"G-Gael!" gulat na bulalas ni Marcie, sa pagkamangha ni Louise ay iglap na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng dalaga, gumuhit doon ang lungkot na tila ba ito batang inapi. Tila ito sawang pumulupot sa bisig ng binata.
"I..I was just defending myself... you see... Louise is making fun of me dahil...dahil sampid lang daw ako sa bahay ni Mayor!" puno ng hinanakit ang tinig nito. Louise couldn't believe her eyes na naroon talaga ang luha sa mga mata nito! Bravo! best actress!
Kumunot ang noo ni Gael at tinitigan siya, as if waiting for an explanation. Sa halip na paliwanag ay isang buntong hininga ang kanyang ginawa at iningusan ito. Dinampot niya ang kanyang bag at tinalikuran ang mga ito. Gael can believe anything he wants to! Tutal naman mukhang close naman ang mga ito, judging by the way Marcie wrapped her arms around him! Mabilis siyang naglakad palayo sa canteen.
Tuluyang humagulgol si Marcie "see what I mean? She's a spoiled, selfish, bit..."
"That's enough!" mariing putol ni Gael sa anumang sinasabi ng dalaga. Halos dumagundong ang tinig nito sa buong cafeteria. Ang ibang estudyantend naroroon ay inilabas ang mga telepono ang nagsimulang i-video ang nangyayarii. Kinalas ni Gael ang pagkakayakap ng dalaga mula sa
braso at mabilis na sinundan si Louise.
"Gael wait!" tawag ni Marcie ngunit tila walang narinig ang binata. She gritted her teeth. may araw ka rin sakin, Louise!
"Louise, sandali!" narinig niya ang tinig ni Gael ngunit ni hindi nag abalang lingunin ni Louise ang binata,at sa halip ay lalo siyang nagmadali sa paglakad.
"Louise!"
Mabilis na kumanan si Louise papasok sa library. She knows she's acting like a kid pero hindi niya gustong makita or makausap ngayon ang binata. Naiinis din siya sa sarili kung bakit matinding inis ang umahon sa kanyang dibdib ng makitang niyapos ito ng malditang si Marcie. Hindi niya gustong mahalata ni Gael ang pagkairita at disgusto sa kanyang mukha.
Tila isang batang nagtago si Louise sa pagitang ng naglalakihang talaksan ng mg libro, peeking at the spaces between them to see if he had followed her.
Makalipas ang ilang minuto ay nakahinga siya ng maluwag nang hindi makita kahit saan ang binata.
Looks like she lost him.
She gave a sigh of relief. She turned around ready to leave, only to bump into a huge figure na hindi niya napansin naroon na pala sa kanyang likuran.
"ay!" medyo nawalan siya ng panimbang dala ng pagkabigla at pagbangga sa pigurang nakatayo pala sa kanyang likuran.
Instantly, she felt strong arms swooped her waist.
Awtomatikong naitukod niya ang magkabilang palad sa dibdib ng lalaki, kasabay ng pagtingala niya sa mukha nito.
Louise inhaled sharply. Si Gael!