Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 67 - The Letter

Chapter 67 - The Letter

Parang pangalawang bahay na rin ni Bryan ang bahay nina Richard, kaya naman kung umasta ito ay parang doon na nga talaga siya nakatira. Sanay na rin naman ang lahat ng kasambahay ng mga Quinto sa ganoong set up. Ganoon din naman ang mga Quinto sa bahay ng mga de Vera. Pwede ngang sa iisang bahay na lamang tumira ang mga ito. Pero siyempre, gusto pa rin ng mga Quinto na mayroon silang maituturing na sariling bahay.

"Si Richard po?" tanong ni Bryan sa isa sa mga kasambahay ng mga Quinto.

"Nasa kwarto niya," sagot nito.

"Sina Tita Glory, dumating na ba?"

"Wala pa. Nasa ospital pa sila."

Good. "Puntahan ko lang po si Richard."

Umakyat na siya sa second floor kung saan naroon ang silid ni Richard. Nadatnan niya ang pinsan na nakaupo sa may study table nito. Mukhang busy ito sa kung anumang ginagawa nito.

"Cuz."

"Oh, hi!"

Hindi man lang tumingin si Richard sa kanya nang batiin siya nito. Sa mga libro at papel sa mesa nito pa rin nakatutok ang atensiyon nito. At ramdam ni Bryan ang tamlay sa aura nito kahit pilit nitong pinasigla ang pagbati nito sa kanya.

Pumasok si Bryan at umupo sa may kama ni Richard.

"Kumusta?"

"Heto, ang daming ginagawa. Pasensiya ka na, ha? Medyo busy ngayon, eh. Ang dami ko pang ire-review."

"Kumusta ka na?"

Bahagyang natawa si Richard sa tanong niya. Akala siguro nito ay nakikipagkulitan lang siya dito. "Busy nga."

"Kumusta ka na?"

"Bry, busy nga ako, di ba? Wala akong time makipagkulitan."

Natigilan si Richard nang mapaharap ito sa kanya. Seryoso kasi ang mukha ni Bryan. At para namang nakuha na ni Richard ang ibig niyang sabihin sa pagkumusta niya dito.

"I'm fine." Seryoso na rin si Richard.

"Are you sure?"

"I guess you've heard." Muli itong tumalikod at ipinagpatuloy ang ginagawa nito kanina.

"I think you're not okay."

"Who are you to say that?"

"Someone who knows you very well."

"It's over, Bry. Ano pa nga bang kailangan kong gawin?"

"Ano ba sa tingin mo?"

"Bry, I don't have time for this!" Napaharap na ito sa kanya.

"I know what you're doing. You're keeping yourself busy para hindi mo na maisip iyong nangyari."

"Okay, fine! Ikaw na ang expert. Ikaw na ang magaling. And I can never be like you. I'm just me, Richard Quinto. I can never be Bryan de Vera."

"Hey, wait! What was that for?"

"I could never be the perfect boyfriend. I could never be the perfect guy. What do I have to do? Should I try to be like you? Should I try to be you? That's hard, Man! I could never do that!"

"You don't have to! Ano bang nangyayari, Chard?"

"Alex wants a boyfriend who's like you. Someone who's perfect! Someone who's sensitive enough to know how she feels, what she thinks, what she wants, what she doesn't like. She wants someone like you, Bry. Not someone like me."

Teka, ano ba'ang nangyayari? Hindi naman ito ang alam niyang dahilan ng paghihiwalay nila ni Alex.

"I thought it was all about Kim? Bakit... bakit bigla akong nasali sa usapan?"

Huminga ng malalim si Richard. "It's all about Kim. It's all about me not knowing that what I was doing was not right anymore. That I'm going overboard. Malay ko ba na hindi na tama iyong pakikipagkaibigan ko kay Kim? Well, maybe because I'm not you, na kaagad nag-lie low sa mga kaibigan mong babae when you and Angel started having something."

Parang biglang nablangko si Bryan. Bigla ay nawala ang lahat ng diskarteng naisip niya kaninang bago siya pumunta dito.

"Ilang buwan pa lang ako dito sa Tarlac, Bry. I don't have a lot of friends yet. That's why unconsciously, I cling to those people who I got to hang out with more than once. And it's no big deal if he's a boy or she's a girl... Kaibigan lang talaga si Kim para sa akin."

"Did you tell that to Alex?"

Umiling si Richard.

"You should have told her."

"What for? She already made up her mind. She doesn't like me anymore."

"Because you're not me?"

Richard sighed. "I know I sounded pathetic."

"Desperate," ani Bryan. "That's more like it."

"Yeah... maybe..."

"I'm not perfect. You know that, Chard. Nobody's perfect. I just love Angel. And that's why I want to be perfect for her. They are two different things – trying to be perfect, and trying to be perfect for someone. You love Alex, so I know you could be perfect for her, too."

Para namang naintindihan iyon ni Richard. Iyon nga lang...

"She gave up."

"She gave up on you, that's why you feel bad. And I understand, really. But, Alex giving up doesn't mean you should give up, too. You should be the one to fight for the two of you. That is, if you don't want to lose everything that you have been, if you don't want to lose her."

Tumayo si Bryan at saka hinawakan sa balikat ang pinsan.

"You just have to show her how much you love her and that you don't want to give up on her. You know how to do it. I'm sure you do."

Iniwan na niya ang pinsan. Tiwala siyang magagawan nito ng paraan ang problema nila ni Alex. All he needs is encouragement, and he hoped he has given him enough tonight.

πŸ₯ŠπŸ€ΊπŸ₯‹

Napatingin si Alex sa sulat na iniaabot sa kanya ni Angel.

"What's that?"

"From Richard."

Natigilan si Alex. Tatlong araw na mula noong mangyari iyong confrontation nila ni Richard noong Lunes ng umaga. Tatlong araw na rin silang hindi nagpapansinan sa klase.

"Ate-"

"Basahin mo muna," pilit ni Angel sa kapatid.

"It would not matter anyway. I've made up my mind." Tinalikuran niya ang kapatid.

Nasa kwarto sila noon ni Alex. Mula kasi nung mangyari ang confrontation ay hindi na naglalalabas ng kanyang silid si Alex. Lalabas lang ito kung kakain na, pagkatapos ay balik na ulit ito sa silid nito. Pagkagaling nito sa CPRU ay diretso na rin ito kaagad sa kwarto.

"Basahin mo lang," ani Angel. "It may not matter, but at least, you heard his side."

"Sa tingin mo ba hindi ko pa narinig ang mga gusto niyang sabihin?" Medyo naiirita na si Alex.

Pero nanatiling patient si Angel. "Baka hindi pa lahat."

"Ano namang hindi pa niya nasasabi?"

"...Sorry?" alanganing sagot ni Angel.

"Bakit kailangang sa sulat niya sabihin? Hindi ba pwedeng personal?"

"Would you let him? Would you let him talk to you again?"

Hindi nakasagot si Alex. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang sulat na iniabot ng kapatid.

β™₯️β™₯️β™₯️

β₯ π‘Šπ‘’ π‘π‘œπ‘šπ‘’ π‘‘π‘œ π‘™π‘œπ‘£π‘’ π‘›π‘œπ‘‘ 𝑏𝑦 𝑓𝑖𝑛𝑑𝑖𝑛𝑔 π‘Ž π‘π‘’π‘Ÿπ‘“π‘’π‘π‘‘ π‘π‘’π‘Ÿπ‘ π‘œπ‘›, 𝑏𝑒𝑑 𝑏𝑦 π‘™π‘’π‘Žπ‘Ÿπ‘›π‘–π‘›π‘” π‘‘π‘œ 𝑠𝑒𝑒 π‘Žπ‘› π‘–π‘šπ‘π‘’π‘Ÿπ‘“π‘’π‘π‘‘ π‘π‘’π‘Ÿπ‘ π‘œπ‘› π‘π‘’π‘Ÿπ‘“π‘’π‘π‘‘π‘™π‘¦. ❣︎