Chapter 66 - Troubled

Hindi pa rin mawala sa isipan ni Angel iyong naging pag-uusap nila kanina ni Richard. Nag-aalala siya para dito at sa kapatid na si Alex. Sana ay walang nangyaring hindi maganda sa mga ito.

Halata ang pananamlay niya, at maging si Bryan ay nahahawa na rin sa lungkot na nararamdaman nito.

"Iniisip mo pa rin ba iyong dalawa?"

Napatingin si Angel kay Bryan. Kasalukyan silang palabas ng classroom ng huli nilang klase para sa araw na iyon.

"Sorry." Wala siyang ibang masabi. Totoo naman kasi ang sinabi ni Bryan.

"Okay lang. Nag-aalala rin naman ako."

"Paano ba kasi napunta dito ang lahat? Okay naman sila dati, 'di ba?"

"Hindi ko rin alam."

The all-knowing Bryan de Vera doesn't have an idea what's happening. It's a first. Siguro nga ganoon na kakumplikado ang lahat kaya maging ang matalinong si Bryan de Vera ay walang maisip na dahilan ng mga pangyayari ngayon.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Bryan sa kanya.

Tumango siya. "Ikaw?"

Tumango rin si Bryan. "Wala muna kaming practice hanggang after finals week."

Kinuha niya ang cellphone at saka nag-text kay Alex.

𝘛𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘬𝘰. 𝘐𝘬𝘢𝘸?

"Magkasama kaya sina Alex at Richard?"

Nagkibit-balikat si Bryan. "Siguro. Baka ngayon pa lang sila nag-uusap."

Dumating na ang reply ni Alex.

𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰, 𝘢𝘵𝘦. 𝘕𝘢𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘶𝘸𝘪.

Hindi maiwasang kabahan ni Angel sa sagot ni Alex. Kung maaga itong nauwi, ibig sabihin, may nangyari.

"May problema ba?" Napansin yata ni Bryan ang pag-aalala niya.

"Umuwi na daw si Alex. Bryan, may nangyari kaya?"

"Hey!" Hinawakan ni Bryan ang kaliwang braso niya. "Huwag ka munang mag-isip ng masama. Malay mo, wala lang pasok si Alex kanina kaya maaga siyang umuwi."

"I have to go home now."

Walang lingon-likod na pumunta na siya sa parking lot. Parang walang Bryan na nakasunod sa kanya. Tuloy-tuloy ito sa pagpasok sa kotse at pagpapa-andar nito. Ilang sandali pa ay nakalabas na ang kotse niya ng CPRU.

Sinundan na lamang siya ni Bryan. Siniguro ng lalaki na ligtas itong makakarating sa bahay nito. Alam niyang magulo ang isip nito ngayon. Gusto na nga sana niyang isabay ito sa pag-uwi, pero baka malaman ito ng mga magulang ni Angel. Baka lalo pa silang magkaproblema kapag nagkaganoon.

❌🆘⭕️

Walang magawa si Angel kundi ang titigan lamang ang kapatid niyang si Alex habang umiiyak itong nagkukwento ng mga nangyari kanina sa may CPRU. Awang-awa siya dito, pero ano nga ba ang dapat niyang gawin? Ano ba ang dapat niyang sabihin? Tulad si Alex ay baguhan din lang siya sa larangang iyon. Ngayon lamang siya nakaranas na magmahal, at mahalin, kaya wala siyang maisip na ipayo sa kapatid niyang walang hangganan yata ang mga luhang kayang iluha nito.

Sa totoo lang, nanghihinayang siya sa nangyari. Alam niyang mahal na nina Alex at Richard ang isa't isa. Pero kahit pala dalawang taong nagmamahalan ay may posibilidad ding magkahiwalay nang dahil sa selos at hindi pagkakaunawaan.

Gusto niyang sabihin kay Alex na ayusin nila ni Richard ang lahat. Pag-isapan nila ito ng maayos at huwag hahayaang mapunta sa wala ang lahat. Pero paano niya mapapaliwanagan ang kapatid niyang sarado na ang isip pagdating sa bagay na iyon?

Sa huli'y naisip niyang manahimik na lamang. Tahimik na lamang niyang pinakinggan ang sama ng loob ng kapatid. Tahimik siyang nakihati dito. Sa likod ng isip niya, lihim siyang umisip ng paraan kung papaano niya ito matutulungan sa problema nito. Kung paano niya ito mapapasaya ulit.

Kung si Alex ay umayaw na, paano naman si Richard? Siguro ay ang binata ang dapat kausapin ni Angel. Baka sakaling hindi pa sarado ang isip nito katulad ng kay Alex. Isa pa, si Richard ang lalaki kaya ito dapat ang manindigan sa kanilang dalawa ni Alex.

Ang tanging magagawa na lamang ngayon ni Angel ay ang tulungan si Alex na itago ang lahat sa mga magulang nila. Lalo na't hindi nakisalo si Alex sa hapunan nila dahil na nga sa wala itong ganang kumain. Isa pa ay mugto ang mga mata nitong maya't maya ay umiiyak.

"O, nasaan ang kapatid mo?" bungad sa kanya ni Alice pagpasok niya ng dining room.

"Masama daw po ang pakiramdam," aniya. "Tulog na nga po. Masakit daw ang ulo niya sabi niya kanina."

"Paanong hindi sasakit ang ulo niya? Dalawang araw ba namang walang maayos na tulog," ang sabi naman ni Benjie. "Akalain mong dalawang araw na slumber party ang ginawa nila ng mga kaibigan niya? Malamang hindi natulog ang mga iyon."

Hindi naman galit si Benjie. Sinasabi lamang nito ang nangyari noong Friday and Saturday night. Anong oras na ngang umuwi kagabi ang mga kaibigan ni Alex. Parang ayaw na nilang maghiwalay pa.

"Hayaan mo na ang mga bata," ang sabi ni Alice sa asawa. "Alam mo namang miss na miss lang nila ang isa't isa."

"Oo naman," ani Benjie. "Okay lang naman sa akin iyon. Sinasabi ko lang baka iyon ang dahilan kaya masama ang pakiramdam niyang anak mo. Walang pahinga iyan sa pakikipag-socialize."

Napangiti si Angel. Mabuti na lang at ang slumber party ang sinisisi ng dalawa sa pagsama ng pakiramdam ni Alex. At mabuti na lang naniwala ang mga ito sa alibi niya tungkol sa kalagayan ni Alex.

"Pero hindi ba talaga siya maghahapunan?" tanong ni Alice kay Angel. "Baka mamaya magutom iyon mamayang hatinggabi."

"Kakain naman po iyon kung gugutumin," ani Angel.

"Sabagay," ani Alice.

"O siya. Kumain na tayo at nang maagang makapagpahinga," ang sabi ni Benjie sa mag-ina niya.

Nagsimula nang kumain ang tatlo. Sinikap na lamang ni Angel na kalimutan pansumandali ang problema ni Alex at baka makapansin ang kanyang mga magulang.

🍲🍚🍛

"Anything that I could do, I'll do it. Para lang maayos nina Alex at Richard ang problema nila."

Full of conviction ang pagkakasabi noon ni Angel. Nasa student lounge siya ngayon at kausap si Bryan tungkol sa problema nga nina Alex at Richard.

"But you see, that's between the two of them," ang sabi naman ni Bryan.

"I know. I know that. Pero, kung meron ba tayong magagawa, hindi natin gagawin?"

"Of course we will."

"O, kaya nga. Tulungan natin silang ayusin ito."

"Paano nga?"

"I'll talk to Richard," sagot ni Angel. Tiwala siya na kaya niyang kumbinsihin si Richard na kausapin at suyuin ang kapatid niya.

"And what will you tell him?"

"Na kausapin niya si Alex," sagot ni Angel. "Ayusin nila ang problema nila."

"Bakit si Richard ang kailangan mong kausapin? Can't you talk to Alex?"

"Ayaw na nga ni Alex. Si Richard, sigurado akong gusto niyang maayos ito. Alam kong mahal niya si Alex. Isa pa, si Richard ang dahilan kung bakit nabuo ang relasyon nila ni Alex."

"Kung magsalita ka, parang si Richard lang ang may gusto nito. Hindi naman magiging posible ang lahat kung hindi papayag si Alex."

"But the point is, kung hindi siya niligawan ni Richard, hindi naman mag-uumpisa ang lahat."

"But she could just have ignored Richard if she doesn't want to. Pero pumayag siyang magpaligaw kaya nagtuloy-tuloy ang lahat."

"Are you saying na si Alex ang may kasalanan ng lahat ng ito?"

"What I'm saying is that you keep on pointing out that Richard was the one to blame. I'm just trying to explain that this could not have happened if Alex did not consent to the courtship."

"That's not what I meant! Hindi ko sinisisi si Richard. Wala naman akong sinabing masama. I just said that if he did not approach my sister at hindi niligawan, hindi sana magiging ganito!"

Napataas na ang boses ni Angel. Hindi na rin napigilan ni Bryan ang sarili.

"Just listen to what you just said!"

Para namang biglang natauhan si Bryan nang mapansing napasigaw na rin siya. Napabuga siya ng hangin to calm his self.

"Okay, look... Are we having a lovers' quarrel right now?"

Natigilan si Angel. Mukhang sumobra na nga siya ng kaunti. Pinakalma niya ang sarili.

"I'm sorry," aniya kay Bryan.

"Sorry din. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko."

Napayuko si Angel. Guilty siya sa mga nagawa kay Bryan. Wala nga naman itong kasalanan kaya hindi niya ito dapat kagalitan.

"I understand. We want to help them. Ako rin naman, gusto kong maayos ang lahat sa kanilang dalawa," ani Bryan. "But, come to think of it. Nag-usap na yung dalawa. Kaya nga nagkaganoon kasi nag-usap na sila. Pareho silang galit. Pareho silang nasasaktan. Kung kakausapin mo si Richard ngayon, I don't think magiging bukas ang isipan niya sa kung anumang sasabihin mo."

Napatingin si Angel sa lalaki. May punto nga ang sinabi nito.

"All that matters to Richard right now is that he was hurt. Masakit din naman para sa kanya ang nangyari. You saw how much he loves Alex. Tapos ganito ang nangyari. Hindi rin madali para sa kanya ang lahat. And whatever they've talked about, sa kanilang dalawa na lang iyon ni Alex. Kahit ano pa ang sabihin ng kapatid mo, it will not suffice. Kasi side lang naman niya ang alam mo. I'm not saying that you are subjective, pero kasi, si Alex pa lang ang narinig mo. Pero malamang based on what you've heard you already made up your mind. Kapatid mo siya, hindi naman kita masisisi."

Bryan held her hand. "At kagaya noong dalawa, hindi mo rin naiwasang pangunahan ng emosyon. Normal lang iyan, dahil nakita mong umiiyak ang kapatid mo. Pero, hindi ibig sabihin na tama na magpadalos-dalos sa mga aksyon mo. Kagaya noong dalawa, palipasin mo muna iyang bugso ng damdamin mo. You're not thinking objectively right now."

Lalong nalungkot si Angel. "I feel so stupid."

"You're not," ani Bryan. "You're not wise, either. Pero it's expected. Kapatid mo kasi si Alex."

"Bakit ikaw? Pinsan mo rin naman si Richard."

"Well, maybe because I'm a man?" Bryan is quite unsure.

Napatingin si Angel kay Bryan. Ewan niya kung nagpapatawa ito, but the uncertainty in his facial expression made her smile.

"Nasaan na ang gender equality?"

"My point is, women are more emotional than men. And sometimes, emotions tend to make us quite irrational."

"You're right." Bumuntong-hininga si Angel. "Buti na lang nandiyan ka. Kung hindi baka sinugod ko na si Richard at inaway-away dahil malamang na ayaw niyang gawin ang gusto kong gawin niya."

"Wala pa siyang sinasabi sa akin. It's quite unusual kasi kapag may hindi magandang nangyari sa kanya, kaagad siyang nagsasabi sa akin."

"Maybe he doesn't want you to get involved."

"Hindi naman kasi tayo dapat ma-involve. Okay lang iyong inaalalayan natin sila, pero hanggang doon lang tayo dapat. Iyong ganitong problema, sila na ang dapat lumutas."

"Pero hindi ba natin sila kailangang alalayan ngayon sa problema nilang ito?"

Hindi nakasagot si Bryan. Totoo naman kasi ang sinabi ni Angel. Imbes na magkomento ay niyakap na lamang niya ang malungkot na dalaga.

"I guess, there are some things that I could not do for Alex. I just have to accept it."

Tumango na lamang si Bryan bilang pagsang-ayon. Pero sa kanyang isipan ay isang plano ang kanyang nabuo, na taliwas sa mga sinabi niya kanina.

𝘐'𝘭𝘭 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘢𝘭𝘬 𝘵𝘰 𝘩𝘪𝘮. 𝘒𝘶𝘬𝘶𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢. 𝘛𝘪𝘵𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘺𝘢.

Sa totoo lang, nag-aalala rin siya kay Richard. Nang marinig niya ang kwento ni Angel, ang kalagayan nito ang kaagad niyang naisip. Kaya naman naisipan niyang puntahan at kumustahin ang kanyang pinsan mamayang gabi.

🤍🤍🤍

❥ 𝚃𝚛𝚘𝚞𝚋𝚕𝚎 𝚜𝚑𝚊𝚛𝚎𝚍 𝚒𝚜 𝚝𝚛𝚘𝚞𝚋𝚕𝚎 𝚑𝚊𝚕𝚟𝚎𝚍. - Dᴏʀᴏᴛʜʏ L. Sᴀʏᴇʀs ❣︎