Enrollment day na mamaya.
Ang bilis ng panahon.
Umalis na din si Janina papuntang New York para sa kanyang modelling career. Sana magtagumpay siya sa tinatahak niyang landas. Nasa eroplano na rin ako ngayon kasama si Shibama, papa at Caloy. Binigyan kasi ni Janina si papa ng roundtrip ticket para maihatid naman niya ako sa dorm ko. Binigyan din niya si papa ng open ticket para bisitahin niya ako dito sa Maynila kung kailan man niya gustuhin. May bait din naman pala itong si sister ko. Nakakatuwa din. Si Caloy naman, lumuwas na din para balikan ang trabaho niya sa fastfood. Iniwan na namin si Merylle sa Bohol kasi may pasok pa siya at wala rin naman siyang ticket. Naging sobrang emotional pa namin bago ako umalis. Parang hindi na ako babalik. Pero isang taon din kasi akong mawawala sa probinsya namin. Ngayon lang ako aalis ng ganito katagal. Sana kayanin ko.
Ang ganda ng eroplano! Ngayon lang ako nakasakay sa ganito. Pang mayaman talaga! May libreng pagkain pa! Ano pa kayang mga bagong karanasan ang naghihintay sa akin pagdating ko sa Maynila. Nakakaexcite naman.
"Masaya ako sa naging desisyon mo anak." Pabulong na sinabi ni papa habang kumakain.
Kita ko sa mga mata ni papa na natutuwa siya para sa akin kahit na ang kapalit nun ay tuluyan na ako mapalayo sa kanya. Hindi nga pala niya alam yung mga naging kundisyon ni Janina. Hindi ko na din ito sinabi kahit kanino. Ako nalang ang bahala dito. Baka kasi hindi niya ako patuluyin kapag nalaman niya. Baka magkagulo sila ni mama Lalaine at ni Janina. Ayoko namang mangyari yun. Mabilis lang naman sundan yung mga rules.
Always look presentable.
Sabi naman niya si Shibama na lahat magaayos ng itsura ko so kering keri ko na to. Hindi naman ako allergy sa make up. Naeexcite din ako kasi ang ganda talaga ni Janina. Iniisip ko palang na maging medyo ganun itsura ko. Feel na feel ko na ang ganda ko na! Gandang di mo inakala!
Maintain good posture and class.
Hindi naman ako pinanganak na may lahing kuba o ano kaya sa tingin ko okay na ako dito sa rule na ito. Yung class? Natural nalang yan. Kayang kaya ko na yan. Kahit naman wala akong gawin classy ako eh. Yabang! Hehe! Pwe!
Go to gym 3 times a week.
Ito naman, naeexcite din ako. Hindi pa kasi ako nakakapasok sa isang gym. Napapanuod ko lang ito sa The Biggest Loser noon. Tapos ngayon, 3 times a week na ako pupunta! Ang saya naman! Gusto ko rin sana maging sexy tulad ng mga nasa FHM. Yung may mga abs! Payatot kasi ako eh. Buto't balat lang.
Maintain a good diet.
Kahit hindi ko na sundin ito. Kahit naman anong kain ko, walang nangyayari sa akin. At ayoko talaga yung kumakain ako ng gulay. Ewan ko ba! Nasusuka ako! Prutas nalang pwede ko pang pagtyagaan.
Visit skin clinic once a week.
Nakakaloka talaga itong mga mayayaman. May pa skin clinic skin clinic pang nalalaman. Ano naman kayang gagawin nila sa balat ko? Makinis naman na ako eh. Medyo madumi nga lang minsan lang kasi ako maligo. Mga every 3 days na pinakamabilis. Pinaka matagal naman mga every 3 months.
Pass all the classes.
Madali lang ito. Mahilig naman kasi ako magaral. Tsaka scholar ako kaya kailangan ko talaga bantayan ang grades ko. Hindi ko talagang papayagan na bumagsak ako sa klase. Gusto ko siyempre na maging proud sa akin si papa!
Be friendly with fans.
At may fans pa pala ako. Sino sino naman kaya sila? Sikat pala si Janina. Ano kaya ang pakiramdam ng sikat? Parang artista kaya? Yung tipong may magpapapicture sa akin? Wow! Friendly naman ako kahit kanino kaya kakayanin ko din ito. Baka nga kareerin ko pa eh! Ang saya kaya sa pakiramdam ng madaming friends!
Never fall in love.
Love? Hindi na niya kailangan isama ito sa rules. Hindi ko naman talaga papayagan mainlove ako. Masyadong magkabilang mundo ang mga ginagalawan namin ng mga magiging kaklase ko. Masasaktan lang ako sa huli. Wag nalang simulan! At hindi naman ako haliparot!
***
[5th Floor - Millenium Heights Condominium]
"Ito ang dorm ko?!!"
"Yuppie!!" Masayang sinabi ni Shibama.
"Hindi ba mansion ito?" - Caloy
"Ang ganda." - Papa
"Hello! You are going to be the rich and famous Janina F! Always think na you deserve all the lux! Okieeee?" - Shibama
Grabe. Hindi ko inasahan ang nakita ko. Ang inisip ko kasi na dorm eh yung maliit lang na may double deck tapos may room mate ka na siga. Ganun kasi mga napapanuod ko eh. Pero iba ang bumulaga sa akin. Sobrang gandang kwarto. Mga limang kubo yata namin ang laki ng isang kwarto lang. At sa labas ng kwarto ay mga mga kwarto ng mga magiging alalay ko daw. Sino sino naman kaya yun? Ang ganda din ng kusina. Ang laki ng sala. Ang gara ng CR. At modern na modern at design. Nasa 5th floor ako ng Millenium Heights Condominium katabi ng Eastville College of Business. At para lang sa akin ang buong 5th floor. Ang akala ko ay kay Janina ito ngunit para sa akin daw pala talaga kahit matapos na ang isang taon na pagpapanggap. Kasi may sarili din talagang floor si Janina na nasa 10th floor naman. Hindi ako makapaniwala! Ang ganda talaga!
"Wow."
"Tama na ang wow wow! Masasanay ka din girl! Ayusin mo na things mo. Say bye to your dad and your friend dahil mageenroll pa tayo! You have a special enrollment at 1 PM regarding your special arrangement with Janina."
"Ah okay. Pero Shibama..."
"What dear?"
"Pwede bang dito nalang din tumuloy si Caloy? Para hindi na rin sayang ang binabayad niya sa dorm niya. Mukhang marami pa naman kwarto na extra eh."
"Ay Ynna okay lang ako meron naman akong matutuluyan." Pagkontra ni Caloy.
"Oo nga naman Shibama, para din naman may nagbabantay sa anak ko habang nandito siya sa manila. Malaki ang tiwala ko diyan kay Caloy." Singit ni papa.
"Umm.. Well, okay! Do I have any choice? Buti nalang gwapo ka kahit probinsyano ka! Sige na, dun ka sa guestroom magstay." Sinabi ni Shibama sabay kindat kay Caloy. Kalurky!
"Ah haha salamat, Shibama. Salamat din, Ynna." - Caloy
Ngumiti nalang ako kay Caloy. Masaya din ako na nandito si Caloy na kasama ko sa Maynila. Para naman may bantay ako hehehehe.
***
Umalis na si papa at bumalik na papuntang Bohol. Naiwan nalang kaming tatlo ni Shibama at Caloy sa condo. Pinapasok ako ni Shibama sa kwarto ko at pinahintay lang niya si Caloy sa labas. Hindi naman siguro ako pagnanasaan nito noh? Bakla siya eh. At ang baho baho ko pa.
Pumasok kami ni Shibama nasa kwarto ko na ubod ng laki. Binigyan niya ako ng oras para maligo. Ang tagal ko na din kasing di nakakapagpalit ng damit. Pagkatapos kong maligo ay may hinanda na siyang damit na susuotin ko. Isang sleeveless na blue polkadot dress. Hala ka! Parang masyadong revealing naman. Hindi pa ako nakakapagsuot ng ganito sa buong buhay ko. Baka naman mabastos ako. Hala!!!
"Shibama?" Tanong ko habang nasa loob pa din ako ng CR.
"Yes? Dear? Are you done?"
"Hindi kaya masyadong seksi nitong pinapasuot mo? Hindi kaya mabastos ako nito?"
"Don't worry dear hindi ka naman magcocommute para mabastos. At hindi yan sexy, that's what you call.. Class."
"Ah okay.."
Mukhang hindi ko na maiiba pa ang isip ni Shibama. At pumirma nga pala ako ng kontrata magiging personal stylist ko siya. Mukhang wala na talaga akong choice kaya naman sinuot ko nalang. Mukhang okay lang din naman. Mukha akong babae sa unang pagkakataon.
Paglabas ko ng CR ay biglang tumili ng malakas si Shibama.
"OH MY! You are pretty! Way prettier than your ate!"
"Hala grabe ka naman. Hindi ko mapapantayan yun noh."
"Don't underestimate yourself girl! You are!"
"Ehhh."
"Let me do your hair and make up."
Ang galing sobra Shibama mag make up. Sobrang ganda ko. Grabe! Hindi ko inakala na pwede pala ako maging ganito ka ganda. Kinulot din niya ang buhok ko at nilagyan ng head band na mukhang sosyal. Nilagyan din niya ako ng mga accesories. Nung una ay pumalag ako kasi baka manakaw lang. Pero pinaalala niya sa akin na walang magnanakaw ng pipitsuging accessories sa school na lahat ng tao ay may pera. Oo nga naman.
Okay na sana ang lahat pero pinasuot niya ako ng heels. Unang beses ko palang magsusuot nito. Baka hindi ko kayanin. Sinabi ko sa kanya na baka madapa lang ako at mapahiya lang si Janina kaya naman pinalitan niya ng heels na hindi heels ang suot ko. Ayon kay Shibama ay wedge daw ang tawag doon. Mas naging kumportable ang pakiramdam ko sa wedge kaya naman sinabi ko na sa kanya na okay na ako dito.
Pinaikot niya ako sa salamin at tinanong ako kung okay na ba sa akin ang ayos ko. Tumango nalang ako at ngumiti. Sobrang ganda ko na kasi. Feeling ko ako ang pinakamagandang tao sa buong mundo. Hahahaha!
Paglabas ko ng kwarto kasama si Shibama ay nakita ko na nagaayos ng kanyang mga gamit si Caloy. Tinawag ko siya.
"Ah, Ynna aalis na din ako baka malate kasi ako sa trab---"
Napatigil si Caloy sa pagsasalita nang napatingin siya sa akin.
"Ynna?"
"Oh?"
Lumapit si Shibama kay Caloy at sinara ang nakabukang bibig nito.
"Ganda niya noh?" Tila pangaasar ni Shibama.
"Ah, oo. Ang ganda mo, Ynna. Nagulat ako."
"Nagulat nga din ako eh. Ang galing ni Shibama."
Nakita kong medyo namula ang mga pisngi ni Caloy. Feeling ko tuloy namumula na din ako. Si Shibama naman over sa kakangiti. Pang asar!
"Tama na yang tinginan niyo. Caloy, you may leave now. And Ynna, we will enroll now." Utos ni Shibama sa aming dalawa ni Caloy.
Hindi ko alam na nagtititigan na pala kami ni Caloy.
"Ah okay. Sige sige. Alis na po ko. Shibs! Ynna! Bye!" - Caloy
"Shibs? Close kayo?" Tanong ko.
"Yup! Gwapo eh! Hihihi! Ikaw din! Call me Shibs nalang! We're going to be really close, I promise!"
"Sige, shibs!" Ngumisi ako.
Mabait naman pala ang baklush.
***
[Eastville College of Business]
Kakatapos lang namin magenroll. Ang bilis lang pala magenroll dito sa school na to? O baka dahil nga special kasi ang kaso ko. Ewan ko. Basta ang alam ko lang, ang ganda ganda na school na ito. Sana lang ay magkaron ako ng mga kaibigan pagdating ng pasukan next week.
Nasa cafeteria kami ni Shibama para maglunch. Ang sasarap ng pagkain. Gusto ko sana lamunin lahat at kamayin pero pinipigilan ako ni Shibs e. Marami pa daw akong lessons na dapat matutunan tungkol sa manners in table bago magsimula ang klase. Sumimangot nalang ako at nagdahan dahan sa pagkain.
Ilang sandali lang ay naiihi na ako. Ang dami ko kasing ininom na iced tea. Eh kasi ba naman, botomless! Pwede daw kahit ilan! Edi sinulit ko talaga. Nagpaaalam ako kay Shibs na magCCR lang ako at tumango naman siya at tinuro niya sa akin kung saan ang daan.
Bago pa man ako makapasok sa CR ay may lalaking humablot sa aking braso.
"Why the hell did you break up with Dave?!"
"Ha?!"
"Because of you! Because of your break up! My supposed girlfriend is now dating your fucking ex boyfriend!"
"Ha?!"
"Don't play the innocent card, Janina! What do you want?! What's your plan? Is it because of our rivalry in our family businesses? Tell me!!!"
"Haaaaa?! What I want? Gusto kong umihi!"
Bigla nalang akong tumakbo sa CR kasi hindi ko na talaga kayang pigilan ang ihi ko. Sasabog na talaga. Mukhang isang galon yata ang nailabas ko.
Pero sino naman kaya yung lalaking yon? Mukhang galit na galit siya kay Janina. Lagot. Ano naman kaya ang ginawa ni Janina para magalit sa kanya ang lalaking yon? Nako! Di ko naman inasahan na may ganitong issue akong sasalubungin sa pagpapanggap ko. Sino naman kaya yung ex ni Janina? Hayy!!
Dahan dahan akong lumabas sa CR at tinignan ko kung wala na yung lalaking incredible hulk kung magalit. Kulang nalang maging green balat niya at mapunit damit niya eh! Nang mukhang wala na siya ay lumabas na ako. Pero nagkamali ako. Paglabas ko ng CR ay may bigla nanaman humablot sa akin at nawala ako sa balance ko kaya naman natumba ako at napaibabaw ako sa kanya. Napaibabaw ako kay incredible hulk.
Mga ilang minuto din akong napatingin sa kanya...
Ang gwapo pala niya. Parang artista na tisoy. Kahit galit siya at salubong ang kilay ay mukha pa rin siyang anghel. Ang hahaba ng kilay niya. Ang tangos ng ilong niya. Ang pula ng labi. Halos perpekto na siya...
Nang natauhan ako ay bigla akong tumayo at tumakbo papunta sa mesa kung saan naghihintay sa akin si Shibs. Umalis na din kami agad at naglakad papunta sa dorm namin. Anong ginawa ko dun kanina? Hala!!!
Sino kaya ang lalaking iyon? Ang gwapo pa naman sana pero bakit kaya galit na galit siya kay Janina? At sino si Dave? Ang dami ko palang hindi alam kay Janina. Ang lakas din naman talaga ng loob ko para magpanggap kung wala naman akong alam ni isa tungkol sa personal niyang buhay. Umpisa palang ito. Paano kung madami palang may galit sa kanya? Paano ko malalagpasan ang isang buong taon bilang si Janina?
Habang naglalakad kami ni Shibs ay nakita ko nanaman si incredible hulk. Pero hindi niya ako nakikita ngayon. Nakatulala lang siya at nakatingin sa malayo nang may dalawang lalaking lumapit sa kanya.
"Sky! Dito ka lang pala makikita!" - Boy 1
"Bakit ganyan ang mukha mo bro?" - Boy 2
"Bro kung tungkol nanaman kay Farrah at Dave. Bro move on ka na! Hindi worth it yang si Farrah. Hindi umiiyak sa isang babae ang isang Sky Anderson!" - Boy 1
Nagpatuloy pa sila sa paguusap pero hindi ko na narinig ang iba dahil nakapaglakad na kami ng malayo ni Shibs sa mula sa kinaroroonan nila.
Pero napagtanto ko na:
1. Ex ko pala si Dave.
2. Girlfriend ni Dave ngayon si Farrah.
3. Si incredible hulk ay si Sky Anderson.