"Sige na nga."
Tinignan ko lang siya. Kumunot ang noo ko. Ano kayang sinasabi niya? Nasasapian ba ito? Bigla bigla nalang nagsasalita habang nagtitimpla ng gatas.
"I said sige na nga! Bingi ka ba girl?!"
"Anong sige na nga?" paguulit ko.
Ginawa pa akong bingi. Itong baklang 'to namumuro na talaga 'to sa akin eh. Una, peklatin daw ako tapos naging lampayatot tapos ngayon bingi naman? Aba! Sumosobra na siya ah.
"Sige na, pwede mo nang pansinin ni Sky. Ayaw ko namang madamay kayo ni Sky sa away namin ng boyfie ko noh! At lately sobrang lungkot mo girl! I don't wanna see you like that!" umiling siya. "Kaya gora na! Talk to papa Sky and be happy together!"
Oh? Bakit nagiging tungkol kay Sky bigla? Kinakalimutan ko na nga siya eh. Shibama naman eh!
"Hindi ikaw ang magsasabi kung kailan ko siya pwedeng pansinin." malamig kong sinabi sa kanya. Sana matakot. Sana effective.
"Wushuuuuu! If I know, miss na miss mo na siya eh!" pangaasar niya sa akin. Tss. Hindi pala effective. Hindi ba ako mukhang nakakatakot? Ugh.
Dalawang araw na din kaming hindi nagpapansinan ni Sky. Biyernes na ng gabi ngayon. Ang huling paguusap namin ni Sky ay Miyerkules pa ng gabi doon sa bakanteng classroom kung saan nagwalk-out nanaman ako. Walk out queen lang ang peg.
At oo, hindi na kami nagkita simula noon. Hindi na niya ako hinatid sundo sa condo at hindi siya pumapasok sa mga klaseng magkapareho kami. Iniiwasan na talaga niya ako.
"Iniiwasan ko siya para din sa ikabubuti naming dalawa." pagpapaliwanag ko.
"Achuchchuchu! Kunwari serious! Hihihi! Hug mo na siya!!!"
"Shibs naman eh! Awat na please! Ayoko munang pag-usapan si Sky ngayon."
"BINGO!!! Kasi miss mo nga siya! Aminin mo na! Hayaan mo girl, tatawag din yan sayo later!" kumindat pa ang bading.
"Ewan ko sayo! Baklita ka nakakairita ka!" sabi ko. Umalis ako sa harapan niya at nagtungo sa direksyon papunta sa kwarto ko.
"Uyy! Huwag ka munang matulog! Baka tumawag si lovey dovey Sky!!!" pahabol niya.
Lovey dovey?! Kadiri. Mas okay pa kung labidabs. Oh kaya drayber swit laber. Hehe. Ay! Tsk! Ano ba itong mga iniisip ko!
"Matutulog na ako." sinabi ko at iniwan ko siya sa ng tuluyan sa sala. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Hay. Minsan talaga, nakakainis na talaga ang mga pangaasar ni Shibama. Nakakapikon.
Hindi pa naman talaga ako inaantok. Nakakabanas lang talaga si Shibama kaya iniwan ko muna siya sa sala mag-isa. Bahala siyang multuhin doon! Mamaya maya ay darating na din naman si Caloy at may makakausap na siya ulit. Tutal si Caloy din naman talaga ang gusto niyang makausap dahil nagwagwapuhan daw siya doon. Baka nga si Caloy yung sinasabi niyang boyfriend niya eh. Wala akong pakialam.
Humiga nalang ako sa kama at tumulalala sa kisame.
Whoa. Bakit ganun?
Nababaliw na ba talaga ako?
B-Bakit puro muka ni Sky ang nakikita ko!!!
Yung kisame may mukha niya! Yung lampshade ko may mukha din niya! Yung unan ko may nakaprint na mukha niya! Yung sofa naman ay may nakaupong imahe niya! Yung wallpaper naman ng kwarto ay mga mukha din niya na iba't ibang reaksyon!
Para akong pumasok sa Jollibee! Yung tipong simula baso, tray, fries, chicken at buong lugar ay may mukha ni Jollibee! Yung kwarto ko naman, Sky version. Paano naman ako makakatulog nito?! Hayyyst!
Huwag mo naman akong paglaruan, universe!!!
*BEEP BEEP*
May nagtext.
Sino naman kaya yun. Tamad kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang text.
Sky Anderson: Come here with me. Let's party.
A-Ano daw?!
Si Sky?!
Party?!
Nako nako! Mukhang imagination ko lang nanaman ito. Erase. Siguradong kasama ito sa mala-Jollibee Sky version kong imagination. At saka imposible! Party? Hahaha! Eh magkaaway kaya kami! Hindi kami bati!
Hindi ko nalang pinansin. Mamaya konti ay biglang tumunog nanaman ang cellphone ko.
Sky Anderson: I said let's party! Whoooo!
Waa?!
Hindi yun imagination?! Totoo bang tinetext niya ako?
Hindi. Hindi. Hindi.
Pero kung totoo man, may topak ba siya?! Ni hindi nga kami naguusap tapos ngayon naman bigla nalang niyang gusto pumarty kasama ako? Good mood siguro siya ngayon. Tss! Pero hindi pwede. Hindi ko pa rin siya pwedeng pansinin. Hindi kami dapat bati ngayon.
Ilang sandali pa ay...
*Kapal na mukha, 'di na nahiya
Ang dapat sa iyo pasabugin ang mukha
Ulo-ulo lang 'di kasama katawan
Pag kasama katawan, sabog pati laman!*
Anak ng talong!
Problema niya?!
Tapos ngayon tumatawag pa siya?!
Waaa! Manghuhula ba si Shibama? Paano niya nalaman na tatawag mamaya maya konti si Sky?!
Sasagutin ko ba? Err.
Fine. Sige na nga, para matapos na.
"Hello?" mahina kong sinabi pagsagot ko. Baka marinig kasi ng beki.
[Whooo! Let's party!!! Kalimutan natin ang mga babae!!!]
"A-Ano?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sky.
[I said let's party!!! Daming chicks dito bro! Tara!!!] Bro? [Hey, sexy! Come here!] S-Sexy?!!!
"Anong sinasabi mo Sky? Anong bro? Anong sexy? Umayos ka nga!"
[I said let's party!!! Live like there's no tomorrow!!! Wuhoooo!]
"Lasing ka ba? Nasaan ka ba?"
[Tritonne Bar! *hik* The usual table! *hik* Come on!!! *hik* Join me!]
"Lasing ka nga! Huy! Anong hik?!?!"
[Oh yeah! Baby baby baby! Oh oh oh! Dance with me sexy hottie!!!]
"Hottie? Kadiri ka ha! Sumasayaw ka ba?! Hoy!!!"
[Yeah!!! Come on! Wag kang KJ bro!!!]
"Sky, babae ako." paglilinaw ko.
[HAHAHAHAHA!!! Are you kidding me?!?! You wanna be like Ynna's makeup artist? HAHAHAHA shut up!!!]
"Ha? Si Shibama?"
[Yeah!!! That macho gay guy?!?! FITS YOU BRO!!! HAHAHA!]
"Sky, lasing ka na."
[I'm not!!! Imma party 'til I drop!!! Whoooo!]
"Tsk! Diyan ka lang. Sige na pupuntahan na kita diyan. Huwag kang magmamaneho pauwi. Hintayin mo ako." seryoso kong sinabi sa kanya.
[Okay!!! See you!!! Lezz parteeeeh!!!]
Binaba ko na ang tawag. Naglalasing si Sky. Grabe! Sa pag-uusap namin kanina ay tiyak na malala na ang pagkalasing niya. Siguradong hindi ako ang tinawagan niya. Nagkamali lang siguro siya ng pindot. Pero ako ang nakasagot kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan na malasing nalang ng tuluyan.
At nag-aalala din kasi ako sa kanya. Ayokong umuwi siya mag-isa nang lasing. Ayokong mapahamak siya. Hindi naman porket hindi kami nag-uusap ay papabayaan ko nalang siya sa kung ano ang maaring masamang mangyari sa kanya. Hindi yata kakayanin yun ng konsensya ko. Kahit papaano ay naging mabuting tao din naman at kaibigan sa akin si Sky.
Lumabas ako ng kwarto at nakitang wala na si Shibama sa sala. Tinignan ko ang oras at nakitang magaala-una na pala ng madaling araw. Nakarating na din si Caloy at sigurado akong natutulog na din siya ngayon.
Hindi ko na sila ginambala pa. Umalis na ako ng condo mag-isa at nag-taxi nalang ako papunta sa bar na binanggit ni Sky. Nang nakasakay na ako sa taxi ay tsaka ko lang napagtanto na naka pajama lang ako at naka maluwag na t-shirt na kapartner ng pajama na suot ko. Papapasukin kaya ako sa bar nito? Lalo na't minor de edad palang ako?
'Oo, sabihin mo lang na ikaw si Janina Fortaleza' sabi ng maliit na boses sa utak ko.
Oo nga naman. What Janina wants, Janina gets. Ito yung mga ilang bagay na malaya kong magagawa habang ako pa si Janina. Lubus-lubusin na natin ang kapangyarihan niya habang Fortaleza pa ako sa paningin nila.
Sky, isa kang malaking pasaway!!!
***
[Tritonne Bar]
Tulad ng inaasahan, pinapasok nga agad ako sa bar. Tuwang tuwa pa ako nang may tinatak silang kung ano sa kamay ko na hindi naman nakikita. Pero nung inilawan nila ito ay may 'Tritonne' logo akong nakita. Ang galing! Ganito pala sa mga bar sa Maynila! Yung sa amin kasi sa probinsya ay simple lang. Bibili ka lang ng inumin sa tindera at makikisalo ka sa mga tambay na nakalabas ang mga malalaking tiyan. At sabay sabay kayong tatagay at magpupulutan. Tapos pipito lang kami ng 'Witwiw' kapag may dumaan na seksi. Hehe.
Pagpasok ko sa mismong bar ay narinig ko agad ang malakas na tugtog.
*TUGS TUGS TUGS TUGS*
Hindi ko namalayan na itinataas at ibinababa ko na pala ang ulo ko dulot ng pagsabay ko sa tunog sa loob ng bar. Habang naglalakad ako papunta sa kalagitnaan ng bar ay hindi ko rin mapigilan ang paggalaw ng katawan at pagsabay sa ginagawa ng mga taong nakapaligid sa akin. Ang saya pala sumayaw. Whoo! Ganito pala ang pakiramdam nang pumaparty. Kaya pala ang saya saya ni Sky kanina.
HALA!!!
Oo nga pala!!!
Nandito pala ako sa bar na ito para puntahan si Sky at hindi para sumayaw. Tsss!!! Ano bang iniiisip mo Ynna!
Umalis ako sa kinasasayawan ko at nag-umpisang hanapin si Sky. Malaki ang bar na ito kaya naman mukhang mahihirapan ako magahanap. At idagdag mo pa ang napakaraming taong nagsasayaw at napakalakas na musika na bumabalot sa buong kapaligiran. Hindi ko rin naman alam kung saan yung 'usual place' na sinasabi ni Sky. Hayy.
Habang hinahanap ko si Sky ay hindi ko mapigilang mailang sa mga taong nakatingin sa akin. Noong una ay kala ko ay nagagandahan lang sila sa akin pero napagtanto ko na nakatingin pala sila sa akin dahil ako lang ang may naiibang kasuotan sa kanilang lahat. Dahil naka pambahay ako. Naka pajama outfit lang ako na may mga Hello Kitty designs pa. At wala akong make-up dahil hindi naman alam ni Shibama na umalis ako ng bahay. Kaya yung feeling ko na maganda ako kanina, feeling lang pala yun. Baka tinititigan nila ako kasi ang panget ko. Tsk.
Umikot ako ng umikot sa kabuuhan ng Tritonne. Nakakapagod dahil hindi ko talaga makita si Sky. Umupo nalang muna ako sa isang lugar kung saan walang tao para magpahinga lang sandali.
Ilang sandali lang ay may narinig ako na nagsalita na babaeng host sa pinakadulo ng bar. May stage pala doon. Hindi ko yun napansin kanina. At kasunod noon ay sobrang daming mga babaeng nagsisigawan at nagtitilian.
"Skyyy!!! Ako naman ang isayaw mo!"
"Oh my!! Ang hot mo Sky!!!"
"Take it off! Take it off!"
"Sky, kiss me!!!!"
"Sky, dalhin mo naman ako sa Sky!!!"
Si Sky!!!
Nasa stage!!!
Yung stage yung 'usual place'?!
Dali dali akong pumunta sa gawi ng mga babaeng nagkukumpulan. Mabilis akong nakasingit at nakapunta sa harap ng stage dahil siguro ay mapayat ako. At mahilig din kasi talaga akong makipagsiksikan lalo na kung may mga free taste noon sa supermarket sa Bohol.
Kitang kita ko ang naka sleeveless gray top at naka shorts lang na si Sky na halos mapunit na ang damit kakahila ng dalawang babaeng isinasayaw niya. Yung dalawang babae naman ay naka bra't panty lang. Kadiri. Ang tataba pa naman. Kitang kita yung mga galit na galit nilang mga bilbil. Bago sana sila magsuot ng kakapiranggot na mga tela ay nagdiet muna sila. Tss!
"HUY SKY!!!" sigaw ko.
Hindi niya ako pinansin. Hindi rin siguro niya ako narinig. Inisip ko kung ano ba ang sasabihin ko para makuha ang atensyon niya.
Isip...
Isip...
Isip...
LIGHT BULB!!!
"SI SKY! ANG BOYFRIEND KO!!!" sumigaw ako sa pinakamalakas kong boses.
*KROO KROO KROO KROO*
Nanahimik ang kapaligiran.
Biglang tumigil ang crowd sa kakasigaw at dahan dahang lumingon ang mga ulo nila sa akin. Nice, nasa akin na lahat ng atensyon nila ngayon. Kitang kita ko pa kung paano kumunot ang mga noo at bumaba ang mga tingin nila sa mukha ko papunta sa pajama kong sumisigaw ng mga Hello Kitty designs. Kung sinewerte ka nga naman.
"Ynna again?!" nagtatakang tanong ni Sky.
"Oo! Bumaba ka nga diyan!"
"Y-Ynna? Why are you here, beybeh?"
Lasing nga.
"Tinawagan mo ako." itinaas ko ang cellphone ko.
"No way!"
"Yes way!"
"No way!!!!"
"Yes way!!!!"
"I said no wa---"
*URRRWWWERRRGGHHH*
Nagulat nalang ako nang biglang sinukahan ni Sky ang isang babaeng naka bra't panty sa tabi niya. At sa sobrang daming isinuka ni Sky ay hindi rin nakaligtas yung isa pang babae kahit nasa malayo siya. Nareach pa din siya ng suka ni Sky. Aba't ang lakas ng pakawalang masamang espirito nitong si Sky ah! Parang water gun pero suka ang laman. Wahahaha! Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Buti nga! Bikini pa! Expose niyo pa bilbil niyo! Sayaw pa more! Ayan, sinukahan tuloy kayo!
Buti nalang at naisuka na din niya yun sa dalawang ipis na babaeng iyon. Kung hindi, malamang sa akin niya ibuga lahat iyon. Sayang naman ang outfit kong Hello Kitty kung sakali. Whew!
"Halika nga!!!" sigaw ko.
Bumaba naman siya agad sa stage at lumapit sa harapan ko. Lasing talaga siya dahil tumatawa tawa pa siya at pumipikit pikit. Parang abnuy lang. Sumasayaw sayaw pa siya ng Macarena. Yucks. Ang luma ha. Hindi ba niya alam yung Boom Panes?
Mamaya pa konti ay mas lalong naging wild si Sky. Sumisigaw na siya ng kung ano anong Spanish ba o French na mga salita. Basta hindi ko maintindihan. Ang naiintindihan ko lang ay ang pangalan ko na paulit-ulit niyang binabanggit.
"Te amo, Ynna! Ino te quiero, Ynna!
"No me hagas enemoro de ti, Ynna!"
"Creo que estoy enamorado de ti, Ynna!"
"Por favor, caer para mi tambien, Ynna!"
Nagagalit na yung mga bouncer sa kanya pero sinisigawan lang niya ito sa mukha sabay tinatalsikan pa niya ito ng mga laway na may bahid pa ng suka niya kanina. Kadiri talaga.
Hindi rin naman siya mapaalis dahil isa siyang Anderson. Mukhang malakas ang kapit nitong si Sky sa bar na ito. Lasing na siya at lahat pero 'Sir' pa rin ang tawag sa kanya.
Hindi ko rin naman alam kung paano siya patitigilin kaya dali dali ko nalang na kinuha sa bulsa niya ang cellphone niya at tinawagan ko doon si Dwight. Letter D kasi siya kaya mas una siyang lumabas kay Erick.
[Yo bro!] pagsagot niya. Buti naman at gising pa siya! Anong oras na kaya!
"Dwight, si Ynna ito."
[Oh, Ynna! Bakit ikaw ang sumasagot? Nasa bahay ka ba ni Sky? Wow! Level up na kayo ha! Hindi kami nainform!]
Tss. Kung ano ano nanaman ang pumapasok sa isip nitong si Dwight. Dapat si Erick nalang pala ang kinausap ko. Di hamak na mas matino naman kausap si Erick dito. Hayst.
"Si Sky, nagwawala!" medyo nilakasan ko ang boses ko dahil baka hindi niya marinig.
[Whoo! Okay lang yan! Ganyan talaga yan sa kama! Just enjoy the night. Baka nakakaistorbo pa ako!]
Anong k-kama?! Grr! Ang dumi dumi talaga ng isip nito!!!
"Si Sky nagwawala dito sa Tritonne Bar! Kailangan ko ng tulong niyo ni Erick!" diretso kong sinabi sa kanya.
[WHAT!? Nasa Tritonne kayo?!!] gulat na gulat siya nung sinabi kong nasa Tritonne kami.
"Oo! Nagaamok nga siya dito! Nagspaspanish siya! Nagfrefrench! Sumasayaw ng Macaren---"
[Ah, eh, sige, Ynna. Got it. Pupunta na kami diyan!] mabilis na pagputol niya sa akin.
"Dalian niyo at baka makipagbugbugan na siya!!!"
[Sige, sige! We'll be there in a few! Bye!]
*TOOT TOOT TOOT TOOT*
--
A/N
Ngayon lang ulit ako maghahati ng chaps. Ang hirap kasi gawin nung second half :/ Hehe. Almost 10,000 reads na. Kinikilig po ako. :P Salamat!!! :*
- Mhariz :3