Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 9 - Chapter 6.2 - Hold Up

Chapter 9 - Chapter 6.2 - Hold Up

[Eastville College  of Business]

Pagdating namin sa ECB. All eyes on us. Kasi ba naman, kahapon nakita nila kaming holding hands while walking. Ngayon, HHWW ulit kami. Nakakahalata na yata sila na may something na sa amin eh. Sikat na sikat pa naman kaming dalawa sa school kaya imposibleng hindi pagusapan kahit ang mga maliliit lang na kilos namin. At eto na nga, narinig ko na ang mga chismosa ng bayan.

"OMG! Si Sky at si Ynna na ba?!"

"LOOK!!! Holding hands sila!!!"

"Sinasabi ko na nga ba! Kaya di nila nagawa yung assignment before kasi iba ginagawa nila!"

"Gosh! They're so liberated!"

"Ewww! Di ba nila alam ang 3-month rule?"

"I wish I was Ynna!"

"Me too!"

"Sana ako na next sa mga naka line up kay papa Sky!"

"Ako kaya ang next!"

"Ako! Ako! Ako!"

Grabe naman itong mga babaeng ito. May pa-line up line up pang nalalaman. Ano bang kala nila kay Sky? Kuhaan ng NBI clearance?! At iniisip pa rin talaga nila na may nangyari sa amin ni Sky kaya hindi namin nagawa yung assignment. Ang dudumi talaga ng utak. Kahit naman sabihin ko sa kanila na walang nangyari, hindi rin naman sila maniniwala kaya hinayaan ko nalang. Ganito na kasi talaga yata ang naging imahe ni Janina sa kanilang lahat.

Nadaanan namin sila Farrah at Dave na nakabusangot ang mga mukha na nakatingin sa amin at sa mga kamay namin na magkahawak. Problema ng mga yun? Eh diba sila nga yung nangiwan kay Sky at Janina. Sinabihan pa nga ako nung Dave na hindi na niya ako pwede balikan dahil may girlfriend na siya eh. Tandang tanda ko pa yun. Tapos ngayon mga nakabusangot sila? Ano yun? Sila lang ang pwedeng magkaroon ng relasyon? Che!

Nakita ko namang napangisi agad itong si Sky nang nakita niya ang reaksyon nung dalawa. Mukhang tama siya dahil umepekto agad ang plano niya. Parang nagseselos talaga si Farrah. Buti naman, sana talaga maging sila na ulit ni Farrah para naman matapos na itong kontrata ko.

Nadaanan din namin ang The Vengeance na sila Erick at Dwight at tila tuwang tuwa sila sa nakikita nila. Mukhang alam nila ang naging kasunduan namin ni Sky. Malamang alam talaga nila kasi mga best friends sila ni Sky eh. Baka nga kasabwat pa sila eh.

"Here's the new couple! Woot woot!" Excited na sinabi ni Erick. Nakipag-apir si Sky sa kanya. Nginitian ko nalang siya. Tama naman diba? Alangan namang makipag-apir disapir din ako sa kanya.

"Congrats bro!" Yayakapin sana ni Dwight si Sky pero pinigilan siya nito na para bang nandidiri ito sa kanya. Ang sama talaga!

"Gross bro." Sabi ni Sky tapos nagtawanan nalang sila. Biruan lang naman pala. Masyado ko namang sineryoso. :P

"Congratulations beautiful Ynna!" Humarap sa akin si Dwight.

"Hehe. Thank you, Dwight." Nahihiya kong sinabi. Naguguluhan ako. Hindi ba nila alam na kontrata lang to?

"Don't you dare call my girl beautiful." Singit ni Sky. Tinignan ko ang mukha niya at seryoso niya itong sinabi kay Dwight. Wow ha, lakas talaga maka tunay na boyfriend. Masyadong pa-fall. Kaya maraming nauuto itong bruhong to eh. Well, not me. Oha! English yan ha!

Umatras nalang ang natatawang sila Dwight at Erick at tinaas ang dalawa nilang kamay para ipakita na hindi sila lalaban kay Sky. Nagpaalam na din silang aalis na sila para naman daw hindi na nila maistorbo ang moment namin. Moment talaga? Charing!

Nagpatuloy kami ni Sky sa paglalakad papunta sa aming classroom pero siyempre, madadaanan muna talaga namin ang lungga ng The Royals. Yun lang kasi ang nagiisang pink table sa may garden. Oo, may pink table din si Janina sa garden bukod pa dun sa cafeteria. Royal na royal talaga siya. Paano naman kaya niya nailipat lahat ng pink tables niya at paano kaya niya nareserve lahat ng lugar niya dito sa ECB eh hindi pa nga siya nakakapagaral dito eh. Ni hindi man lang yata siya nakaapak pa dito. Lumipad kasi siya agad sa NYC eh. Pero kilalang kilala na siya ng lahat ng tao agad agad. Famous na famous. Ganon talaga yata siya ka-special. Sabagay, mayaman eh. Marami talagang nagagawa ang pera.

Sila Debbie at Karen naman na nadaanan naming nakaupo sa lungga ng The Royals ay biglang nagtilian nang nakita kami ni Sky. Ibang klase talaga itong dalawang ito. Sila ang may pinakamaingay na reaksyon sa lahat ng nadaaanan namin. Ang sakit sa tenga! Dudugo yata ang tenga ko! Nakita ko din na hinawakan ni Sky ang tenga niya. Mukhang nakakabasag kasi talaga ng eardrums ang tili nung dalawa.

"OMG OMG OMG"

"OMG OMG OMG"

"OMG OMG OMG"

Paulit ulit na sinasabi ni Debbie habang hinahabol niya ang mabilis na paglalakad namin ni Sky. Teka, saan nga ba kami pupunta? Lumagpas na kasi kami sa classroom namin. Tapos wala ring tao sa classroom nang nasulyapan ko ito. Ano bang nangyayari? Nasaan ang mga estudyante? Wala bang klase?

"Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?"

"Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?"

"Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?"

Si Karen naman, humahabol na rin. Paulit ulit din niyang sinasabi yung "Kayo na?" na linya. Nakakairita din! Hay!

Tumingin ako kay Sky at parang naiinis na siya sa paulit ulit na sinasabi at tinatanong ni Debbie at Karen. Nakakainis naman kasi talaga eh. Para kasi kaming apat na magkakahawak ng kamay ngayon. Para kaming quadruplets na hindi mapaghiwalay. Ayaw kasing bumitaw ni Debbie kay Sky at ayaw din humiwalay ni Karen sa akin.

Napipikon na talaga yata si Sky. Napansin ko kasing dumidilim ang kanyang aura. Hindi ko alam ang pinaplano niya. Hindi ko rin naman matancha ang ugali nitong lalaking to. Medyo bipolar kasi talaga siya eh.

"Let go of us." Mahina niyang sinabi. Pero nakakatakot ang kanyang itsura.

Bigla namang kumalas na din sila Debbie at Karen. Kung hindi lang hawak ni Sky ang kamay ko ay kumalas na din siguro ako sa kanya. Nakakatakot kasi siya eh. Para talaga siyang si incredible hulk. 

Hinila ako ulit ni Sky papuntang elevator. Hindi na nagdalawang isip sumabay ang ibang mga tao sa loob ng elevator kasi nakakatakot talaga si Sky. Leader kasi siya ng kinatatakutan na The Vengeance. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit tatlo palang silang nakikilala ko na members ng The Vengeance. Nung sinearch ko kasi ito dati, apat ang members nito. Ang The Royals din, apat ang members dapat pero si Debbie at Karen lang ang kilala ko. Hindi rin naman kasi nakalagay sa website kung sino ang mga members, mga pangalan lang ng leaders ang nakasulat. Sino kaya yung mga nawawalang members ng dalawang grupo? Hay! Bakit ko ba pinapakialaman. Pakialamera ko talaga kahit kailan.

Nasa loob pa rin kami ng elevator nang biglang binasag ni Sky ang katahimikan.

"What the hell?" Panimula niya.

"What the hell?" Ginaya ko siya. Ano ba kasing ibig niyang sabihin?

"Bakit hindi mo sinasabi sa annoying friends mo na may boyfriend ka na? Ha?" Naiirita niyang tanong. Pero nakakatuwa pa rin pakinggan kasi slang siya. Hahaha. Pinipilit niya pa rin magtagalog. Ang cute.

"Kailangan pa ba? Halata naman na eh."

"Tss. Kahit na."

"Sige sasabihin ko nalang mamaya."

"No."

"Oh bakit naman?"

"Because we're going to announce it to the school."

"A-ano? Kailangan pa ba yun?"

"Yes. We're public figures, idiot." Oo nga pala, sikat sila ni Janina dito. Pero tawagin ba naman akong idiot? Bruho!

"Kailan mo naman balak i-announce?"

"Now." Sabi niya. Sakto, biglang bumukas na ang elevator.

Anak ng gulay, ano ang binabalak mo, Sky?

Nakarating na kami sa 5th floor ng ECB. Pumasok kami sa loob ng Eastville auditorium. Pinasukan namin ang backstage kung saan may mga ibang naghahanda sa kani-kanilang performances. Ano bang meron? Bakit may mga performances? Naririnig ko ang mga hiyawan ng tao mula sa labas. Mukhang lahat yata ng estudyante ng ECB ay nandito ngayon sa auditorium. Kaya pala nung dumaan kami sa classroom ay nakapatay ang mga ilaw nito at walang mga tao.

Pagkatapos ng mga ilang minuto na pagmamasid sa mga tao mula sa backstage..

ANAK NG?

NGAYON KO LANG NAKUHA.

Ngayon ko lang nagets yung sinabi ni Sky kanina sa elevator.

Lahat ng estudyante nandito sa auditorium?

Ang ibig sabihin ay...

Inaannounce namin ni Sky sa buong school ang relasyon namin ngayon? Nakakahiya!!!!

Lalo na kung hindi naman tototo! Nandito pa naman yung ibang mga professors! Tapos may stage freight pa naman ako! Mahiyain kasi ako. Hindi naman ako sanay sa mga tao. Kung tutuusin nga, taong bahay lang naman talaga ako!

Ano ba to!!!!

Waaaaaah!!!

"Huy!" Kinurot ko ang kamay ni Sky. Magkaholding hands pa din pala kami. Ang tagal na nito. Pawis na pawis na kamay ko. Hindi ba siya nandidiri?

"Ouch! What?!"

"Wag mo sabihing dito natin iaannounce na tayo na?"

Hindi niya ako sinagot. Tinuro lang niya ang isang manila paper kung saan nakaline up ang mga sunod sunod na magpeperform. Nakita ko na naka capitalized pa ang 'SKY AND YNNA PUBLIC ANNOUNCEMENT' na pang 4th sa mga nakasulat sa manila paper.

"Anak ng!" Kinurot ko ulit ang kamay niya.

"Bakit ba?" Naiinis niyang tanong. Binitawan na rin niya ang kamay ko sa wakas.

"Hindi pwede!"

"What do you mean?"

"Hindi nga pwede!"

"What the hell?"

"Tsk. Eh kasi.. Ugh.."

"WHAT?!" Nagagalit na siya. Oh no!

"Eh kasi nahihiya ako." Ayun. Nasabi ko na rin.

Tumwa lang siya. Parang nagloloko lang ako para sa kanya.

"Tawa tawa ka diyan?!!!!" Kinakabahan na talaga ako.

"Stop fooling me, Ynna. Hindi ka mahiyain. I know that."

Tshhhh.

Oo nga pala. Bakit ba lagi kong nalilimutan na si Janina nga pala ay kabaligtaran ko. Bumuntong hininga nalang ako.

Wala na ba akong magagawa?

Oo. Wala na nga.

Pag hindi ako pumayag at makahalata itong si Sky na nahihiya talaga ako, baka mahuli pa niya ang tunay kong pagkatao.

***

Parang ang bilis ng oras. Tapos na ang dalawang performance. Ang bilis talaga. Kasalukuyan na ding nagpeperform na ang pangatlo sa stage. Kami na ni Sky ang susunod. Tinignan ko si Sky at tila ba kampanteng kampante lang siya sa kinauupuan niya. Wala man lang siyang kahit konting bahid ng kaba sa katawan niya. Edi siya na ang confident.

"Thank you very much Ms. Annika Reynoso for a very good acoustic performance!" Narinig ko mula sa backstage na sinabi ng host.

Waaaahhh!!!

"Up next is a very special announcement from the school's most famous heir and heiress, Sky and Janina! Let's all welcome them on stage."

Wahhhh!!!!

Ito na talaga!!!

Bigla akong kinuha ng mga babae na mukhang dancer sa backstage at hinatid nila ako sa stage.

Hindi ko kasama si Sky.

Nasaan siya?

Ano ito?

Ako lang mag-aanounce?

Nahiya na ba siya?

Iniwan niya ako ngayon sa ere?

Tumingin ako sa dagat ng mga tao na nakatingin sa akin.

Wahhhh!!!

Nakakahiya!

Ako lang magisa dito sa gitna ng stage tapos wala akong kasama!

Hayup ka Sky!!!!

Humanda ka sa akin!

Ginagantihan talaga niya ako ng todo!

Nakakainis!

Naiiyak na ako!!!!!

Waaahhhh!!!

Mukha akong tanga dito!

Anong gagawin ko?!!!

Waaaaaahhh!!!!

Magwawalk-out na sana ako kasi di ko na talaga mapigilan umiyak dahil sa hiya. Mahiyain na nga ako, napahiya pa ako kasi wala akong kasama sa stage. Pero hindi natuloy ang walk out drama ko dahil biglang namatay ang mga ilaw sa auditorium. Ang buong akala ko ay nagbrown-out pero hindi naman pala. May maliit kasi na spotlight na nanggagaling sa dagat ng mga tao, sa gitna mismo ng sobrang daming tao.

"Baby, this is for you."

Hindi ko siya agad nakilala. Malabo kasi ang mga mata ko. Pero ang boses na yon, hindi ako pwedeng magkamali.

Si Sky yun. Siya lang din naman ang tumatawag sa akin ng baby eh.

Bigla nalang akong nakarinig ng lalaking kumakanta mula sa mga tao. Sinusundan siya ng spotlight habang papalapit siya sa kinaroroonan ko.

♪ If the weapon is your love

I got my hands up

If the weapon is your love

I got my hands up ♫

Ang ganda pala ng boses niya. Paano niya napaganda ng ganyan ang boses niya kung lagi siyang amoy yosi? Akalain mo na may tinatago palang talent. Napatulala nalang ako habang pinapanuod ko siyang palapit sa akin. Parang kaboses niya si Harry Styles! Kasing gwapo din niya! Waaah! Joke lang! Erase erase! Di siya gwapo! Hmp! >:|

Ang akala ko sasamahan na niya ako dito sa stage pero huminto siya sa isa pang stage na malapit sa kinatatayuan ko. HUMINTO PA! BRUHILDO!!!!

Ano ba naman to! Ano bang mga pakulo niya! Kainis!

♪ It's a hold up, broken out of nowhere

Showed up

I'm in love

This heist got me skipping a heart beat

I'm giving up ♫

Wow. Bigla siyang sumayaw. Sing and dance pala ang performance niya. Ang galing din niyang sumayaw. Parang mga the moves lang ni Enrique Gil!

♪ I wanna run, run, run away

In your get-away car

Make a get-away

If the weapon is your love, I got my hands up

If you're gonna take me down, I surrender

I'll give you anything you want

Just don't leave me alone

This is a hold up, this is a hold up

If the weapon is your love, I got my hands up ♫

At bigla pang siyang nagkaroon ng mga back-up dancers na alam na alam din ang steps. Planado niya talaga lahat ng to? Grabe din siyang mangtrip! Wagas!

♪ Hey stranger

I'm addicted to the danger

Of the touch

Now you're wanted

Better keep me as your hostage

Tie me up ♫

Bumaba na siya sa stage pero sumasayaw pa din siya habang kumakanta. Ang galing lang tignan. Mukha talaga siyang professional. Mukha siyang Gary V. na nagcoconcert! Harry Styles na Enrique Gil na Gary Valenciano pa! Hindi siya yung tipong mukhang jejemon na trying hard. Edi siya na talaga ang talented! 

♪ I wanna run, run, run away

In your get-away car

Make a get-away

If the weapon is your love, I got my hands up

If you're gonna take me down, I surrender

I'll give you anything you want

Just don't leave me alone

This is my hold up ♫

Nasa stage na rin siya ngayon pero hindi pa rin siya lumalapit sa akin. Ano ba to? Sasayaw nalang siya? Sana sinabi niya sa akin na performance niya pala yung pang-apat at hindi na sana ako tumayo pa dito. Nakakaistorbo yata ako eh. Tss!

♪ Everybody get down

Get down on the floor

Everybody get down

Nobody gets hurt ♫

Waaah!!!

Bigla niyang hinila ang beywang ko kaya naman biglang naging sobrang lapit mg mga mukha namin. Pawis na pawis na siya kakasayaw pero mabango pa rin siya. Wah! Ano ba tong mga pinagsasabi ko? Eh kasi naman eh! Ang lapit niya! Ang dami pang tao!

♪ If the weapon is your love, I got my hands up

If your gonna take me down, I surrender

I'll give you anything you want,

Just don't leave me alone

This is a hold up ♫

Mahina niyang kinanta ang last chorus ng kanta. Hindi rin niya binibitawan ang beywang ko habang kinakanta niya ito. Ako naman? Parang poste na hindi makagalaw. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat na maramdaman eh. Hiya? Inis? Kilig? Hala! Bat may kilig? Wala yun. Hiya lang o inis. Wrong send!

Pagkatapos ng kanta ay kinuha niya mula sa gilid ng stage yung bonquet of flowers na dala dala niya kanina nung sinundo niya ako kanina sa condo. Binigay niya ito sa akin nang nakasmile. Whew! Muntik na akong matunaw! 

Grabe rin ang mga techniques niya para pagselosin si Farrah. Effort kung effort. Bakit kaya mas gusto ni Farrah yung Dave. Pareho din naman bastos yung dalawang lalaki pero di hamak naman na mas gwapo yung Sky.

"Baby. I love you." Sabay kiss niya sa cheeks ko.

ASDFGHJKL!!!

Hindi ko alam bakit ba ako nakakaramdam ng ganito! Ano ba ito? Parang umiikot ang sikmura ko! Natatae yata ako! Tinatawag ba ako ni Mr. Brown? Kailangan ko yatang pumunta na sa CR at maglabas ng 50 shades of brown! Ew. Corny. Pasensya niya. Ahehe. :-D

"Hi guys! We just want to announce that Ynna and I are officially in a relationship." Kalmadong sinabi ni Sky habang pinupunasan ang pawis niya.

Nagsigawan naman ang mga tao sa auditorium. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsisigawan nila kasi masyadong natulala yata ako sa kiss ni Sky. First time kasing may nagkiss sa akin sa cheeks. At dalawang beses na niya ito ginawa sa akin ngayong araw.

Oh Sky, tigilan mo ang kakakiss mo sa akin.

Baka hindi na kita ibalik kay Farrah.

Diyos ko po!

Ano nanaman ba itong sinasabi ko?

Joke lang yun. Joke. Hehehe.

Bawal ako mainlove noh.

Nasa kontrata ko yun. 

At siyempre, pagaaral muna.

Itong mission namin ni Sky, mission lang ito.

Wala nang halong iba pa.

Sana. :|