• FARRAH MAE ALONZO •
"I love you, Dave." I said after he kissed me.
Kaya lang naman niya ako hinalikan kasi nakita niyang dumaan si Ynna at Sky. Hinahalikan lang naman niya ako kapag nakikita niya si Ynna e. He never kissed me kapag kaming dalawa lang. Kaya nga gusto ko na lumalapit lagi kay Ynna para halikan man lang ako ng lalaking mahal ko.
Oo, tanga ako. Tanga ako dahil mahal na mahal ko si Dave na kahit kailan ay hindi naman ako minahal. Pero tanga din naman siya. Nagpapakatanga ako sa kanya habang siya naman ay nagpapakatanga kay Ynna. Kaya siguro kami naging magkarelasyon dahil pareho kaming tanga.
Well, Dave's hoping na magseselos kasi si Ynna after our kiss. But he was wrong, kasi hindi man lang lumingon sa gawi namin si Ynna at Sky na kasalukuyang naglalakad papuntang parking lot. Naawa ako bigla kay Dave. Kung ako nalang kasi sana ang minahal niya edi sana wala kaming problema ngayon. Bakit ba kasi lahat nalang ng tao, mapa lalaki o babae, gustong gusto si Ynna? Ano bang meron siya na wala ako? I hate her. I really really hate her.
Kakausapin ko pa sana si Dave pero paglingon ko ay bigla nalang siyang nawala sa tabi ko. Nakita ko siyang naglalakad nang papalayo sa akin. Pupunta na yata siya sa class niya since it's already past 6 PM. Puro night classes kasi ang mga kinukuha niya para mabantayan daw niya si Ynna sa umaga. Sobrang tanga lang talaga niya. Eh ni isang bahid nga ng selos eh wala pa akong nakikita sa mukha ni Ynna eh.
I wonder kung talagang nahuhulog na kaya si Ynna kay Sky? Hindi man lang niya kasi tinitignan si Dave eh. Ang alam ko ay mahal na mahal nila ni Dave ang isa't-isa noon e. Pero for some reason ay nagbreak sila. I don't know what exactly the reason is kasi hindi naman sinasabi sa akin ni Dave everytime I'm trying to ask him.
May chismosa ding nakapagsabi sa akin na ginagamit lang daw ni Sky si Ynna para pagselosin ako eh. I must be happy but fuck, minsan talaga nagseselos ako. They are very effective. I hate it. Alam ko namang ginagamit lang talaga ni Sky si Ynna at ako talaga ang mahal ni Sky dahil nakikita ko pa rin na nagnanakaw ng tingin si Sky sa akin from time to time. Pero yung mga efforts ni Sky kay Ynna are something that he never did to me noong kami pa.
Minahal ko naman si Sky. Pero as a friend nga lang. Because it's really Dave that I am in love with ever since before. Nagtatampo lang talaga siguro ako kay Sky kasi parang mas special ang treatment niya diyan kay Ynna kesa sa akin. Eh 'di ba ako ang mahal niya? Dapat ako ang mas special. Pffft.
"Fars! Di ka pa ba uuwi?" said Jenna, my team mate. One of Centuria's best volleyball players.
"Ah yeah, uuwi na din ako."
"Okay! Bye!"
"Bye!"
Naglakad na akong papuntang parking lot kung saan naghihintay sa akin ang driver ko. Dito sa ECB, bago ka pa man makarating sa parking ay madadaanan mo muna yung garden.
Nang napadaan na ako sa garden ay may narinig akong mga chismis at bulung-bulungan.
"Nagkiss si Sky at Ynna!"
"Ang sweet!"
"Grabe! Pero ang wild!"
"Pero shit! Bagay sila!"
"True! Sana sila nalang forever!"
I was alarmed with what I heard kaya naman bigla akong napalingon at naglakad papunta kung saan maraming taong nagkukumpulan at parang kilig na kilig.
And there I saw it.
FUCK!!!
They are both lying on the grass, kissing.
And Ynna was on top of Sky.
After ilang seconds ay tumayo na si Ynna but Sky pulled her and kissed her again. Torrid, this time.
Napatalikod ako bigla sa sobrang galit. Sa sobrang inis. Nakakainis si Ynna!!! Ang landi landi!!!
Tumakbo ako papuntang kotse ko at inutusan ang driver na dalhin ako sa pinakamalapit na bar. Habang tumatakbo naman ay may naramdaman akong tubig sa aking mga pisngi. What the fuck? Why was I crying?!
Nagseselos ba ako? Mahal ko na ba si Sky?
NO.
I know and I am sure that si Dave ang gusto ko from the beginning palang. And I am going to do everything to make him fall in love with me.
And si Sky? Hindi siya pwedeng mapunta kay Ynna.
Dahil may ALAS ako laban kay Ynna and for sure hindi pa yun sinasabi ni Sky sa kanya.
Pero pwedeng mapawalang bisa ang alas ko kapag tuluyan silang nainlove sa isa't isa. Kaya hindi ako papayag na mangyari yun. Akin lang si Sky. At lalo na si Dave.
At bukod pa sa alas na hawak ko ay gusto ko ring pahirapan si Ynna. Gusto ko siyang nakikitang magdusa. Gusto ko siyang makitang umiiyak. Gusto ko siyang mawala sa mundong ito.
I hate you so much, Ynna.
You're dead.
***
• ALYNNA MARIE PAREDES •
[Yakimix]
Nandito ako ngayon at naghihintay nanaman ng mga hilaw na hipon. Bakit kasi ang tagal tagal nila mag refill ng mga hipon. Huhuhu. Malapit na ako mabusog e. Hindi pwedeng matapos itong Yakimix experience ko na ito nang wala akong nalalamon na hipon!
Nakakainis kasi kanina nung kakarefill lang nung mga hipon, syempre pumila ako agad. Tuwang tuwa pa ko nung ako yung naging pangalawa sa pila kasi ibig sabihin ay hindi ako mauubusan. Pero ayun nga, yung kalbong matakaw na puputok na yata yung damit sa sobrang sikip yung nauna sa akin sa pila. At nilagay niya LAHAT sa plato niya yung kakalagay lang na hipon ng waiter. Wala tuloy natira sa akin. Kaya ngayon, naghihintay pa rin ako dito hanngang sa may bago nanamang refill.
Medyo naiilang din kasi akong lumapit at kausapin si Sky eh. Sa totoo lang, pagkatapos nung nangyari sa amin kanina sa ECB garden ay hindi ko pa siya kinakausap. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya bakit ko siya kakausapin 'di ba?
*flashback*
"I've been dying to do that to you."
Natulala ako sa sinabi niya. Pero sa loob ko ay natuwa talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit.
Tumayo ako ng mabilis at dali daling pinagpag ang mga dahon na dumikit sa damit ko. Ganun din si Sky.
Hindi na niya ako kinausap pero hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ako papunta sa kotse niya. Sa mga sandaling iyon ay parang nalimutan ko na masakit pala ang paa ko at mataas pala ang heels ko. Hindi ko lang talaga maintindahan ang mga nararamdaman ko.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa bintana at siya naman ay seryosong nagdradrive.
Spell A-W-K-W-A-R-D.
Nang nakarating kami sa Yakimix ay may kinuha muna si Sky sa likod ng kotse niya bago niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Here. Wear this. Alam kong nahihirapan ka sa heels."
May extra pala siyang binili na flats.
So balak pala talaga niya akong pagtripan kanina sa 7 inches na heels?! Tsss! Kakainis talaga!
Pero syempre tinaggap ko agad yung flats. Laking ginhawa niyan sa akin noh! Lalo na at magbubuffet kami. Baka hindi ako makaikot sa Yakimix ng maayos kung naka heels ako. Baka hindi ko pa masulit.
*End of Flashback*
Kaya ngayon ay nakaflats ako! Weee! Kaya malaya akong nakapagikot at malaya ko ding nahihintay ang mga hipon!
At speaking of hipon!!! Ito na siya!!!
Napangiti ako nang nakita ko ang waiter na may dala dalang fresh na hipon sa tray. Nang inilapag niya ito sa harapan ko kung saan ako naghihintay ay dali dali kong kinuha ang lahat ng laman nito. Che! Kung kayang gawin ng matabang kalbong mapupunit na ang t-shirt sa kasikipan na kunin lahat ng serving ng hipon kanina, kaya ko rin! Tutal wala rin namang nakasunod sa akin kaya mas masama pa rin siya!
Pagbalik ko sa mesa namin ni Sky ay nilagay ko agad ang mga hipon sa lutuan namin at nilagyan ko pa ng mga pinaghalohalo kong sauce. Ang saya saya ko lang.
Nang tumingin ako sa gawi ni Sky ay nakita kong nakatitig lang siya sa akin.
Hinayaan ko nalang siya at sinimulang lutuin lahat ng hipon na kinuha ko.
Nang naluto na ay nilagay ko lahat sa plato ko. Oo matakaw talaga ako. Tinignan ko ulit si Sky at nakita ko nanamang nakatitig lang siya sa akin!!! Waaa!!! Ano bang problema nito?!
Hala? Hindi kaya nahahalata na niya na hindi ako si Janina?
Waaahhh! Hindi pwede!
"Sky, gusto mo ng hipon?" ngiting ngiti ako na inalok sa kanya ang mga hipon sa plato ko. Labag talaga sa loob kong magshare kasi ako ang naghintay doon pero alang alang sa pagtigil niya sa kakatitig, ishashare ko nalang!
Umiling lang siya tapos ipinagpatuloy lang niya ang pagtititig sa akin habang ako naman ay nagsimula nang magbalat ng hipon.
Medyo naiilang tuloy akong magbalat. Bakit kasi nakatingin siya?! Nung una namang kain namin dito hindi naman niya ako ako tinignan eh!
Binagalan ko nalang ang pagbabalat ko ng hipon at nagkunwaring sosyal na nandidiri habang binabalatan ito. No choice.
"Bakit ka bumagal sa pagbabalat?" nakasmirk siya.
"W-Wala lang."
"Naiilang ka sa mga titig ko." Mind reader?!
"H-Hindi ah!"
"Nagbubuckle ka."
"Hindi nga eh!" nagiinit nanaman ang mga pisngi ko.
"Awkward ba?"
"Hindi nga!!!!" sumigaw na ako. Kainis e!
Tumawa lang siya at inilapit niya ng kaunti ang sarili niya sa akin.
"Bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong niya.
"B-Bakit naman kita kakausapin? Eh hindi mo nga din ako kinakausap e!"
"Hindi ka pa rin ba makaget-over sa halikan natin kanina?"
"A-Anong pinagsasabi mo?! Tumigil ka nga!" halikan talaga?! Eh siya lang naman yun! Lakas niya kasi mangtrip!
"Namumula ka."
"Maanghang yung hipon!" pagsisinungaling ko. Ang tamis kaya nung hipon.
"Kinikilig ka!" nakasmirk nanaman siya. Grr!
"Hindi!"
"Gusto mong ulitin natin?" naging madilim ang tingin niya. Waaaa! Katakot!
"SKY!!!" nilakihan ko ang mga mata ko. Nangaasar na siya ng sobra! Napipikon na ako!!!
"Chill. Hahaha. Ikaw kasi, masyado kang matakaw."
"Wala kang pakialam!"
"Tsaka hindi kita type no." Ouch.
"Natahimik ka?" tanong niya.
Oo nga naman. Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinabi niya? Hindi ko rin naman siya type e. Kapal ng mukha niya! Ninakaw niya ng first kiss ko. Sobrang importante pa naman sa akin nun. Tsaka ang alam ko wala sa kontrata namin yun ah! Ang nasa kontrata lang namin ay sa cheeks lang!
"HOY! Wala sa kontrata natin na pwede mo akong halikan sa lips ah!"
Natahimik siya ng panandalian bago siya nakasagot.
"Pero nasa kontrata natin na pwede kong dagdagan ang rules dahil ako ang masusunod sa relasyon na ito." nagsmirk nanaman siya. Kakabwisit!
"Bwisit!" sinabi ko ng malakas.
"Pikon!"
"Che!"
"Bakit ka biglang nagalit nung sinabi kong hindi kita type?" nakangiti nanaman siya ng nakakaloko! Waaa! Sasabog na ako sa inis!
"Hindi ako nagagalit!!!!" pasigaw ang pagsagot ko.
Tumawa lang siya at naglabas ng isang bagong magazine na nakaplastic pa. Halatang kakabili lang nito at hindi pa nabubuksan. Ang akala ko ay ordinaryong magazine lang kaya hindi ko masyado tinignan pero nung napadaan ang mata ko dito ay nagulat ako.
"Anak ng! Bastos ka Sky!"
"Anong bastos? This is a magazine. It's called FHM."
Tinignan ko lang siya. Grabe! Nakatitig siya dun sa babae na halos nakalabas na lahat ng kaluluwa. Nakasmirk pa siya habang hinahawakan ang parte ng magazine kung saan naroon ang mga private parts ng babae!!!
"MANYAK KA!!!!"
"Ganito." tinuro niya ang babae sa cover ng magazine bago niya tinignan ang mga mata ko. "Ganito... ang mga type ko."
"Mga malalaman. Mga makukurba. Masasabaw. Makikinis. At may mga sex appeal." pagdadagdag pa niya. "Kaya hindi kita magiging type kahit kailan dahil lampayatot ka, peklatin, at masyadong simple. Para kang hipon. No wonder favorite mo yan." pagdadagdag pa niya ulit. Nakakainsulto na siya ah! Para siyang si Shibama!
Sinabihan ba naman akong hipon?!?! Di ba ang ibig sabihin nun ay pangit ang mukha at maganda lang ang katawan? Tapos sinabihan din niya akong lampayatot? Ibig sabihin pangit lahat sa akin simula mukha hanggang dulo ng mga daliri ko sa paa!?! Aba't demonyo talaga tong si Sky! Ang sama sama sama!
"Kaya kung nangangarap ka na maging type kita, simulan mo nang ayusin ang sarili mo. Maging ganito ka." nagsmirk ulit siya sabay turo ulit niya sa babae sa magazine.
"Wala akong paki kung di mo ako type! At hindi ako hipon!!!!"
"Okay, sabi mo eh. Buti pa si Farrah masabaw."
"Hoy! Bruho! Wag mo nga ako kinukumpara dun!"
"Selos ka?"
"Bahala ka na nga!"
Tumayo ako para mag walk out pero umupo ako ulit para ubusin yung mga natitira kong hipon. Sayang e. Hehehe.
Nakakainis talaga si Sky! Ang sama sama niya! Mapanglait! Kala mo gwapo! Oo! Gwapo nga naman siya! Pero kahit na! Makapagdiin siya na lampayatot ako? Kala niya! Grrr!!!!
"Tara na." inalok niya sa akin ang kamay niya pero tinabig ko ito at sa halip, kinuha ko ang magazine na may masabaw na babae sa cover.
"Oh! Anong gagawin mo diyan? Panglalaki yan!" sabi niya.
Tinago ko sa bag ko yung magazine at nagdiretso na papasok sa kotse niya. Bahala siya! Bastos! Manyak! Kadiri! Siguradong sa loob ng magazine na ito ay mas marami pang kabastusan ang makikita niya kaya inalayo ko na ito sa kanya para hindi na niya makita ang mga kabastusan! Masyado na siyang nagiging makasalanan!
***
Pagpasok ko sa condo ay sumalubong agad sa akin ang isang mala Adonis na lalaki at biglang niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik at isiniksik ang ulo ko sa kili kili niya. Namiss ko ito ng sobra! Bakit ba kasi ngayon lang siya nagpakita! Napaiyak na ako habang yakap yakap ko pa din siya. Siya ang pinakagwapong lalaki sa mundo! Mahal na mahal mahal ko siya!
"PAPA!!!! HUHUHUHU!!! I MISS YOU!!!"
"Miss na miss na din kita anak!!!" binuhat niya ako at ipinaikot ikot sa sala. Parang nasa movie lang kami. Yung tipong eksena kung kelan magkikita na ulit yung magkasintahan? Wahaha.
"Hep hep tama na yan. Kakain na tayo." si Caloy.
"Caloy!!! Miss na din kita! Ngayon lang tayo ulit nagkita!" niyakap ko si Caloy at niyakap din niya akong pabalik. "Miss na din kita, Ynna."
"Si Shibama nga pala?" pagtatanong ko.
"Ayun, umalis daw muna sandali kasi magkikita daw sila ng boyfriend niya."
"May boyfriend si Shibama?!"
"Yun ang sabi niya kanina. Baka maghahanap palang. Hahaha." si Caloy.
"Oo nga. Panigurado maghahanap palang yun. Hahahaha!" pagdadagdag ko.
Nagkwentuhan lang kami ni papa at Caloy tungkol sa mga bagay bagay at mga pagbabago sa Bohol. Buti nalang ay wala din si Shibama dahil siguradong magiging out of place lang siya.
Sobrang saya ko lang dahil nakasama ko na ulit si papa at si Caloy. Ginamit na din ni papa sa wakas yung open ticket na bigay sa kanya ni Janina. Parang nawala lahat ng inis na naramdaman ko kanina kay Sky. Yung tungkol naman kay Sky at sa kontrata namin, hindi ko muna sinabi sa kanila. Kasi siguradong magugulat sila kapag nalaman nilang may kontrata nanaman ako. Sapat na siguro na si Shibama nalang muna ang may alam ng lahat. Ayoko kasing magaala pa sa akin si papa at si Caloy. Gusto kong isipin nila na okay lang ako.
Naisip ko naman bigla yung sinasabi ni Sky na masasabaw ang mga type niya. Yun din daw ang mga type ng halos karamihan ng mga lalaki. Kaya daw walang nagkakagusto sa akin kasi hindi naman daw ako masabaw. Kaya naman kahit busog na busog ako mula sa early buffet dinner namin ni Sky ay kumuha pa din ako ng malabundok na kanin at nilagay yun sa plato ko. Kailangan ko pa siguro talagang kumain ng mas marami para maging masabaw na din ako balang araw.
Habang kinakain ko naman ang kanin ko ay nakita kong parang nakatulala lang sa akin si papa at si Caloy. Tinignan ko sila at nakita ko ang mga bibig nila na nakanganga. Problema nila?
"Bngakeht poh?" tanong ko habang punong puno pa din ng kanin ang bibig ko.
"A-Anak buntis ka ba?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni papa. At aksidenteng nabugahan ko pa ng kanin ang mukha niya. Oops!
"HA?! HINDI NOH! PAPA NAMAN!"
"Grabe ka naman anak! Makabuga!"
"Sorry na pa. Ikaw kasi eh. Nanggugulat ka! Fresh from Manila naman yang kanin. Welcome to Manila daw sabi ng mga kanin. Hehe!"
"Eh bakit naman kasi ang dami mong kinakain? Alam naming matakaw ka pero mas lalo yatang lumala ngayon?" pagsingit ni Caloy.
"Gushto khoh kngasi" nilunok ko muna yung mga natirang kanin. "maging" kinuha ko yung magazine na inagaw ko kay Sky kanina at pinakita sa kanila "masabaw."
"Kaya kailangan kong kumain ng marami." ginaya ko pa yung posing nung babae sa magazine na nakataas yung dalawang kili kili at nakatingin sa malayo.
"HAHAHAHAHAHA!!!!" nagtawanan sila.
"Bakit kayo tumatawa?!"
"HAHAHAHA anak namiss talaga kita!!!" kinurot ni papa ang pisngi ko.
"HAHAHAHA BFF talaga kita!!!" kinurot naman ni Caloy yung isa ko pang pisngi.
"Sinabihan kasi akong lampayatot. Kaya papakita ko sa kanya na kaya ko ding maging masabaw!!!" pag-amin ko.
"Sino ang nagsabi anak?"
"Ah.. Papa.. Wala. Kaibigan ko lang."
"Lalaki ba yan anak?" tanong ni papa. Waa! Paano niya nahulaan?
"Ha? Hindi! Hindi! Bakla siya papa. Hehehe." tama! Kunwari si Shibama nalang! Tutal sinabihan din naman ako ni Shibama ng ganun e!
"Buti naman. Kala ko lalaki e. Bubugbugin ko na sana." - Caloy
"War freak ka!" sabi ko sabay turo sa kanya.
"Joke lang. Teka pakinggan mo ito." naglabas si Caloy ng CD at pinatugtug ang isang kanta sa built in player sa condo namin. "Sana pagkatapos mong marinig yan ay tigilan mo nang kumain at baka magsuka ka lang imbis na maging masabaw ka."
♪ I like who I am, but I guess you don't
I think I can, but you think I wont
Amount to anything at all
If you love me, you sure show it strange
Is there anything that you wouldn't change?
I can't be your paper doll
I wanna be perfect, but I'm me
I wanna be flawless, but you see
Every little crack, every chip, every dent, every little mistake, yeah
I wanna be perfect, just like you
But there's only so much that a girl can do
When I look in the mirror what I see, makes sense to me, yeah
Perfectly ♫
"Walang taong perpekto anak. Lahat tayo ay may mga kapintasan. Pero imbis na ibahin mo ito, tanggapin mo nalang. Dahil oras na matanggap mo ang kapintasan mo, diyan ka magiging tunay na maganda." sabi ni papa habang instrumental.
♪ I like tennis shoes, you like high heels
And fantasies, but I'm what's real
I guess you could say the shoe don't fit
Maybe I'm from Venus, maybe you're from Mars
My imperfections are what they are
I guess one of us must deal with it
I wanna be perfect, but I'm me
I wanna be flawless, but you see
Every little crack, every chip, every dent, every little mistake, yeah
I wanna be perfect, just like you
But there's only so much that a girl can do
When I look in the mirror what I see, makes sense to me, yeah
Perfectly ♫
"At saka wag mong iisipin ang mga pamimintas sayo ng iba. Naiinggit lang sila sayo o kaya naman ay nagpapapansin lang." dagdag pa ni Caloy.
♪ I try to fit in the mold that you made
But i'm tired of playing this little charade
Oh, I wanna be perfect, but im me
I wanna be flawless, but you see
Every little crack, every chip, every dent, every little mistake
Baby, I wanna be perfect, just like you
But there's only so much that a girl can do
When I look in the mirror what I see
Makes sense to me, yeah
Perfectly
Oh perfectly
Oh oh perfectly
Oh perfectly ♫
"Maganda ka sa sarili mong paraan anak." - Papa
"Maganda ako." sinabi ko sa kanila nang nakangiti.
"Maganda ka, Ynna. At perpekto ka para sa akin." - Caloy
Nagulat ako sa sinabi ni Caloy at alam kong ganun din si papa dahil nakita kong biglang nanlaki ang mata ni papa na para bang kakainin niya si Caloy.
"Joke lang! Whew! Kayo naman. Tsaka bakit? Perpekto naman talaga ni Ynna ah! At maganda! Walang malisya!"
"May gusto ka ba kay Ynna?" seryosong tanong ni papa.
"W-Wala po." kinakabahang sagot ni Caloy.
Katahimikan...
"Hahahaha! Caloy talaga! Joke lang din!" pagbasag ni papa sa katahimikan.
"HAHAHAHAHA!" nagtawanan nalang kaming tatlo.
Mahal na mahal ko talaga ang dalawang lalaking ito. Hinding hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano pa mang bagay sa mundo. Buti pa si papa at Caloy, maganda ako at perpekto ako para sa kanila. Eh si Sky? Gusto pa ng masasabaw! Siya na ang may requirements! Bahala siya! Magsama sila ng masabaw niyang Farrah! Hindi rin naman ako umaasa na magugustuhan ako ni Sky eh.
'Hindi nga ba?' singit ng maliit ng boses sa utak ko.
HINDI NGA!