Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 82 - Officially

Chapter 82 - Officially

Kagaya kahapon ay si Alice ang naiwang magbabantay ng magdamag kay Alex. Medyo okay na ito at mas malakas na kaysa kagabi kaya magiging magaan na ang pagbabantay ni Alice dito. Sina Angel at Benjie naman ay magkasabay nang umuwi sa Moon Village.

"Dad, pwede ba kong pumunta muna kina Bryan?"

"Hmn? Gabi na, ah!"

"Dad, same village lang naman ang mga bahay natin."

"Kahit na!"

"Daddy naman..." Sumimangot si Angel.

Bumuntong-hininga si Benjie. "Dati rati kami lang ng mommy ninyo ang gusto ninyong kasama ng kapatid mo. Ngayon, meron na kayong Bryan at Richard."

"Nagseselos ka ba talaga? Biro lang iyong sa ospital kanina, hindi ba?"

"Oo naman. Pero siyempre, may konting selos pa rin iyon. Ngayon lang kasi nangyari ito. Tapos sabay pa kayo ni Alex. Dati rati, kapag natutusok ng karayom iyong kapatid mo, kailangan ko pang aluin ng matagal. Ngayon, hawakan lang ni Richard ang kamay niya nawawala na ang sakit. Hindi ba nakakaselos iyon?"

"Dad..." She leaned on his shoulder.

"Oo na. Ako na ang first love ninyo. Alam ko naman iyon... Pasensiya na, daddy lang ng dalawang mababait at sweet na dalaga... Dalaga na nga kayo."

Tumigil ang sasakyan sa may tapat ng bahay ng mga de Vera.

"Ang tanging konsolasyon ko na lang, mababait iyang mga napili ninyong mahalin. Iyong si Richard, kailangan ko pang kilalanin. Pero si Bryan, sigurado na akong mabait siya. At masaya akong siya ang naging boyfriend mo."

Niyakap ni Angel ang ama. "Thanks Dad."

"O sige na. Bumaba ka na at nang kaagad kang makauwi."

"Sige po." Hinalikan pa niya ito sa pisngi bago bumaba ng kotse.

Nag-doorbell si Angel sa gate ng mga de Vera. Ilang sandali lang naman ay lumabas na ang kasambahay nina Bryan. Nang makapasok na siya ay umalis na rin si Benjie at umuwi na sa kanilang bahay.

Sa may sala hinintay ni Angel si Bryan. Pinaupo siya sa sofa ng katulong tsaka siya nito iniwan para tawagin ang pakay niya. Nang mag-isa na lang ay nilibang niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa kabuuan ng bahay. Isang napakaimportanteng bagay ang sasabihin niya ngayon kay Bryan, kaya naman hindi niya mapigilan ang kabang lumukob sa buong pagkatao niya. Huminga na lang siya ng malalim para makalma ang sarili.

Kaagad namang bumaba mula sa second floor ng mansiyon si Bryan upang harapin siya.

"Hi!" Nakangiti kaagad ito pagkakita sa kanya.

Bigla ang dagundong ng kaba sa dibdib ni Angel. Napatayo siya mula sa pagkakaupo upang batiin si Bryan.

"Hi! Uh... Ang mga parents mo?"

"May inaasikaso pa sa ospital. Halika, upo ka ulit."

"Ahm... Bryan, pwede ba tayo doon sa may swing? Yung sa may garden ninyo?" Mas gusto niyang doon ito kausapin dahil walang makakaistorbo sa kanila doon. Isa pa, parang hindi siya makahinga ng maayos dahil sa kaba kaya mas makakabuti kung sa open air sila mag-uusap.

"Sige," walang-anumang wika ni Bryan.

Nagpunta sila sa swing sa may garden ng mansiyon. Doon sila naupo ni Bryan.

"Mabuti napadaan ka? Si Richard kanina ayaw nang iwan si Alex. Parang gusto niya siya na ang magbantay sa kanya ngayong gabi. For sure, bukas ng umaga nandoon ulit iyon."

Sumandal si Angel sa balikat ni Bryan.

"Uy!" tukso ni Bryan sa kanya. "Anong meron?"

"Bakit? Bawal na bang sumandal sa balikat ng boyfriend ko?"

"Hindi naman... Kung totoong boyfriend."

Pumikit si Angel. "Eh di totohanin na natin..."

Ramdam ni Angel ang pagkabigla ni Bryan sa narinig.

"What?" Iniharap siya ni Bryan sa sarili nito. "What did you just say?"

"Ano bang araw ngayon? Tingin mo ba, magandang gawing anniversary natin itong araw na ito?"

"Angel..." Bryan gaped at her.

Nginitian lamang niya ito, and somehow, her feelings seem to get through him with just one smile.

"Tayo na? As in... totoong tayo na?"

Tumango siya. "Kung... gusto mo lang naman. Pero kung ayaw mo-"

"Gustong-gusto! Siyempre!"

Niyakap siya nito. Gumanti rin siya ng yakap at parang gumaan ng one hundred times ang dibdib niya.

"Salamat..." Tinignan siya ni Bryan. "Promise, I will be your best boyfriend ever!"

"Wala pa naman akong nagiging boyfriend, eh."

"Oo nga pala. At ayoko namang may iba ka pang maging boyfriend bukod sa akin. Dapat ako lang forever. Ay, hindi pala. Ako lang hanggang maging mag-asawa na tayo."

Natawa siya sa sinabi nito. "Asawa kaagad? Wala pa nga tayong isang oras mag-boyfriend."

"Eh, ganun talaga. Dapat kine-claim mo na."

Tsaka siya nito muling niyakap. Niyakap din niya ito.

"I promise na hindi ko sisirain iyong pangako ko sa daddy mo," ani Bryan. "Hinding-hindi kita sasaktan. Pero kung magkaroon man ng pagkakataon na masaktan kita, sabihin mo sa akin kaagad, ha? Para maitama ko kung ano man ang mali ko."

"Masyado ka naman yatang pa-perfect."

Tinitigan siya nito ng seryoso. "That's how much I love you."

"I love you too, Bryan de Vera."

Napapangiti na parang nahihiya si Bryan. Natawa siya sa reaksiyon nito.

"Mr. Bryan de Vera, kinikilig ka ba?"

Hindi nakasagot si Bryan. Napangiti na lamang ito ng tuluyan. Siya naman ay natawa na lang ulit.

"Ang cute mo palang kiligin."

"Pasensiya na, tao lang."

She smiled. "At least you know how I feel. Lagi mo kaya akong pinapakilig."

"Talaga?"

"Oo. Kaya minsan naman payagan mo akong pakiligin ka."

"Kahit lagi-lagi pa."

Muli siya nitong inakbayan.

"I never thought that you would really be my girl. Lagi mo kaya akong sinusungitan dati. Parang iyong daddy mo lang."

"Arte lang iyon ni Daddy. Alam mo naman iyon, trying hard mag-joke. Pero mabait naman siya, 'di ba?"

"Oo naman. Naiintindihan ko naman iyon. At alam ko rin kung bakit siya ganoon. Kanina sa ospital, nung nilalambing ninyo siya ni Alex, medyo nalungkot ako para sa kanya. Kasi parang naramdaman ko iyong feeling niya na parang hindi na katulad ng dati iyong mga baby niya. May iba na silang mahal."

Tsaka siya nito tinignan. "I promise na hinding-hindi ako magiging dahilan para maramdaman ng daddy mo na unti-unti ka nang nawawala sa kanya. Hinding-hindi kita kukunin sa kanila... Err... puwera na lang kapag ikinasal na tayo. Siyempre ibang usapan na iyon."

"Hindi pa nga tayo nagga-graduate, kasal na kaagad?"

Ngumiti si Bryan. "Pero seriously... Kahit dumating iyong time na ikasal na tayo at magkaroon ng sariling bahay, hindi pa rin kita ilalayo sa kanila."

"Eh kasi naman, malamang na dito rin sa Moonville tayo tumira, 'di ba? Dito rin lang sa bahay ng lolo mo."

"Tama ka diyan! Ang talino talaga ng girlfriend ko. Kaya mahal kita, eh. At ngayon, totoo na talaga kitang girlfriend."

"Mas matalino ka, kasi ako ang pinili mong mahalin."

"Hmn..." Kunwa'y napaisip si Bryan. "Siguro mas tamang sabihin na ang puso ko ang matalino."

Muling sumandal si Angel sa balikat nito. Inakbayan naman ito ni Bryan. "Iyang matalino mong puso na mahal ng puso ko."

Isang halik ang dumampi sa ulo ni Angel. She closed her eyes to savour the lovely feeling that is brought to her by the person that she loves completely.

♥️♥️♥️

🇪 🇳 🇩 

♥️♥️♥️

𝑊𝑎𝑖𝑡 𝑓𝑜𝑟 𝑡ℎ𝑒 𝑏𝑜𝑦 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑑𝑜 𝑎𝑛𝑦𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑜 𝑏𝑒 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑒𝑣𝑒𝑟𝑦𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔. ~ 𝚒𝚐𝚕𝚘𝚟𝚎𝚚𝚞𝚘𝚝𝚎𝚜.𝚝𝚞𝚖𝚋𝚕𝚛.𝚌𝚘𝚖