Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 10 - Chapter 6.3 - Missions

Chapter 10 - Chapter 6.3 - Missions

• SKY JAMES ANDERSON •

[The Vengeance Room]

The announcement yesterday was a success. Everyone believed that Ynna and I are really together now. Farrah and Dave's reactions were really funny. It made my day. My plan is working too early.

I'm loving it.

Ynna's reactions was priceless, too. I can tell that she is really a good actress. She looked like she's just been kissed for the first time in her life. What a bitch.

We are now sitted on The Vengeance room located at the 5th floor of ECB. It's an exclusive room for us. We do our meetings here.

"GRABE PRE! IKAW NA TALAGA!"

"OO NGA BRO! WALA KANG KATULAD!"

"IDOL KA TALAGA NAMIN!"

"WAGAS E!!!"

"BAGAY TALAGA KAYO NI YNNA!"

"Tama na nga." I stopped Dwight and Erick from shouting. Crazy bastards.

"WHAT DID YOU SAY?!!!!!"

"NAGTAGALOG SI SKY!!!!"

"HALLELUJAH!!!!"

"IS THIS A DREAM?!!!"

"DREAMS DO COME TRUE PRE!"

"HAHAHAHAHA!!!!"

"Ha. Ha. Ha. Funny." I said, irritated.

Weird.

I think I am kind of getting used to speaking in Tagalog. Whenever I'm with Ynna, she never speaks in English. Nahahawa na yata ako. See? Another Tagalog out of nowhere. Crap.

I really don't know why Ynna is suddenly a master in speaking the language. I never heard her speaking in Tagalog before. Maybe she took up lessons. Or maybe because I never really get to know her. I never had the chance to talk to her. And I never actually wanted a chance. I hate her.

But I think that being with Ynna could be really a great help for me to master the language. I really would like to learn it, too, so that I can comminicate appropriately to everyone. Hindi rin kasi maganda puro English lang ang alam. Minsan naloloko din pag walang alam. Kaya pumayag din ako na magtagalog kay Ynna.

Kung kaya ng isang Janina Fortaleza magtagalog despite her position in this school and in this country, kaya ko rin. If she's fluent, I can be fluent, too.

"So, what's the plan?" Asked Erick. Dwight is still laughing like a retard.

"Plan?"

"Yup. Plan."

"I don't get it."

"Oh, so you didn't plan it?"

"Just go to the point. What is it?" I cut the drama.

"Okay. So all of what you did, you didn't do that on purpose?"

"Of course I did. I was making Farrah jealous."

"That's all?"

"Ugh, yeah?"

"It's crazy. Masyado ka yatang nag effort kay Ynna. You never did that to Farrah."

"Nah. I just want Farrah back. Fast. I can't stand being with Ynna for too long."

"Really huh?"

"What the hell?"

"I really thought you were making the bitch fall in love with you."

"Yuck."

*After 5 minutes*

"BINGO!" Dwight said after he recovered from his laughing spree.

"What again?"

"Huwag niyo nga akong minamaliiit! Kung dati, mas maganda ang plan ni Erick, ngayon, mas maganda yung akin!"

"Spill it, then." challenged Erick.

"Sa isang kundisyon."

"Tss." I said as Erick and I were about to leave.

"Sige na sige na! Sasabihin na nga! Mga KJ!"

"We're waiting." - Erick

"Okay. Kung dati, win win situation lang. Ngayon, magiging, WIN WIN WIN WIN!" Dwight happily said. Retard.

"The hell?" I said.

"How come?" Erick asked. Looking worried.

"Okay. Here it goes. These are going to be your missions:

WIN #1: You are going to make Ynna your slave girlfriend.

WIN #2: You are going to get Farrah Back.

WIN #3: You're gonna hurt Dave because you're with Ynna. Remember? Si Ynna lang naman talaga ang gusto ni Dave. Not Farrah. It's very clear na rebound niya lang si Farrah. Si Farrah naman, pumayag agad. Masyado kasing inlababo e!

And lastly... Drum roll...

WIN #4: You will make Ynna fall in love with you. And kapag nainlove na siya, you will leave her. And boom! You just broke the school's top bitch's heart.

So.. Who's the winner this time?"

I was speechless.

Really speachless.

Wow.

I never thought that this fake relationship with Ynna would ever turn out to be blessings in disguise for me.

Fuck.

I'm excited.

"Man, are you sure with that?" Erick said like he's not agreeing to what Dwight just offered.

"Ang galing ko kaya!!!!" - Dwight

"What do you think, man?" Erick asked me.

"I'll give it a try." I said with a smirk.

"You think it'll work?"

"HELLO! HE IS SKY ANDERSON!" - Dwight

"But she is Janina Fortaleza. FOR. TA. LE. ZA." - Erick

"That's why I said I'm giving it a try, assholes."

"BLEH!!!" - Dwight

"There's nothing to lose anyway." I added.

"But what if she didn't fall in love?" Asked Dwight.

"That's not a problem."

"But what if YOU fall in love?" Asked Erick seriously.

"Not going to happen."

"Edi mas maganda kung mafafall nalang sila sa isa't isa. Para WIN WIN WIN WIN WIN na!" - Dwight

"Never. I said it's Farrah."

Silence...

"Okay. Sabi mo eh. Pag natapos kontrata niyo, liligawan ko si Ynna ha?" - Erick

"Oo nga. Ako din. May the best man win satin, man!" - Dwight to Erick.

"WHAT?!" I suddenly said aloud.

Silence again...

I can see their surprised look on their faces.

What did I just do?

"Whoa!!! Joke lang bro!"

"HAHAHAHA!!!!"

"Chill! Peace tayo man!"

"HAHAHAHAHAHA!!!!"

"Sige una na ako may klase pa ako."

"Ako rin may klase pa. Bye bro!"

"HAHAHAHAHA!!!!!"

They patted me on the back and hurriedly went outside the room. Still laughing.

Fuck.

I was just surprised.

What?!

I'm just shocked about their interest with Ynna.

There's nothing more than just being shocked.

Of all people..

Of all beautiful girls in ECB..

Why Ynna?

Why do they like Ynna?

The thought of seeing them courting Ynna gave me chills.

Creepy.

***

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Nakatulala lang ako sa kwarto ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naganap. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Parang hindi totoo lahat. Parang ilusyon lang.

Nakatitig lang ako sa mga flowers na nilagay na ni Shibama sa vase. Mga flowers galing kay Sky. Pag naiisip ko ang mga nangyari nung announcement sa auditorium, hindi ko maiwasang mapangiti.

Baliw na ba ako?

'Baliw kay Sky.' May maliit na boses nanaman na biglang sumisingit sa isip ko.

Pwe! Hindi noh! Ang sama sama ng ugali nun eh. Bumusangot ako bigla.

"Ayieeee. Kilig si girlaloo!" Biglang nagsalita si Shibama. Oo nga pala, nandito siya sa kwarto. Inaayusan nga pala niya ako.

"H-ha?"

"Ganyan talaga ang kinikilig girl! Minsan nakangiti. Minsan nakabusangot. Hihihi."

"Hindi ako kinikilig noh!"

"Eh bakit ka nakangiti kanina habang nakatingin sa flowers na binigay sayo ni papa Sky? Yiiiee."

Kiniliti ako ni Shibama kaya naman napatawa ako.

"Baliw ka. Sinabi ko naman na sayo di ba? Fake lang yun."

"Fake fake your face. Arte niyo pa kasi eh. Pa contract contract pa!"

"Baliw ka talagang bakla ka!"

"Bakla nga ako but I am not crazy. I know what I'm saying girl!"

"Che!"

Inasar pa ako ng inasar ni Shibama hanggang sa matapos na niya akong ayusan. Hinayaan ko nalang siya kasi mukhang hindi naman siya magpapatalo. Kinukunsinti pa niya yung pekeng relasyon namin. Pasaway talaga ang bruha. Imbis na pigilan niya ako, siya pa itong kilig na kilig. Ako kaya? Kelan ko kaya mararanasan yung kilig na galing sa taong mamahalin ko? Nah! Bakit ko ba ito iniisip. Pagaaral lang ang ipinunta ko dito sa Maynila. Nahahawa na yata ako kina Debbie at Karen. Patay. Tsk.

Naka red party sleeveless dress at black velvet wedges ako. Naka kulot din ang buhok ko at naka red lipstick. Ang ganda ko. Feeling ko kamukha ko si Anne Curtis. At si Shibama si Vice Ganda. Wahaha!

Hindi ko inaasahan ang nakita ko paglabas ko ng kwarto.

Nakabungad nanaman kasi si papa Sky, este Sky, sa akin.

Kung kanina eh gandang ganda ko sa sarili ko, ngayong nakita ko na si Sky ulit, bakit parang mas maganda siya sa akin? Ang perpekto niya kasi. Tisoy na tisoy. Ang galing pa niyang manamit. Kahit simple lang ang suot niya na white shirt at shorts tapos rubber shoes ay maglalaway ka talaga. Napalunok ako. Ang gwapo talaga. Nakakagigil!

Waaaahhhh!!

Ito nanaman eh.

Ano ba kasi itong mga pinagsasabi ko?

Ang dumi na yata ng utak ko.

Hindi ko alam na malandi pala ako?

May itinatago pala akong landi.

Ngayon lang ito lumabas sa Maynila.

Mahirap palang magpigil ng landi kapag may gwapo!

Tapos boyfriend mo pa kuno!

Hayahay! Este, hay!

Landi mo, Ynna!

Hindi ko namalayan na nakatulala lang pala ako ng matagal tagal na. At ang magaling na si Sky, nakangisi sa akin. Tinignan ko si Shibama at nakangisi din siya. Nag-usap ba sila? May nakakatawa ba? Sobra ba akong halata na tinitigan ko si Sky?

"Come on, baby." Lumapit si Sky at isinara ang bibig ko na kanina pa pala nakanganga!

NAKANGANGA!

Waaaahhh!!!

Kakahiya!

Kaya pala sila nakangisi!

Tinulak ako ni Shibama kaya naman bigla akong napayakap kay Sky. Itulak ba naman ako? Grr! Laking gulat ko nang niyakap naman niya ako pabalik. Ang higpit ng yakap niya. Ang init ng katawan niya. Wow. Ang tigas ng abs.. Wow. Wow. Wow. Waaah! Mali! Mali! Hindi ko dapat iniisip ang abs niya. Masama siya. Kaaway ko siya!

Kumalas ako bigla.

"Hoy!"

"What?"

"Bakit mo ko niyakap?" Ramdam ko na ang pula pula ko na.

"Because I care for you? Kapag hindi kita niyakap mahuhulog ka sa sahig."

"Tss. Bakit mo pa kasi ako sinusundo! Nasa baba lang ang school natin!"

"Wag kang masyadong bossy baby. Nababawasan beauty mo."

"Wala kong paki!"

"Woot! Wag masyado ipahalata ang kilig!" Sigaw ni Shibama na kitang kita na kilig na kilig sa paguusap namin ni Sky.

"Shibama!" Pagsaway ko.

Nag-peace sign lang siya at nagsmile. Grr!

"Hoy!" Humarap ako kay Sky na nakasmirk. "Ayokong sinusundo mo ako dito ha! Hindi ako sasama sa iyo!" Inis kong sinabi.

"But why?"

"Ang kontrata natin ay mag BF GF tayo para pagselosin si Farrah. At walang Farrah dito kaya mauna ka na at sa school natin ipagpatuloy ang mission natin. Okay?"

"NO."

"YES!"

"NO."

"YES!"

"NO!"

"YE---AAAAH!" Bigla akong binuhat ni Sky palabas ng condo ko. Tinignan ko si Shibama para humingi ng tulong pero kilig na kilig lang ang bakla. Siya pa talaga ang nagbukas at nagsara ng pinto para bigyang daan ang paglabas namin ni Sky. Bruhildo!!!

Sinubukan ko namang sabunutan si Sky pero magaling siya umiwas. Ang lakas lakas din niya. Parang hindi niya iniinda ang bigat ko.

Hanggang sa elevator at hanggang sa paglalakad papuntang gate ng ECB ay buhat buhat niya lang ako. Ni hindi man lang siya pinagpawisan. Ganito ba ako kapayat? Kailangan ko na yatang mas kumain pa ng madami.

Napagod na ako kakalikot at kakagalaw para ibaba niya ako. Baka kasi mahulog din ako kaya naman hinayaan ko nalang siya. Bahala siya sa buhay niya. Hmp!

***

[Eastville College of Business]

Nakarating kami sa loob ng ECB nang buhat buhat pa rin niya ako. Seryoso? Hindi ba siya napapagod?

At as usual, nakarinig nanaman ako ng mga chismisan ng mga fans at haters naming dalawa ni Sky.

"Kilig much!!!! Buhat effect talaga?"

"Oo nga! Never ginawa yan ni Sky kay Farrah!"

"He must be really serious with Ynna!"

"Tamang tama sila rin ang lalaban na Mr. And Ms. ECB right?"

"Yes! Muse and escort!"

"Sila rin ang leaders ng The Vengeance at The Royals!"

"Sila rin ang volleyball and basketball captains!"

"Super perfect couple talaga nila!"

A-ano daw? Teka. Wait. Information overload. Anong lalaban? Anong muse? Anong captain?

Binaba ako ni Sky sa pink table na tambayan namin ng The Royals. Kung ang tambayan ng The Vengeance ay ang black room sa 5th floor, ang tamabayan naming mga The Royals ay ang pink room sa tabi ng garden.

*EEEEEEEEEEEEEEEEEE*

*OMGOMGOMGOMGOMG*

*EEEEEEEEEEEEEEEEEE*

*OMGOMGOMGOMGOMG*

"Huy! Anong bang tinitili tili niyo diyan?"

"Sweet niyo kasi eh! Kakainggit tuloy!" - Karen

"Oo nga! Gosh!!!! I need a boyfriend like Sky!" - Debbie

Tinignan ko si Sky at tila mukhang bored lang siya. Nakahawak din ang kanang kamay niya sa tenga niya. Alam na. Nabingi nanaman. Well, kung magiging girlfriend niya ako, dapat masanay na talaga siya sa mga tili ni Debbie at Karen.

Nang nakarecover na sila sa kilig ay humarap sila sa akin.

"Maiba nga ako. Are you ready for the game on Monday?" Tanong ni Debbie... Sa.. Akin?

"Ako?" tinignan ko si Karen. Baka siya kasi ang kinakausap. Umiling siya.

Oh no.

Ako nga.

"OMG! Oh Em! Anong game? Baka nalimutan ko?" Palusot ko. Siyempre nagflip ako ng hair.

"Volleyball! Duh!" Sabay sinabi ng The Royals.

"OMG! yeah. Oh Em! How can I forgot?" Lagot. Anong game kaya ito? Nako naman!

"And you know what's interestesting?" Tanong ni Karen. Kita ko sa mukha niya na naeexcite siya sa sasabihin niya.

"Ano?"

"Kalaban mo ang team ni Farrah!!!!" Sabay nanaman nilang sinabi.

"A-ano kamo?!"

"Lampasuhin mo yun girl! Di yun makakapoint sayo!" - Debbie

"Tama! Spike mo siya sa mukha! Hahahaha!" - Karen

"HAHAHAHAHA!!!!" Sabay silang nagtawanan.

Tinignan ko si Sky, nagyoyosi siya, pero hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya. Galit yata? Kasi naman eh, sabihan ba naman na ispike ko sa mukha ang pinakamamahal na Farrah niya. Sinong di magagalit?

***

Pauwi na kami at magkaholding hands nanaman kami ni Sky. Pero seryoso talaga ang mukha niya. At hindi man lang niya ako kinakausap. Nakakatakot siya. Grabe naman ang pagmamahal niya kay Farrah. Siya na! Siya na ang may great love for Farrah.

"You." Tumingin siya sa akin nang makarating na kami sa pinto ng condo ko.

"Ano?"

"Magpatalo ka."

"Ano?!"

"Tsk. Magpatalo ka sa Monday. Ang team ni Farrah ang dapat manalo."

"Bakit?"

"She always wanted to beat you and your team. Make this dream of her come true tomorrow. You can't say no. This is an order." At bigla nang umalis si Sky pababa ng elevator.

Bago sumara ang elevator ay nakita kong nakatitig siya ng malamig sa akin.

Wow.

Grabe siya. Gusto niyang magpatalo ako para sumaya yung Farrah niya? Ayaw ba niyang manalo nalang yung Farrah sa tamang paraan? Parang wala din naman kasing silbi kung mananalo ka nga, pero kinunchaba lang ng ex mo yung makakalaban mo. Walang hustisya ang pagkapanalo niya nun.

Eh, bahala na nga sila.

Pero teka..

Volleyball?

Ano ba yun?