"Nagkiss na kayo noh?" tanong ni Shibama habang ginagawa ang kilay ko.
Woah! Manghuhula ba o talagang mga mind reader lang ang mga tao dito sa Maynila? Papaano naman kaya nalaman ni Shibama na nagkiss na kami ni Sky? Nandun ba siya nung naganap yun? Waaa! Nakakakilabot naman!
"Hindi noh!" pagsagot ko. Salubong ang kilay ko para mukhang totoo.
"Eh bakit namumula ka girl? Hihihi."
"Meztisa ako!!!"
"Hahahaha! Pero hindi nga? Anong base na ba kayo?" kilig na kilig na tanong niya. Base?
"Ha? Anong base?"
"Ano nga? Share naman dyan girl!"
"Anong base nga?!"
"Hindi mo talaga alam? Are you a noob?!"
"Bakit kita tatanungin kung alam ko, 'di ba?"
"Fine, noob! 1st base kapag nahalikan ka na niya. 2nd base kapag mga mamon mo na ang nahalikan o nahawakan niya. 3rd base kapag isinuko mo na ang Corregidor. Homerun kapag isinuko mo na ang Bataan!" kumekembot pa siya habang sinasabi niya. Yaaak!
"Waaa! Tumahimik ka nga! Baka marinig ka ni Papa! Bastos ka Shibs!!! Magsama kayo ni Sky!!!"
"Tsh! Di na ako maririnig ng papa mo kasi busy yun magimpake. Malalate na kaya siya sa flight niya sa pagbalik niya sa Bohol."
Oo nga pala. Babalik na si papa sa Bohol ngayon. Nakakalungkot lang isipin na aalis na siya agad.
Kaya ako inaayusan ni Shibama ngayon kasi ihahatid namin si papa sa airport! Hindi rin kasi siya pwedeng magtagal dito kasi may trabaho siya sa amin. Kapag nagtagal siya dito ay baka maging mas mahirap na kami sa daga.
Si Caloy naman, ayun pumasok nanaman ng pagkaaga aga sa trabaho niya.
"So ano ngang base? Hihihi." pagputol ni Shibama sa mga iniisip ko.
"Wala ngaaaa." inikot ko ang eyeballs ko.
"Weh!!!!"
"Eh ikaw? Bakit wala ka kahapon? Kasama mo daw boyfriend mo? May boyfriend ka na ba? O naghahanap ka palang? Ano? Ha?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Napatahimik siya sa mga tanong ko. Huli! Nagblush ang bruha! Nagsmile pa at biglang kuminang yung mga mata. Anak ng pasas. In love ang bading!
"Wag mo ngang iniiba ang topiclaloo kinikilig ako ee! Dapat ikaw yung kinikilig not me!" sinabi niya ng may halong landi.
"HAHAHA! Sino nga yang bagong papa mo? Dali na."
"No! Sabihin mo muna kung pang ilang base na kayo ni Sky!"
"Hindi! Sayo muna!"
"Sayo nga!!!"
"Sayo na kasi giiiiirl!"
"SAYO NA SABI E."
"Dali na giiiiirl!"
*DING DONG*
Natigil kami ni Shibama sa nagdoorbell. Sino naman kaya ang bibisita sa amin ngayon? Ito ang unang Sabado na may nagdoorbell sa amin simula nung tumira ako dito. Si Sky kasi ay Monday hanggang Friday lang nandito para ihatid sundo ako sa mga klase ko kaya imposibleng siya yan.
"Sino kaya yun?" tanong ko kay Shibama.
"No idea akey!"
"Ah! Baka yung mystery boyfriend mo!!!"
"Of course not!"
"Weh?" tinaas-taas ko ang kilay ko.
Tumakbo ako papunta sa pintuan ng kwarto ko para malaman kung sino ang nagdoorbell pero hinabol ako ni Shibama at hinila niya ang bewang ko palayo at syempre, una siyang nakalabas. Macho eh! Malakas siya kasi hindi naman talaga siya tunay na babae e! Lalaki pa rin siya kaya mas malakas talaga siya! Madaya!
Paglabas ko ay aasarin ko pa sana si Shibama pero nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Mukha siyang gulat na gulat sa nakita niya.
Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatulala si Shibama at...
BOOM.
Nakaupo sa sofa ay si Sky Anderson na kausap si Peter Paredes.
Patay kang bata ka. Anong gagawin ko? Baka sabihin ni Sky kay papa na boyfriend ko siya! Baka malaman niya na papa ko si papa. Waaaa! Ano bang pinaguusapan nila at bakit seryosong seryoso ang mga mukha nila!!!
"Shibs! Anong gagawin natin?"
"I really don't know too!!!"
Nagkatinginan nalang kami ni Shibama. Hindi talaga namin alam ang gagawin.
"Andyan na pala ang pamangkin ko." sabi ni papa sabay lapit sa akin. "Binibisita ka daw ng boyfriend mo."
Pamangkin?! Boyfriend?!
KILL ME NOW.
"Ahh.. Eh..." waa! Anong sasabihin ko? Waaaa! Sky naman eh! Bakit ka ba kasi nandito?!
Hinawakan ni papa ang kamay ko at pinaupo katabi ni Sky. Waaaa! Lupa oh lupa! Kainin mo na ako parang awa mo na!
"Bagay na bagay nga kayo." - papa
"Really? Thanks tito." - Sky
TITO?!?!
"Saan nga pala kayo pupunta?"
"We're going to have a date."
DATE?!?!
"Nice. Aalis na din ako dahil may flight pa ako. Pero Sky iho, kakausapin ko lang sandali si Ynna ha?"
NICE?!?! KAKAUSAPIN AKO?!?!
"Sure tito." magalang na ngumiti si Sky.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang papalapit na si papa papunta sa kinatatayuan ko at ni Shibama. Tinignan ko si Shibama para manghingi ng tulong at payo pero wala na siya sa tabi ko!!! Nakita kong nasa pinto na siya banda at nag-titiptoe pa para hindi namin malaman ang pagalis niya!!! Kainis talaga! Tinatakasan niya ako at iniiwan niya ako sa mga ganitong sitwasyon! Bakla ka!!!! Humanda ka sa akin!!!
"Pa..." mahina kong sambit. "Magpapaliwanag ako."
"Wala nang oras anak. Aalis na ako." Seryoso si papa.
"Pa, wag ka magalit may paliwanag ako."
"Anak, hindi ako nagagalit. Oo, nagtatampo ako sayo kasi nasa iyo na ang lahat ng oras para sabihin mo sa akin kagabi ang lahat nang tungkol dito pero hindi mo ginawa. Pero pinagkakatiwalaan kita at alam kong may sapat na dahilan ka kung bakit mo nagawa ito. Alam mo rin naman na may kontrata ka kay Janina na bawal umibig hindi ba?" tumango ako.
"Malaki ka na anak. Kaya alam kong alam mo na ang tama at mali. Basta kung may maging problema ay tatawagan mo lang ang papa mo ha?" tumango ulit ako.
Napaluha ako kay papa. Grabe. Ang laki laki talaga ng tiwala sa akin ng lalaking ito. Kahit pa pagsinungalingan ko siya ng ilang beses ay pilit pa din niya akong iniintindi. Ang swerte swerte ko lang sa kanya. Sayang at aalis na siya kaya hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makausap pa siya at ipaliwanag ng husto sa kanya ang lahat lahat.
Inayos na ni papa ang maleta niya at pumunta na sa may pinto. Sumunod naman sa kanya si Sky at tinulungan siya sa mga iba pa niyang gamit. Pinunasan ko naman agad ang luha ko at sumunod na din sa paglabas ng condo.
Nang nakalabas na kami ng condo ay tumawag ng taxi si Sky na sasakyan ni papa papuntang airport. Sayang at hindi ko na maihahatid si papa. Ano ba nanaman kasi itong pakulo na date ni Sky eh. Mas lalong lumiit tuloy ang oras naming mag-ama.
Pipilitin ko pa sana si papa na 'di na ako makikipagdate at ihahatid ko nalang siya sa airport pero siya na mismo ang nagsabi na siya nalang mag-isa ang babalik. Sumama nalang daw ako sa 'date'. Tsss.
Pero bago pa man sumakay si papa sa kadarating lang na taxi at tuluyang umalis papunta sa airport ay may binulong siya sa tenga ko na tila ikinagulat ng buong sistema ko.
"Pero anak, gusto ko ang lalaking yan para sayo. Ramdam ko na mahal ka niya."
ANAK NG TOFU.
***
"Huy!" kinurot ko ang tigiliran ni Sky habang nagdradrive siya. "Anong pinagusapan niyo ng pap-este-tito ko?"
"It's for me to know and for you not to care." that smirk!
"Tss! Eh bakit ka ba kasi pumunta sa bahay ng Sabado? Ang ganda din ng timing mo e! Kung kelan pa talaga may ihahatid kami sa airport!"
"We have a date..."
"Ha? Kala ko ba hindi mo ako typ---"
"...on a mission."
"Di ko gets! Ano?"
"We have a mission date. Farrah's going out with Dave today. Gagawin mo ang trabaho mo. Ang pagselosin si Farrah." Ouch. Trabaho ko. "Pero you'll have fun." bumawi pa. Tss.
"Fun? Fun ba ang pagselosin ang ibang tao? Fun ba na manira ng date ng ibang tao? Ang sama mo talaga!"
"Just shut up."
***
[Skating Rink]
"Woooooow!!!!! Magskaskating tayo?!"
"Yes."
"Weeeee!" dali dali kong sinuot ang mga skating shoes na pinaparenta sa amin.
"Marunong ka ba?"
"Hindi wahahaha!" masaya kong sagot.
"It's not that easy."
"Madali lang yan. Tara na!" excited kong sinabi habang hinihila ko si Sky papunta sa skating rink.
Pagpasok ko palang sa rink ay naramdaman ko agad yung lamig. Waaa! Ang lamig pala dito! Tapos naka sleeveless dress pa ako tulad ng mga laging pinapasuot sa akin ni Shibama. Hindi naman kasi sinabi agad ni Sky na mag i-ice skating pala kami. Tss! Itsura ko tuloy ngayon, nanginginig! Yung bibig ko bumubukas sara sa sobrang lamig!
Pagtingin ko kay Sky ay nakita ko na siyang nagskaskate papunta sa kalagitnaan ng rink. Iniwan ba naman ako! Nandito lang ako sa gilid nakatayo. Hmp.
Sinubukan ko siyang gayahin pero... Waaaaaah! Nadapa ako!!!
Ang hirap pala magskating! Mukha kasing madali lang kanina e! Gumapang ulit ako papunta sa gilid. Mahirap na dahil baka madapa ako ulit. Bukod sa masakit at malamig yun ay baka makita pa nila ang panty ko kasi nga nakadress lang ako. Buti nga yung pagkakadapa ko kanina ay yung tipong conservative na pagkakadapa nga lang eh.
Hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Ayoko namang maging habang buhay lang nandito sa gilid ng rink kaya naman ay umatungal nalang ako. Bahala siya kung mapahiya kami.
"SKYYYYYYYY!!!! HUHUHUHU!" pag-iyak ko.
Tumingin lang siya sa akin pero hindi lumapit! Bruho talaga!
Ayaw mo ah! Isa pa!
"SKYYYY!!!! ANG SAMA SAMA MO!!!!"
Aba't hindi na tumitingin. Isa pa!
"SKY ANDERSON!!! WALA KANG SILBING BOYFRIEND!!!"
Nagtinginan ang mga tao sa direksyon ko. Malamang kilala nila si Sky. Sikat kasi siya e. O kaya naman baka hinahanap nila kung sino yung walang silbing boyfriend. Bwahaha.
Nakita ko nalang na papalapit na si Sky sa akin. Hahaha! Nanalo ako! Siguradong napahiya siya sa mga tao. Sabihan ba naman siyang walang silbi. Buhahaha.
"What the hell?" sabi niya.
"Eh turuan mo kasi ako. Ang hirap pala." pag-amin ko.
"No. Diyan ka lang sa gilid."
"Ang sama mo! Dali na!"
"No."
"Dali!"
"No."
"Dali ngaaaa!"
"I said NO."
"Daliii----"
Naputol ang bangayan namin ni Sky nang may biglang nagsalita.
"Oh hey, nandito din pala kayo." si Dave.
"Magskaskates din pala kayo. Bakit parang nag-LLQ?" tanong ng malanding Farrah sabay dikit sa katawan nung Dave.
Nasa gilid kami ng pasukan ng rink kaya naman kitang kita namin ang bawat bagong pumapasok sa rink para mag-ice skate.
"No. We're not quarrelling. I'm actually teaching her how to skate. Right, baby?" sabi ni Sky sabay kindat sa akin.
"Ugh. Yeah. " sabi ko. Trying to be sosyal. Improving na kaya ako. Bleh. Start na ng 'trabaho ko' eh.
"Come on baby." hinawakan ni Sky ang dalawa kong kamay at dahan dahan niya akong dinala sa gitna ng rink. Natatakot talaga ako dahil wala na akong hahawakan kung hindi si Sky lang pero wala na din akong magagawa kung hindi magtiwala.
Nakakainis lang kasi kanina iniwan niya ako sa gilid at wala man lang siyang balak akong tulungan pero ngayong dumating na si Farrah babes niya ay grabe kung makaalalay sa akin. May pasweet pang effect. Kainis!
Kung sabagay, kaya nga lang naman pala kami nandito para gawin ang mission namin at yun ay pagselosin si Farrah.
"Fall for me." bulong niya sa tenga ko.
"Ano?!" Aba! Pagkatapos niyang magpanggap panggap, ngayon gusto naman niyang mainlove ako sa kanya?! Ano siya sineswerte?!
"Fall for me. Farrah's looking." Ah. Ouch again.
"P-Paano?"
Hindi na niya ako sinagot. Hindi ko na napansin kung paano niya ginawa pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakapaibabaw nanaman kay Sky. Kasabay noon ay ang pagwalk-out ni Farrah at Dave sa skating rink.
Bakit kaya sila nagwalk-out?
Siguro ang akala nila ay matutunaw ang buong skating rink dahil sa init ng pagmamahalan namin ni Sky.
BOOM. HAHAHA.
***
[Restaurant]
Ang buong akala ko ay nagtatapos na ang lahat sa mission namin sa skating rink pero mali pala ako. May restaurant paselos mission pa pala kami. At pagkatapos nun ay magprapractice pa pala kami sa paparating na pageant kasi wala pa kaming matinong practice na nagagawa. Kantahan ba naman kasi ako ng 'Let The Love Begin' at magslow-dance. Makakapagpractice ka ba ng maayos kapag ganun? Urghh.
Nandito kami ngayon sa isang Chinese restaurant na hindi ko man lang mabasa ang pangalan kasi Chinese characters ang nakalagay. Ang alam ko lang ay masarap ang mga pagkain dito. Lalo yung yung mga siomai nila. Hehe! Ngayon lang kasi ako nakakain ng siomai kaya naman sarap na sarap na ako agad.
"Baby, siomai pa?" alok si Sky habang nakatutok sa bibig ko ang isa pang siomai at akmang isusubo nanaman niya sa akin. Sinubo ko nalang din kahit busog na busog na talaga ako. Masarap kasi eh tsaka minsan lang ito. Sulitin!
Oo, hindi pa talaga nagtatapos ang mission namin dahil nandito rin sa restaurant na ito sina Farrah at Dave. Sadyang sinundan sila ni Sky kahit sa mismong kakainan nila para lang pagselosin si Farrah. Wala rin siyang magawa e. Bulag sa pagibig ang loko.
Kaya ito kami ngayon, sweet na sweet sa isa't isa. Maya't maya ay nagpaparinig pa si Sky kung gaano kasarap ang siomai lalo na daw kapag ako ang kasama niya. Yucks lang. Ang akala ko ay classy si Sky pero may pagka jeje pa rin pala. Ano naman kaya yung koneksyon ng siomai sa akin? Waley siya.
Syempre hindi rin nagpapatalo si Dave at Farrah.
*Flashback*
DAVE TO FARRAH:
"Babe, para kang langit..."
"Why baby davey?"
"...patay na patay kasi ako sayo eh."
EWWW.
"Babe, I forgot your name."
"Oh my why naman babe?"
"Can I just call you mine?"
LAOS.
"Babe, Meralco ka ba?"
"Huh? Why babe?"
"Kapag ngumiti ka kasi, may spark!"
CORNY.
SKY TO YNNA:
"Baby, punta tayong cemetery later?"
"Anak ng? Bakit naman? Huwag mo sabihing ililibing mo na ako!!!" takot na takot kong sinabi.
"Dalawin natin yung puso kong patay na patay sayo."
BULL'S EYE.
"Baby, may butas ba yang puso mo?"
"Ha?! Wala akong sakit sa puso noh! Healthy ako!"
"Tss. Natrap kasi ako. And I can't find my way out."
AYYYUUUNN.
"Baby what's you height?"
"5'4. Bakit? Bibilihan mo nanaman ako ng 7 inches heels para naman magkaheight nanaman tayo?"
"No. Hindi ko kasi alam kung paano ka nagkasya sa puso ko."
NEKENEMEN.
*End of Flashback*
Oh di ba? Kadiri to the max. Bakit kaya hinayaan ako ni Lord na makapasok sa ganito ka-corny na sitwasyon? Nakakadiri talaga. Urgggh.
"Sky, CR lang ako." sabi ko.
"Samahan na kita baby."
"Dyan ka nalang. Tch. Wala naman tayong mission sa CR e. Ihian kita dyan e." bulong ko sa kanya.
"Tss. Fine."
Pagpasok ko sa CR at dali dali akong umihi. Parang gripo ang lumabas! Hahaha. Tuwang tuwa kasi talaga ako tuwing may nagrerefill sa botomless lemonade ko eh. Kaya inuubos agad. Tsaka syempre para maging sulit na rin.
*Wiwiwiwiwiwiwi*
*Wiwiwiwiwiwiwi*
*Wiwiwiwiwiwiwi*
Whew! Dami kong naihi! Nakakakilig. Hihi! Oo. Nakakakilig yung feeling kapag umiihi 'di ba?
"You bitch!!!!!" sigaw ng isang babae pagkalabas na pagkalabas ko ng cubicle.
Si Farrah.
Problema nun?
"Farrah? Ano nanaman ba ang problema?" pagtatanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha ko.
"Ikaw! Mangaagaw ka! Bwisit ka!" sigaw niya sabay sabunot nanaman sa akin.
Parehong pareho ito sa eksena namin ni Farrah noon sa girl's locker room ng ECB gym. Sinasabunutan niya ako at ako naman ay walang laban at umiiyak. Hindi naman talaga dapat ako iiyak kaso ewan ko ba at hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak tuwing sinasaktan ako ni Farrah. Ang akala ko ay naubos ko na ang tubig sa katawan ko sa pag-ihi ko kanina pero hindi pa rin pala.
Siguro dahil alam ko sa kalooban ko na wala naman talaga akong laban sa kanya. At alam ko din sa sarili ko na kung malaman man ito ni Sky, si Farrah pa rin ang kakampihan niya.
Dapat nga siguro ay maging masaya ako dahil umeepekto na talaga ang mga mission na ginagawa namin ni Sky eh. Nagseselos na talaga si Farrah. Kapag naging girlfriend na ulit ni Sky si Farrah ay awtomatiko nang matatapos ang kontrata ko. Makakalaya na ako kay Sky at makakapagaral na nang matiwasay.
Pero nakakainis kasi hindi ko talaga mapigilang maging malungkot. Malungkot dahil sa kabila nang imahe na ipinapanggap ko ngayon ay inaapi pa rin ako. Malungkot dahil wala akong karapatan manglaban. At malungkot dahil kung magkakabalikan man sila ni Sky ay maiiwan akong mag-isa. Este, maiiwan si Janina mag-isa. Kawawa naman si Janina dahil hindi niya alam na may nang-iwan sa kanya. Oo, si Janina. Hindi ako. Che!
"Tigilan mo nga ako!" pagsigaw ko sabay takbo paalis sa CR.
Pagkaalis ko sa CR ay pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang buhok kong sinabunutan ni Farrah.
"Duwag!" rinig kong sinigaw ni Farrah nung pagkalabas ko sa CR.
Pumunta ako sa table namin ni Sky at nagsimulang ligpitin na ang mga gamit ko.
"Baby, what happened? Why are you crying?" pasweet na tanong ni Sky. Alam kasi niyang nakatingin pa si Dave.
"Tigilan na natin 'to. Gusto ko nang umuwi." bulong ko sa kanya para hindi marinig ng iba.
"What happened?"
"Wala nga."
"Magprapractice pa tayo. May competition tayong sinalihan. Remember?"
"Next time na."
"May nangyari ba? Sabihin mo sa akin."
"Wala."
"Kailangan nating magpractice."
"Wala akong gana."
At tuluyan ko nang iniwan si Sky. Sinubukan niya akong habulin pero mabilis akong nakasakay ng taxi papalayo sa kanya.
Ayoko na.
Nakakainis pa yung music sa taxi!!! Badtrip!
♪ Once upon a time, a few mistakes agoI was in your sights, you got me aloneYou found me, you found meYou found me-e-e-e-eI guess you didn't care and I guess I liked thatAnd when I fell hard, you took a step backWithout me, without meWithout me-e-e-e ♫
Ilang minuto lang pagkasakay ko ay biglang nagring ang telepono ko.
*Kapal ng mukha, 'di na nahiya
Dapat sa iyo pasabugin ang mukha
Ulo-ulo lang 'di kasama katawan
'Pag kasama katawan, sabog pati laman!*
Tumatawag siya.
"Ano ba Sky?! Pwede ba?! Wala nga akong gana!"
[Ano nga kasing nangyari? Bakit mo ako iniwan? You know what, dinala kita sa date na 'to to have fun habang ginagawa natin ang mission natin! And now you're acting like this? What the hell, Ynna!]
♪ And he's long goneWhen he's next to meAnd I realize, the blame is on me ♫
"Hindi mo ako maiintindihan!!!!" pagsigaw ko.
[THEN EXPLAIN IT TO ME!]
"Sky, salamat nalang sa skating at sa Chinese restaurant experience. Seryoso ito, I had fun."
*TOOT TOOT TOOT TOOT*
♪ 'Cause I knew you were trouble when you walked inSo shame on me now, flew me to places I'd never beenTill you put me downOh I knew you were trouble when you walked inSo shame on me now, flew me to places I'd never beenNow I'm lying on the cold hard ground
Oh, oh, trouble, trouble, troubleOh, oh, trouble, trouble, trouble ♫