Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 24 - Chapter 18 - Quicksand

Chapter 24 - Chapter 18 - Quicksand

*DING DONG*

Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang doorbell. Alam na alam ko kung sino yun. Siya lang ang tanging dumadating ng ganitong oras! Dali dali akong lumabas ng CR at itinigil ang pag-ngingiti ko na para bang nakatakas lang sa mental ang drama. Ginagawa na talaga akong baliw nitong si Sky. Masama na ito.

Paglabas ko ay nadatnan ko si Shibama na nanlalaki din ang mga mata at hindi rin mapakali. Si Sky naman, halatang halata sa mukha niya na naguguluhan siya sa pagkagulat naming dalawa ni Shibama.

"SI CALOY!!!" sabay naming naisigaw ni Shibama.

Dali dali naming kinuha ang magkabilang kamay ni Sky at ikinulong muna siya sa kwarto ko. Hindi pwedeng makita ni Caloy si Sky. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Sky. Hindi pa ngayon. Huwag muna ngayon. Nagkapatong-patong na ang mga problema namin ni Shibama. Hindi ito ang tamang oras para dumagdag pa si Caloy.

"Dito ka lang at 'wag kang maingay." bulong ko kay Sky.

"What the hell?"

"Nandito na si Caloy." mas lalo ko pang hininaan ang boses ko.

"Your bestfriend? So what?"

"So what so what ka diyan. Basta diyan ka lang!" naiirita kong sinabi bago ako umalis ng kwarto para sundan ang nauna nang si Shibama.

"CALOYSKIE!!! Welcome home!!!" bati ni Shibama nang binuksan na niya ang pinto.

"Bakit naka double lock ang pinto? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Caloy.

"WALA!" sabay naming sinabi ni Shibama. Pareho kaming nakangiti na mukhang nanggoogoodtime lang.

"Ang weird niyo. Ano bang nakain niyo ngayon? Bakit nga naka double lock?"

"Ah eh kasi..." waaa! Ano bang sasabihin ko! "Eh kasi parang may magnanakaw kanina!"

"Ano?!" gulat na tanong ni Caloy.

"Yes! Yes! That's it Caloyskie! Pero everything is back to normal na! Nahuli na siya ng guards. Nareport na din. Nalimutan lang namin ni Ynna dear na alisin yung pagkakadouble locked ng doors. Hihihi."

Mabilis akong tumango bilang pagsang-ayon sa ginawang alibi ni Shibama. Galing mo talaga bading!

"Ah. Mabuti naman." bumuntong hininga si Caloy.

"Sige sige, Caloyskie kailangan nang matulog ni Ynna eh. Magbeabeauty rest na din akey! Goodnight na!" pagpaalam ni Shibama kay Caloy at ibineso-beso pa niya ito.

Tumango nalang si Caloy, tinap ng dalawang beses ang likuran ko at dumiretso na siya sa kwarto niya habang ako naman ay agad na hinila ni Shibama papunta sa kwarto ko.

"Huwag muna kayong gumawa ng miracle ha! Maririnig ni Caloyskie ang mga sigaw mo, girl! Next time na! Pigil pigil muna ng hormones! Bye!" kumidat si Shibama sa amin ni Sky at tuluyan nang umalis.

Seryoso, ano ba kasi yung miracle na yun? Hindi ko gets. 

Kala ko nung una ay pangbaklang termino lang yun na galing kay Shibama pero bakit alam din ni Sky?

OMG. Hindi kaya...

Imposible. Masyadong makisig si Sky para maging bading lang. At sayang naman ang lahi. Dahil kung sakali, kapag nagka-anak yang si Sky, gwapo din. Kaso nga lang, bading din. Kaya imposible. Huwag naman sana. Tsk tsk.

"So why are you keeping me from that Caloy?" umalingasaw ang boses ni Sky habang pilit ko pang pinaglalabanan sa isip ko kung ano ba talaga ang kasarian niya.

"Ah. Yun ba. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa pekeng relasyon natin." umiling ako. "Magagalit lang siya kapag nalaman niya."

"Why?"

"Kasi best friend niya ako. Ayaw niyang napapano ako. Ganun."

"He's in love with you. Isn't he?"

Katahimikan...

"Tantanan mo ako Sky ha! Nakakakilabot yang mga sinasabi mo! Bestfriend ko lang si Caloy noh!"

"Okay. Buti naman. Kasi I'm the only one you should fall for." sabi niya. Kaso hindi ko masyado narinig yung huling part kasi medyo hininaan niya ang boses niya. Ano daw? Nagtotongue twister ba siya?

"Anong sabi mo? Hindi kita narinig."

"Nothing. Let's sleep." masungit niyang sinabi. Nagtotongue twister nga siguro siya.

Pumunta na agad si Sky sa kama ko at humiga sa kanang bahagi nito. Nakasmirk siya habang nakatukod ang siko niya sa kutson at nakaalalay ang kamay niya sa ulo niya. Ang isa naman niyang kamay ay tina-tap ang kaliwang bahagi ng kama senyales na humiga na raw ako doon. Sa tabi niya! Sinong niloloko niya! Bruhildo! Kala niya!

"Sabi ko 'di ba sa sofa ka!" napasigaw ako ng hindi sinasadya. Mabilis na lumipad ang kamay ko sa bibig ko. Sana hindi narinig ni Caloy! Sana tulog na siya!

"No." walang reaksyon niyang sinabi at akmang matutulog na talaga! Walang hiya!

"Hoy Sky! Kapag may nangyari sa aking masama---"

"I won't do anything that you won't like, baby." nakasmirk ulit siya. A-Ano daw?!

"Hoy! Manyak ka! Tigil tigilan mo ako! Hindi mo ako matatakot sa kagaganyan mo! Kama ko yan at diyan ako matutulog! Sumosobra ka na! Ang sakit kaya ng likod ko kagabi dahil sa sofa tapos ngayon sa sofa ulit ako dahil sa kama ka nanaman? Excuse me ha! Hindi na ako makakapayag! Kailangan ko ng hustisya!"

Humalakhak lang siya. Nakakainis. Kung ang akala niya ay susuko na ako ay nagkakamali siya. Kinuha ko lahat ng mga libro sa shelf at inilagay iyon sa gitna ng kama bilang pader sa paghahati namin ni Sky sa kama ko. Simula sa taas hanggang sa pinaka dulo ng kama, sampung set ng limang hardbound na libro na magkakapatong ang nilagay ko para mataas talaga ang harang sa aming dalawa! Subukan lang niya akong galawin! Meron na akong great wall of China!

Hindi naman niya ako pinigilan sa ginawa ko kaya naman ay humiga na rin ako sa kaliwang bahagi ng kama. Mabilis akong nakatulog dahil konting oras lang ang tulog ko kahapon.

***

Kinaumagahan ay nagising nanaman akong sobrang sakit ng katawan ko. Doble pa sa sakit na naranasan ko noong unang natulog ako sa sofa. Iginalaw ko ang katawan ko ng kaunti pero ang sakit talaga at ang bigat. Parang may nakadagan sa akin. Parang may nakapatong sa akin. Parang may bumugbog sa akin. Parang akong ginahasa! Ginahasa ako ni Sky!!! Natibag niya ang great wall of China!!!

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nagulat ako dahil may nakapatong nga sa akin! Hayup ka Sky! Bakit mo 'to ginawa sa akin! Sumosobra ka na! Hindi kita mapapatawad!!!

Nasaan ba ako? Nasa sahig lang naman ako ng kwarto ko at nakatambak sa akin lahat ng librong pinagpatong patong ko para maging harang sana naming dalawa kagabi. Nakadikit din ang mukha ko sa talampakan ni Sky na nakalagpas sa kama. At hindi lang iyon, halos nakapasok pa sa ilong ko ang pinakamaliit niyang daliri sa paa! Bastos!!! Hinulog na nga ako, ginawa pang lalagyan ng paa ang mukha ko! At yung ilong ko may daliri pa niya sa paa! Anong tingin niya sa ilong ko? Sharpener? Kainis!!!

At si Sky? Ayun, nasa kama at naka starfish sleeping position nanaman. Sakop niya ang buong kama ko. Lagpas pa nga yung paa niya eh!  Malamang ay sinipa ako nito kasama ng lahat ng librong nilagay ko habang tulog siya! Nananadya ba siya o malikot lang talaga siyang matulog?! Grrr!!!!

Nang nailigpit ko na pabalik lahat ng libro na nakapatong sa akin ay naghanap na ako ng damit at naghanda na para maligo.

"Good morning." isang husky na boses at inaantok na mga mata ni Sky ang sumalubong sa akin.

"GOOD MORNING MO MUKHA MO!"

"Why are you so mad? What did I do?"

"Ow! WATDIDYUDU! Inilibing mo kaya ako gamit ang mga libro ko!!! At inilibing mo rin yang kalyo mo sa ilong ko!!!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iwas niya sa lumilipad kong laway. Kung may water gun siya, meron din ako!

"Really?"

"Really?" ginaya ko ang tono niya at nagmake-face. Nakakainis!

"I'm sorry, then. I really didn't know."

"Che! Maliligo na ako." at dumiretso na ako sa CR.

Pero bago ko pa tuluyang malock ang CR ay napigilan ito ni Sky.

"Ano?!" iritado kong tanong.

"Sabay na tayo." kinagat niya ang  kanyang mga labi. Manyakis!!!

"Bwisit!!!" at tuluyan ko nang isinara ng malakas ang pinto. Narinig ko naman ang paghahalakhak niya. Ugh! Nakakainit talaga ng dugo itong bruhong ito! Nakakarami na talaga siya sa akin!!!

Pagkalabas ko ng CR ay mga titig agad ni Sky ang bumungad sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin kasi malamang ay mapipikon nanaman ako. Pumunta nalang ako sa direksyon ng pintuan para lumabas na at tawagin na si Shibama para simulan na niya ang pagme-make-up niya sa akin nang biglang may sinabi si Sky na naging sanhi ng muling pagkukuryente sa kabuuhan ko.

"You smell good." sabi niya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Ugh!

Ano ba ito!

Ano nga ba ang gagawin ko?!

Hmm? 

Ah oo!

Tatawagin ko pala si Shibama!

***

Habang inaayusan ako ni Shibama ay nakatitig lang sa akin si Sky sa pamamagitan ng salamin. Nakakainis. Wala ba siyang ibang pwedeng gawin? Naiilang talaga ako. Ito pang si Shibama, lagi akong kinukurot dahil kilig na kilig siya. Ang sakit sakit na nga ng katawan ko eh kinukurot pa ako. Sadista ba sila?!

"Papa Sky, maganda ba si Ynna?"

"She's gorgeous."

Nalalaglag ang panga ko sa naging sagot ni Sky. Ang buong akala ko ay aasarin niya ako. Bakit bigla bigla nalang niya akong pinupuri? Tss. Mongoloid.

Naka simpleng sleeveless lavander top, leggings at wedge lang naman ako. Nakakulot din ang buhok ko at naka-ponytail. Wala namang espesyal sa akin. Si Sky naman, nalabhan ko na kagabi ang suot niyang shorts noon kaya naman iyon ang suot niya ngayon. Nanghiram nalang ulit kami ng shirt kay Caloy kasi yung sando niya ng gabing iyon ay punit punit na sanhi ng panghihila ng mga babae sa stage. Naka plain navy blue v-neck t-shirt lang siya ngayon. Bakit kaya mas bagay kay Sky yung mga damit ni Caloy?

"Wag masyadong ngumanga, girl. Halatang halata e." bulong sa akin ni Shibama. Mabilis ko namang isinara na ang bibig ko. Tss! Bakit ba ngumanganga ako lagi?!

"Oh well." humarap si Shibama sa gawi ni Sky kaya naman napaharap na din ako sa kanya. "May lakad kami ng boyfriend ko ngayon. Papa Sky, pwede bang ikaw nalang ang sumama kay Ynna sa mass?"

A-Ano?!

Wala naman siyang sinabi sa akin na may lakad siya ah!

At sino ba kasi yung boyfriend niya na yun?!

"Okay lang. Ako nalang mag-isa magmamass. Ihahatid ko nalang muna si Sky sa kanila." mabilis kong sinabi.

"No. It's okay. I'll go with you to mass."

"Check! Edi tapos ang problem! Makakapgdate na ako! Pati kayo! Weeee!" sigaw ni Shibama sabay kurot nanaman sa tagiliran ko. Aray!

***

Hindi kami umalis ng bahay hangga't hindi kami nakakasiguradong wala na si Caloy. Tamang tama din naman dahil pagkatapos akong ayusan ni Shibama ay umalis na din si Caloy papuntang trabaho niya.

"Sige layas na ko! Enjoy sa date!" at umambang aalis na si Shibama.

"Date ka diyan! Magsisimba kami!"

"It's the same, girl!" sabi niya kasama ang kanyang kembot at kindat. "Bye, papa Sky! Take care of baby Ynna for me, okay?"

"Absolutely." sagot ni Sky sa kanya. Hindi ko naintindihan yung sagot ni Sky pero parang medyo nakuryente nanaman ako. Absolutely? Tubig yun 'di ba? Tss.

"So..." bumaling si Sky sa akin nang nakaalis na si Shibama.

"So?"

"Where are we going? What are we riding?"

"Maglalakad lang tayo noh!"

Riding riding pang nalalaman. Wala naman kaming kotse dito. Tricycle pwede pa. At saka ang lapit lapit lang kaya ng simbahan mula sa condo. Mga 10 minute walk lang. Ang arte talaga ng mga mayayaman. 

"Okay then. Gusto mo lang siguro akong matagal makasama noh?"

"KAPAL! Malapit lang talaga yung simbahan!"

"Sabi ko nga. Bakit ka napipikon?"

"Nakakainis ka kasi!"

Humalakhak siya pero agad din itong napalitan ng mga malulungkot na titig.

"Oh? Bakit ka biglang naging emo?" tanong ko.

"Nothing. It's just that... It's my first time to go to a church."

"Ha? Catholic ka ba?"

"I don't think I have any religion."

Tinitigan ko lang siya. Ewan ko pero parang may naramdaman akong bahid ng awa para sa kanya. Mahirap kasi kapag wala kang pinaniniwalaan eh. Wala kang kakapitan pagdating ng mga problema. Para kang taong walang patutunguhan. Magiging miserable ka imbis na umasa kang maayos pa ang lahat. Lalo na pagdating sa mga mabibigat na problema.

"Tuturuan kita." ngumiti ako.

"Teach me what?"

"Kung paano magdasal. Kung paano manalig sa itaas. Kung paano umasa na may liwanag pa ang buhay!"

"The hell? That's Meralco."

"Ah, basta! Tara na."

"Tss. Okay." sabi niya sabay hila ng kamay ko.

Okay. Awkward. HHWW nanaman. Hindi pa rin ako sanay! Nakikiliti ako. Hehehe. Landi! Kainis! Ugh!

***

Nang nakarating kami sa labas ng simbahan ay may nadatnan kaming parang hinahandang fiesta. May mga bandana na nakasabit at mayroon ding stage at mga upuan. May magcoconcert kaya? Ang aga naman. Napakamakulay naman dito. Nakakatuwa.

Tinignan ko si Sky at nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakatitig lang sa Sta. Maria Goretti Parish. Parang nagaalangan pa siyang pumasok kaya naman bago pa niya sabihin na ayaw na niya ay hinila ko na papasok ang magkahawak naming mga kamay.

Bago pa siya tuluyang pumasok ay pinahinto ko muna siya sa may holy water at tinuruan siyang isawsaw ng kaunti ang dulo ng mga daliri niya doon at magsign of the cross. Ngumiti siya sa akin at sinunod naman niya ito. Good boy.

Umupo kami sa gitna ng simbahan at nagsimula na ang misa.

Habang nagmimisa ang pari ay pinagdadasal ko talaga na sana maging maayos ang lahat pagdating ng katapusan ko. Hindi ko naman hinihiling na hindi sila magalit sa akin kasi parang imposible naman yun. Pero hinihiling ko lang ay sana maintindihan nila balang araw. Sana dumating pa din ang araw na maging kahit magkaibigan lang kami ni Sky. Sapat na sa akin yun. Ayoko lang talagang mawala siya sa akin ng tuluyan. Kung pagiging makasarili ang paghihingi ng extension para sa aming dalawa ay makasarili nga ako.

Habang nagmimisa ay humingi rin ako ng sign kay Lord kung ipagpapatuloy ko pa ba itong nararamdaman ko kahit naman alam kong mali ito.

Sinabi ko sa sarili ko na kapag may nakita akong rainbow sa labas pagkatapos ng misa ay mahal din ako ni Sky. Wala lang, niloloko ko lang ang sarili ko. Imposible din namang magka-rainbow sa labas kasi ang init init ng araw eh. Tirik na tirik. Tulad ng pagmamahal sa akin ni Sky, imposible.

Mamaya pa sandali ay bigla akong nakarinig ng pagkulog at biglang pagbuhos ng malakas na ulan! Anak ng chicharon! Totoo ba ito?! 

"It's raining." bulong sa akin ni Sky.

A-Ano? Totoo nga?! Kanina tirik na tirik ang araw ah! Tumingin ako kay Lord at parang nakita kong medyo kumindat siya! Nako nako! Masyado na kasi akong nag-iimagine!

Pero kanina mainit talaga sa labas ah! Guni guni ko lang din ba yun? Hayy! Baliw ka na, Ynna.

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa misa.

Nang natapos ang misa ay tumila na rin ang ulan. Buti naman.

Bago kami umalis ay hinila  ko muna si Sky papunta sa mga taong nagsisindi ng mga kandila para sa mga kahilingan.

"What is this?"

"Dito tayo magwiwish!"

"Wish?"

"Yes! Magsisindi ka lang ng kandila at pwede ka nang magwish. Tara halika sabayan mo ako!" masaya kong sinabi.

Sinunod naman ako ni Sky at ginaya niya yung mga ginawa ko. Una akong nagwish.

"Sana, makapunta ako sa concert ng Paramore!"

Gustong gusto ko talaga makapunta sa concert ng Paramore noon pa. Nabalitaan ko kasi dadating ulit sila kaya naman ito nalang yung winish ko sa harap ni Sky. Pero syempre hindi naman talaga yun yung tunay kong kahilingan. Syempre ang wish ko ay maging maayos na ang lahat. Lalo na yung sa sitwasyon namin ngayon ni Sky.

"I wish that everything will be alright between us." biglang sinabi ni Sky na para bang binasa ang nasa isip ko. Paano niya nagawa yun?! At wish din ba niya yun? Pareho kami ng first wish?

Hindi ko nalang muna pinansin. Baka may pagka-mind reader talaga siya. Ewan ko. Nagsindi nalang ako muli ng kandila at nagwish muli.

"Sana makapunta ako sa horror booth!" 

Oo. Gustong gusto ko talaga pumunta sa horror booth noong bata pa ako. Wala kasi kaming ganun sa probinsya namin eh. Hindi ako masyado mahilig sa mga rides rides. Gusto ko talaga yung mga nakakatakot. At tinatawanan ko sila kapag hindi nila ako natatakot. Bwahaha.

Pero syempre, sinasabi ko lang ito sa harap ni Sky kasi hindi niya pa pwedeng malaman ngayon ang mga tunay kong mga kahilingan. Mainam na ang nasa isip niya ay mabababaw lang na bagay ang mga gusto ko.  

Pero ang totoo, ang hiling ko lang talaga ngayon ay sana magka-extension pa kami ni Sky. Alam kong hanggang katapusan nalang ng school year itong kahibangan ko. Babalik na din si Janina at matatapos na ang dalawang kontrata. Hindi naman ako humihingi ng extension ng mga kontrata. Ang extension na hinihingi ko lang ay yung mga oras na sana ay maging masaya kami ni Sky. Yung oras na kasama ko lang si Sky at hindi ko muna iisipin ang mga problema. Gusto ko pa sana magkaroon ng mas mahabang mga ganoong pagkakataon sa amin ni Sky para pagdating ng araw na kailangan na niya akong iwanan, may mga masasaya akong dadalhing memorya naming dalawa.

Hindi pinansin ni Sky ang walang kwenta kong horror booth wish at sa halip, nagsindi siya ulit ng kandila at nagwish.

"I wish that I won't be confused with my feelings anymore." seryoso niyang sinabi. Confused siya? Saang feelings? Sa akin kaya?

Hinayaan ko nalang muna siya doon tutal wish naman niya yun eh. Masyado na akong assuming kaya naman ayoko na itong dagdagan pa. Ako lang din masasaktan sa huli kapag ipinagpatuloy ko itong mga balugtod ko paniniwala ko ukol sa mga nararamdaman ni Sky para sa akin.

"Sana ay mapatawad ako ng lahat ng taong nagawan ko ng pagkakamali. At yung mga magagawan ko palang ng pagkakamali." malungkot kong nasabi. Sana Sky matandaan mo itong hiniling ko na ito kapag dumating na ang araw na pinakakinakatakutan ko. Alalahanin mo sana ang hiling kong ito pagkatapos ng taong ito, pagkatapos ng lahat ng kontratang pinasok ko.

"But in contrary to my second wish, I still wish that we can always be together like this." sabi naman niya habang nakangiti ng malungkot sa akin. Hindi niya pinansin yung huli kong wish.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at nagpanggap na hindi ko yun narinig. Whew! Bakit ba hirap na hirap akong huminga kapag kasama ko si Sky?! At saka anong contrary? Ha? Hindi ko gets! Wrong grammar yata si Sky. Nako, ibalik na yan sa elementary!

"Good thing the rain has stopped. We didn't brought any umbrellas." sabi niya nang natapos na kami magwish.

"Oo nga eh."

Ngumiti nalang muli sa akin si Sky at hinawakan muli ang kamay ko at lumabas na ng simbahan.

Paglabas na paglabas namin ng simbahan ay gulat na gulat ako sa mga nakita ko. At sa narinig ko. Imposible.

♪ Fallin' out, fallin' in

Nothing's sure in this world no, no

Breakin' out, breakin' in

Never knowin' what lies ahead

We can really never tell it all no, no, no

Say goodbye, say hello

To a lover or friend

Sometimes we never could understand

Why some things begin then just end

We can really never tell it all no, no, no ♫

May concert ngang nangyayari kahit umaga pa! Maraming taong nagpapalakpakan habang kumakanta ang South Border! At ang kanta, rainbow! RAINBOW! Nanlaki ang mga mga ko sa gulat dahil ito nga pala yung hiningi kong sign kanina. Pero tunay na rainbow ang hiniling ko kaya hindi ito counted! Pero posible kayang? Tss! Hindi! Ayoko na talagang maging asumera!

♪ But oh, can't you see

That no matter what happens

Life goes on and on

So baby, please smile

Coz i'm always around you

And ill make you see how beautiful

Life is for you and me ♫

Nang papalapit na ang chorus ng kanta ay may lumabas na mga taong naka stripes na colorful at nagsimulang sumayaw kasabay ng kanta! Parang interpretative dance! Hala! Naka-rainbow din ang kulay ng stripes nila! Niloloko ba ako ng pagkakataon?! Paulit ulit kong kinusot ang mga mata ko sa pagaakala na guni guni ko lang iyon pero totoo sila. Totoong naka colorful shirts sila. At totoong kulay ng bahaghari ang damit nila! Yung tipong Red-Orange-Yellow-Green-Blue-Indigo-Violet talaga! ROYGBIV! Rainbow talaga!

♪ Take a little time baby

See the butterflies colors

Listen to the birds that were sent

To sing for me and  you

Can you feel me

This is such a wonderful place to be

Even if there is pain now

Everything would be all right

For as long as the world still turns

There will be night and day

Can you hear me

There's a rainbow always after the rain ♫

Nang natapos ang kanta ay hindi ko namalayan na nakanganga nanaman ako. Buti nalang ay hindi napansin ni Sky. Buti nalang din at walang pumasok na langaw. Nagulat ako nang nakitang nakaakbay na pala si Sky sa akin habang nakangiti siyang nanunuod sa kumakanta. Err. Bakit siya nakaakbay? Nakaka-ano eh. Nakakaewan!

"Look, baby, it's so colorful."

Ngumiti nalang ako ng hilaw. Hindi ko alam pero naiilang ako eh. Nakakakuryente yung akbay niya sa akin.

"Look at the sky, baby."

Tinignan ko siya. Bakit daw? Wala naman siyang dumi sa mukha ah.

"Wala kang dumi sa mukha."

"Not me. The real sky." tumawa siya at tinuro niya ang kalangitan.

Ah. Hindi ba siya. Hehe.

Tumingala ako sa langit at hindi ko napigilan ang biglang pagbagsak ng luha ko.

May rainbow.

Tunay na rainbow.

Yung mismong sign na hiniling ko kanina.

"Hey, why are you crying?"

Ibig sabihin, totoo bang mahal din ako ni Sky? Totoo bang magkakaroon kami ng extension? Totoo bang may posibilidad pa rin bang maging kami balang araw? Waaa! Hindi ko mapigilan ang luha ko! Ayokong maging asumera pero bakit ganun! Ang saya ko! Pero hindi kaya nagkataon lang? Ayokong umasa!

"Hey..."

"Extension." bigla kong nasabi sa gitna ng mga paghihikbi.

"What? What about extension?"

"H-Ha?" pinunasan ko ang luha ko. "Anong extension?"

"You said extension?"

"Ah. Eh. Sira yata yung extension namin sa bahay. Yung sa saksakan." palusot ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"You're crying because of wires?" kumunot ang noo niya. Oo nga naman. Hindi nga naman kapanipaniwala yung naging palusot ko.

"Ah. Oo. At saka ano. Extension." isip Ynna, isip! "Ano! Hair extension! Gusto ko sana kasing maghair extension. Hehehe."

"Umm. Okay. But your hair is already long."

"Tss! Bakit ba! Idol ko si Dyesebel eh!" bakit ba kasi ayaw niyang bilhin yung mga palusot ko!

"Haha. Okay. I'll bring you to the salon."

Ano daw?! Ayoko nga! 

"Hindi na! Ayoko na! Uuwi na tayo!"

"What about the hair extension?"

"Next time na! Ang nagsisimba dapat umuuwi agad sa bahay para sa bahay mapunta lahat ng blessings!"

"Oh I see." inosente niyang sagot.

At hinatid na ako ni Sky sa condo. Siya nalang daw ang uuwi mag-isa dahil mapapalayo pa ako kung sinamahan ko pa siya. Magtataxi nalang daw siya. Oo nga naman. At saka malaki na siya, hindi na dapat siya ihinahatid. Hindi na rin naman siya lasing eh. Si Shibama lang naman ang pasimuno na kailangan ko pang ihatid itong si Sky eh. Damulag na siya at kaya na niya ang sarili niya. At gusto ko na rin mapag-isa. Masyado na talagang okupado ang isip ko ng mga kung anu-anong mga bagay.

Nang nakarating ako sa condo ay nagkulong agad ako sa kwarto ko. Marami akong dapat isiping mga problema pero itong tatlong bagay lang ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon.

1. Winish ni Sky na sana ay hindi na siya malito sa nararamdaman niya at winish din niya na sana ay lagi nalang kaming magkasama.

• 'I wish that I won't be confused with my feelings anymore.'

• 'But in contrary to my second wish, I still wish that we can always be together like this.'

2. Tinawag ako ni Sky na 'baby' ng tatlong beses ngayong araw.

• 'I won't do anything that you won't like, baby.'

• 'Look, baby, it's so colorful.'

• 'Look at the sky, baby.'

3. Nanghingi ako ng sign na makakita ng rainbow. Tapos binigyan ako ni Lord ng tatlong iba't-ibang klase ng rainbow.

• Isang kanta: Rainbow by South Border

• Isang makulay na fiesta na may mga nagsasayaw na naka striped rainbow shirts

• At isang tunay na bahaghari sa mula sa kalangitan

Baby, mahal mo na nga kaya talaga ako? Kasi ako, mukhang nalunod na ako ng tuluyan sayo. Hindi ko na makita ang daan palabas dito sa nararamdaman kong ito. Para kang quicksand.