I could perceived that Loki was being insomniac tonight. I sensed it, kahit nakatalukbong ako ng kumot upang hindi niya mapansin na gising pa ako. Hindi kasi siya mapakali and I bet, it was because of the moment, Mira and he, shared at the grand pavillion. My cousin, or should I say, my secret rival scored on her. I saw it right before my eyes that he kissed her. I was envious, really envious and jealous at the same time, since I knew that kiss was echt, and genuine. Sobrang sakit sa mata ang mga nasaksihan ko, at may kung anong sumuntok sa aking dibdib hanggang sa naikuyom ko ang aking mga kamao. Honestly, I have this damn urged to ruin their moment but half of my mind knocked me off from doing it. Ayokong mag-iba ang tingin sa akin ni Mira. Isa pa, ayoko rin masira ang samahan namin ni Loki dahil lamang sa isang babae. We were buddies since we were kids. We aced together in studies and magics. We were brothers. And I did not want to cut my ties from him. Pero paano ko ito nalaman? Sabihin na natin that I'm a freak stalker, since I myself screwed up confessing this feelings of mine. Ninja moves na masasabi, I sneaked from the party and followed Mira secretly right after he dumped me, and I wanted to know kung bakit siya nagmamadali na lumabas ng hall.
Sa totoo lang, it was the first time that I got busted by a girl. I could felt my face went blanch, my heart speed-raced and my stomach back flipped. Gusto ko na sanang magtago dahil sa kahihiyan. But, it was my fault because I made the wrong move. I confessed my feelings for her at the wrong time and at the wrong place. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman at aksidente kong nabanggit ang tungkol sa "matagal ko na siyang nakilala, before Loki did" thing. Yes, I knew her since 2018. Ugali ko na kasing tumakas kapag may free time ako, because I wanted to explore the outside world. Walang magic, walang pressure.
Noong panahon na iyon, I was wandering around the streets in one of the cities in the human world. May lihim na misyon na ibinigay sa akin si Mrs. Clementine, my dear granny. Kailangan ko raw hanapin ang anak ng namayapang reyna, ang tagapagmana ng Lunar Magic at ang susunod na reyna ng Lunaire city at head ng Lunaire Council. Sa buong angkan ng Martin, ako ang nag-iisang nakamana ng unique magic ni lola. Ang makapag-seal at unseal ng magic, gayundin ang maka-detect agad ng magic na may kinalaman sa lola ko. Kaya mas ipinagkatiwala niya ang misyon na ito sa akin kaysa sa pinsan kong si Loki, dahil ako lamang daw ang may kakayanan upang hanapin ang prinsesa. Aside from that, only one man in the Martin family will be given the responsibility to protect the next heir of Lunaire, a pure-blooded Crescencia. It was like a lineage contract na nagsimula pa sa lolo ko sa tuhod na si Raizo. Well, ito lamang ang mga ibinahaging impormasyon sa akin ni lola.
Ayon din kay lola, noong inutos ng reyna sa kaniya na kailangan niyang itakas ang nag-iisang anak nito, nakaburda na sa lampin ang ngalan ng sanggol, ngunit hindi na niya matandaan ang pangalan ng prinsesa. One fact about the princess, her magic had been sealed by my granny para hindi raw ito matunton ng kahit sinong kampon ni Morgana o ni Alistair. At, ang tanging palatandaan ko na lamang upang malaman na siya ang prinsesa ay kapag tumauli ang magic ko sa kaniyang magic. Parang itinali ang magic namin sa isa't-isa.
Well, I thought I was lost hanggang sa napapadpad ako sa isang café. Malapit na ang closing time ng café pero nakuha ko pa rin pumasok doon, since my vision was blurry dahil sa pagod. I went inside and sat in the available couch for a while upang maibsan ang pagod ko. Until I didn't realized, I slept there. Moments later, may marahang yumugyog at tumapik sa aking balikat. Immediately, I woke up and I rubbed my eyes. Then, a waitress showed up, standing in front of me. Yeah, that waitress ruined my nap, but she offered me a tall glass of chocolate milkshake. Siguro para makabawi sa pang-gigising sa akin. I stared at her. Wala siyang suot na make-up sa mukha, at wala rin siyang suot na kahit anong kolorete. She was a plain-vanilla at first sight, but not until you fixed your eyes on her for long. She was really appealing and captivating. My mouth snapped shut, and even a single word didn't came out from my mouth. She beamed at me then she went back to the counter. Hindi ako naniniwala sa "love at first sight" pero tila pinana ni kupido ang aking puso at nahalina ako sa kaniyang angking kariktan. Lucky for me, I saw her name engraved on her nameplate. Mira Luna. I simpered and I paused for a while. Then, I felt my magic inside me stirred up suddenly. Nanlaki ang mga mata ko. I glanced back at her slowly with wide eyes. Kapag sinusuwerte ka nga naman. And I am pretty sure, she is the princess. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin kung magpapakilala na ba ako sa kaniya o marahas ko siyang ibabalik sa Lunaire city pero, wala naman masama kung susubukan ko.
Akma akong tatayo upang lapitan siya pero inunahan na niya ako, papunta siya sa puwesto ko ngayon. My body stiffed when she approached me, and my magic continued to swirl inside me. Nang makarating na siya sa kinauupuan ko, bumulong si Mira sa akin na huwag ko na raw bayaran iyong milkshake kani-kanina at treat na raw niya iyon sa akin dahil mukhang pagod na pagod ako. I gave her a half-smile, saka sinubukan kong magsalita. Crap! Ganito pala ang feeling kapag inaatake ka rin ng pagka-torpe. I offered her a hand shake, then I blurted my name suddenly. "Rincewind Martin!" I was really weird that time, pero hindi niya ako tinawanan, bagkus hinawakan niya ang kamay ko at nakipag-shake hands sa akin habang nakangiti, saka siya nagpakilala na siya si Mira Luna Crescencia. Ayoko ng bitawan ang malambot niyang kamay ngunit kinakailangan. Inabisuhan niya kasi ako na magsasara na ang café dahil closing time na nila. Actually, hindi lamang sila makapagsara dahil mahimbing daw ang pagkakatulog ko. Siya na raw kasi ang naglakas-loob na gumising sa akin dahil hindi raw magawa ng mga kasama niyang waitresses na gisingin ako at baka maantala raw ang mahimbing na pagtulog ko. Kanina pa raw kasi nakatulala ang mga kasama niya sa akin dahil sa maamo at nakakaakit ko raw na hitsura. I drew a long breathe after she told me that, saka marahan kong binitawan ang kaniyang kamay. Hindi na ako naka-imik pa kaya, I decided to leave the café. Siguro, hindi pa iyon ang tamang panahon para ibalik ko siya. Iyon na lamang ang naisip ko saka bumalik na ako sa Lunaire city, ngunit parati akong bumabalik sa human world upang patuloy ko siyang masubaybayan.
I pressed my lips together as I reminisced those memories of meeting her. For sure, kaya hindi niya ako maintindihan dahil hindi na niya ako naalala. Kahit noong unang pagpunta niya sa academy, halatang hindi na niya ako namukhaan, though I was startled and overjoyed to see her. Nagsisisi rin ako. Kung noon pa man na ipinaliwanag ko sa kaniya kung sino siya, ako na sana ang nasa posisyon ni Loki ngayon at hindi siya. Tiningnan ko ang aking palad saka lihim na inilabas ang aking Solar grimoire. Another problem for us, we didn't know if which one is the original or the replica. Sa bawat henerasyon, tanging ang pamilyang Martin lamang ang inatasang maging guardian ng pamilya ng reyna. Bukod doon, noong mga panahon daw na iyon, ang ama kong si Wind at si tito Victor Greyhound, na ama ni Loki ang pinili ng Solar grimoire. Kaya naging dalawa ang kopya ng grimoire ay dahil ito sa eksperimento ng aking ama at ni tito Victor upang parehas nilang magamit ang magic na taglay nito at para mas mapa-igting pa raw ang kapangyarihan nito upang matalo ang kalaban. Pero, nararamdaman kong sa huli, isa lamang talaga sa amin ni Loki ang pipiliin ng grimoire na ito. The solar magic from this grimoire will conjoin to the original grimoire soon, at isa sa grimoire namin ni Loki ang maglalaho.