Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 7 - Chapter 5.2 - Contract

Chapter 7 - Chapter 5.2 - Contract

• SKY JAMES ANDERSON •

[The Vengeance Room]

"BRO! GRABE KA! IKAW NA!" - Erick

"AKALAIN MONG NAGSORRY SAYO ANG ISANG JANINA FORTALEZA?!?!?!" - Dwight

"END OF THE WORLD NA BA?!?!" - Erick

"TUMIKLOP SAYO ANG LEADER NG THE ROYALS BRO!!!" - Dwight

"THIS CALLS FOR A CELEBRATION!!!!" - Erick

"Ah shut up." I stopped them.

These freaks really has the tendency to over react on things. They were shouting like crazy. I can't believe that they are my friends.

But seriously, I was shocked too.

I thought it was actually a dream. Yes, it has always been my dream to put the bitchy royals down, especially their leader. I left the room leaving her offer to be my slave hanging. I was totally shocked that I didn't know that I was staring blankly for almost three hours until Erick and Dwight came. Yeah, fucking three hours. What the hell.

I really don't know what has gotten into Ynna. I knew for sure that it's part of her plan to make me fail in our nutrition activity. But something in her eyes and the way she talked at me earlier in class was.. different. It looked like that she was really sorry for what she did. I examined her face closely and it's very clear that she has really forgotten the said assignment. Or is she that good in acting? Did she took acting workshops during the summer? It's possible.

The last thing she said to me kept on ringing in my head.

"Magwish ka! Gagawin ko lahat! Kahit maging slave mo pa ako sa isang araw! Gagawin ko!"

"Magwish ka! Gagawin ko lahat! Kahit maging slave mo pa ako sa isang araw! Gagawin ko!"

"Magwish ka! Gagawin ko lahat! Kahit maging slave mo pa ako sa isang araw! Gagawin ko!"

I knew that she was just kidding. She was just playing with me. She's just testing me if I would fall on to her trap. And there was no way in hell I would ever believe that.

But damn!

Damn!

DAMN!

I can't stop thinking about it. Could it be true? The amazing Janina Fortaleza is going to be my slave? Should I play her game, too? The idea made me grin.

"What's with the grin?" Erick asked.

"Don't tell me you're falling in love with Ynna? Oh God. I knew it. Bagay talaga kayo!" - Dwight

"Agree! Magbati na nga kayo pata mapormahan na namin ni Dwight yung mga chikababes ng The Royals!" - Erick

"Oo nga!" - Dwight

"Tss. It's never going to happen. It's Farrah I love. Go court those royal assistants of Ynna. The hell I care."

"Man! Ynna is prettier!" - Dwight

"And bitchier." I added. Annoyed.

"Pero bakit ka nga nakangisi kanina bro! Baliw ka na ba?" - Dwight

"Hala! Baliw na leader natin!" - Erick, laughing.

"Tss. I was just thinking if I should play with Ynna's game."

"Ano?"

"Game?" They looked confused.

"Magwish ka! Gagawin ko lahat! Kahit maging slave mo pa ako sa isang araw! Gagawin ko!" I said, imitating the bitch's tiny voice.

The look on Dwight and Erick face was priceless. I couldn't help myself from laughing.

They were very silent. It's like they are still processing what I have just said.

Well yeah, it's really hard to process. I, too, cannot believe that Ynna would say that to anyone. Not even to Dave.

"BINGO!" Dwight said with glee after around five minutes of silence.

"Ugh? What?" I said sounding irritated.

"This is the chance. Gawin mo na siyang slave bro! Let the whole ECB see our power over The Royals! Para clear na sa lahat na tayo ang number one and not them!" - Dwight

"Sounds good." I smirked.

"What do you think, Erick?" Dwight asked him.

"NO!" Erick disagreed.

"What?!" I said. Confused.

"I have a better idea. It's going to be a win win situation. Better than having a slave for 1 day." He smirked.

"Sige nga ano?! At papaano?" - Dwight

"Diba sinabi niya na magwish ka? Kahit ano? Gagawin niya lahat? So why have a slave for one day when you can have one for a year?" Erick said as he wiggled his brows.

"Bobo bro! Sa tingin mo papayag yun? Fortaleza yun bro!" - Dwight

"And how did that became a win win situation?" I followed.

"Simple. Imbis na slave for a year. You will make her your girlfriend for a year." Said Erick confidently.

"The hell! No way!"

"Chill, bro. Fake girlfriend lang naman. Pagseselosin niyo lang si Farrah. So that you can get Farrah back."

My eyes widened.

This is getting interesting.

"But what if she backs out and tell the truth to Farrah? And even to the whole school? She's a bitch, remember?"

"She won't do that. Kasi papapirmahin mo siya ng kontrata. Pekeng kontrata pero mukhang totoo. Yung tipong mapapaniwala mo talaga siya. Her lips will be then sealed."

"Wow." Dwight was amazed with Erick's plan. And so am I.

"You think this would work?" I asked.

"There's no harm in trying. She's a bitch anyway." - Erick

"Well, yeah." I agreed.

"So when are we going to make the fake contract?" Dwight asked. He's even more excited than me.

"Kailangan natin itong pagisipan ng mabuti. Pahirapan natin siya sa mga rules sa kontrata. How about tomorrow morning before the class starts?" Erick was grinning. I can sense that he's really planning something up in his head.

"GAME!!!" - Dwight

"Deal." I ended the conversation with a smirk.

What's with this day? First of all, Ynna apologized. And then she offered herself to be my slave. And now, we're about to make a contract to make her my fake girlfriend. I really can't stand being with Ynna for a year. Her face is really irritating for me. But if Farrah is the prize for being with the bitch then I'll absolutely risk being with her.

Just imagining Farrah saying she loves me too all over again...

And Ynna being my trapped in the contract...

Music to my ears.

This is going to be fun.

***

• ALYNNA MARIE PAREDES •

[Cafeteria]

Lunch time na kaya naman ay nandito nanaman kami ng The Royals sa aming pink table. Habang tumatagal ay nagiging close na din ako sa dalawang babae. Mababait din naman sila, may mga arte lang talaga sa katawan. Masasaya rin naman sila kausap. Minsan nga lang ay may mga pinaguusapan silang hindi ko maintindihan tulad ng mga latest novels, series, movies at kung ano ano pa. Hindi ko nalang pinapahalata na hindi ko alam ang mga yun. Sinasabi ko nalang na masakit ulo ko o kaya naman wala ako sa mood makipagkwentuhan. Sumusunod naman sila agad kapag sinabi ko yun. Habang tumatagal din ay nasasarapan na din ako sa mga pagkain ng cafeteria. Mas masarap pa nga yung iba kesa dun sa pinagaagawan naming spaghetti ni Sky nung first day eh.

Bigla ko tuloy naalala si Sky, hindi siya pumasok ngayon. Ano kayang nangyari dun? Umiiyak dahil naging zero siya? Wala na akong pakialam. Bahala na siya. Ang importante naman ay nakapagsorry na ako sa kanya. Hindi na ako masyado na guiguilty. Konti nalang.

Kumakain ako ng spicy gambas nang bigla tumili si Debbie. Aray! Ang sakit naman sa tenga.

"The Vengeance! What brings you here in our table?" Tanong ni Karen.

Nakaharap ako kay Debbie at Karen kaya naman hindi ko agad nakita ang mga taong dumating. Kita ko sa mukha ni Karen at Debbie na nakasmile sila. Malamang nakasmile nanaman sila dun sa Dwight at Erick. Pero si Sky? Nasa likod ko rin kaya siya? Parang hindi ko kayang tumalikod para harapin siya. Hindi ko alam. Parang nanigas ako. Nawalan na yata ako ng manners.

Bakit hindi ko sila hinaharap?

Bigla nalang may malakas na pwersang humablot sa kamay ko at dinala ako sa ibang table.

Sa itim na mesa ng The Vengeance.

Tinignan ko ang table namin at nakita kong umupo doon sila Dwight at Erick at masayang nakikipagusap kina Debbie at Karen. So isa lang ang kasama ko ngayon sa table.

Tinignan ko siya at nakita ko ang isang seryosong Sky.

"A-ano ba? Bakit mo ko dinala dito? Kumakain kaya ako!" Pagmamatapang ko.

Hindi siya sumagot bagkus tinitigan lang niya ako.

"Hoy! Sumagot ka nga!"

Hindi pa rin siya sumasagot.

"Diba absent ka?"

Hindi pa rin siya sumasagot. Nakakatakot na.

"Nagsorry na ako sayo ha? Ano pa bang gusto mo? Hindi ko naman yun sinasadya eh!"

Tahimik pa rin siya. Tila ba pinagaaralan pa rin niya mukha ko.

"You." Panimula niya.

"Ano?"

"You're offer. I'd like to use it now."

Inisip ko kung ano ba yung sinasabi niya. Oo nga pala. Nagoffer ako sa kanya na pwede siyang magwish kapalit ng di ko paggawa ng assignment sa nutrition. Pero nabigla lang naman ako nun eh. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya. Tss. Sige na nga, tatapusin ko nalang ito. Baka isipin pa niya na wala akong isang salita eh. Baka masira ko pa si Janina. Hirap na.

"Ah. Okay. Gagawin mo akong slave? Sige lang."

"No."

"Ha? Eh ano?"

"I'd like to use the wish." Nagsmirk siya. Katakot. Pero gwapo. Ay? Bakit ko nasabi yun? Erase erase.

"Umm. Okay."

Nilapit nanaman niya ang mukha niya sa mukha ko.

Wait. Ang lapit niya. Ang bango niya. Anong gagawin niya? Pipikit ba ako? Hindi ako handa!!!

Ang akala ko hahalikan niya ako pero dumiretso bibig niya malapit sa tenga ko.

"My wish is.. I want you to pretend to be my girlfriend to make Farrah jealous." Sinabi niya ito ng husky ang boses niya.

"A-ano?" Napatingin ako sa kanya. Napatulala ako sa wish niya.

"You said you'll do anything to make it up for me." Seryoso siya.

"Magkakaboyfriend na ako?" Kinausap ko ang sarili ko. Ganito naman kasi ako lagi.

"Fuck. It's just a fake thing. You'll just act like your mine until I get Farrah back."

"Pero paano pag di siya bumalik?"

"Then you'll be mine."

"WHAT?" Napaenglish ako dun ah.

"...for a year." dugtong niya.

"A y-year? Ang tagal naman! Hindi naman sobrang laki ng kasalanan ko ah!"

"It's a big deal to me, bitch."

Oo nga pala. Running siya sa mga honors honors. Isang taon? Isang taon na nga akong magpapanggap na si Janina eh. Ngayon naman, isang taon din akong magpapanggap na girlfriend nitong si Sky? Ano ba ito? Reyna na ba ako ng pagpapanggap? Ang tagal kong inisip kung tatanggapin ko ba. Hindi rin naman umiimik si Sky. Tila hinihintay talaga niya ang sasabihin ko.

Katahimikan...

Inisip ko na hindi naman labag sa rules ni Janina na magpanggap ako maging girlfriend ni Sky eh. Tsaka hindi rin naman niya malalaman kasi sabay matatapos yung kontrata ko sa kanya at kontrata ko kay Sky. Inisip ko na rin na baka maging oportunidad ito para mapatino ko ang ugali nitong si Sky. Para naman pagbalik ni Janina dito, okay na sila.

'Tanggapin mo na, kasalanan mo naman eh.'

'Tanggapin mo na, panagutan mo ang ginawa mo.'

'Tanggapin mo na para hindi ka na makonsensya.'

May mga maliliit na boses na bumubulong sa akin. Nakakainis! Sige na na! Oo na! Oo na! Parang akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. Tinitignan lang ako ni Sky na para bang naguguluhan siya. May split personality ba ako?

Pero hindi rin nagtagal ay nakapagdesisyon na ako.

"Sige." Sinabi ko ng mahinahon.

"Really?" Parang nabuhayan ang mga mata niya. Mukha siyang nagulat.

"Pero may mga kundisyon ako."

"What is it?"

"Hindi mo na ako tatawaging bitch."

"Okay." Tumawa lang siya.

"Hindi mo na ako mumurahin."

"Uh-huh." Natatawa pa rin siya. Baliw ba siya? Bipolar? Kung ako may split personality, siya naman bipolar? Matindi!

"At magtatagalog ka kapag kausap mo ako."

"What?!" Kitang kita ko na nagulat talaga siya.

"Kung ayaw mo edi wag. Aalis na ako."

Tumayo na ako pero pinaupo niya ulit ako sa pamamagitan ng paghawak at pagdiin pababa ng mga kamay ko.

Ang lakas niya.

Kumuha siya ng papel at may isinulat doon. Ano naman kaya yun? Sandali lang at humarap na ulit siya sa akin.

"Sige. Magtatagalog na ako." Sabi niya. Wow. Ang bilis. Nagtagalog na agad. Napangiti naman ako dun. Madali naman pala siyang kausap.

Binigay niya sa akin ang papel na sinulatan niya at napanganga ako sa nakita dahil may nakahanda na pala siyang...

Kontrata.

---

Fake Girlfriend Contract

JANINA NICOLE A. FORTALEZA, known as "First Party," agrees to enter into this contract with SKY JAMES Y. ANDERSON, known as "Second Party" on JUNE 03, 2014.

This agreement is based on the following provisions:

1. First party will pretend to be the girlfriend of second party for one school year.

2. Second party has the right to control their relationship. Second party has the right to break the contract anytime he would like to. And lastly, second party has the right to add and deduct rules in the contract.

3. Both parties are not allowed to flirt or get into a serious relationship without permission from each party.

Furthermore, the First Party agrees:

1. To be always available when needed

2. To be mature and handle the relationship seriously

3. To behave at all times

4. To be hugged when necessary

5. To be kissed on the cheeks

and the Second Party agrees:

1. Not to call the first party a 'Bitch' anymore.

2. Not to curse the first party

3. To speak Tagalog

Invalidity or unenforceability of one or more provisions of this agreement shall not affect any other provision of this agreement.

This agreement is subject to the laws and regulations of the Republic of the Philippines.

Signed by Janina Nicole A. Fortaleza                          

Signed by Sky James Y. Anderson

---

Republic of the Philippines? Totoong kontrata ba ito? Nakakatakot naman. Pinilit kong basahin pero di ko naman maintindihan kasi yung ibang malalalim na English. Pero medyo natuwa din ako nung idinagdag niya yung tatlong kundisyon na hiningi ko sa kanya. Buti naman at magtatagalog na siya. Baka kasi hindi na kayanin ng ilong ko kung isang taon akong maging pekeng girlfriend nito tapos panay English niya.

"Hey, sign." Utos niya.

Makikipagtalo pa sana ako pero pinirmahan ko nalang din para matapos na. Peke lang naman na girlfriend eh. At kasalanan ko rin naman. Bilang bayad na din sa nagawa ko. Para makatulong din ako sa nasirang relasyon nila nung Farrah. Kita ko naman kasi na gusto pa talaga siya ni Farrah. Laging kasing masama ang tingin sa akin nung Farrah tuwing nakikita niya na magkalapit kami ni Sky eh. O baka naman galit lang talaga kay Janina yung Farrah? Nabalitaan ko kasi sa royals na greatest enemy daw namin ang isa't isa.

Wala rin naman akong nilabag na rules kay Janina kaya panatag ang loob ko. Hindi naman ako maiinlove dito kay Sky tulad nung huling rule ni Janina eh. Tsaka si Sky ay inlove na rin sa ibang babae kaya wala na kaming kaso dun. Misyon ko lang naman ay pagselosin yung Farrah. Tapos.

"Great." Nakangiti si Sky. Pumirma na rin siya.

"Tagalog please."

"Ugh. Pinapahirapan mo ako ha." Sabi niya. Nakakatawa. Slang. Parang Sam Milby yung tono.

"Hahaha." Natatawa lang ako.

"Halika na, baby."

Ano raw? Baby?

Hindi na niya ako pinagsalita kasi hinila na niya ang aking kamay at naglakad kami palabas sa cafeteria ng naka-holding hands.

ANAK NG KALABAW.

HOLDING HANDS.

ANAK NG KABAYO.

Ano ba itong pinasukan ko?

OMG!

Oh Em.