All I ask is if…this is my last night with you. Hold me like I'm more than just a friend. Give me a memory I can use. Take me by the hand while we do what lovers do. It matters how this end. Cause what if I never love again.
- All I ask, Adele
***
TINIGNAN ni April ang sarili sa full length mirror sa kanilang walk-in closet. Handang handa na siya sa kung ano man ang kalabasan ng mangyayari ngayong araw. Napatingin din siya sa wedding ring nilang dalawa ni Cyril.
Para sa nakalipas na mga buwan, ang singsing na ito ang nagsilbing buhay na ebidensya para sa kanya na may pinanghahawakan siya sa asawa.
Kasal sila. Magkakaanak pa. Dahil dito ay buo ang kumpyansa niyang magiging buo silang pamilya. Wala sa loob niyang bawat isa sa ating ay may mga nakaraang ayaw ng kalimutan. Dapat talaga ay pinanindigan na niya ang naunang desisyon. Sana ay hindi niya inibig ang asawa at hindi siya nasasaktan ng ganito.
Pero kung pinairal niya ang pagiging selfless, marahil ay hindi niya naranasan ang sumaya sa piling ng binata…kahit sa sandaling panahon lang.
"Ma'am April, handa na po 'yong sasakyan." Doon lang siya natauhan ng kumatok si Ate Gigi para ipaalam sa kanyang handa na ang sasakyan.
"Salamat, Ate Gigi." Sabi niya dito ng madatnan ito sa labas ng kwarto.
Kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala sa kanya. Bakas na bakas siguro sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan. Simula kasi ng gabing kausapin niya ang asawa ay hindi na naman ito umuwi sa kanya. Apat na araw na ang nakalipas.
Wala man siyang binabanggit dito ay alam niyang nakakaramdam ang mga kasama niya sa bahay.
"Dadalan mo po ba ngayon ng tanghalian si Sir Cyril?" Tanong nito.
Isa pa 'yon. Simula ng makapag-usap sila ng asawa, kung pag-uusap bang matatawag 'yon, sa opisina nito ay hindi na rin niya ito hinatiran ng pagkain.
"O-Opo." Palusot niya dito. Kahit na may iba siyang lalakarin ngayong araw.
"Hala! P-Pano 'yan? Hindi ako nakapag-prepara, Ma'am April!" Nag-panic ito agad dahil sa nalaman.
"Wag ka ng mag-alala ate Gigi. N-Nagtext si C-Cyril…kakaen daw po kami sa labas!" Pilit pinasaya ni April ang tinig. Pero kulang na lang ay nabilaukan siya sa mga kasinungalingan na sinabi.
Nag-text? Ni hindi nga nagpaparamdam ang asawa mo kung humihinga pa siya! Hahayain ka pang kumain sa labas? Sabi ng subconscious niya.
"G-Ganoon po ba? Sige po, mag-ingat po kayo!" Paalam nito sa kanya. Bigla namang nagbago ang anyo nito, tila ba tuwang tuwa ito sa narinig sa kanya.
* ~ ~ ~ *
YOUNG HEARTS is updating daily on GoodNovel. You can read the complete and edited story and the whole chapter on GoodNovel.
HOW?
- You can read online
1. Go to www.goodnovel.com
2. Create an account
3. Search "Young Hearts"
- You can read thru GoodNovel application
1. Download GoodNovel app on Google Play or App Store
2. Create an Account
3. Search "Young Hearts"
- For easy access, you can click my carrd
type romancenovelistlady.carrd.co on the search bar
1. Select Stand Alone
2. Select Young Hearts.
From there you can access Young Hearts on GoodNovel.
Young Hearts updated on GoodNovel has the same book cover here on WebNovel.
P.S. Young Hearts is currently on a non-exclusive contract under GoodNovel. Thank you so much for patiently waiting and still reading my stories! Maraming Maraming Salamat po!