Kinabukasan, bago pumasok sa klase ay dumiretso muna si Angel sa office ng JPIA. Medyo nag-aalala pa siya sa maaaring maging pakikitungo ng mga kasama niya sa kanya dahil sa nangyari kahapon. Pero kailangan talaga niyang umattend sa meeting ngayong umaga. Kaya nilakasan na lamang niya ang kanyang loob at kinapalan ang mukha.
Lalo pang tumindi ang kaba niya nang pagpasok niya sa opisina ay nagtinginan sa kanya ang lahat at biglang natahimik ang paligid. Napayuko na lamang siya sa hiya at saka tuloy-tuloy na pumunta sa mesa niya. Tahimik siyang naupo sa silya niya.
Nagulat na lamang siya nang biglang bumungad sa harapan niya si Hannah. Bigla na lamang itong ngumiti at parang ang bait ng dating ng mukha nito.
"Don't get embarrassed, Angel," bungad nito sa kanya. "Wala ka namang ginawang mali. Wala kang dapat ikahiya. For me, personally, wala ka namang ginawang masama. Kung inilihim mo man ang tungkol sa inyo ni Bryan, it's your choice. Personal life mo iyon, eh. Yun ngang mga artista, kahit public personalities ay sinisikap pa ring itago ang tungkol sa mga relationships nila minsan. Ikaw pa kaya na napaka-private na individual."
Natuwa naman si Angel sa narinig. Mabuti na lamang at ganoon ang naging pananaw ng lahat sa kanilang relasyon ni Bryan.
"At kung itinago mo man iyon sa parents mo, kung hindi man legal ang relasyon ninyo ni Bryan, eh ano naman ngayon? Hindi naman namin masasabi na masama kang tao, o masama kang anak. Nagawa mo lang naman iyon dahil alam mong magagalit ang parents mo. Hindi ka rin naman masisisi ng sinuman. Nagmahal ka lang naman kasi. Ang sabi nga ni Balagtas, 'O pagsintang labis ng kapangyarihan, sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw! 'Pag ikaw ay nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang!'"
"Wow, Hannah! Hindi namin alam makata ka pala," anang isa nilang ka-miyembro.
"Eh kailangan kong i-memorize iyon, kung gusto kong makapasa sa Philippine Literature," ani Hannah.
Natawa na lamang si Angel sa sinabi ni Hannah. Para kasing ang saklap ng kalagayan nito sa subject na iyon.
"Wala naman kaming pakialam sa personal mong buhay, lahat ng tao dito sa CPRU walang pakialam doon. Kaya kung ano man ang gawin mo, basta wala kang natatapakang tao, carry lang. Iyon naman kasing Gina na iyon, masyadong assumingera. Eh super nice naman kasi talaga si Bryan sa lahat. Lagyan ba naman ng malisya ang pagiging gentleman nung tao?"
Parang hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Hannah. "Huwag naman nating sabihin iyon. Oo mali iyong ginawa niya, but who are we to judge her? Gusto lang siguro talaga niya si Bryan. Knowing Bryan de Vera, sabi mo nga, he's really nice and sweet. So siguro, nagkamali lang talaga siya ng pag-i-interpret."
"Alam mo, ang bait mo talaga, Angel," ani Hannah. "Ikaw na nga ang napahiya dahil sa babaeng iyon, ikaw pa ang nagtatanggol sa kanya. Kaya nga you deserve all the best, you deserve Bryan."
"Ibig sabihin President, Bryan is the best?" tanong ng isa nilang kasama.
"Well, may kokontra ba?"
Wala namang kumontra. Sumang-ayon pa nga ang iba sa sinabi ni Hannah. Napangiti tuloy si Angel.
"Natutuwa ako para sa iyo kasi I know Bryan de Vera is a good man," ani Hannah sa kanya.
Na-touch naman si Angel sa sinabi nito. Hindi nga sila close at hindi niya maituturing na kaibigan ang mga ito, pero ngayon ay parang pamilya ang turing ng mga ito sa kanya.
"So, ikaw pala iyong 'Angel' na sinasabi ni Bryan noong kumanta siya sa Mr. BS?" biglang tanong ng isa nilang kasama.
Naalala naman ni Angel ang eksenang iyon. Hindi niya maiwasang mahiya lalo na't nagsimula na siyang kantiyawan ng mga kasama. Mabuti na lang at bumalik na ang pagiging strict ng kanilang presidente.
"Hep! Mamaya na ang kantiyawan at importante ang pag-uusapan natin. Baka mamaya magsipasok na tayo, wala pa tayong nasisimulan."
Hindi man sang-ayon ay tumahimik na lamang ang lahat at sinimulan na nila ang kanilang meeting para sa umagang ito.
πΈπΌπΈπ»πΉ
Pagpasok ni Angel sa classroom nila ay same scenario din. Nakatingin din sa kanya ang lahat ng mga kaklase niya. Napabuntong-hininga na lamang siya. Medyo nasasanay na rin naman siya kasi kahit sa corridor ay siya ang tinitignan ng mga nagdaraanang mga estudyante.
Kaagad niyang nakita si Bryan. Nginitian siya nito at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi nito. Napangiti siya. She ignored her classmates' gazes and sat beside Bryan. Nang biglang isang bouquet of white tulips ang bumungad sa kanya. She looked at Bryan and she saw him smiling at her.
"For my girlfriend."
At hindi na nga mapigilan pa ni Angel ang kilig. Hindi na niya naitago pa ang malapad na ngiti at pagkislap ng kanyang mga mata.
"Thanks, Boyfriend," ganting banat niya dito.
At ang buong klase ay napatili at naghiyawan sa lambingan nilang dalawa. Pati mga lalaki ay kinilig din sa pagiging sweet nilang dalawa.
"Grabe, ha! Tatahi-tahimik tsaka hindi nagpapansinan. Tapos silang dalawa na pala?" anang isa.
"Ganoon talaga. Mas matamis ang pag-iibigan kung sekreto," banat naman ng isa.
"Kahit hindi na tayo manood ng teleserye sa TV. Heto na, oh. May live na teleserye tayo dito sa klase."
"True to life pa! Anong sinabi ng Kathniel at LizQuen sa ating Brangelica? Pang-Hollywood lang ang peg!"
Tawanan ang buong klase dahil sa biruan ng lahat. At kahit kinakantiyawan ay hindi na gaanong naiilang si Angel. Para ngang mas at ease siya ngayon. For the first time, she felt she belonged. At lahat ng iyon ay dahil kay Bryan.
She looked at the guy sitting beside her. Nakikitawa ito sa mga biro ng kanyang mga kaklase. Natutuwa siyang panoorin ito. This guy is the reason why everything changed in her life. This guy is the reason why she's happy right now.
Bryan looked at her and he saw her staring at him. Kung dati ay umiiwas siya, this time, Angel continuously stared at him. She even smiled. Parang napasaya noon si Bryan na napangiti rin sa kanya.
And of course, the whole class noticed their tinginan.
"Hayan na! Hayan na iyong nakakatunaw na tingin sa isa't isa!"
"Hoy! Baka mamaya langgamin tayo dito ha?"
Tuloy pa rin ang tuksuhan ng mga kaklase nila. Natatawa silang dalawa pero hindi naman nila magawang bumitaw sa titigan. Parang ang isa't isa na lang talaga ang gusto nilang makita at titigan.
Nang biglang tumahimik ang buong klase. Angel felt it was because of the person that had just arrived. She looked towards the door and saw Gina, with her two friends. Kaya pala nanahimik ang lahat. Maging siya ay natigilan pagkakita dito.
She suddenly felt someone held her hand. It was Bryan. She looked at him and he smiled. That made her smile, too. Medyo gumaan na rin ulit ang pakiramdam niya.
"Grabe! Why do I feel so uncomfortable in this room?" bigla'y tanong ni Gina. Obvious na nagpaparinig ito dahil sobrang lakas ng pagkakasabi nito.
"Baka naman kasi hindi maganda iyong ambience?" sagot ng isa nitong kasama.
Naupo na silang tatlo sa may first row ng klase.
"Para ngang meron akong naaamoy na mabaho," ang sabi naman ng isa.
"Baka hininga mo iyon?" anang isa.
Inamoy naman ng isang kasama nito ang hininga nito. "Parang nga."
"Hay!" Nawindang iyong isa sa ginawa ng kasama. "Inamoy nga talaga!"
Medyo naiinis na rin si Gina sa dalawang kasama pero ayaw niya pa ring tumigil sa pag-iinarte.
"Parang... parang may mga masamang kaluluwa sa paligid."
"Masamang espiritu, ganoon?" gatong ng isa niyang kasama. At least aware ito sa gustong iparating ni Gina.
Pero ang isa nilang kasama, talaga yatang mabagal ang dating ng impormasyon sa utak. "Multo? May multo dito?" Medyo natatakot pa itong tumingin sa paligid.
Nainis naman ang mga kaklase nina Angel sa mga pag-iinarte nina Gina. Kaya naman lalo pa nilang ginatungan sina Angel at Bryan.
"Bry, dapat manlibre ka sa The Coffee Club niyan!"
"Oo nga! Pakape ka naman, Bry!"
At iyon na nga. Muling kinantiyawan ng lahat si Bryan, na hindi naman niya natanggihan.
"O sige. After the class, mamayang hapon, sa The Coffee Club tayong lahat."
"Yes!" Nagbunyi ang buong klase sa sinabi nito.
Napatingin si Bryan kay Angel na medyo naa-amuse sa ginawa ng lalaki. Napangiti na lamang si Bryan saka hinalikan ang kamay niyang hawak nito. Na lalong nagpakilig at nagpaingay sa klase.
"Grabe, Bry! May pahalik-halik ka pa talaga sa kamay!"
At tuloy na naman ang kantiyawan sa klase.
"Ha!" sigaw ni Gina sabay tayo. "Ang ingay dito! Umalis na nga tayo Girls! Nakakainit ng ulo!"
Lumabas na ng classroom si Gina kasunod ang dalawa niyang alalay.
"Buti umalis na," anang isang kaklase nina Angel. "Eh salimpusa lang naman siya sa klaseng ito."
"Oo nga," anang isa. "Sila lang naman ang naiiba sa atin. BSA students tayong lahat. Siya lang napahiwalay."
At iyon na nga. Nagtuloy-tuloy na ang trash talks at bashing kay Gina. Na hindi naman gusto ni Angel. Oo at hindi nga niya gusto si Gina, pero ayaw rin naman niya iyong napagsasalitaan ito ng masama. Respect for others, ika nga.
"Hayaan na lang natin siya," aniya sa mga kaklase. "Oo nga at hindi siya mabait. Pero huwag naman natin siyang pagsalitaan ng mga masasama. Baka mamaya, may dahilan kung bakit ganoon siya. It could be because of her family, or yung company na sinasamahan niya. Lots of influences. Kaya siguro siya ganon. We don't know."
"Ikaw na ang anghel sa lupa, Angel!" wika ng isa nilang kaklase. "Ikaw na nga ang ipinahiya sa lahat, ikaw pa ang ganyang magsalita tungkol sa kanya."
"Hindi naman ako perpekto. Pero ang sabi kasi ng daddy ko, hindi daw magandang magsalita ng masama tungkol sa isang tao, lalo na habang nakatalikod ito. Kung may ayaw ka daw sa ugali niya, sabihin mo ng harapan. Hindi naman daw siya ang mapapasama kung pag-uusapan siya ng iba, kundi iyong mga taong nagsasabi ng masasama tungkol sa kanya."
"Alam ko na kung bakit na-in love si Bryan sa iyo," biglang wika ng isa nilang kaklase na lalaki.
"Hoy Pare! Bakit ganyan ka makatingin kay Angel?" sita dito ng isa pa nilang kaklaseng lalaki.
"Oo nga," anang kaklase nilang babae. "Balak mo pa yatang agawan si Bryan ng girlfriend."
"Oy, hindi ah!" ang sabi naman nung lalaki nilang kaklase.
"Teka!" ani Bryan sabay dikit ng kamay ni Angel sa may puso niya. "Sa akin lang ang angel ko, ha! Walang mang-aagaw!"
"Hayan na! Nagsalita na si Bryan de Vera!"
Walang tigil na tuksuhan na naman ang sumunod. Kung hindi nga lang yata dumating ang teacher nila ay hindi titigil at tatahimik ang buong klase.
β€οΈβ€οΈβ€οΈ
π·π ππ ππ’ ππππππ. πΌπ’ ππππ’π‘πππ’π ππππππ ππππππ.