• ALYNNA MARIE PAREDES •
"Ynna." tinawag akong muli ni Sky.
"Oh? Kala ko ba aalis ka na?"
"I have another question."
"Ano? Dali at uulan na yata!" sabi ko. Nararamdaman ko na kasi ang mga ambon na pumapatak sa balat ko. May bagyo yatang paparating.
"W-What if..." panimula ni Sky.
Problema nito? Bakit nauutal siya? Natatae ba siya?
"Ano?"
Pumikit siya at nagtanong.
"What if we just break----"
*THUNDER*
Hindi ko narinig! Ano daw?!
Hindi ko na muna siya pinansin dahil natakot na ako sa naging pagkulog sa kalangitan. May nababalita pa naman ngayon sa news na may lalaking tinamaan ng kidlat. Ayoko namang maging tostado si Sky. At ayoko ding maging prinito ako.
Akmang papasok na sana ako para hindi na maambunan pa pero huli na ang lahat dahil bigla ring bumuhos ang malakas na ulan dahilan para maging basang sisiw kaming dalawa ni Sky. Kung minamalas nga naman oh. Badtrip! Wala pa naman sana akong balak maligo ngayon. Tsk.
"HUY! TATAYO KA NALANG BA DIYAN?! NGA NGA LANG, PRE?! TARA NA SA LOOB!" sigaw ko kay Sky. Problema nun? Nakatulala lang sa akin? Totoo palang kapag mahilig ngumanga ang lagi mong nakakasama ay nahahawa ka din sa kanya. Sigurado akong nahawa na sa akin si Sky.
"Ah. Yeah. Okay." nagaalinlangan niyang sinabi habang papalapit siya sa akin. Parang ngayon lang niya narealize na may ulan pala. Mokong na 'to.
Pinapasok na din naman kami agad ng guards sa condo at dali dali kaming sumakay sa elevetor. Habang nasa elevator ay hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Sky. Bumabakat na kasi sa basa niyang damit yung abs niya. Ang ganda tignan. Parang natetempt nanaman akong pindutin. Grr. Nakakagigil.
Tinignan ko si Sky at nakita kong nasmirk siya habang tinitignan din ang katawan ko. Waaa! Pareho pala kaming tinitignan ang katawan ng isa't isa! Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong halos maging transparent na ang suot ko dahil sa pagkakabasa nito! Bakat na bakat yung black kong bra sa pink kong blouse! Parang akong bold star! Waaa! Baka kung ano na ang iniisip ni Sky!!!
Buti nalang at tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami sa floor ng condo namin. Dali dali din kaming pinagbuksan ni Shibama. At as usual, tumitirik nanaman ang mata niya sa kilig. Ewan ko ba pero paniguradong may iba nanamang iniisip ito.
"Aba! Aba! Aba! Saan kayo galing ha?! Wet and wild kayo!!!" panimula ng bakla. Kinikilig kuno.
"Nabasa lang kami ng ulan!" inis kong sinabi.
"We're obviously just wet. But I'm patiently waiting for the 'wild' to happen." nakasmirk pa rin si Sky na walang prenong sumagot kay Shibama! Waaa!!! Mga bastos!
"HOY! TUMIGIL NGA KAYO!" sigaw ko. "IKAW!" tinuro ko si Sky. "MALIGO KA NA AT BAKA MAGKASAKIT KA PA!" tinuro ko ang CR.
"How about you? I don't like the idea of you being sick, too." mabilis niyang sagot.
"Eto na nga, maliligo na din." sabi ko bago ako dumiretso sa kwarto ko para maghanap ng pamalit.
Buti naman at sumunod na din si Sky. Pinaligo ko siya sa kwarto ni Caloy at ako naman sa kwarto ko. Doon ko nalang siya pinaligo kay Caloy kasi panigurado doon din naman kami maghahanap ng damit na isusuot niya mamaya eh. Nakakatakot nga at baka magtaka na si Caloy dahil pakonti na ng pakonti yung mga damit niya. Sasabihin ko nalang siguro na ninakaw nung pumasok na pekeng magnanakaw noong nakaraan.
Mas mabilis akong natapos maligo kay Sky. Malamang, tatlong minuto lang ako maligo eh. Nalimutan kong i-share sa kanya yung technique ko para maging mabilis maligo eh. Sayang naman. Tuloy, nagsasayang nanaman siya ng tubig. Tsk.
Paglabas ko ng kwarto ko ay sinalubong agad ako ng mga mapanghusgang mga mata ni Shibama. Eto nanaman tayo.
"Baka magkasakit ka!" ginaya niya ang boses ko. "I don't like the idea of you being sick!" ginawa naman niyang mala-lalaki ang boses niya, ginagaya niya si Sky. "Sweet niyo. Shucks!!!" tili niya. Boses na niya.
"Normal lang na mag-aalala kami sa isa't-isa dahil magkaibigan kami. Wag ka ngang ano. Tss."
"Achuchuchu. Sinong niloloko mo! Napapadalas ang punta ni Sky dito sa condo ah! Is it a sign? Yihee!" pang-aasar niya.
"Shibs naman eh, nabasa lang talaga kami. Bigla kasing umulan."
"Bakit hindi man lang kayo tumakbo? Basang basa kaya kayo! Hindi niyo ba alam sumilong?"
"M-Malakas lang talaga yung ulan." nag-iwas ako ng tingin.
Bakit nga ba kami nagtagal masyado sa ulan?
Ah. Si Sky kasi nakatulala. Tss.
"What?"
"Anong what?" tanong ko sa kanya pabalik.
"Siguro nagbabalak na kayong gumawa ng snowman noh?"
"H-Ha? Anong snowman?"
"Do you wanna build a snowman? Come on let's go and play!" kumanta si Shibama. Huh?
Frozen yun ah! Favorite ko yun! Pero anong koneksyon? Hindi ko gets!
"Anong snowman? Bakit ka kumakanta ng Frozen?"
"Edi baby! Gagawa na kayo ng baby noh? Kaya nagpla-play kayo noh?! Hihihi."
"Anak ng Shibs! Ano ka ba! Hindi noh!" tinignan ko siya ng may pagbabanta. Gustong gusto ko yung frozen noon pero bakit parang nandiri na ako bigla ngayon? Yun ba yung hidden meaning ng kanta? Waaa! Pang bata yun ah! Bakit binabahiran ni Shibama ng ibang meaning! Inosente yung movie na yun!!!
"Pffft. Joke lang, girl. Masyado ka kasing serious! Ano ba kasi talaga ang dahilan?!"
"Malakas nga lang talaga ang ulan!"
"Wag mo akong gawing tangengot Ynna dear. I know something happened. I know you too much. Alam kong wala kang balak maligo ngayon." pinanliitan niya ako ng mga mata.
Tss. Kilalang kilala na talaga ako ni Shibama. Pati ba naman yung schedule ko kung kailan ko gusto maligo ay alam niya? Hanep. Siya lang din ang katangi tanging may alam ng sitwasyon ko sa mga kontrata ko. Ano pa bang hindi niya alam sa akin? Wala na akong choice kaya sinabi ko na rin kay Shibama ang lahat.
"Eh kasi. May tinanong si Sky sa akin."
"Hmm? What is it?"
"Kaso Shibs, hindi ko masyado narinig. Yung unang bahagi lang ang narinig ko dahil biglang kumulog. At ayun nga, umulan. Natulala si Sky sa hindi ko malamang dahilan kaya naman ay nabasa kami." pagpapaliwanag ko.
"I see. So ano yung narinig mo?"
"Umm. 'What is we just break?' lang yung narinig ko eh."
Panandaliang natigil si Shibama para mag-isip bago muling nagsalita.
"OMG! Nakikipagbreak na ba siya sayo dahil nagbalikan na ba sila ni bitch laki dede Farrah?! Oh no! This is not happening! We're dead!!!" takot na sinabi ni Shibama.
"Hindi naman siguro. Ni hindi ko nga sila nakikitang magkasama o kahit mag-usap man lang eh. May pakiramdam akong iba yung gustong itanong sa akin ni Sky eh. Ewan ko ba. Pero ramdam kong hindi talaga yun tungkol kay Farrah."
"Good. So ano kayang meaning?" tumahimik siyang saglit bago siya sumigaw ulit. "Alam ko na!!! Baka gusto niyang magbreak dance sa ulan!!!" tili niya.
"Ano? May ganun ba?"
"Oo girl! Masyado kang naging killjoy! It's obvious na inaaya ka niyang magbreak dance sa ulan! Sikat yun ngayon eh. Maganda kasi yung effects kasi may tumatalsik talsik pang mga tubig!"
"Ganun ba? Eh hindi ko naman alam eh. Sana sinabi nalang niya sa akin para hindi ko siya pinapasok agad sa condo."
"Oh kaya naman..." nanlaki ang mga mata ni Shibama. Kinabahan ako.
"Kaya naman?"
"Baka gusto niyang i-break ang pagmumukha mo girl!" sigaw niya sabay hawak niya sa dalawang cheeks ko. Niyuyugyog niya ang ulo ko.
"Ha? B-Bakit naman niya gagawin yun?" nanginig ang boses ko dahil sa pagyugyog niya.
"Eh kasi nga masyado kang conservative! Baka naman matagal na niyang gustong gumawa ng snowman! Kapag nainis siya sa tagal mo ay baka bigla ka nalang niyang suntukin! Nako giiiirl! Sayang ang pretty face mo! Ibigay mo na kasi ang surprise center ng hard candy mo!"
Uminit ang dugo ko sa mga hinala ni Shibama. Subukan lang talaga niyang i-break ang mukha ko at paniguradong i-bre-break ko rin yung kanya. Sadista din ako!
Magsasalita pa sana si Shibama ng kung ano ano pa niyang hula nang lumabas ang hubad na si Sky na tanging ang twalya lang ang nakabalot. Ito mismo yung itsura niya na ayaw kong makita ni Shibama. Pero wala na akong magagawa, nakita na niya.
Tinignan ko si Shibama at nakitang halos lumabas na ang eyeballs niya sa mata niya at may ilang pagtulo ng laway akong nakita mula sa bibig niya. Lalapit na sana siya para sugurin ang katawan ni Sky pero buti nalang at bigla ko siyang napigilan.
Dali dali kong hinila si Sky pabalik sa kwarto ni Caloy at mabilis na nilock si Shibama sa labas. Naghanap ako ulit ng damit nababagay kay Sky. Mabilis lang ako nakahanap dahil halos lahat naman ay bagay sa kanya. Kinuhaan ko siya ng plain red shirt at maong pants. Sinuot din naman niya agad. Tumalikod ako para hindi ko makitang nagbibihis siya. Baka sabihin pa niya na sinisilipan ko pa siya eh. Feelingero pa naman 'to.
"I'm done." sabi niya kaya naman humarap na akong muli sa kanya. Ang gwapo. Lumuluwag yata panty ko. Hehehe. Joke.
"Stop staring. I'm gonna melt." dagdag pa niya.
"Tss! Tigilan mo nga ako! Tara't lumabas na tayo."
"Wait up."
"Bakit?" kumunot ang noo ko.
"About what I asked you a while ago, you really didn't hear anything?"
Aba! Tungkol ba yun sa pagbrebreak niya sa mukha ko? Nako! Unahan ko na kaya siya? Tss! Kapal ng mukha nito!
"HINDI TAYO GAGAWA NG SNOWMAN!" sigaw ko.
"What?!"
"HINDING HINDI KA MAKAKA 'come on let's go and play' SA AKIN! GAWAIN LANG YUN NG MAG-ASAWA!" sigaw ko muli.
"What? Anong mag-asawa? I don't get you."
"Kunwari ka pa! Tss! Manyak!"
"You're weird. Gusto mo pala akong maging asawa?" nang-aasar niyang tanong.
"KAPAL!" sabi ko bago ko binuksan yung pinto at lumabas.
Pagkalabas namin ay nakita ko agad ang mga masasamang titig sa akin ni Shibama.
"Masyado mong sinosolo si Papa Sky! Hmp!" humalukipkip siya at nag-pout.
"Iniiwas ko lang siya sa mga tulad mong pagsasamantalahan siya." sabi ko at saka nilabas ang dila ko para asarin si Shibama. Belat.
"You really want me that bad, huh?" singit ni Sky. Tss! Oo nga pala. Nakasunod pala siya sa akin. Grr!
"Tumahimik kang manyak ka. Hindi kita kinakausap." inirapan ko siya at tumalikod.
"Rude." narinig ko pa ang pagtawa niya.
Tinignan ko ang labas at nakitang tumila na pala ang ulan. Buti naman. Makakaalis na din si Sky.
"Wala nang ulan. Pwede ka nang umalis." sabi ko.
"Okay, then. Bukas ha, cheer for me."
"Oo na."
"Bye."
"Bye."
Akmang aalis na sana siya ng condo nang bigla ko siyang tinawag ulit. Kailangan kong itanong 'to para naman ay magkaliwanagan na din kami. Kasi baka hindi naman niya talaga gustong basagin yung mukha ko eh.
"Ano ba talaga yung tanong mo sa akin kanina?"
Tumigil siya. Lumingon sa akin. Tinitigan ako ng matagal bago dahan dahang ngumiti.
"I'll tell you tomorrow. After the game." at kumindat siya bago tuluyang umalis.
Ano kaya yun?
Pa-suspense pa?
Kainis!
"Nakita mo yung pagkindat niya?! Omygod!!! May spark!!! Pwede bang palit nalang tayo ng boyfriend?! Pretty please!!!" malanding ang pagkakasabi ni Shibama nang humarap na ako ulit sa kanya.
"Ewan ko sayo!"
"Ay... Damot!" nag-pout nanamn siya. "May pa-cheer cheer pang nalalaman! Landi niyo!"
"Bruha! Mas malandi ka kaya!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Landi!"
"He!"
"Pero infairness, bagay talaga kayo!!!"
"Magpapahinga na ako." sabi ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Pero kahit nasa loob na ako ng kwarto ko ay inaasar pa din niya ako. Itong baklang 'to talaga, wala ba siyang magawa sa buhay niya? Pero napangiti nalang ako bigla kasi naalala ko nanaman yung katawan ni Sky. Ang gandang tanawin talaga nun.
"Uyyy... Nakangiti siya!" sigaw ni Shibama galing sa labas ng kwarto ko.
Paano niya nalaman?! Tinignan ko ang kwarto ko at wala naman akong nakitang ni isang butas.
"Wag ka nang maghanap ng butas girl! Di kita nakikita. Kilalang kilala lang talaga kita. Alam kong nagkukulong ka diyan kapag kinikilig ka! Landi mo!"
Wala na ba talaga akong maitatago sa baklang ito?
***
Kinabukasan ay maaga akong sinundo ng naka-jersey na si Sky sa condo. Naka-itim siyang jersey na may nakaprint na 'Anderson' at number one sa likod. Habang naglalakad kami pabalik sa school ay hindi ko maiwasang amuyin siya. Ang bango bango. Halatang bagong ligo. Fresh na fresh.
"Stop smelling me if you don't want me to do the same to you right here, right now." sabi niya kaya naman ay bigla akong natigilan. Masyado yatang halata yung pag-aamoy ko. Ano ba yan. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Nakakahiya. Baka isipin niya crush ko siya.
"Anyway..." nagsalita siya ulit. "Let's have a deal."
"Huh? Anong deal naman?"
"Kapag nanalo ako sa game, you have to grant me one wish."
Tinignan ko siya nang diretso sa mga mata bago ako nagsalita ulit.
"Umm. Eh kapag natalo ka? Ako ang magwiwish?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Sure." mabilis niyang sagot.
"Deal." nag-aprub ako sa kanya.
"Deal."
"Sana matalo ka. Hahaha!" pang-aasar ko.
"It won't happen."
"Yabang."
"Just stating the fact."
"Blah blah blah."
"But you still have to cheer for me. You are still my girlfriend."
"Oo na nga."
"What cheer will you do for me later?"
Ano nga ba? Hindi ko alam! Hindi naman ako naghanda eh!
"Secret." at ngumiti nalang ako ng hilaw sa kanya. Bahala na mamaya!
***
Bago nagsimula ang laro ay binati muna ako nila Chase, King, Clyde, Viel, Austin at Ash. Ang gwagwapo naman ng mga maglalaro ngayon. Busog na busog ang mga mata ko panigurado. Nakita ko pa ang mga babaeng naiinggit sa akin dahil binati ako ng grupo nila Ash. Kawawa naman sila. Hindi sila kilala. Bwahaha.
Pumunta na ako sa bleachers kasama nila Debbie at Karen. Syempre nasa side kami nila Sky. Tili ng tili yung dalawa sa mga gwapong pumasok sa ring. Grabe, hindi ko rin sila masisisi kasi ang gwapo din talaga nilang lahat.
First five ng 'alumni' team ay sina King, Clyde, Viel, Austin at Ash. Suot nila yung mga lumang Vengeance jersey nila na color blue. Nakaupo lang sa bench si Chase. Nagtetext nanaman. Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko siya ay para siyang baliw na nagtetext lang lagi tapos ngumingiti ngiti pa. Siguro ay nagbabasa siya ng jokes sa cellphone.
First five naman sa kabilang team ay sina Sky, Dwight, Erick at dalawang medyo pangit na may mga apelyidong Cuaresma at Villar. Kaya pala sila Sky, Dwight at Erick lang ang kilalang Vengeance sa school eh. Silang tatlo lang kasi yung gwapo. Buti pa sa team nila Ash, gwapo lahat! Kung blue ang sa team nila Ash, black naman ang jersey na suot ng team nila Sky.
Nagsimula na ang laro at nagtakbuhan na sila. Hindi ko naman talaga alam kung paano nilalaro ang basketball. Hindi naman din ako fan ng ganyan. Ang mga alam ko lang na laro sa probinsya ay luksong lubid, patintero, piko, at yung version namin ng ice-water, yung tae-tissue.
Blue Vengeance: 10
Black Vengeance: 12
Mukhang mahigpit ang labanan ngayon. Mukhang walang gustong magpatalo. Gusto kong matalo sila Sky para sa wish ko pero gusto ko ding manalo siya para maging masaya siya. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto kong mangyari talaga. Pero masaya ako na kahit papaano ay nakakalamang ang team nila Sky.
Blue Vengeance: 37
Black Vengeance: 38
Patuloy ang naging tilian ng mga babae. Ang ganda rin ng tunog ng mga nagdrudrums. Ang lapit lagi ng score ng magkalaban na team. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako kapag nakakapuntos ang team nila Sky. Lalo na kapag si Sky ang nakaka-shoot. Ang galing pala niyang maglaro. Sobrang galing. Kaya pala't kampante siya kanina na mananalo siya kahit wala siyang practice.
Blue Vengeance: 52
Black Vengeance: 49
Lumamang ang grupo nila Ash ng kaunti. Dapat 'di ba ay masaya ako? Pero hindi iyon ang naging reaksyon ko. Nalulungkot ako para kay Sky. Gusto kong manalo siya. Kasi kapag nanalo siya ay parang nanalo na din ako. Kahit magwish pa siya, okay lang. Sana manalo sila pa rin sila Sky!
Blue Vengeance: 64
Black Vengeance: 64
Tie na ang score ng dalawang team ngayon. Isang minuto nalang ang nalalabing oras. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hawak ni Austin ang bola. Hawak ng kalaban ang bola! Mukhang matatalo nila Sky kapag hindi nila naagaw yun kay Austin. Hindi pwede! Hindi ako makapapayag! Kailangan naming manalo!
"GO SKY!!!!!!!" sigaw ko. Nabigla din ako sa sarili ko. Mukhang nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa paligid. Ganun ba talaga kalakas ang boses ko? Parang mic? Oh baka nagulat lang sila kasi ngayon lang talaga ako sumigaw sa buong game?
Nakita kong tumingin sa akin si Sky at biglang ngumiti. Kumindat nanaman siya at biglang napaatras ako na para bang natamaan ako ng kung ano. Ganun ba talaga kalakas ang impact ng kindat niya sa akin?
Pagkatapos nun ay sobrang bilis ng naging pangyayari, nakita kong tumakbo si Sky, naagaw niya kay Austin ang bola at nag three points siya. Nagtilian ang mga tao at may bumagsak na mga confetti. Nanalo sila Sky sa puntos na 67-64! Nanalo kami! NANALO KAMI!!!
Nakisabay na din ako sa pagtalon nila Debbie at Karen. Para kaming mga baliw pero okay lang. Wala akong pakialam. Basta ang alam ko lang ay masaya ako dahil nanalo kami!
Pagkatapos kong tumili ay umalis ako agad sa kinauupuan ko para hanapin si Sky at para na din i-congratulate siya.
Pumunta ako sa labas ng boy's locker room para hintayin si Sky. Nakita ko naman siya agad sa labas na nakasandal sa pader at may twalyang ipinupunas na ulo niya. Parang hinihintay talaga niya ako? bakit siya nasa labas? Inangat niya ang tingin niya sa akin at ngumiti. Ang gwapo! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero bigla ko nalang siyang tinalon at binigyan ko siya ng powerhug.
Naramdaman ko na nagulat si Sky sa naging pagtalon ko sa kanya. Pero hindi niya ako iniwasan. Sapagkat, binuhat pa niya ako at niyakap din pabalik.
Nagising ako sa realidad kaya naman ay kumalas ako sa mga yakap niya at inayos ang sarili ko bago ko siya binati.
"Congratulations! Ang galing mo pala!" masaya kong sinabi.
"Thanks. It's all because of you."
Ano daw?
"Ha? Bakit ako? Ano bang ginawa ko?"
"I thought you wouldn't cheer for me at all. Pero nung nagcheer ka na, nabuhayan ako."
Nag-iwas ako ng tingin at ramdam ko ang muling pag-iinit ng mga pisngi ko.
"I won. So you know what that means, right?" tanong niya.
Oo. Malamang. Kailangan kong itupad ang anumang iwiwish niya.
"Oo naman. Ano ba ang wish mo?" tanong ko pabalik.
"We'll have a date."
Processing...
Processing...
Processing...
ANO DAW?! DATE?!
"Ha? B-Bakit?"
"That's my wish. A real date between you and I. No Farrah and Dave. No pretending. Just fun."
"No pretending? No Farrah and Dave? Bakit bigla mo nalang gustong makipagdate sa akin?"
"I won. Can't we celebrate?"
"Ah. Celebrate. Ah. Oo. Hehe."
"Is there anything wrong?"
"W-Wala." umiling ako at ngumiti. "Pero bakit tayong dalawa lang? Tayong dalawa nga lang ba?"
"Yes. Tayong dalawa lang. I need to ask you my question again."
"Ah. Bakit hindi mo nalang tanungin ngayon? Sabi mo sasabihin mo sa akin pagkatapos ng game ah. Importante ba yun? Kailangan may date pa?"
"Yes."
"Oh siya sige. Ano nga kasi yun?"
"So we'll have a date later." hindi niya pinansin ang pangungulit ko.
Teka lang. Mamaya na?! Agad agad?!
"Mamaya na?!"
"Yes." nagsmirk siya.
"S-Saan?"
"That's for me to know and for you to find out."
Magde-date kami ni Sky mamaya? Edi yun pala yung wish niya? Pero hindi naman siguro yun yung date pang magjojowa 'di ba? Friendly date lang yung amin. Oo, friends lang. Magcecelebrate lang talaga kami sa pagkapanalo ni Sky. Ayoko talaga munang isipin na gusto niyang makipagdate sa akin kasi gusto niya ako. Sa sitwasyon namin ngayon ni Sky, mas mabuti nang ako lang yung may gusto sa kanya para sa huli, at least ako lang yung masasaktan kapag umalis na siya.
"You are so serious. What are you thinking?"
"Ah wala wala hehe."
"Really?"
"Umm. Oo." tumango ako.
Tinignan ko lang ang gwapong mga mata ni Sky. Grabe! Nakakaakit talaga. Paano ko nagawang lokohin ang isang tulad niya? Hindi ko yata kayang makitang masaktan ang damdamin niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Iyon yung mga mata na gusto kong titigan habang buhay. Bumaba ang tingin ko sa ilong niyang napakatangos. Grabe. Perpekto na talaga siya. Binaba ko pa lalo ang tingin ko at nakita ko ang lips niya na para bang inaantay nalang ang lips ko.
"You are biting you lips while staring at my lips." sabi niya gamit ang kanyang sexy voice. Waaaa!
Hindi ko namalayan na kagat kagat ko pala ang labi ko. Inalis ko agad ang pagkakakagat ko at inayos ang sarili ko. Masyado na akong nahahalatang may gusto kay Sky. Hindi ito maaaring malaman ni Sky!
Nagulat ako nang bigla niyang hinila ang bewang ko papalapit sa kanya.
"I'd like to bite that lips too." bulong niya. Waaa! Bakit nakukuryente nanaman ako! Bakit niya kakagatin ang lips ko!!!
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at diretsong nakatingin lang siya sa mga labi ko. Kakagatin ba talaga niya lips ko? Waaa! Baka dumugo! Wag naman sana!
"But right now, a kiss will do." sabi niya bago niya ako hinalikan ng marahan sa aking labi. Sandali lang iyon. Smack lang. Pero tumigil ang mundo ko.
Para akong nanghina sa ginawa niya. Bakit niya ginawa yun? Bakit niya laging pinaparamdam sa akin itong pakiramdam na hindi ko maintindihan?
"See you tonight, baby." sabi niya pagkalas ng mga labi namin sa pagkakadampi. Umalis na din siya at pumasok na sa locker room ng mga lalaki para maligo yata o kaya magbihis.
Naiwan akong nakatulala dito sa labas. Parang hindi pa rin ako makaget-over sa mga mabilis na nangyari. Masyadong maraming nangyari para sa isang araw lang.
Totoo ba ito o panaginip lang?! Kinurot kurot ko ang sarili ko at nasaktan ako. Totoo nga!!!
NIYAKAP KO SI SKY!!!!
HINALIKAN NIYA AKO ULIT!!!
TINAWAG NANAMAN NIYA AKONG BABY!!!
At higit sa lahat...
MAY DATE KAMI MAMAYA!!!
BAKIT KINIKILIG AKO!!!!
BAKIT NAEEXCITE AKO!!!!
Hindi ko alam na may kakayahan pala akong maging tulad ng ice cream, yung tipong tunaw na tunaw na tunaw.