Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 23 - Chapter 17 - Perfect Wife

Chapter 23 - Chapter 17 - Perfect Wife

A/N

Hello! Maraming nagasasabi na putol daw ang chapter na ito sa iba. Kung putol po ito sa inyo, pwede niyo po basahin yung complete chapter sa booklat acc. ko po. :) Here's the link: http://booklat.com.ph/story/6164 :3 Kung hindi naman putol, congratulations! Hindi ka naputulan! Lol. :P

--

*Mansanas, pantalonat sapatos na balbonBuong beerhouse nakalingonAy, nadapa! Bigla-bigla!*

Nagising ako sa paulit-ulit na pag-iingay ng alarm kong 'Low (Tagalog Version)' sa cellphone ko. Dali dali ko itong pinatay pero nang gumalaw ako ay nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Aray. Masyado yatang grabe yung ginawang pagpasok ni Sky sa akin kagabi. First time ko lang iyon kaya naman hindi pa talaga ako sanay. Ganun pala ang feeling. Mixed emotions. Para akong sumakay sa roller coaster. Sobrang intense!!! Hindi ko lubusang maisip na nagawa ko iyon kasama si Sky. Grabe ka, Sky. Ikaw lang ang nakagawa sa akin ng ganito. Ikaw lang ang nakapagpapayag sa akin. Hindi kasi kita matanggihan. Isa kang beast.

Masakit ang katawan ko kasi natulog pala ako sa sofa ng kwarto ko. Ayaw ko naman kasing tumabi kay Sky kahit pa kama ko iyon. Kahit malandi ang isip ko ay matino pa rin naman ang katawan ko noh. Kaso natatakot ako na sa oras na tumabi ako kay Sky ay hindi ko mapigilan ang sarili kong amuy-amoyin siya. O kaya naman ay kurut-kurotin yung abs niya. Hehe.

Oo, grabe talaga yung pagpasok ni Sky sa kwarto ko kagabi. First time kong hindi makatulog sa tamang oras. Mixed emotions kasi ang dami masyadong nangyari. Roller coaster kasi nahihilo talaga ako sa mga problema ko. Intense kasi hindi ko alam ang solusyon dito. Hindi ko lubusang maisip na magagawa kong saktan si Sky balang araw. Grabe ka, Sky, hindi ko na alam ang gagawin sa iyo. Sa atin. Isa kang beast. Pero mas malala yata ako.

Tinignan ko ang kama ko at nakita ko si Sky na nakahilata at natutulog pa din doon. Ni hindi man lang siya nagising sa maganda kong alarm. Nakatalikod siya at nakabukaka habang nakataas ang dalawang kamay niya. Para siyang starfish.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sinuring mabuti ang kanyang mukha. Ang gwapo gwapo pa rin niya kahit natutulog siya. Para siyang anghel. Marahan kong hinaplos ang kilay niya, ang ilong niya hanggang sa malambot niyang labi. Hindi ko alam pero bakit kahit natutulog siya ay nararamdaman ko pa rin itong parang kung anong umiikot sa tiyan ko. Si Sky lang talaga ang nagpaparamdam sa akin nito. Kakaiba.

*Mansanas, pantalonat sapatos na balbonBuong beerhouse nakalingonAy, nadapa! Bigla-bigla!*

Mamaya konti ay biglang nag-alarm nanaman yung cellphone ko. Nag-aalarm kasi yun every 30 minutes. Grabe! Ano yung ginawa ko ng 30 minutes? Tinignan ko lang naman at hinawakan ang mukha ni Sky ah. Ganun ba ako katagal tumitig? Walastik! Adik na ba ako?

Tinignan ko ang orasan at nakitang 12:30 PM na pala! Tanghali na! Malamang. Umaga na kasi ako natulog eh. Halos limang oras lang pala akong nakatulog. Si Sky naman, mukhang mamaya pa talaga ito magigising. Plakda eh.

***

Naligo ako ng mabilisan at lumabas na ng kwarto ko. Nakita kong nakahain na ang lunch. Kitang kita ko rin ang galit na mukha ni Shibama. Matalim ang mga titig niya sa akin. Para niya akong papatayin. Nalaman kaya niyang nasa kwarto ko si Sky? Tss. Malamang. Lagi naman kasi akong sinisilip ni Shibama para malaman kung me-make-upan na niya ako eh. At halatang halata na din kasi dahil hindi ako nakapagbreakfast kasama siya.

"Saan ka galing?" panimula niya. Lalaki ang boses niya ngayon. Lalaking lalaki! Nakakatakot! Para siyang goons sa mga pelikula!

"Shibs... Magpapaliwanag ako." umiling ako.

"Sino ang lalaking dinala mo sa kwarto mo?"

"S-Si Sky..." waaa! Nakakatakot si Shibama! Bakit siya ganyan!

"Anong ginawa niyo ni Sky sa kwarto mo?" seryoso pa din siya! Huhuhu!

"Na-Natulog?" nauutal kong sinabi.

Lumapit sa akin si Shibama at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Nang bumagsak na ang tingin niya sa paa ko ay inakyat niya ulit ang tingin niya at huminto sa gitna ng mga hita ko. Bigla siyang ngumisi ng nakakaloko.

"Nakarating na ba siya sa Mindanao?" biglang naging ala-babae na ulit ang boses niya. Yung usual niyang malanding boses. Mukhang masaya na siya. Problema nun? At anong Mindanao? At bakit siya nakatingin... doon? Nakakakilabot! Feeling ko tuloy ay wala akong saplot!

"H-Ha? Anong Mindanao?" painosente kong tanong kahit medyo may ideya na ako sa iniisip niya.

"Noob forever! Luzon ang lips. Visayas ang boobs. Mindanao ang pe---"

"Shibs!" papgputol ko. Ano ba yan! Sinasabi ko na nga ba eh! Kaharutan nanaman! Kung ano ano nanaman ang sinasabi niya sa akin! Masyado na akong maraming nalalamang kalokohan sa kanya!

"Ay, ayaw mo sa Philippines? Sige sa earth nalang. Crust, mantle and core. Crust ang lips. Mantle ang boobs. Core ang p---"

"Shibs! Kadiri ka ha!" pagputol ko ulit. Ayokong marinig yung letter "P" na yun!

"So anong base na nga kayo? Umabot na ba sa jackpot? Nakuha na ba ang banal na hiyas? Hihihi!" sabi niya habang tumataas taas ang kilay niya at kumekembot kembot pa. "Share naman, girl!"

"Wala." iritado kong sinabi sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Okay lang yan girl! Wag ka nang malungkot! May next time pa naman! So I guess hanggang second base lang kayo kagabi?"

"Wala Shibs... Walang nangyaring ganyan."

"Then why?!" tumaas ng kaunti ang boses niya.

"Ha? Anong why?"

Dahan dahang naging seryoso ulit ang mukha niya. Pero sa pagkakataong ito, yung totoong seryoso na talaga. Yung seryoso na walang halong biro. Ito yung tipong klase ng itsura na ngayon ko lang nakita mula kay Shibama.

"Bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam sa akin? Umalis ka pa ng nakapajama at walang make-up! I know you are very pretty but still, you need to look presentable! Mahuhuli ka niyan eh! Janina never goes out without make-up! And never will she go out in her pajamas! God, Ynna! You should've told me! My purpose here is to protect you and your little secret. That's what I am here for! That's my job!" seryoso niyang sinabi. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"S-Sorry Shibs..." ito lang ang nasabi ko. Biglang ding bumagsak ang mga luha ko.

"Nah, don't cry. That's okay. It has been done. Just please don't do it again." niyakap niya ako. So mind telling me what happened yesterday?"

Tumango ako at dumiretso na kami sa mga upuan sa dining area. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat lahat.

Kung may kakampi man ako sa laban kong ito. Alam kong si Shibama iyon.

***

Nasa dining area kami ngayon at  kumakain. Wala akong gana kaya't nakatunganga lang ako sa notes na isinulat ni Shibama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Pero malaking tulong pa rin ang pagpapaintindi sa akin ni Shibama ng sitwasyon. Malaking tulong ang notes na ginawa niya sa akin kahit pa halos hindi ko na maintindihan ang ibang mga salita doon.

Shibama's Notes

OPTION 1

Kapag natuloy ang engagement:

- Babagsak ang Fortalezies

- Mapapatalsik you sa ECB

- Malalaman ng pudra ni Janina ang kontratee

- Mahuhuli you ng pudra ni Janina

- Magagalit ang pudra ni Janina sa mudra niyo

- Babalik si Janina ng wala sa oras

- Mahuhuli niya ang kontratee mo kay Sky oh Sky

- Malalaman ni Sky ang everything in the end

- Dead end ka na girl!

OPTION 2

Kapag hindi natuloy ang engagement:

- Maliligtas mo ng panandalian ang Fortalezies

- Makakaganti ka kay ugly bitch laki dede Farrah

- Makakapag-study pa rin you

- Hindi mapapauwi si Janina ng wala sa oras

- Hindi ka mahuhuli ng pudra ni Janina at ni Janina mismo

- Hindi madadamay ang mudra niyo ni Janina sa problem

- Though malalaman pa rin ni Sky ang everything in the end

- Dead end ka pa rin, girl!

"Hayst! Hindi ka naman nakakatulong Shibs eh! Dead end pa rin eh!" pahayag ko habang hawak hawak at tinititigan pa din ang notes niya.

"Pero girl, kitang kita mo naman ang difference! Mas pabor sayo kapag hindi natuloy!"

"Pero ganun pa rin naman eh. Wala rin. Dead end nga eh."

"At least, girl, kapag hindi natuloy, kay Sky ka lang magpapaliwanag. Kapag natuloy, magpapaliwanag ka sa buong universe! We're both dead meat!" tili niya. Oo nga naman. Damay din naman kasi talaga siya dito. Kawawa naman si Shibama at nadamay ko pa siya. Naiinis na talaga ako sa sarili ko.

Pero kung sabagay...

"Pero Shibs, nakokonsensya ako kay Sky. Wala siyang alam... Hindi niya deserve maloko."

"Naloko na siya, Ynna. Biktima na siya dito. Biktima na tayong lahat sa sitwasyon, girl."

"Pero nakokonsensya talaga ako..."

"Nakokonsensya ka kasi mahal mo."

"Shibs naman eh. Hindi ganon." nag-iwas ulit ako ng tingin. Ewan ko ba pero parang nailang ako bigla.

"Ynna, darling, you don't have o hide it to me or to yourself." ihinarap niyang muli ang mukha ko sa kanya. "Hindi ka magaalala at aalis in the middle of the night in your bed time outfit just to save a boy from drinking too much if you don't have any feelings for him. It's too obvious."

"Kaibigan ko si Sky... At ako kasi yung aksidenteng natawagan niya. Responsibilidad ko siya sa mga oras na yun."

"Achuchu. Imbis na nagrereason out ka diyan. Why not believe in the power of love instead?"

"P-Power of love?" Ano daw? Hindi ko siya magets.

"Yes, in option number 2, si Sky lang ang masasaktan mo, right?"

Tumango ako.

"But then if you make him believe that you really do love him as early as now, in the long run, I'm sure he will definitely understand you on why you have to do this. You know, all these pretending."

"Pero... Paano kung hindi..." bumagsak nanaman ang luha ko. Hindi ko na kailangang ideny pa. Kilalang kilala na ako ni Shibama. Alam at ramdam niya na mahal ko na si Sky.

"Love is all about taking risks, Ynna." ngumiti siya ng mapait. "Hindi naman natin gustong pareho na magkaganito ang sitwasyon. Pero eto na eh, hindi na natin maibabalik ang kahapon. We just have to deal with it. We just have to find ways on how to make the situation easier."

"Mahal niya si Farrah."

"I don't think so."

"Mahal niya si Farrah, Shibs. Alam mo iyon. Magkarelasyon kami ngayon dahil kay Farrah."

"Then why he's not happy about the engagement? Why didn't he announce it to the world the way he announced your fake relationship at your school?"

Kinwento ko nga pala kay Shibama noon yung pagsasayaw at pag-aannounce ni Sky ng peke naming relasyon noon sa ECB auditorium. Pero iba naman yon 'di ba? Pero bakit nga ba hindi inannounce o ipinagmalaki ni Sky ang engagement niya? Ang silbi nga ng relasyon namin ay para makuha niyang muli si Farrah eh. Pero ngayong halos nakatali na sila sa isa't-isa, parang ayaw na ni Sky. Parang may mali.

"Ang hirap naman kasing umasa, Shibs."

"Risk it, Ynna. You'll never know. It could be worth it."

Hindi na kami nag-usap pa ni Shibama pagkatapos. Hinayaan nalang muna yata niya akong makapag-isip. Sinubukan ko na ring galawin ang pagkain ko nang may biglang sumigaw.

"YNNA!!!!"

Si Sky!

Halos madura ko ang kakasubo ko lang na kanin sa sobrang lakas ng sigaw niya! Nagkatinginan kami ni Shibama at sumenyas siya na puntahan ko na si Sky sa kwarto kaya naman ay tumayo na ako at pumunta na agad doon.

Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko ang natutulog pa din na si Sky. Humihilik pa kaya sigurado akong natutulog talaga siya. Pero bakit naman siya biglang sumigaw kanina? Hindi ko maintindihan! Guni guni ko lang ba iyon? Pero bakit narinig din ni Shibama?

Akmang lalabas na dapat ulit ako ng kwarto ko nang biglang nagsalita nanaman siya. Pero ngayon, mahinahon na. Hindi na ito pasigaw.

"Ynna.. Why do you do this to me?"

"S-Sky? Gising ka na ba? Bakit? Anong ginagawa ko sayo?"

"Ynna.. You have an effect on me that I can't understand."

Natutulog pa din siya. Nagsleesleep talking ba siya? Nagsasalita siya ng nakapikit! At anong effect?!

"Sky, tulog ka pa ba?" tss! Anong klaseng tanong ba naman yun, Ynna? Malamang!

"Ynna.. I think I'm falling."

Natulala ako sa huli niyang sinabi. Nahuhulog na siya. Kanino? Sa akin kaya? Kay Farrah? Sa ibang babae? O sa kama? Ayokong mag-assume pero bakit ganon? Hindi ko maintindihan pero parang may nagdidiwang sa tiyan ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay hindi na siya nagsalita pa ulit. Bumalik na siya sa pagtulog. Edi tama nga, nagsleesleeptalk nga siya. May katotohanan kaya sa mga sinabi niyang iyon?

Lumabas ako ng kwarto at agad ang pagtatanong sa akin ni Shibama sa kung ano ang nangyari sa loob. Sinabi ko na nagsleesleeptalk lang. Buti naman at hindi na niya tinanong kung ano ang sinasabi ni Sky dahil siguradong aasarin nanaman niya ako kung sakali. Pagod na rin talaga yata si Shibama. Kawawa naman siya. Kung hindi ko lang pinirmahan yung kontrata ni Sky, wala sana siyang problema ngayon. 

Ano ba kasi itong mga pinagpapapasok ko?!

***

[Study Room]

Lumipas ang araw habang ginagawa ko ang book report namin ni Sky sa librong 'Everybody Has Secrets' na ipapasa na sa Lunes. Partner dapat kaming dalawa dito pero ginawa ko nalang ng mag-isa kesa naman gisingin ko pa siya. Nasa Disneyland pa eh. Hinayaan ko nalang muna siyang matulog sa kama ko.

Nang nag 8 PM na ay muli na akong tinawag ni Shibama para mag-dinner na. Sinabihan din niya akong sunduin na si Sky sa kwarto at baka maaring gising na din ito. Buong araw na din kasi siya natutulog eh.

Sinunod ko si Shibama at pumunta ako sa kwarto ko para sunduin si Sky at nadatnan ko ang isa pa ring starfish na nakahilata sa kama ko. Ang haba naman nito matulog! Tulog mantika! Bawi kung bawi!

"Sky, dinner na." bulong ko sa tenga niya habang marahan kong tinapik ang kanyang balat. Nakakakuryente talaga.

"Sky..." sinabi ko ulit nang hindi niya pinansin ang una kong pagtawag.

"SKY!!!!" sumigaw na ako sa mismong butas ng tenga niya! Aba wag siyang pasaway at nasa kwarto ko siya! At gutom na gutom na ako ha! Hindi kaya ako nakakain kanina dahil sa kakaisip ko ng mga problema!

Bumalikwas si Sky at mabilis na napatayo sa naging pagsigaw ko. Nakapikit ang isa niyang mata habang hawak hawak niya ang tenga niya.

"What the hell?!" saad niya.

"Dinner na." mabilis kong sinabi. 

"Ynna?! Why are you here?"

"Bahay ko ito."

"Then why am I here?!"

"Naglasing ka at ako ang natawagan mo para sunduin ka. At marami pang ibang nangyari. Isa lang ang masasabi ko. Nakakaloka ka, Sky."

"W-What?!"

"Tigilan mo muna ako sa kaka-what what mo at magdidinner na tayo. Gutom na ako!"

"Tss. Okay. But hell... I smell awful."

"Yeah, you smell like suka. Your own suka." napa-English tuloy ako.

"Ugh. Gross. Can I take a bath first? Will you wait for me here?"

"Umm. Sa labas nalang kita hihintayi---"

"No. Wait for me here. I'll be fast."

Hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang siyang pumunta sa banyo ko. Ano kaya problema nun at kailangan ay naghihintay pa ako sa kanya dito. Takot kaya siya sa multo? O kaya baka naman ay namamahay siya? Hay ewan. Hihintayin ko na nga lang para tapos.

Pagkatapos ng sampung minuto ay narinig ko ang door knob ng banyo ko na gumalaw. Malamang ay tapos na si Sky. Buti naman. Ang tagal niyang maligo ha! Ako nga tatlong minuto lang kung maligo eh. Yung mga bula sa shampoo ko ay yun na din ang sabon ko para tipid na at mabilis pa. Ituturo ko nalang yung technique ko na yun kay Sky sa susunod.

Nang bumukas ang pinto ay nanginig bigla ang mga buto ko at grabe ang pag-ikot ng tiyan ko. Nakita ko ang hubad na katawan ni Sky at naka-ikot sa ibabang parte niya ang twalya kong pink.

ANG GWAPO.

ANG MACHO.

ANG SEXY.

WITWEW!

Nalalaglag ang panga ko sa kakisigan ng katawan ni Sky na may tumutulong tubig pa. Grabe talaga. Whew! Ang init dito!

Pero bigla ring nabalot ang isipan ko na si Farrah pa rin naman ang mahal ni Sky. Ang mga yummy abs niya ay para lang kay Farrah. Hanggang tingin nalang ako. Hanggang pagpapantasya lang ako. Nakakalungkot man pero dapat ay alamin ko din talaga kung saan ako dapat lumugar.

"Ynna." sabi ni Sky habang isinasara ang nakanganga ko palang bibig! Waaa! Nakakahiya!

"Ay abs ni Farrah!" nagulat ako sa tawag niya sa akin. Ang bilis naman niyang maglakad! Bakit nasa harapan ko na siya agad?!

"What? Abs ni Farrah? You're thinking of Farrah's abs while you're looking at my body?" kumunot ang noo niya.

"O-Oo. Bakit ba." nag-iwas ako ng tingin.

"Tell me, Ynna, tomboy ka ba?"

A-Ano daw? Nagulat lang ako tomboy na agad ako? Lakas din ng trip nito ah! Hiyang hiya naman si Hello Kitty ko sa kanya!

"Eh ano naman sayo kung tomboy ako, ha?!"

"Wala."

"Wala pala eh."

"Hindi ka ba naattract sa abs ko?" inilapit niya sa akin lalo ang katawan niya. Napaatras ako at sigurado akong namumula na ako.

"H-Hindi!"

"Okay. Sabi mo eh, kamatis." humalakhak siya. Ano daw?!

"Anong k-kamatis?!"

"Mukha kang kamatis sa sobrang pula. Hindi ka kasi naaatract." nagsmirk siya. Kainis!!! Sabihan ba naman akong kamatis!

"Kamatis your face!!!"

"Wag mo na kasing ideny, type mo ako." sabi niya. Ang kapal!

"Kapal mo! Si Ash ang type ko noh!" bigla kong nasabi. Oops!

Natahimik si Sky nang nabanggit ko ang pangalan ni Ash. Tinignan niya ako sa mga mata at seryosong nagtanong.

"Why do you know Ash? What the hell happened yesterday?"

"Magdinner muna tayo." sabi ko. Tumango naman siya.

***

Pagkalabas namin sa kwarto ay agad agad akong pumili ng damit ni Caloy na maaaring magfit kay Sky. Mahirap na, baka makita pa ni Shibama ang hubad na Sky at baka irape pa niya ito! Bibilhan ko nalang si Caloy ng bagong damit. Sa mga oras na ito ay hindi pa din nakakauwi si Caloy. Kadalasan ay mga 10 PM kasi siya nakakauwi kasi medyo may kalayuan ang pinagtratrabahuhan niya mula dito.

Mabilis lang akong nakapili. Medyo pareho naman kasi sila ng built ni Caloy kaya saktong sakto lang. Pumili ako ng gray na sleeveless shirt at shorts. Sinuot na rin naman agad iyon si Sky. Nakakainis kasi kahit anong damit ang isuot niya at bagay na bagay sa kanya agad. Ang gwapo gwapo pa rin niyang tignan.

"Is there any guy living here with you? Who's shirt is this?" tanong niya habang sinusuot ang damit na ibinigay ko.

"Meron. Kay Caloy yan."

"Who is he to you?"

"Best friend."

"Only?"

"Huh?"

"Nevermind. Let's eat. You have a lot of explaining to do." sabay hinawakan ni Sky ang kamay ko at lumabas na kami ng kwarto ni Caloy at nagtungong sa dining area. Err. HHWW.

***

Habang kumakain kami ay doon ko sana balak ikwento ang lahat lahat kay Sky pero may nakikisingit kasing asungot. Ang akala ko kanina ay pagod na siya sa mga problemang naidulot ko pero hindi pa rin pala. Malandi pa rin pala. Inborn na yata. Wala naman siya nung gabing iyon pero mukhang mas madami pa siyang alam kesa sa akin. Baklitang ito talaga!

"Tinawagan mo ako imbis n---"

"Imbis na si papa Erick!" singit ni bakla habang hinahaplos ang biceps ni Sky.

"Sumasayaw ka sa stag---"

"At sinukahan mo ang mga tabachingching girlaloos!" pinutol niya ulit ang sasabihin ko. Kainis!

"Tinawagan ko sila Erick para---"

"Para pigilan ang Macarena moves mo! Pero di ka nila keribels kaya pinatawag nila ang kuya mo with dimples and his friends na super wafu din daw!!!" Singit nanaman. Hayst.

"Sinuntok ka ni Ash kaya ka tumigil. At sinabi---"

"Sinabi niya yung tungkol sa engagement churva pakulo niyo ni bitchy Farrah pero since love na love ka naman ni baby Ynna ay hindi siya papayag matuloy ang engagement! Happy ending!!!" masaya niyang sinabi.

Ano daw!!!

Hala!!!

Wala akong sinasabing hindi ako payag!!!

"I see." matipid ang naging sagot ni Sky. Kita ko sa mga mata niya na malalim ang kanyang iniisip.

"Anyways papa Sky, dito ka nalang magpalipas ng gabi. Matulog ka nalang ulit sa kwarto ni Ynna dear. Gabi na din kasi, hahatid ka nalang niya bukas sa inyo. Di ba, Ynna?" sabi ni Shibama sabay kindat sa akin.

"H-Ha? Hindi ah. Pwede naman siyang umuwi ngayon. Maaga pa kaya."

"Sure. I'll sleep here." sabi ni Sky habang nakangiti kay Shibama. Nawala na ang kaninang seryoso niyang mukha. Nalaglag ang panga ko. P-Pumayag siya na dito ulit matulog? At sa kwarto ko pa? At bakit siya nakangiti?!

Patuloy pa siyang kinwentuhan ni Shibama ng kung ano ano pang mga kabaklaan. Tumayo nalang ako at naisipang maghanda ng dessert. Bakit kaya pumayag si Sky na dito matulog? Kinakabahan ako. Ano ba ito!

Pumunta ako sa kusina at naisipan ko nalang biglang gumawa ng leche flan. Hindi naman sa nagpapakitang gilas ako dahil nandito si Sky. Gusto ko lang talaga kumain ng leche flan ngayon. Defensive na kung defensive.

"You cook?" narinig ko ang husky na boses ni Sky mula sa likod ko. Parang nagtayuan ang mga buhok ko sa kilabot. At sa kuryente. 

"Ah. Oo." tipid kong sagot. Pinipilit kong hindi mawala ang atensyon ko sa niluluto ko kahit sobrang hindi na ako makagalaw dahil alam kong nasa likod ko lang siya. Bakit niya ako sinundan?!

"Nice. Farrah can't. She always orders."

Hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit pero nababadtrip talaga ako kapag binabanggit niya ang pangalan ni Farrah.

Nang nalagay ko na sa steamer ang mga leche flan ay nawalan na ako ng gagawin kaya sinubukan ko namang hugasan yung mga maduduming pinggan. Matagal tagal ko na rin kasi itong hindi nagagawa dahil may mga katulong kami dito sa condo. Para na rin maiwasan ko ang mga tingin ni Sky.

"What do you like about Ash?"

"A-Ano?" sabi ko habang naghuhugas. Hindi ko pa rin siya tinitignan.

"Sabi mo type mo si Ash. What did you like about him?"

"Ah. Eh. May dimples kasi siya."

"Oh. Yun lang?" ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Waaaa!

"Uh. Oo."

"May dimples din naman ako ah."

"Ha? Saan?" nagtataka kong tanong. Napaharap tuloy ako sa kanya.

"Gusto mong makita?"

"Umm. Saan ba?" kumunot ang noo ko.

Ngumisi lang siya at marahan niyang nilagay ang kanyang mga kamay sa shorts ni Caloy at akmang huhubarin na niya ito! Sa harap ko! At sa harap ni Shibama na kumakain pa! Anong iniisip niya!

"S-Sky! Anong ginagawa mo?!" pabulong kong sinabi. Baka kasi makita o marinig kami ni Shibama.

"Ipapakita ko dimples ko sayo."

"H-Ha? Saan ba ang dimples mo?"

"Sa pwet." humalakhak siya! Anak ng gulay!!!

"Tss!!!! Tigil tigilan mo nga ako!" Umalis ako sa tabi niya nang natapos ko na ang mga hugasin.

Naghanap ako ng iba pang gagawin para hindi ako tuluyang maiwan kasama si Sky nang walang ginagawa. Ewan ko ba pero naiilang talaga ako.

Pumunta nalang ako sa laundry area para maglaba. Sumunod pa rin si Sky sa akin. Ano ba ito. Nakakainis. Parang anino ko. Pinapanuod niya ang bawat kilos ko simula nang buksan ko ang washing machine hanggang sa pinaghiwalay ko ang mga puti at de kulay na damit hanggang sa nilagay ko na ito sa washing machine at ipina-dryer ko na ito.

"I'm excited to sleep with you tonight." panimula nanaman niya. Ano daw?!

"Tumigil ka. Sa sofa ka." nanginig ang boses ko.

"How rude."

"Edi sa sahig ka!" hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Pero alam kong nakangisi siya.

"No. Tabi tayo. At gagawa tayo ng miracle."

"A-Anong mi-miracle?" tinignan ko na siya. Kabadong kabado ako.

Dali dali niya akong kinulong sa kanyang mga kamay dahilan para mapasandal ako sa washing machine.  

"Miracle."

"Hoy! Tumigil ka nga!" umalis ako sa pagkakakulong sa kanya at lumabas ng laundry area pero bumalik din ako agad. "Tapos ko na pala yung book report natin, icheck mo nalang." sabay alis ko ulit.

Naabutan ko si Shibama na nanunuod ng TV at nagtataas taas ang kilay at ngumunguso. Tinignan ko ang likod ko kung saan nakanguso si Shibama at nakitang sinundan nanaman pala ako ni Sky! Ano bang problema nito!

Haharapin ko na nga siya at nang matapos na ito!

"Ano ba ha?! Bakit mo ako sinusundan?!"

"You cook. You wash dishes. You do the laundry. You did our report."

"Oh? May problema ka ba dun?"

"You're very pretty, bubbly, and nice too."

"H-Huy. Lasing ka pa rin ba?" nag-iinit nanaman ang pisngi ko!

"And you are the one who helped me when I was at my worst."

"Nag-uusap ba tayo o ano?" tanong ko. Hindi niya kasi ako pinapansin eh.

"You're future husband will be very lucky to have you."

"T-Tigilan mo nga ako! Diyan ka na nga!" tumalikod ako sa kanya pero ramdam kong kamatis na nga talaga ako. Tama nga siya, kamatis ako.

"Because... You are a perfect wife." dagdag pa niya kahit nakatalikod na ako.

Nakuryente nanaman ako.

Sky! Anong ginagawa mo sa akin?!

Nakita kong halos tumirik na rin ang mata ni Shibama sa sobrang kilig.

At ako naman, hindi ko na alam ang gagawin kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at pumunta sa loob ng CR at nilock ito.

Perfect wife?

Bigla nalang akong napangiti na para bang baliw.

ENEBE.

--

A/N

Sorry po for slow updates. Pulubi much kasi ang author niyo. Wala akong sariling laptop. Nakakapag-UD lang ako kapag di na nagdodota yung brother ko. Wahaha. Sana nagustuhan niyo itong UD na ito. :) Happy 20K reads. Huhu! Kaiyak! Super kilig! Love you, guys!!! 

- Mhariz :3