Siya nalang nga ang kakampi ko eh!
Sige na nga!
"Fine. Nagdate lang pala kami para pagselosin si Farrah. At sinabunutan lang naman ako ni Farrah. Kaya nagwalkout ako. Nagtaxi ako. Kaya nandito ako sa harapan mo ngayon bakla ka!!!" sinigaw ko sa kanya mga huling salita. Kainis! Pinapaaala pa kasi yung nangyari e! Pasalamat siya love ko siya!
"Oh I see."
"Tapos yung kanta pa sa taxi 'I Knew You Were Trouble' ni Taylor Swift! Tapos lalo pa akong naiyak kasi hindi pala radyo yun. Kasi paulit ulit pineplay ni manong taxi driver! Favorite niya yata! Sinasabayan pa niya! Sumasayaw sayaw pa! Parang nananadya! GRRR!"
"Hahaha! You're funny!" bigla nalang akong niyakap ni Shibama. "Let me give you a hug. I don't want you sad."
"He!" sabi ko sabay alis sa pagkakakulong sa mga braso niya.
Pagkaalis namin sa pagkakayakap ay bigla nalang nagshine ang mga mata niya at parang may imaginary light bulb akong nakitang lumabas sa ulo niya. Wow.
"I have a plan!!!" sabi niya.
"Ano naman?"
"Ganito dear! 'Wag mo munang pansinin ni Sky. Let him realize na siya yung mali. Hayaan mong makonsensya siya." pinalaki pa ni Shibama mata niya sa huling sentence.
"Walang konsensiya yun!!!"
"You sure?!?!"
"Oo!"
"Meron yan!!!"
"Wala ngaaaa!!!"
"Paano mo malalaman kung hindi mo itatry 'di ba?!"
"Eh kasi nga----"
"No! No! It's a deal. Hindi mo siya papansinin. Period. No Erase. Padlock. Lunok padlock. Tae padlock. Kain Ta---"
"Shibs! Kadiri ha!" pagputol ko sa sasabihin niya.
Hindi na sumagot pa si Shibama. Hinila nalang ako niya ako papunta sa movie room ng condo namin. Wow. Ang tagal tagal ko nang nakatira dito pero ngayon ko lang nalaman na may parang maliit na sinehan pala dito! Ang gara! Ang yaman yaman talaga ng mga Fortaleza.
Sinundan ko ng tingin si Shibama at nakita ko siyang naghahanap ng mga CDs sa isang silver drawer. Naexcite naman ako dahil ibig sabihin ay manunuod talaga kami! Sayang lang at walang popcorn. Hehehe!-
"Shibs! Anong papanuorin natin?" excited kong tanong.
"Pure Love!"
"Huh? Ano yun?"
"Kasi si Dianne ay nagpapanggap na Ysabel. Parang ikaw. Nagpanggap kang Janina. Para relate!"
"Ano?"
"Just watch and see."
Ay. Sungit. Parang si Sky nanaman.
After 2 hours...
*Sniff sniff*
♪ Sa bawat araw, bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko ♫
"WAAAAAAAAAA!!!"
"HUHUHUHUHU!!!!"
"NO DAVE!!!!"
"NO DIANE!!!!"
"WAAAAAA!!!!!!"
♪ Alaala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang pawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin mo limutin ang pag-ibig mo
Kung panaginip lang ito sana'y
Gisingin ang aking puso ♫
"PATI YUNG KANTA NAKAKAIYAK SHIBS!!!"
"OO NGA E! DAMANG DAMA KO DIN GIRL!!!!"
"UHOG KO SHIBS LUMALABAS NA!!!"
"KAININ MO NALANG GIRL!!!"
"SIGE NA NGA!!!!"
"HUHUHUHUHUHU!!!!!"
Paglabas namin ng movie room ay nagdinner na din kami kasama si Caloy na kagagaling ka sa trabaho. Tawang tawa siya sa amin ni Shibama kasi parehong namamaga ang mga mata namin. Halatang halatang pareho kami ng pinanuod. At halatang halata daw na feel na feel namin yung pinanuod namin. Kainis! Siya kaya manuod! Baka pumasok siyang nakashades!
Dalawang version kasi ng Pure Love yung pinanuod namin ni Shibama. Sabi niya ay tignan daw namin kung ano ang mas maganda at kung ano ang mas nakakaiyak. Isang korean version at isang Filipino version. Parehong maganda kaya siguro ay doble rin ang iyak namin.
Pero ang nakapagtataka ay bakit damang dama din daw ni Shibama yung nakakaiyak na parte ng palabas. Eh 'di ba ako lang dapat? Ako kaya yung nagtaxi!
"Huy Shibs! Bakit damang dama mo din? Kami yung nag-away 'di ba?"
"Nag-away din kami ng boyfriend ko eh. Huhuhu!!!"
"So may boyfriend ka nga talaga?" gulat kong tanong.
"Oo nga girl! Ikaw lang may karapatan magboyfriend?! Hmp!"
"Naninigurado lang!"
"Basta girl! Sabay tayo ha! Wag mo munang papansinin si Sky at ako, di ko rin muna papansinin ang boyfriend ko. Klaro?"
"Kaya pala. Naghahanap ka ng karamay sa walang-pansin-drama mo ha!"
"Dali na kasi girl!"
"Oo na. Yes madame."
"Good girl."
Hala? Good girl? May nagsabi na sa akin dati nun ah. Si Sky. Tss! Bakit ba lagi ko nalang naaalala si Sky! Kahit si baklang Shibama ang kaharap ko ay si Sky pa din ang laman ng isip ko! Masama na ito. Siguro tama nga si Shibama. Hindi ko na talaga dapat munang pansinin si Sky. Masyado nang occupied ng Sky ang isip ko.
*End of Flashback*
"Please, Ynna. Talk to me."
"Anak ng Sky Anderson!!!!" gulat kong sinabi. Nandito pala siya! Nandito pala kami sa madilim na room!
"What? Anak ko?" inilapit niya ang mukha niya. Seryoso siya.
"Hindi anak ko! Ay hindi! Anak mo!" waaa! Ano ba sinasabi ko?! Nakakagulat kasi si Sky eh! Ang lapit pa niya masyado! Nakakataranta!
"Ha? Anak natin?" kumunot ang noo niya.
"Anong anak natin? Sinong may anak? Ay ano ba! Wala!!!" hindi ko na alam ang sinasabi ko. Natataranta na talaga ako dahil sa lapit ni Sky sa akin.
ANONG BANG SINASABI KO?!?!
'Bakit natataranta ka? Nagkiss na kaya kayo noon.' bulong ng malanding isip ko. Isa pa to! Sarap pektusan!
Waaaa! Inilapit pa lalo ni Sky ang mukha niya. Halos magkadikit na ang ilong namin ngayon!
"You are daydreaming na may anak na tayo?" nakangisi na siya. Bipolar talaga.
WAIT. WHAT?!
OMG. NO. NO. NO.
"HINDI NOH!!!!" sigaw ko sabay layo sa kanya.
"Haha! Kanina di mo ko pinapansin tapos kanina rin umiiyak ka tapos ngayon naman you are daydreaming na may anak na tayo? You're really different." lalong lumaki ang ngisi niya.
"HINDI NGA E!!! NAGULAT LANG AKO, OKAY?!"
"Okay, fine. Sige, basta 'wag lang tayo mag-away. I'm really sorry about Farrah, Ynna. Next time, just call me and I'll save you from her."
Save me? Bakit para akong nakuryente? Weird.
"W-Wala kang kasalanan Sky." bakit ako nauutal? Tss.
Pero kung titignan ay wala naman talaga siyang kasalanan. Si Farrah ang nanabunot sa akin. Siya ang may galit sa akin. Oo, maaaring dahil kay Sky kaya niya iyon nagagawa sa akin pero hindi naman ibig sabihin noon ay magiging kasalanan na rin ni Sky yun. Kung tutuusin ay siya pa nga ang naging tagapagligtas ko ng mga oras na iyon.
"It's still my fault." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Nakakakuryente talaga!
"Ano ba kasi yung book na naka assign sa atin?" iniba ko ang usapan. Baka kasi mapunta kung saan pa. Dali dali ko ring inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya tinuloy. Kinuha nalang ni Sky ang isang libro sa bag niya at binigay niya ito sa akin. Ito ay ang librong 'Everybody Has Secrets' na isinulat ng magaling at sikat na author na si Jenefer Alegria. Marami na akong nakikitang gawa niya sa National Bookstore kaya naman ay sigurado akong magaling siya. Mukhang maganda din ang libro kaya naman ay natuwa talaga ako dahil ito ang naassign sa amin. Mahilig din kasi talaga ako sa mga librong may mga secrets. Parang naihahalintulad ko kasi iyon sa buhay ko ngayon na puro sikreto lang at pagpapanggap. Baka makatulong sa akin kapag binasa ko. Sana may mga advices.
"Actually, I've read that book already." pagputol ni Sky sa katahimikan.
"Ah ganun ba. Sige ako nalang muna ang magbabasa." binuksan ko ang libro at nagsimulang basahin ang prologue.
"No. Mahaba yan. Uumagahin tayo dito kapag binasa mo yan ngayon. You can just bring it with you at home."
OO NGA NAMAN. BAKIT BA KASI AKO BALISA!
'Kausap kasi si crush.' sabi nanaman ng maliit na boses sa utak ko. Bwisit!
Crush? Excuse me! Wala kaya akong crush. At lalong lalo na kay Sky! Hindi ko magiging crush ang bruhong ito! Yabang kaya niya!
"Umm.. Eh anong gagawin natin ngayon dito? Magprapractice? Sky naman, kung magprapractice tayo ngayon ay hindi ko talaga kakayanin. Masakit pa ang katawan ko sa pangwrewrestling na ginawa sa akin ng ex mo." tuloy tuloy kong sinabi. Totoo naman. Ramdam kong may pasa pa nga ako sa braso eh.
"We are not gonna practice."
"Ha? Eh anong gagawin natin? Nga nga?" sabi ko sabay tutok ng limang daliri ko sa bibig ko habang nakanganga.
"We're going to talk. With full honesty."
Processing...
Processing...
Processing...
H-HONESTY?!
NO WAY!
"H-Ha? Sky ano kasi, masakit na talaga ulo ko kailangan ko nang umalis at umuwi."
Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. Please Sky! 'Wag mo naman sanang simulan ito!!! Huwag ngayon. Next year nalang! Sasabihin ko naman ang lahat lahat sayo kapag natapos na ang taong ito eh. Huwag lang ngayon. Hindi pa talaga pwede eh. 'Wag 2014!!! 'Wag muna.
"I really can't understand. Para kasing may mali."
OH NO.
"Sky, walang mali." mabilis kong sinabi. Hindi ako makatingin sa mga mata niya.
"Ynna, tell me, ilang beses na ba iyan ginawa sayo ni Farrah?"
"H-Ha?"
"Please Ynna, be honest to me. Kahit ngayon lang."
"Tatlong beses palang naman."
"WHAT?! TATLO?!?! PALANG?!" tumayo si Sky sa pagkakaupo. Kita kita sa mga mata niya ang pagkagulat sa sinabi ko.
"Umm. Oo."
"Kelan at saan nangyari ang mga iyon? At bakit hindi mo man lang sinasabi o ipinapaalam sa akin?!"
"Eh.. Kasi.."
"Kasi kala mo kakampihan ko siya?!"
Tumango ako. Waa! Naiiyak nanaman ako. Bakit ba ang babaw babaw ng mga luha ko!
"Hindi ko rin alam. Dapat talaga siya naman ang kinakampihan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pumanig sayo. Ano bang epekto mo sa akin, Ynna!"
May epekto ako kay Sky?
"Sky... Anong sinasa---"
"Kelan at saan nangyari ang mga iyon?" paguulit ni Sky ng kanyang tanong.
"Umm, nung una. Sa gym nung merong volleyball game. B-Bago pa nagsimula ang laro ay sinabunutan niya ako. At sinabi niyang tatalunin niya ako."
Gulat na gulat ang mga mata ni Sky na nakatingin lang ng diretso sa akin kaya naman ay nagpatuloy nalang ako.
"Pangalawa ay noong nagskating tayo. Noong nagCR ako sa Chinese restuarant at nagtaxi ako pauwi."
Nakayuko lang ako habang sinasabi ko ang mga ito. Kasi naman, ayokong maging mukhang kawawa sa harapan ni Sky. Ayokong maging mukhang mahina sa harap niya. Lalo na ang pagkakakilala pa naman niya kay Janina ay isang malakas at walang takot na klase ng babae.
"At y-yung pangatlo ay yung nahuli mo siyang nakapaibabaw saa--mmm"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong niyakap ni Sky. Naramdaman ko namang awtomatikong tumulo na ang mga luha ko at nababasa na nito ang tela sa dibdib ni Sky. Bigla ko na rin siyang niyakap pabalik ay humagulgol na sa kanya na parang bata. Inilabas ko na sa kanya lahat ng inis na itinatago ko noon pa sa mga pangaapi na ginawa sa akin ni Farrah.
Hindi ko alam kung totoo ba na sa akin pumapanig ngayon si Sky pero wala muna akong pakialam sa ngayon. Basta ngayon, gusto ko kang maramdaman ang init ng mga yakap niya. Kasi alam ko namang balang araw ay mawawala na rin ito sa akin.
"I'm really sorry, Ynna."
"W-Wala yun." nabasag ang boses ko.
"Ynna, next time sabihin mo sa akin agad kung sinubukan ka ulit saktan ni Farrah."
Umiling ako.
"Why? May tinatago ka ba sa akin Ynna?"
"H-ha? W-Wala Sky."
"Then tell me everything."
"Anong everything?"
"Everything."
"Sky..."
"I don't know, pero something's really wrong."
"Everything's wrong." nagulat ako sa bigla kong nasabi. Kumunot ang noo ni Sky.
"Yeah. Everything's really wrong." bumuntont hininga siya. "May aaminin sana ako sayo, Ynna. I want to be honest with you. Tungkol ito sa relasyon ko kay Farrah. May napag-usapan kasi kami noon at naisip ko lang na baka kailangan mong malama---"
"Wala kong kailangang malaman Sky. Hindi mo kailangan maging honest sa akin. K-Kung ano man iyang lihim niyo ni Farrah. Sa inyo nalang iyan. Labas naman ako sa relasyon niyo.Trabaho ko lang ito." pagputol ko.
Panandaliang tumigil si Sky at tumingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya na nagtataka siya sa mga ikinikilos ko. Nakakahalata na ba siya? Siguro nga ay kailangan ko na talaga siyang layuan. Tumayo ako at umalis na. Pero bago pa man ako makaalis ng pinto ay narinig kong nagtanong siya.
"Tell me, Ynna, sino ka ba talaga?"
Lumingon ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niyang punong puno ng katanungan. Mga katanungan na hindi ko masasagot sa ngayon.
"Hindi mo na kailangan malaman, Sky, mawawala din naman ako. Malapit na malapit na."
At bigla nalang ako tumakbo papalayo sa kanya, papalabas ng classroom. Oo, walk out ulit. Mahirap na. Baka tuluyan na niyang malaman ang lahat lahat kapag patuloy pa akong naging malapit sa kanya.
At baka hindi lang ang katotohanan ang malaman ni Sky. Kung hindi pati na rin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
Oo, nagsimula lang ang lahat sa isang kontrata. Matagal ko na ring iniiwasan at idinedeny sa sarili ko pero hindi talaga pwedeng pigilan ang nararamdaman ng aking puso kapag lalo pa kaming naging malapit ni Sky.
Kahit sa condo ay siya pa rin ang naiisip ko. Kahit ang mga maliliit na bagay ay naikokonek ko pa sa kanya. Pati yung halik niya sa akin sa ECB garden ay paulit ulit kong napapanigininapan. Parang sa kanya nalang umiikot ang buhay ko ngayon. At alam kong maling mali ito.
Dahil alam kong kapag mas naging malapit ako sa kanya ay tuluyan na akong mahuhulog sa kanya.
At hindi yun pwedeng mangyari.
Tinignan ko ang librong hawak hawak ko.
Sakto.
Everybody has secrets.
Mainam na rin na hindi ko inalam ang aaminin sana sa akin ni Sky para patas lang kami na may hindi alam sa isa't-isa. Ayokong maging honest siya sa akin dahil alam kong hindi ako magiging honest sa kanya. Ayokong dumating ang panahon na ibigay sa akin ni Sky ang pagtitiwala niya. Gusto kong maging fair sa kanya. Kahit imposible.
Kung pwede lang talaga ay sasabihin ko naman sa kanya lahat lahat eh. Kung pwede ay hinayaan ko na sanang mainlove nalang ako ng tuluyan sa kanya...
...kaso hindi pwede.
Dahil kontrata lang ang sa amin ni Sky.
At bawal din iyon sa kontrata ko kay Janina.
Ngayon ko lang napagtanto na mas masaya palang maging mahirap at mamuhay ng simple kesa naman mayaman ka nga, hindi ka naman malaya.
--
A/N
Wahaha! Early update! Andami kong nireplyan sa comments na Friday pa pero Thursday palang may update na. Lol. Wala talagang isang salita. :P Hindi ko rin kasi talaga alam kung kailan dadapuan ng ideas. Ayoko namang madaliin kasi baka pumangit. Ayun lang. Sana nagustuhan niyo itong UD na ito. Sana may natutunan kayo kahit konti. =))) 'Wag tayong papaapi. Sa mga readers na students pa, mag-aral ng mabuti. Magtapos ng kolehiyo. Magtrabaho at gumawa ng sariling pangalan. :D 'Wag niyo gayahin yung malanding isip ni Ynna! Wahaha! :) Mwah! :*
- Mhariz :3