Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 5 - Chapter 4 - First Day

Chapter 5 - Chapter 4 - First Day

• SKY JAMES ANDERSON •

Wow. I can't believe what just happened today. I saw Janina Fortaleza, heiress of Fortaleza Foods Inc., the main competitor of our family business. It turned out that she also have a special enrollment. I never liked this girl ever since before. She thinks of herself as the prettiest and that she is so high and all when she's actually not. She is also the main reason why my friendship with Dave was all gone. Dave used to be one of my closest friends in ECB. But ever since she dated him, Dave became different. Dave didn't hang out with us anymore. And the worst thing he did, he stole my girlfriend from me. Fuck.

Dave is now dating Farrah. They are now in a serious intimate fucking relationship. I hate it! I hate how I loved Farrah so much where in all she ever wanted was Dave. She was very clear to me from the very beginning about this but I didn't mind thinking that she will fall in love with me sooner or later. I agreed to be her rebound. I knew that she was already falling for me, too. But then, all of a sudden, stupid bitch Janina broke up with Dave which made Farrah to put all of her hopes up again for Dave. She left me. She courted Dave. I can't believe that girls are the ones who asks boys out now. Is Dave that handsome?! And am I that ugly?! It turned out that she never actually loved me. She just used me to get Dave jealous. But it didn't work out. Dave was so focused with his relationship with the school's top bitch, Janina. But why the hell did they broke up? And why should my growing relationship with Farrah be part of the fucking break up? Fuck this! I'll do anything to get back what's mine!

But something actually bothered me. The moment I saw the bitch at the special enrollment, she looked the same but acted different. She was speaking in pure Tagalog. I never thought she had the ability to do that. It's also the first time I saw her without a box of cigarrettes in her hand. She's supposed to be a chain smoker. Did she just had a change of heart? She even fell on top of me. For a second there, I thought she was trying to seduce me like what she did to Dave and to all the other boys she slept with. But then, I was looking at her eyes trying to trace her evil plans but all I noticed was that she looked a lot younger and.. innocent? Maybe it's just part of her evil plans. She's good at that. I must be really careful.

This girl is dangerous.

***

• ALYNNA MARIE PAREDES •

[5th Floor - Millenium Heights Condominium]

Nagsimula na ang personality development classes ko upang maging classy at elite. Kala ko naman ay papasok ako sa kung saang school, buti nalang hindi pala. Si Shibs lang pala ang magtuturo sa akin. Si Caloy naman, minsan ko nalang ulit siya makita kasi busy siya na trabaho niya.

Nakaupo kami ngayon sa parang study area at pinabasa niya sa akin lahat ng klase ng books para maging kilos beauty queen kuno daw ako. Kunwari nalang binabasa ko pero sa totoo, dinadaanan lang ng mga mata ko. Eh kasi naman! Nakakaantok kaya!

"Let's go?"

"Ha? Saan?"

"Sa practical lessons mo! Di ka pwedeng magbasa lang diyan forever! Wala kang matututunan!"

"Ahh.. Ganun ba. O sige sige."

"So are you ready to be a princess?" Nakangiti na sinabi ni Shibs. Gwapo talaga sana siya kung naging lalaki lang siya. Sayang!

"Princess?"

"Yes. Dear! Ikaw ang princess in ECB! You have a group of rich and beautiful girls called 'The Royals'. At ikaw ang leader!"

"HUWAT?!! LEADER AKO? PANO KO NAMAN MAGAGAMPANAN YUN NG MAAYOS? NAKU PO!"

"It's okay! Kaya nga tayo magaaral di ba? Tuturuan kita paano kumilos prinsesa. It's easy lang naman! You just have to be very confident. Isipin mo lagi na ikaw ang pinaka maganda sa kanilang lahat. Which is true naman!"

"Ah eh, mahiyain kasi ako."

"Masasanay ka din! And wait dear! May usual reaction pala si Janina. She used to say 'OMG' and 'Oh Em' a lot. So you have to practice that also."

"OMG? Oh Em?"

"Yuppp! And everytime she says that, finiflip nya buhok niya. Try it!"

"OMG! Oh Em!" Sinabi ko sabay flip ng buhok ko papunta sa likod. Anong klaseng habit ba naman ito!

"Greaaaat! You look exactly like her na!"

"Ah edi.. Lagi ko sasabihin iyon?"

"Umm, yeah. Masasanay ka din girl! Don't you worry. Now let's proceed to your practical lessons."

Kumuha si Shibama ng iPod at may pinatugtog na kanta.

"Bakit may kanta?"

"Kasi like Barbie, all of your lessons and all of what you need to learn are all in one song! Isn't it cool?"

"HA? Pano naman nangyari yun?"

"Let me show you! Hihihi!"

Bigla akong hinila ni Shibama patayo floor area sa loob ng condo namin at nagsimula siyang kumanta. Sinasabayan niya ang kumakanta sa music.

"Now remember:

No nagging, bragging, sweating, fretting, slipping, tripping,

Slurping, burping, twittering or frittering allowed.

Stay Present, stay pleasant, stay proud."

Tumango tango nalang ako na parang makina. Hindi ko naman kasi alam ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya. Basta ang ibig sabihin siguro nun ay stay classy! Oo! Yun na yun! Keri ko na yun!

♪ To be a princess

Is to know which spoon to use ♫

Hala! Nagulat ako! Dinala ako ni Shibs sa may dining area. Ang daming iba't ibang klaseng kutsara! Ano ba kasi yun? Pwede bang magkamay nalang!

♪ To be a princess

Is to own a thousand pairs of shoes ♫

Dinala naman niya ako ngayon sa cabinet na punong puno ng sobrang gagandang sapatos. Ang tataas ng heels at mukhang mga mamahalin talaga! Bigla niyang sinuot sa akin ito at hinila ako ulit. Muntik akong madapa! Ang taas! Ilang inches naman kaya to?! 7? 10?

♪ To maintain a regal gait

Leave the parsley on your plate

And be charming but detached

And yet amused ♫

Ang bilis niya magturo. Hindi ko na talaga naiintindihan. Ang sakit sakit pa ng paa ko. Puputok na yata mga muscles ko!!!

♪ To be a princess

Is to never be confused ♫

Confused? Eh hilong hilo na nga ako ngayon palang eh! Information overload na itey!!!

♪ Do a plié and never fall

Don't ever stray from protocol

All through the day

There's just one way

You must behave ♫

Behave? Bakit mukha ba akong gagawa ng kalokohan? Matino naman akong tao noh! Unless siguro may umaway sa akin! Humanda siya!

♪ Do keep a grip and never crack

Stiff upper lip and arch the back

Bend from above

And always wear your gloves

And wave ♫

Aray! Aray! Kailangan ba naman daw korteng 'C' yung likod? Ano ba silbi nun? Para mukhang malaki ang dede? Edi sana nilagyan nalang ng extrang pandesal! Hay nako itong mga mayayaman talaga! Maliliit lang ang kokote! Tss!

♪ Shoulders back and

Tummy in and

Pinky out and

Lift the chin and

Slowly turn the head from side to side ♫

At akalain mong may head turning pa? Baka naman mapugutan ako nito! Grabe! Ang hirap naman! Mas mahirap pa maging mayaman kesa maging mahirap!

♪ Breathing gently

Stepping lightly

Smile brightly

Nod politely

Never show a thing you feel inside ♫

May tamang paghinga pa?! Tapos kailangan daw magsmile kahit malungkot? Anak ng! Walang kalayaan! Ayoko na!!!

♪ To be a princess

Is to always look your best

To be a princess

Is to never get to rest ♫

Hala? Makatarungan pa ba yon? Walang pahinga?! Buti pa kaming mahihirap 8 hours lang ang work!!!

♪ Sit for a portrait, never squirm

Sleep on a mattress extra firm

Speak and be clever

Never at a loss for words

Curtsy to every count and lord

Learn how to play the harpsichord

Sing lullabies and always harmonize in thirds ♫

At kailangan ko pang matuto ng musical instruments?! Bakit? Magiging singer din ba ako? Magaaral lang ako oy!

♪ She has beautiful eyes

Your spirits rise

When she walks in the room

Doors close

And the chemistry grows

She's like a rose

That's forever in bloom ♫

Ito gets ko to! Kailangan lagi akong blooming at maganda! Hindi na ako kinabahan dito! Andito naman si Shibama lagi eh! Siya na ang bahala magpaganda sa akin. Keri!

♪ To be a princess

Is to never make your bed

To be a princess

Is to always use your head ♫

Aba! Kailangan din pala gumamit ng utak. Kala ko puro sosyalan lang. Okay na! Kaya ko naman na yata! Goodluck nalang sa akin sa pasukan! Para sa pagaaral! Para maging maganda ang future! Kakayanin ko!

GAME FACE ON.

***

First day ng classes ngayon. Maaga akong gumising. Sinearch ko ang background ng ECB at kung ano ano pa tungkol sa school para di naman ako mag mukhang eng eng mamaya. Sinearch ko din ang pangalan ni Sky Anderson. Nalaman ko na leader din siya ng isang group sa school puro boys naman. Kung yung akin na all girls ay 'The Royals', yung kanya naman 'The Vengeance'. Ang grupo naming dalawa pala ang pinaka sikat sa buong ECB! Lahat ng gustuhin ng grupo namin ay natutupad. Sino sino naman kaya yung mga members ng grupo ko? Bakit naman kasi group leaders lang yung nasa internet. Hmmm.

Kinulot nanaman ni Shibama ang buhok ko at nilagay sa isang side lang. Tinirintas din niya ako na parang head band. Ang ganda tignan. Pinasuot nanaman niya ako ng dress na mukhang bastusin at sobrang mabibigat na gintong alahas. Hay nako! Siguro nga dapat masanay na ako dito. Wedge nalang ulit pinasuot niya kasi hiniling ko na yun nalang lagi kasi mas hindi sumasakit ang paa ko doon. Buti pumayag naman siya.

Ang tagal niya akong inayusan. 8 AM ang unang klase ko pero 8:30 AM na ang oras.

"Uy shibs late na ko!"

"It's okay! Laging late si Janina. Pero hindi binabawasan ang grades niya because she is the amazing Janina F!"

"Grabe naman. So lagi din ako magpapalate?"

"Oo. You're going to be Janina nga diba?"

"Ah oo nga naman."

"Sige na! You're done! You're so pretty na! Go to school na and enjoy your first day!"

"Thanks, Shibs."

***

[Eastville College of Business]

Pagpasok ko palang sa school ay may bumati sa akin na mga babae. Ang gaganda din nila. Nakipagbeso beso pa sila sa akin. Hindi ko sila kilala pero nagsmile nalang din ako.

"Girl!!! What's wrong?! Why so stiff?! Didn't you miss us?" - Girl 1

"Yeah?! Janina our princess! Why so tulala?! helloooooooooo?!" - Girl 2

"Ah. OMG! Oh Em! I missed you too! Sino nga kayo?" Pabiro kong sinabi sabay flip ng buhok tulad ng sinabi ni Shibama. Sana hindi nila mahalata.

"I'm the pretty Debbie Corazon! Hihihi! You're best friend!"

"And I am the prettier Karen Tomas! You're real BFF! Fake lang yan si Debs noh!"

"And we are 'The Royals'!!!!" Sabay nilang sinigaw. Mga adik yata to. Makasigaw parang walang nagkaklase.

"Haha! Just testing you. Testing hehehehe." At least ngayon kilala ko na sila.

"Parang nagiba accent mo girl?" - Debbie

"Yeah? Sinasadya mo ba?! It's cute! Mukhang innocent!" - Karen

"Ah yes yes ehehehe. Magtatagalog din ako from now on!" Sinakyan ko nalang sila. Bahala na.

"Change of heart?! Dahil ba sa break up mo with Dave?! Sige! Kami din! Tatagalog na din us! Anything you want, Janina!"

"May isa pa akong request. Ynna nalang ako itawag niyo sa akin. Y-N-N-A. Yun nalang ang bago kong palayaw."

"Sure Ynna!!!" Sabay nilang sinabi. Mabilis pala sila kausap.

Nakakatuwa. Lahat ng gusto ko sinusunod nila. Bossing na bossing ang peg. Mas okay na ito. Para kahit papaano maramdaman ko pa rin na ako si Ynna. Wala naman sa rules ni Janina na hindi ko siya pwedeng lagyan ng palayaw eh.

"Paki sabi na din sa lahat ng kakilala niyo na Ynna nalang ang itawag sa akin. Isang taon lang naman! Next year Janina na ulit ang gusto kong name."

"Sure Ynna!!!" Sabay ulit nilang sinabi. Nakakatawa.

"Ah.. Hindi pa ba tayo papasok?"

"Not until you tell us why you broke up with Davey!!!" - Debbie

"Yes! Oo nga! Tell us! What happened?!" - Karen

"Nagsawa na ako sa kanya. Hehehe." Nako sana pasado itong naging sagot ko. Ano nga ba kasi ang dahilan? Hindi ko naman alam.

"Ummm. Okay. But is it okay with you seeing him with Farrah now? Your greatest enemy against Dave's attention?" Tanong ni Debbie sabay turo sa magsyotang naghahalikan sa labas ng classroom. Yucky.

Sila pala si Dave at Farrah. Ang gwapo at ang ganda pa naman. Pero bakit wala sila sa klase? Bakit yan ang ginagawa nila? Nakakapangilabot. Nakita ko na tinitigan ako ni Farrah ng matalim at si Dave? Nakatingin siya sa akin na parang nalilito siya na nakikita niya ako ngayon. Bigla niyang iniwan si Farrah at lumapit papunta sa kinaroroonan ko! Lagot! Ano nang gagawin ko!

"Look who's here?! MY EX GIRLFRIEND!" Matalim ang mga titig niya sa akin. Nakakatakot!

Tinignan ko lang siya ng blanko at hindi ako sumagot. Hindi ko naman alam kasi ang isasagot.

"I thought you have a modelling career in NYC? I told you, hindi ka papayagan."

"Hindi nga."

"Well, sorry, but hindi ka na pwedeng makipagbalikan sa akin. I am dating your greatest enemy now. And I realized that she's the one I really love." Parang nangaasar ang tono niya.

Biglang pumulupot sa kanya yung Farrah at naghalikan ba naman sa harapan ko! Anong kala nila? Magseselos ako? Eh hindi ko nga sila kilala eh. Nagwalkout nalang ako at hinayaan ko silang maghalikan. Pag alis ko ay sinabi ni Debbie na tumigil na daw sila sa paghahalikan. Ang galing ko daw. Hindi daw halata sa mukha ko na nagseselos ako. Hindi daw effective yung pagpapaselos effect ni Dave gamit ang greatest enemy ko. Pano naman kasi ako magseselos. Hindi ko sila kilala. Pero isa lang ang kinatakot ko, alam ni Dave na may offer si Janina sa NYC. Baka malaman niya na lumipad talaga si Janina sa New York. Baka malaman niya ang mga plano ni Janina. Dapat mas lalo kong ayusin ang pagpapanggap. Baka mahuli ako ni Dave na peke lang ako.

Kailangan kong galingan.

Hindi biro itong napasok ko.

***

Pumasok na ako sa unang klase ko. Punong puno na ang mga upuan. Pero may upuan sa likod ng klase na may nakaukit na "JANINA F." kaya naman umupo agad ako dun. Malamang sa malamang akin yun. Nagsorry pa ako dun sa professor kasi late ako tapos nagulat silang lahat na nagsorry ako. Ano ba yun? Hindi ba marunong magsorry si Janina? Ay grabe. Wala ba siyang manners?!

Medyo tumabingi yung wedge ko kaya naman muntik na akong mahulog.

"Ay anak ng pitong hampaslupa!" Bigla kong nasabi.

Nagulat ako sa mga reaksyon nila. Nagulat din ako sa nasabi ko. Sobrang hindi classy! Nakakahiya! Baka may makahalata!

"Just making you laugh! Hehehe! OMG! Oh Em!" Sinabi ko habang papunta sa upuan ko sabay flip ng buhok ko.

Tumawa yung buong klase pati na rin yung professor. May nakakatawang side din daw pala ako. Bakit daw ngayon ko lang ipinakita. Sana nailusot ko yun. Nako naman! Ang hiraaaap! Tumingin ako sa paligid at lahat sila tumatawa pero nang napatingin ako sa kanan ko, may isang lalaking nakasimangot na nakaupo sa pinaka kanan ng classroom malapit sa pintuan. Si Sky Anderson. Problema nun?

***

Lunch time kaya naman sinundo ako nila Karen at Debbie sa classroom ko. Okay din pala kung may friends ka na agad. Hindi na ako maninibago at maghahanap ng upuan sa cafeteria. Kasi may mga tao nang nagreserve para sa akin. Ang mga kabarkada ko sa The Royals. Nakakatawa kasi iisa lang ang pink na table sa canteen at may nakaukit nanaman na 'The Royals'. Sobrang special pala ni Janina sa ECB. Lahat yata ng lugar ay may personal siyang puwesto.

Hinila na nila ako para pumila sa counter kung saan pipili na kami ng pagkain namin. Kakaiba yung mga pagkain. Hindi ko naman kilala yung mga yun. Parang french pa yung mga tawag. Hindi ko maintindihan ang itsura at pagkakabigkas. Meron pang spaghetti na green. Ano naman kaya yun? Kadiri. Isa lang ang pagkain na kilala ko at yun ang spaghetti na red. Napagdesisyunan ko na yung nalang ako bibilhin ko. Sasabihin ko na sana sa ate na yun ang bibilhin ko nang may biglang may sumingit na lalaki sa pila.

"Isang Bolognese!"

Nakita ko na kinuha ni ate ang nagiisa nalang na serving ng spaghetti na red at akmang ibibigay na sa sumingit na lalaki.

"HOY! Singit ka ha! Akin yan! Yan ang order ko!" Sigaw ko. Hindi na ako nakapagpigil. Nakakainis siya!

Pagharap sa akin ng lalaki ay nakita kong siya pala si Sky Anderson. Si Sky na galit na galit sa akin nung enrollment. Si Sky na masama ang tingin sa akin kanina sa classroom. Ano ito? Sinasadya ba niya to? Ito lang pa naman ang pagkain na gusto ko at alam kong kainin sa mga ulam ngayon! At ako kaya yung nauna! Singit siya eh!!!

"Sorry Ynna but I got it first!" Tumawa siya ng nakakaloko. Nakakainis!

"Anong tinawag mo sakin?"

"Ynna? Didn't you say to your royals that you want it announced to the whole ECB that you want it to be your nickname for one whole school year? Oh, but 'bitch' fits you more. Or 'whore'!"

Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng mga sinabi niya pero halatang nang iinsulto siya. Ang sama! Lumingon ako kay ate na nagtitinda.

"Ate! Nakita mo naman na nakapila na ako ng maayos. Ako ang karapatdapat sa spaghetti na iyan."

Nakita ko na natatakot ang mukha ni ate. Yung mga ibang students naman pumaikot sa amin ni Sky. Yung iba ay itinigil pa ang pagkain nila para lang makichismis sa mga nangyayari. Naririnig ko ang mga chismisan nila.

"Hala! War ito!"

"Oo nga! Mga leaders ng influential groups ng ECB! Magbabanggaan!"

"OMG! The Royals vs The Vengeance!"

"This is going to be exciting! It's a gender war!"

"Sino kaya ang makakakuha ng spag?!"

"Team Ynna ako!"

"Team Sky naman ako!"

"Pustahan dali 1000! Ano?"

"Suuree!!"

Grabe naman itong mga estudyanteng ito. Pinagpupustahan ba naman kami? Adik lang. Kukunin ko na sana yung spaghetti sa mesa pero biglang kinuha din ni Sky. Pareho kami ngayon na nakahawak sa spaghetti.

"Hep! Hep! Bidding nalang!" Sumigaw ba naman si Karen.

Pagtapos sumigaw ni Karen ay sumangayon naman ang mga ibang schoolmates! Gumawa pa sila ng chant na "BIDDING! BIDDING! BIDDING!". Nakita ko na ngumisi lang si Sky. Mukhang handa siya makipagbidding sa spaghetti. Lagot na. Ano ba itong napasukan ko.

"Fine. I'll get it for 1000 pesos." Sabi ni Sky.

Grabe! Bibili siya ng spaghetti na 1000 pesos ang halaga? Anong klaseng spaghetti ba to? May ginto? Pero hindi ako pwedeng magpatalo. Hindi ko pwede sirain ang imahe ni Janina sa pagtitipid ko. Tinignan ko ang wallet ko at may nakita akong 5000 pesos. Yun nga pala ang sinabi ni Janina noon. Na may 5000 pesos akong allowance araw araw. Sakto!

"I'll get it for 1500 pesos!" Sinabi ko na tila ginagaya ang accent ni Sky.

"2000 pesos"

"2500!"

"3000."

"3500!!!!"

"4000!"

"4500!!!!!!!"

"5000."

Nako, wala na akong panglaban. 5000 pesos lang pera ko.

"Fine nanalo ka na. Hindi naman kasi ako uto uto para bumili ng 5000 pesos na spaghetti!"

"I. STILL. WON." Pangasar niyang sinabi habang binabayad ang 5000 pesos sa tindera. Grabe! Sayang! Yung tindera naman, tuwang tuwa.

Pumili nalang ako ng ibang pagkain. Bahala na kung hindi masarap. Nakakainis! Sobrang kumukulo ang dugo ko sa Sky na yan! Ang sarap wrestlingin! Tapos habang pumipili ako ay ayaw pa talaga umalis. Nakangisi pa! Grrr!

Pero nawala din agad ang ngisi niya noong biglang pumasok sa cafeteria si Farrah at Dave na tila sweet na sweet sa isa't isa. Masyado yata talaga siyang nasaktan sa naging paghihiwalay nila nung Farrah. Kawawa din. Pero dapat hindi niya binabaling sa akin yung pagiging heart broken niya noh! At yung Dave naman, nakangisi sa akin sabay halik kay Farrah. Kala yata niya magseselos ako. Nakakatawa siya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin sa akin si Sky para malaman ang reaksyon ko sa nakita ko. Pero hindi ko naman alam ang irereaksyon ko kaya tinignan ko nalang siya at nagsmile ako sabay biglang kuha ng tinidor at sumubo ako ng konting spaghetti galing sa plato nila. Bwahaha!

"Mmm! Sarap! Ang mahal pa naman ng spaghetti na to!" Pangaasar ko sa kanya sabay alis kasama ni Debbie at Karen pabalik sa mesa naming pink.

Kala niya ha! Nakakatawa mukha niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita niyang ginawa ko.

Hindi maipinta reaksyon niya.

Nakaganti rin sa wakas! Wahaha!