Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 46 - A Chance Encounter

Chapter 46 - A Chance Encounter

Isang kasalan ang dinaluhan ni Richard at ng mga parents nito. Kasal iyon ni Matthew Fernandez, ang anak ng may-ari ng Melting Pot Hotel. Sa nasabing hotel din ginanap ang celebration. Ninong at ninang sina Ricardo at Gloria. Stockholder din sa Tarlac General Hospital si Peter Fernandez, ang ama ng groom na si Matthew.

Ngayon lamang nakilala ni Richard ang Pamilya Fernandez. Feeling tuloy niya ay out of place siya sa lugar na iyon. Sumama lang naman siya dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Kung hindi lang siya isang masunuring anak, wala sana siya ngayon doon.

Tuloy, sa may bar area lamang siya tumatambay. Nakailang baso na rin siya ng red apple sangria. It's a non alcoholic cocktail made from apple, lemon, grape and orange juice. Since underage pa siya, di pa siya pwedeng uminom ng kahit anong alcoholic drink. By choice din naman iyon, lalo na't siya ang magda-drive since ang daddy niya ay nakainom na rin.

Isang nilalang ang umupo sa tabi niya. Isang upuan ang pagitan nila. Hindi naman niya iyon pansin, maliban na lamang nung sagutin nito ang bartender na nagtanong kung ano ang order nito.

"Ano po bang meron kayo? Yung non alcoholic lang po."

Napatingin siya dito nang makilala ang boses nito. "Kim?"

Napatingin ito sa kanya. "Richard!"

"Hey!" Napaharap na ito sa kanya. "Nandito ka rin?"

"Oo eh. Sinama ako ni Papa."

"Well, buti na lang meron akong nakitang kakilala. Super bored na kaya ako dito."

"Ako nga rin eh," sagot ni Kim.

"Kaya nga dito na lang ako tumambay. Wait, try mo itong iniinom ko. Non alcoholic din."

"Ano ba iyan?" Napatingin ito sa baso niya.

"Red apple sangria. This is good."

"Sige, try ko na rin."

He looked at the waiter. "One red apple sangria for the lady." Then he looked at her. "Kumusta na ang Ms. BS?"

"Heto, maganda pa rin." Kim smiled at her own joke.

Napangiti na rin siya. "At least you have a lot of time to prepare for the Ms. CPRU pageant. Sa December pa naman iyon, 'di ba? A couple of months from now."

"Oo nga, eh. Naghahanap nga kami ng bagong trainer para sa sayaw. Si Kuya Andrew kasi, nakahanap na ng regular job. Hindi na niya kami ma-accommodate."

"Kung gusto mo, ako na lang ang magti-train sa inyo. Partner kayo ni Nick, right?"

"Oo." Lumiwanag ang mukha ni Kim. "Talaga? Okay lang sa'yo?"

"Oo naman. Iyon ay kung okay lang sa inyo."

"Are you kidding me? Super impressed nga sa iyo si Kuya Andrew, eh. Sige, sasabihan ko si Ate Kylie, iyong officer na in charge sa pageant."

"Just let me know kung payag sila."

"Sana pumayag sila. At least alam kong mabait yung kukunin nilang trainer."

"Mabait din naman si Kuya Andrew, ah."

"Oo nga, pero hindi naman nga siya ang kukunin nila, di ba? May bagong raket na nga kasi siya."

Dumating na ang inuming inorder ni Kim.

"For sure magugustuhan mo iyan," ani Richard dito.

Sinubukan nga ni Kim ang inuming ibinigay sa kanya ng bartender. "Hmn! Oo nga."

"Sabi ko sa'yo, eh."

Isang lalaking nasa-fifties ang lumapit sa kanilang dalawa, partikular na kay Kim.

"Kim!" anito.

"Papa! Uh..." Napatingin ito kay Richard. "This is Richard, anak nina Dr. and Dra. Quinto. Richard, this is my father."

"Nice to meet you, Mr. Agustin." Kinamayan niya ito.

"Nice to meet you, too, Hijo. Tito Roger na lang," anang tatay ni Kim. Saka ito muling bumaling sa anak. "Gusto ka daw makausap ni Terrence. Kanina ka pa niya tinatanong sa akin."

Biglang napasimangot si Kim. "Papa, alam n'yo namang ayoko doon, eh."

"Eh ano pang magagawa ko? Ang kulit, eh! Ayaw akong tantanan. Sabihin mo na lang wala kang interes sa kanya."

"Sinabi ko na iyon sa kanya, kaya lang ayaw niyang tumigil, eh," ani Kim. "Lagi pa rin niya akong ginugulo."

"Sino ba iyong Terrence na iyon?" tanong ni Richard kay Kim.

"Si Terrence Mendoza, iyong pamangkin ni Congressman dela Rosa. Kilala mo ba iyon?"

Napaisip si Richard. "Hmn, parang hindi."

"Sa CPRU din siya nag-aaral," ani Kim. "AB Pol Sci ang course niya, balak yatang sumunod sa mga tito niya."

"Mababait naman ang mga dela Rosa," ani Roger. "Ewan ko ba kung bakit naiba itong si Terrence."

"Ewan ko ba doon," ani Kim. "Eh ilang beses ko na ngang binasted iyon, hindi pa rin tumitigil."

"Kasi nga, gustong-gusto ka niya," ani Roger sa anak. "Eh wala ka pa rin namang boyfriend kaya namamag-asa pa iyon sa'yo."

"Eh gusto n'yo ba magka-boyfriend na ako?" tanong ni Kim sa ama.

"Hindi naman sa ganoon," ani Roger. "Kung darating, darating. Pero hindi mo naman pwedeng pigilan iyang si Terrence na ligawan ka. Karapatan din naman niyang gawin ang gusto niya."

Napabuntong-hininga si Kim. "Kung hindi lang talaga maling mamahiya ng tao."

"Kahit yata ipahiya mo iyan, hindi pa rin siya tatablan," ang sabi naman ni Roger.

At hindi na nagawa pang iwasan ni Kim si Terrence. Lumapit na kasi ito sa kanilang tatlo at walang sabi-sabing sumama sa usapan nila.

"Hi Kim!" kaagad nitong bati. "Kanina pa kita hinahanap, eh. Nandito ka lang pala."

"Ah, eh... " Napatingin si Kim kay Richard.

Napasunod ng tingin si Terrence kay Kim. "May kasama pala tayo."

"Ah, oo Terrence," ani Roger na pilit pina-kenkoy ang mood. "Hahahaha! Siya nga pala si Richard Quinto."

"Oh! Hi Richard!" Inilahad nito ang kamay.

"Hi!" Tinanggap naman ito ni Richard at nakipagkamay din dito.

"Wait... Quinto... You're related to Dr. Ricardo Quinto?" tanong ni Terrence sa kanya.

"He's my dad," ang sabi naman ni Richard.

"Your dad..." Saglit na napaisip si Terrence. "Ibig sabihin, anak ka rin ni Dra. Gloria de Vera-Quinto?"

"I guess so."

"Oh... Okay..." Parang medyo nag-iba ang tono nitong si Terrence. "So, kilala mo pala si Kim?"

"Oo," sagot ni Richard. "Ako iyong nakapareha niya doon sa talent niya sa Ms. Business School."

"Ikaw pala iyon." Muling nagulat si Terrence sa narinig. "Well, I could say you have some moves." Sadya nga yatang may pagka-mayabang ito. Akala mo kung sinong magaling sumayaw kung magkomento.

"Bagay na bagay sila ni Kim," ang sabi naman ni Roger. "I mean, na magkapareha. Di ba,Terrence?"

"Well... pwede na." Kunwa'y napipilitan pa si Terrence sa pagsang-ayon.

"Ang galing talaga nitong si Richard," ang sabi pa ni Roger. "Biruin mo, hindi lang basta mayaman. May talent din. Kasi iyong ibang mayaman diyan puro pera lang naman ang kayang ipagmalaki. Itong si Richard very talented pa. Ang galing sumayaw. Tsaka ang sabi nina Dr. Quinto consistent honor student din daw siya. Hindi daw nawawala sa top 10. Ang talinong bata."

"Ah... Hindi naman po masyado." Parang medyo nahiya si Richard sa sinabi ni Roger.

"Ano pa nga bang hahanapin mo dito kay Richard? Nasa kanya na ang lahat. Gwapo pa. Di ba, Terrence?" gatong pa ni Roger.

Hindi sumagot si Terrence. Halata ring naiinis na ito.

Iniba na lang ni Richard ang usapan. "Ah, siya nga pala. You want some red apple sangria?" alok niya kay Terrence.

"No, thanks. Actually, pabalik na rin ako sa table namin. Just wanted to say hi to Kim," sagot ni Terrence. "Sige, mauna na ako sa inyo. Bye! Nice meeting you, Richard."

"Same here," ang sabi na lamang niya.

Ilang sandali pa ay umalis na rin si Terrence. Naiwan sila nina Kim at ang daddy nito.

"Hay! Mabuti na lang at nakaalis na siya." Parang noon lang nakahinga ng maluwag si Kim. "Mabuti na lang nandito ka, Richard. Tiklop pala sa iyo ang Terrence na iyon."

"Paanong hindi titiklop iyon, eh de Vera-Quinto yata ang kaharap niya?" ang sabi naman ni Roger.

"Hindi naman po siguro," ani Richard.

"Richard, ikaw na yata ang isa sa mga pinaka-mayamang anak dito sa Tarlac. Biruin mo, de Vera ang mommy mo, tapos Quinto naman ang daddy mo. Pareho pang mga doktor," ani Roger sa kanya.

"Katulad lang naman po kami ng ibang pamilya." Na totoo naman. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa kanilang angkan, lalo na noong nasa Manila pa sila at talagang ordinaryong mga manggagamot lamang ang kanyang mga magulang.

"Hindi totoo iyan," ang sabi naman ni Roger. "Ang mga de Vera, mayaman na talaga iyan noon pa man. Tapos ang napangasawa pa ng Lolo Sebastian mo ay si Elena Dizon, na nagmula rin sa prominenteng pamilya dito sa probinsiya. Ang mga Quinto naman, though galing sa hirap, ay nagawang paunlarin ang kabuhayan. Ngayon sila na ang may-ari ng pinakamalaking restaurant group sa buong Tarlac province, kung hindi man sa buong Region 3."

Napangiwi si Richard. Nawirduhan siya na parang panatiko ng kanilang pamilya ang tatay ni Kim.

"Alam mo, maswerte nga ang magiging girlfriend mo, eh," biglang banat ni Roger. "May girlfriend ka na ba, Hijo? Itong anak ko, narinig mo naman. Wala pang boyfriend."

"Pa!" Si Kim ang nahiya sa inarte ng ama. "Bumalik na nga lang kayo doon sa mga kasama ninyo."

"Ikaw naman, para nagtatanong lang," ani Roger sa anak. Pagkatapos ay muli itong bumaling kay Richard. "O paano Richard, nice meeting you na lang."

"Sige po," ang tanging nasabi na lamang niya.

Iniwan na ni Roger ang dalawa.

"Pasensiya ka na doon sa tatay ko, ha?" ani Kim sa kanya.

"Okay lang," ani Richard. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit nasabi niya na tiklop sa akin si Terrence. Di ba, dela Rosa iyon?"

"Bunso sa tatlong magkakapatid iyong mommy ni Terrence. Iyong Tito Enrique niya, congressman, na sinundan naman ni Mayor Rodrigo. Ang alam ko, college drop out ang mommy ni Terrence. Hindi nakatapos ng pag-aaral kasi na-inlove sa isang lalaking galing sa middle class family. Tapos, maaga pang naulila si Terrence sa daddy niya. Iyong dalawang tito niya ang sumusuporta sa kanilang mag-ina at nagpapa-aral sa kanya sa CPRU. Sila rin ang tumulong sa mommy niya para maitayo iyong flower shop nila."

Napatingin si Richard kay Terrence na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga bisita. "Kawawa rin naman pala siya."

"Sana, pero dahil sa ugali niya, hindi ko maiwasang mainis. Masyado kasing mayabang. Kung tutuusin wala naman siyang maipagmamalaki. Oo nga at sikat ang flower shop nila, pero bago pa lang naman iyon at hindi pa ganoon kalaki. Kung hindi dahil sa mga tito niya, wala siya sa CPRU ngayon. Pero kung umasta siya, parang siya ang may-ari ng buong Tarlac. Buti nga kayo ni Bryan, kahit talagang mayayaman, hindi naman matapobre at mayabang."

Napangiti siya. "Thanks for the compliment."

"Totoo naman, eh. Kahit na tagapagmana kayo ng kayamanan ng mga angkan ninyo, humble pa rin kayo at down to earth. Hindi ninyo ginagamit ang kayamanang iyon para magpasikat, lalo na sa mga babae sa CPRU."

"Bakit, ganoon ba si Terrence?" tanong niya.

"Mismo!" sagot ni Kim. "Ewan ko ba doon kung bakit gustong-gusto niya akong ginugulo."

"Maybe he really likes you. Hindi naman siya magtityaga sa'yo kung hindi ka niya talaga gusto. Lalo na't sabi mo nga, kung umasta siya, pakiramdam niya ay kaya niyang makuha ang sino mang babaeng gustuhin niya. So for him to stick with you, he must really like you a lot."

"Hay! Pasensiya siya, hindi ko siya gusto!" tanggi ni Kim. "Huwag na sana niya akong guluhin pa sa CPRU. Kulang na nga lang maki-seat in iyon sa mga klase ko. Hindi na tuloy kami matahimik ng mga kaibigan ko dahil sa pangungulit niya."

Biglang may naisip si Richard. "What if I join you?"

"Huh?" Napatingin si Kim sa kanya.

"Kung magkataon na magkasabay ang mga vacant period natin, sasamahan ko kayo ng mga kaibigan mo. Kung totoo ngang tiklop sa akin iyong si Terrence, eh magdadalawang isip na siyang guluhin ka kapag nakita niyang kasama kita. At siguro kalaunan mapapagod na rin siyang sumubok na puntahan ka at kulitin kapag nakita niyang lagi mo akong kasama."

"Talaga? Gagawin mo iyon?" Punong-puno ng galak ang mukha ni Kim.

"Yup!"

"Naku! Maraming salamat! Ang bait-bait mo talaga."

He smiled. "Mas mabait si Bryan de Vera." He took a sip of his red apple sangria, then smiled again at Kim.

šŸ·šŸøšŸ¹