"Mira. Mira." Naririnig ko ang pamilyar na tinig ng babaeng bumabanggit sa pangalan ko, ngunit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata sapagkat tila ayaw pa akong lubayan ng malalim kong pagtulog. "Mira, gumising ka." May maiinit na kamay ang dumampi sa aking mukha. Ang pakiramdam na ito. Tila kailangan kong gumising agad dahil maging ang puso ko ay nananabik na makita ang babaeng patuloy na sumasambit sa aking ngalan, kaya sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Sa pagdilat ko, nasa ibang mundo muli ako, katulad ng mga nauna kong mga panaginip. Naramdaman ko na parang nakahiga ako sa kanlungan ng isang babae, ngunit hindi ko maaninag ng maayos ang kaniyang mukha dahil sa liwanag na bumabalot sa kaniyang pagkatao. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at ng luminaw na ang aking paningin, gumuhit ang malapad na ngiti sa kaniyang labi, saka siya nagsalita.
"Ako ay Ikaw, dugo at laman mo'y nanggaling din sa akin, dahil ikaw ay akin. Batid kong may hinuha ka na kung ano ang tunay kong katauhan."
"Opo, mahal kong ina." wika ko sabay niyakap ako ang aking ina. Mahigpit at maaalaga na may halong pananabik ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Buong buhay ko, hindi ko naranasan ang yakap ng isang magulang, ina ko man o ama ko dahil hindi ko sila nakagisnan. Pero heto siya sa harap ko ngayon. Matagal na siyang yumao ngunit tila buhay pa siya. Nahahawakan ko siya at hindi malamig ang buo niyang katawan. Para pa rin siyang buhay at nananatili siya rito sa isip at puso ko. Minsan, masasabi ko rin na ang tanga ko. Sana naisip ko na agad na siya ang aking ina sa simula pa lamang. Niyakap ko rin siya katulad ng pagkakayakap niya sa akin.
"Mira, sa tingin ko ito na ang huling beses na magkikita tayo." malungkot na winika sa akin ni ina.
Marahas akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya saka tiningnan siya ng deretso na may halong pagtataka, "B-Bakit po ina? Sa ilang beses na pagpapanaginip ninyo sa akin, ngayon ko lamang napagtanto na ikaw si Lady Minerva, ang aking ina. Bakit ngayon pa?!" halos mautal-utal kong bulalas sa aking ina dahil na rin sa pagkagulat.
Marahan akong hinawakan ni ina sa aking balikat at ngumiti, "Matagal na akong yumao, natupad na rin sa wakas ang hiling ko na makilala mo ako, bilang iyong ina. Isa pa malapit ng mangyari ang bagay na kinatatakutan ng lahat."
"Ano pong kinatatakutan ng lahat?" nakakunot-noong tanong ko sa aking ina.
"Ang pagsasaklop ng buwan at ng araw. At ang muling pagbangon ng kadiliman. Ang paggising muli ni Morgana mula sa kaniyang pagkakahimlay."
"Iyon po ba ang binanggit ninyo sa akin noong unang beses na nagpakita kayo sa aking panaginip?"
Tumango lamang ang aking ina, saka ako marahas na napabuga ng hininga.
"Okay alam ko na po ang bagay na iyon. Pero, ang hindi ko po maunawaan ina, paanong natutulog lamang si Morgana? Hindi ba gising na gising pa siya at siya lahat ang may pakana ng kaguluhan? Kaya nga po babawiin namin ang mga dinukot niyang estudyante ng Lunaire sa kaniya."
Bumuntong-hininga si ina saka siya marahang nagsalita, "Matagal na siyang nahihimlay. Ang mga naiwan niyang kampon ang kumikilos para sa kaniya upang siya ay muling magising. Para mangyari muli ito, kinakailangan niya ang dugo mula sa susunod na tagapagmana ng pamilyang Whittaker, Ravencraft at Fontanelli. Ang pamilyang naglingkod sa kaniya, ngunit sa huli ay umanib sa amin. Kaso bago pa man nila nalaman na ginamit lamang sila ng aking kapatid, nagkaroon na sila ng kasunduan na kailangan isakripisyo ng mga pamilyang ito ang dugo ng mga susunod na tagapagmana kung kinakailangan. Muling manunumbalik ang kapangyarihan ni Morgana sa oras na maglinya-linya ang mga planeta, at mga bituin, ganoon din ang pagsasaklop ng araw at buwan."
Napasinghap ako saka bumuga muli ng hininga, "Ibig pong sabihin, kailangan pala talaga namin mapigilan ang napipintong paggising ni tita. I mean, my evil tita?!" bulalas kong muli na may halong pagtatanong.
"Oo," matipid na sagot ni ina sa akin, "Ngunit alam ko na makakasama mo ang babaeng pinili ng mga bituin upang suportahan ka, at ang lalaking pinili ng araw upang maging tagapagtanggol mo."
"Teka, si Loki at Rincewind po ba ang tinutukoy ninyo? At si Stella?"
"Ang mga taong pinili ng Stellar at Solar grimoire. Ngunit, sa kaso ng Solar grimoire, iisa lamang talaga ang tunay na magmamay-ari nito, nararamdaman kong malapit ng mawala ang replica na ginawa nila Wind."
"Ibig sabihin, isa lamang talaga ang pinili ng Solar grimoire?"
"Oo, at malalaman mo iyon kapag ang isa sa dalawang binata ay nagkaroon ng marka ng sinag ng araw sa kaniyang palad." wika ni ina, dahilan para bahagyang lumungkot ang ekspresyon ng aking mukha. Ibig sabihin, panandalian lamang pala ang ibinigay na Solar magic sa isa sa kanila, "Kung iyong natatandaan, inalis ko ang itim na guwantes na iyong suut-suot, alam ko sa ginawa ko noong huli sa'yo ay nagagawa mo ng gamitin ang Lunar grimoire at kaya mo na rin kontrolin ang Lunar magic kahit papaano. Ngunit hindi iyon sasapat. Kailangan mo ang tulong ng tunay na tagapagmana ng Solar grimoire at ng Stellar grimoire. Ang Lunar grimoire na nasa iyo ngayon ay may punit na pahina. Kung manunumbalik muli ang pahinang ito sa iyong grimoire, sigurado ako, hinding-hindi ka na masisilo ni Morgana." dagdag ni ina.
Sa mga sinambit niya, lalong nawindang ang mga brain cells ko, kaya agad kong inilabas ang Lunar grimoire ko mula sa aking palad. Buti at tinuruan ako ni Phyra before the trial kung papaano magtago ng grimoire gamit ang magic. Binuklat ko ang aking grimoire saka ko nakita ang tinutukoy ni ina na bahagi ng grimoire kung saan may nawawalang pahina. Tumunghay ako kay ina nang muli siyang nagsalita.
"Ang punit na pahinang iyan ang susi upang matalo si Morgana. Nagawa kong gapihin ang aking kapatid dahil sa tulong ng aking guardian na si Wind Martin, at ni… Victor Greyhound. Sila ang mga mahuhusay na wizard ng mga panahon na iyon at sila rin ang mga salarin kung bakit nahati sa dalawang kopya ang Solar grimoire. Kasama ko rin si Sarah Éclair, ang dating tagapangalaga ng Stellar grimoire na nagmula pa kay Tala na kapatid nila Mayari. Nilagyan ni Sarah ng sumpa si Morgana na habambuhay itong matutulog upang hindi na makapaminsala pa, dahil hiniling ko rin na h'wag nilang wakasan ang buhay ng aking kapatid. Akala ko natalo na talaga namin ang kapatid ko pero, hindi pala. Hindi ko nagawang makaligtas, gayundin ang tatlo ko pang kasama."
"What? May ibang pumatay sa inyo?!"
My mom's posed a serious face and her mouth set in a hard line, "Bukod sa kapatid kong si Morgana, may ibang nagnanais na kumitil sa aming buhay, at nagtagumpay siyang gawin iyon. Hindi ko kilala kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa amin, pero isa ang sinisigurado ko sa'yo anak, mayroong ibang traydor sa Lunaire. At siya rin ang susi upang mahanap ang iyong ama na si Willow."
My mouth fell open. May kung anong sumuntok sa dibdib ko dahilan para magngalit ako dala ng mga sinabi ni ina sa akin, then I gnashed my teeth. So, may ibang quisling sa academy. Saka papaano nga makakapasok ang katulad ng shape-shifting demon na nagpanggap na Lucia sa academy kung mayroon wizard na nagpapasok sa kaniya. Mga walanghiya!
I suppressed the anger that I felt when my mom spoke, "Mira kailangan mong maibalik ang punit na pahina ng iyong grimoire sa lalong madaling panahon. Kailangan mo ang tulong ng tagapangalaga ng Stellar at Solar grimoire. Kapag nanumbalik muli ang nawalang pahina ng iyong grimoire, magagawa mo ng gamitin ang natatagong kapangyarihan ng Lunaire Magice."
Tumigil ako pansamantala saka bumuntong-hininga. Ibinalik kong muli ang tingin sa punit na pahina saka ako matatag na sumagot kay ina, "Makakaya ko ina na ibalik ang nawawalang pahina nito. At kapag sapat na ang lakas ko, ipaghihiganti kita."
Umiling-iling si ina sa akin, "Hindi mo kailangan na maghiganti para sa akin. Mahal ko si Morgana, at pinaikot lamang siya ni Alistair kaya nasira ang pinagsamahan namin bilang magkapatid. Ngunit gusto ko sanang pigilan mo ang binabalak pa ng mga naiwang kampon ni Morgana upang hindi na ito makapaminsala pa. Gayundin ang tunay na traydor ng Lunaire." ngumiti si ina sa akin saka napansin kong bumulong siya at may lumabas na singsing na nakalutang sa pagitan namin dalawa saka niya ito kinuha.
"Muntik ko ng makalimutan, malapit na ang iyong kaarawan, hindi ba?" kinuha ni ina ang palasingsingan ng aking kanang kamay, "Isuot mo ito Mira bilang munti kong regalo para sa'yo."
Pinagmasdan ko ang singsing na isinuot sa akin ni ina. Napansin kong kuminang ang asul na bato ng singsing na ibinigay niya sa akin saka ako nagpasalamat, "Salamat po rito, ina."
I saw a smile drew on my mom's lips as her eyes sheened, "Ang singsing na iyan ay sa akin. Ipinagkasundo ako noon sa isang maharlikang wizard, ngunit sinuway ko rin ang aking mga magulang, at pinili ko ang iyong ama na si Willow. Ang nagbigay niyan sa akin ay ang lalaking dapat kong pakakasalan. Mayroon siyang binanggit na mayroon siyang inilagay na kakaibang mahika sa mga singisng namin ngunit wala akong ideya kung ano yaon. Isa pa, naging mabuti kaming magkaibigan ng lalaking iyon. Minahal niya ako, ngunit hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin dahil kaibigan lamang ang turing ko sa kaniya. Ayaw ko siyang saktan, kung kaya, ang naisip kong isang paraan ay ipagkasundo ang magiging anak ko sa magiging anak niya. At ang mga anak namin ang itatakdang ikasal sa oras na maipasa na ang korona sa susunod na tagapagmana.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bahagyang kumabog ang puso ko saka malamlam akong nagtanong kay ina habang nakayuko ang aking ulo, "Ako at ang lalaking papakasalan ko? So, ibig sabihin, makikilala ko ang lalaking 'yon dahil mayroon din siyang ganitong singsing?" Nakakalungkot man isipin, ngunit may iba na akong gusto. At sigurado akong, siya ang lalaking para sa akin. Hindi ko naman kailangan magpakasal sa taong hindi ko naman kilala at hindi ko mahal. What matters most is what my heart desires.
"Tama, at siguro pinagtagpo na rin kayo ng tadhana," nakangiting sagot sa akin ni ina saka nagpalinga-linga siya sa paligid, "Sa tingin ko Mira, wala na tayong oras, kailangan ko ng umalis. Ikaw na ang bahala anak. Alam kong magagawa ninyo ang itinadhanang misyon para sa inyo, at mukhang sapat na ang mga sinabi ko para magampanan ninyo ito." Hinalikan ako ni ina sa aking noo. Pinipigilan ko ang sarili na umiyak, sa halip, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at niyakap ko siyang muli.
"Mahal na mahal kita, ina. Kahit ngayon lamang kita nakilala at nayakap. Masaya ako dahil alam kong hindi mo ako pinababayaan. Gagawin ko ang nararapat bilang susunod na reyna." Hindi na nagsalita si ina, bagkus matamis siyang ngumiti sa akin at unti-unti ng binabawi ng liwanag mula sa di-kalayuan ang kaniyang katawan. Marami pa akong gustong ikwento at itanong sa kaniya, ngunit nagpapasalamat ako at kahit sa maiksing panahon, nakasama ko si ina. Kapag nagising na ako, uunahin kong hanapin ang nawawalang pahina ng grimoire ko, saka kita isusunod, the true quisling. Dahil sa'yo, sinira mo ang buhay namin lahat. Ipinapangako ko, simula ngayon, magiging mas malakas na ako.