Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 3 - Chapter 2 - The Offer

Chapter 3 - Chapter 2 - The Offer

• ALYNNA MARIE PAREDES •

[Province of Bohol]

Nagising ako dahil may nagdodoorbell ng paulit ulit sa kubo namin. Oo, may doorbell ang kubo namin. Excuse me! Hahaha! Laking gulat ko na isang magandang babae na may tatlong alalay ang sumalubong sa akin. Nakasuot siya ng parang suot ni Jasmine sa Aladdin. Violet na kita yung tiyan. Ang seksi. Nakakulot din ang buhok niya at may kulay na light brown. Ang ganda ng make-up niya at ang dami niyang alahas sa katawan. Hindi ko rin alam kung paano niya nakakayanang tumayo sa sapatos niya na kanipis nipis ng heels! Mukha siyang artista na may mga personal assistants.

Eh ako naman, naka T-shirt at shorts lang tapos butas butas pa at sobrang dumi. Hindi kasi ako naligo ilang araw na. Nakakatamad kasi. Tipid pa sa tubig, shampoo at sabon. Ayan tuloy, nagmukha akong pulubing nanlilimos sa kanya sa sarili kong bahay. Nakow!

"May I come in?"

"Sino po sila?"

"Janina Fortaleza. A friend of your dad."

"Ah, yes yes. Ahehehehe."

Aba! Englishera! Patay tayo dito. Pumasok ako sa loob at sinagawan ko si papa na gumising na. Nakatayo pa kasi ang buhok niya at antok na antok pa. Sinabihan ko siya na may magandang babaeng naghahanap sa kanya. Wala naman daw siyang kilalang magandang babae bukod sa akin at sa nanay ko na may iba nang pamilya. Haaay! Tapos natulog ba naman ulit! Iwan ba naman ako sa bisita niya! Grrr! Pasaway talaga.

Binalikan ko nalang yung babae at pinaupo sa silya sa labas ng kwarto ni papa.

"Ah, eh, sorry po. Hindi pa kasi magising. Puyat kasi."

Ngumiti lang siya at nagulat ako nang bigla siyang tumayo, lumapit sa akin at hinawakan ako sa dalawang pisngi ko. Ano to? Hahalikan ba niya ako? Tomboy ba siya? Magkakaroon na ba ako ng first kiss? Bata pa ako! Oh hindeee! Sobrang nakatitig siya sa mukha ko. Parang pinagaaralan niya ito. Tinitigan ko nalang din siya. At napagtanto ko na...

"Magkamukhang magkamukha nga tayo. Dugyot ka lang." sabi niya.

"Wow. May igaganda pa pala ako?" Nakangisi ako.

"Oo naman, Ynna."

"Ha? Paano mo ako nakilala?"

"Ako nga pala si Janina, half sister mo. Anak ni Lalaine at Philippe."

Natulala lang ako sa sinabi niya. Ang buong akala ko kaibigan siya ni papa. Hindi pala. Anak siya ni mama sa legal at mayaman niyang asawa. Samantalang ako, anak sa labas. Anak sa mahirap na asawa. Anak sa kabit. Magkamukha man kaming dalawa ay ramdam ko ang agwat ng mga mundong ginagalawan namin. Parang bigla akong nanliit.

Bakit kaya siya andito?

Ano ang kailangan niya?

"Bakit ka nagtungo dito?"

Nagulat nalang ako at narito na pala si papa. Nakatayo pa din ang buhok niya pero seryoso ang mukha niya na nakatitig dun sa Janina.

"I'm here to give your daughter, Alynna, a very very good offer."

Ako? Offer? Ano naman kaya yun? Parang kinakabahan ako dito ah.

"Hindi namin kailangan ng kahit anong galing sayo. Kaya namin ang mga sarili namin dito sa probinsya. Makakaalis ka na." Seryosong sinabi ni papa.

"No. I heard na wala ka na daw pera pang college sa anak mo, hindi ba, Peter?"

"Nangiinsulto ka ba?! Wag mong pagsalitaan ng ganyan papa ko!" Sinigaw ko. Nakakainis siya! Sayang ang ganda niya kung ganyan ang ugali niya. Grr!

Hinila ako ni papa at inilapit niya ako sa kanya.

"I'm not here to insult you guys. I'm actually here to be friends with you. Kaya nga bibigyan ko kayo ng offer eh. It's an offer na hindi niyo kayang tanggihan."

"Ano ba yon? Bilisan mo at nakakairita ka nang babae ka." Pahayag ni papa.

"Oo nga!" Pahabol ko pa.

"Okay. Chill. I'm here to give Alynna a college scholarship at Eastville College of Business. The best business school in Asia."

"H-ha? Bakit mo naman gagawin iyon?" Tanong ko.

"Malayo yan sa probinsya namin. Makakaalis ka na." Sabi ni papa.

"She'll have her own dorm, own stylist, P5000 allowance per day and a really great college diploma. What kind of parent are you if you can't give this opportunity for your princess?"

Katahimikan...

"Anong kapalit niyan?" Kita ko sa mukha ni papa na medyo nanghinayang nga siya. Para nga naman sa anak niya gagawin talaga niya ang lahat.

"Simple. Kailangan lang niyang magpanggap na ako siya for the entire school year. Pero pag second year na, babalik na ako. And she can still study there until she graduates. And the diploma? Subjects? And everything else? Don't worry. It's all going to be under her name. It's all taken care of."

"PANGGAP?!!!!" Sabay kaming napasigaw ni papa.

"Yes. Because I have signed a contract for modelling in NYC for a year."

"Alam ba to ni Philippe at Lalaine?" - Papa

"No."

Katahimikan...

Tinignan lang ni papa ng maigi si Janina. At ganun din si Ina kay papa na nakataas pa ang isang kilay. Ang taray!

"Pag-isipan niyo. I'm giving you until tomorrow morning. Next week na ang start ng classes. Opportunity knocks only once."

Binigyan niya ng calling card si papa at tuluyan nang umalis ng kubo namin. Nagkatinginan nalang kami ni papa. Mukhang malaking desisyon ang gagawin namin.

***

"Ano kamo??? Panggap?! Wag nalang!" - Caloy

"Oportunidad yun! Kung ako! Go lang!" - Merylle

"Hindi mabuting gawain ang pagpapanggap!" - Caloy

"Kahit kung kapalit ay magandang future ni Ynna?" - Merylle

"Tsaka mahirap kaya sa Maynila! Lalo na lag mag-isa! Ako nga na lalaki ay hirap na hirap ako magtrabaho dun eh." - Caloy

"Hello! May dorm kaya siya!" - Merylle

Si Caloy at si Merylle ay mga bestfriends ko simula pa nung bata pa ako. Mga kapitbahay ko sila dito sa probinsya namin. Lagi kaming magkakasama at magkakalaro. Parang mga isip bata pa rin kami hanggang ngayon kasi minsan ay nagtatagutaguan, patintero, luksong lubid at kung ano ano pang larong pangbata pa rin kami.

"Lalo niyo naman akong nililito eh." Natatawa kong sinabi. Nakakatuwa kasi silang tignan. Parang aso't pusa lang.

"Pumunta ka na talaga Ynna. Sayang." Seryosong sinabi ni Merylle.

"Tinataboy mo yata ako eh noh? Noh?" Pabiro kong sinabi sa kanya.

"Di ah!!! Love kita noh! Kaya nga gusto ko yung best para sayo eh! Ewan ko dyan kay Caloy. Hmpf!"

"Hahaha!"

"O siya sige na! Pumapayag na din ako. Para din naman sa future mo iyon. Pero dadalaw dalawin kita diyan sa dorm mo. Malapit lang naman ang ECB sa pinagtratrabahuhan kong fastfood eh."

Napangiti ako kasi napilit na namin si Caloy sa wakas. Pero nakita ko na nalungkot ng kaunti ang mukha ni Merylle. Siguro kasi dalawa na kami ni Caloy na nasa Maynila at siya nandito pa rin. O kaya siguro naman ay nagseselos siya kasi babantayan ako ni Caloy. Hindi man kasi niya sinasabi, alam kong may lihim na gusto talaga siya kay Caloy. Nahuli ko din kasi siya isang beses noon na may picture siya ni Caloy sa kanyang wallet at wala ako. Sinabi niya kasi nawala daw ya yung akin. Pero alam ko naman na sa mga tingin palang niya ay may gusto talaga siya. Hindi lang siguro napapansin ni Caloy yun. Masyado kasing busy sa trabaho.

"Merylle, huwag ka nang malungkot! Buo pa din naman ang trio natin!" Sabi ko habang niyakap ko siya.

"Wala lang. Nakakalungkot lang. Pero masaya ako para sa inyo. Lalo na sayo, Ynna."

"Ayun naman pala eh! Group hug nga!" Sabi ni Caloy.

Nagyakapan kaming tatlo ng mahigpit. Yakap ng tunay na mga kaibigan. Yakap na namimiss ko talaga pag ako'y umalis.

Pero teka?

Aalis ba ako?

Hindi pa nga sigurado.

Kailangan ko munang tanungin si papa.

***

Nagpaalam na ako kina Caloy at Merylle upang bumalik na sa aming kubo pero bago pa man ako nakapasok sa bahay namin ay narinig kong may kausap si papa na isang babae.

Sinilip ko ang bukas na pintuan at nakita ko ang isang babae na mukhang 30s ang edad. Ang puti puti niya at makinis pa rin. Ang ganda niya. Parang kamukha niya si Dawn Zulueta.

"Bakit ayaw mong malaman ni Philippe?"

"Magagalit lang siya."

"Kinukunsinti mo kasi yang anak mo sa pagmomodel. Ayan tuloy. At nadamay pa ngayon si Ynna."

"Kamusta na ang anak natin?"

"Dalaga na siya Lalaine. Kamukhang kamukha niyo siya ni Janina."

Ha? Siya si Lalaine. Siya ang mama ko na kahit kailan ay di ko pa nakakausap o mayakap man lang. Nagulat ako sa pinaguusapan nila kaya naman bigla akong napaatras na nagdulot ng tunog ng mesa na nabangga ko. Napatingin silang dalawa sa direksyon ko. Lagot na!

"Ikaw na ba si Alynna?"

"Ah. Eh, opo."

Niyakap niya ako bigla. Nagulat nalang ako at napayakap din ako sa kanya pabalik. Kahit hindi ko nakasama sa paglaki ang mama ko ay wala akong naitanim na galit sa kanya dahil laging sinasabi ni papa na sila ang nagkamali. Na walang kasalanan si mama. Hindi mo namalayan na umiiyak na pala kaming tatlo.

Nakakatawa.

Parang teleserye.

"Ang drama natin." Sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Kamukhang kamukha mo nga si Janina. Nakapagdesisyon ka na ba?"

Tumingin ako kay papa pero sumenyas siya na ako na ang bahala. Ibig sabihin kung ano man ang maging desisyon ko ay okay na sa kanya.

Teka, ano nga ba ang desisyon ko?

"Ano po bang dapat kong maging desisyon?" Tanong ko kay mama.

"Kung ako ang tatanungin anak, mag-aral ka. Isang taon lang naman iyon. Win win situation din ito para sa inyo ni Janina. At gusto ko ring makapagtapos ka. Gusto ko, kahit hindi man tayo lagi magkasama, alam kong mabuti ang kalagayan mo. At alam kong maganda ang future mo."

"Paano pag nalaman ni sir Philippe?"

"Lahat ng parusa tatanggapin ko. Kung ang kapalit nun ay pagaaral ng anak ko."

Napaluha nalang ako at napatango.

Mahal ako ni mama kahit malayo siya sa amin. Hindi ko kayang tanggihan siya. Alam kong malaking pagsubok ito. Hindi naman talaga ako marunong magpanggap. Pero gagawin ko ito para sa akin at para sa pamilya ko.

***

Nandito na si Janina sa bahay namin ngayon dahil tinawagan na siya ni papa kahapon ukol sa pagtanggap namin ng kanyang offer. Kasama niya ulit ang kanyang mga alalay. Meron silang dalang mga libro at iba't ibang school supplies. Naexcite naman ako nung nakita ko yun. Akalain mong may pagasa pa pala ako makapagaral. At sa magandang school pa!

Sayang lang at wala si papa ngayon kasi nasa trabaho siya. Sinabi niya sa akin na ako na daw ang bahala sa pagdating ni Janina.

Dali dali kong nilapitan ang mga gamit pang eskwelahan pero hinarang ako ng mga alalay niya. Nagulat naman ako at tinignan ko si Janina na nakangisi.

"Too excited? Wait ka lang. Meron ka pang pipirmahang contract."

"Ha?"

"Joke. It's rules lang. Rules ko. Parang contract na rin."

Inabot niya sa akin ang isang papel na mabango at ballpen na branded. Binasa kong mabuti ang mga nakalagay sa papel.

RULES:

- Always look presentable.

- Maintain good posture and class.

- Go to gym 3 times a week.

- Maintain a good diet.

- Visit skin clinic once a week.

- Pass all the classes.

- Be friendly with fans.

- Never fall in love.

"Ha? P-pano ko naman magagawa iyan mga yan? Wala akong alam diyan!"

"I have Shibama right here to guide you all the way. He will also be your personal stylist."

May baklang lumapit at nakipagbeso beso sa akin. So ito pala si Shibama. Baklang bakla siya. Pogi sana kung naging lalaki lang. Pero babaeng babae siya eh. Nakadress at nakawig pang blond! Pero may mga muscles? Kaloka! Nako, goodluck talaga sa akin. Ano ba itong pinapasok ko. Papa! Umuwi ka na!

"So, we're good? Pirmahan mo na."

"Ah eh sige."

Pinirmahan ko na ang papel para matapos na. Bahala na. Tutulungan naman ako ni Shibama. Sana lang mabait siya sa akin. Mukhang masungit pa naman. Huhu!

"Enjoy tomorrow!" Sigaw ni Janina.

"BUKAS NA?!!!"

"Yup! Bukas ka na lilipat sa dorm mo at bukas ka na rin mag eenroll. After nun, you cannot go back here to your province anymore because you will have personality enhancement classes to be taken before the class starts."

"H-ha?"

"You cannot say no. That's all part of the deal you just signed. Don't worry. Everything's going to be alright. And fun! Bye!"

Umalis na siya. Naiwan si Shibama na nakangisi.

Patay na. Hindi ko naman alam na huling araw ko na pala ito sa Bohol ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari. Bukas na bukas iba na ang mundong gagalawan ko. Ibang tao na ang gaganapin ko bukas. Hindi man lang ako nakapaghanda. Ilang oras nalang pala akong magiging Paredes. Bukas ay isa na akong Fortaleza. Pekeng Fortaleza.

Ang bilis ng mga pangyayari.

Walang sinasayang na oras.

Kulang ang 24 hours!

Live like we're dying lang ang peg?!

HAY!

Lord..

Bahala ka na po sa akin.