Chereads / AFRAID TO FALL (Filipino novella) / Chapter 7 - Let's Do It

Chapter 7 - Let's Do It

HINDI makapaniwala si Aya na pinagplanuhang maigi ni Vince ang trip na iyon para sa kanya. She was really grateful to him. Malaki ang maitutulong ng bakasyong iyon sa pagsusulat niya.

Tatlong araw silang mananatili sa bahay—counting this coming weekend plus the sweet Monday holiday. Sinabi ni Vince na pinakiusapan nito ang kanyang kapatid na ipag-empake siya ng mga damit in advance. Dinala rin nito si Aubrey sa bahay ng mga Zarona.

Her sister packed her stuff well. Nagtaka lang siya kung bakit may kasamang asul na hiking sandals doon. They weren't hers, pero dahil pareho sila ng size ng paa ng kapatid ay naisip niyang baka kay Aubrey iyon, and for some reasons ay naisama lamang sa kanyang suitcase.

Something fell on the floor as she was taking all of her clothes out. Napanganga siya nang madampot ang pamilyar na sexy black lace nightie. Regalo iyon sa kanya ng kapatid noong huling kaarawan niya.

Aubrey loved making fun of her—talk about being the female version of Vince. Sa pagkakaalala niya ay itinago niya ang slip na iyon sa pinakasulok ng cabinet dahil wala naman siyang balak isuot iyon kahit kailan.

Handa na sana niyang tawagan ang kapatid nang mapapitlag sa boses na narinig mula sa kanyang likuran. Nawala sa isip niya na nakabukas pala ang pintuan ng guest room na itinalaga sa kanya ni Vince.

"Whoa, is that for me?"

She hastily shoved the slip back into her suitcase and faced Vince awkwardly. "Wala kang nakita!"

"I didn't know you plan to seduce me, Aya. 'Wag kang mag-alala, iiwan kong bukas ang pinto ng kuwarto ko mamayang gabi." His mouth curved up in a playful smile. Naglaro sa kanyang isipan ang sariling imahe na nakasuot ng sexy nightie at nakatayo sa harapan ni Vince.

"In your dreams, Zarona. It's just a stupid prank from my sister." She rolled her eyes to hide her edginess. "May kailangan ka ba?" Noon lamang niya napansin ang hawak itong maliit na kahon.

"Here, lavender candle. Para makatulog ka nang maayos dahil siguradong maninibago ka sa paligid." Iniabot nito sa kanya ang kahon.

"Paano mo nalaman na may sleeping condition ako—" She smiled suspiciously. "Ah, kasama ito sa journal mo tungkol sa 'kin, ano?"

He smiled back. "Nope. Your sister told me."

"Ahh…"

Palabas na ng pintuan si Vince nang mapahinto ito at mapatapik sa door frame. He slightly turned his head. "Goodnight."

"Goodnight," she replied softly.

***

AYA WOKE up in the middle of the night. Pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay iyong nasisira ang tulog niya. Bumangon siya nang makaramdam ng uhaw. Dinampot niya ang cellphone at in-on ang flashlight niyon dahil patay ang lahat ng ilaw sa bahay. Malamig at sobrang tahimik ng paligid. The only sound she could hear was her own footsteps against the squeaky floorboards.

Napahinto siya nang mapatingin sa baba ng hagdanan. Fear coursed through her veins as she stared at the darkness. Naglikot ang kanyang imahinasyon at sa paningin niya ay para bang may gumagalaw na kung anong anino sa ibaba.

"Nope. Iinom na lang ako ng laway." Madali siyang pumihit patalikod at halos takbuhin ang daan pabalik sa kuwarto. Sandaling nagtalo ang kanyang isip pero sa huli ay nakumbinsi siyang damputin ang kanyang kumot at unan.

She headed straight to Vince's room. Kakatok sana siya nang mapagtantong hindi naka-lock ang pinto. Bukas ang lampshade sa tabi ng kama ni Vince kaya't nasulyapan niya itong mahimbing na natutulog habang nakadapa at walang suot na pang-itaas.

She hadn't seen a lot of nude male bodies in person, but she would take the liberty and say Vince's got a beautiful back, looking solid and smooth against the dim light.

'Okay, Aya, what you're doing right now is creepier than this haunted house. Stop this,' sita niya sa sarili.

Pinag-isipan niya kung paano siya hihiga nang hindi sila ganap na magkakadikit ni Vince. Malaki ang kama pero halos sakupin ng lalaki ang kabuuan niyon. Sa huli ay ipinasya niyang ilatag na lamang ang kumot sa sahig.

***

NAALIMPUNGATAN si Vince sa narinig na kalabog sa ibaba ng kama. Sinilip niya ang pinagmulan ng ingay para lamang magulat nang makita si Aya roon. Ngimi itong nag-angat ng tingin nang maramdaman ang kanyang presensya. Para itong pusa na nahuli sa akto ng amo habang tinatangay ang isdang nakahain sa mesa.

"Sorry, bumagsak kasi 'yung phone ko."

He frowned. "What the hell are you doing there, Aya?"

"Uhm, kasi… ano…" Umayos ito ng upo at napakamot sa ulo. Her hair was unkempt, her cheeks turned rosy. She looked so cute he wanted to kiss her right there and then.

Hindi sinasadyang bumaba ang kanyang mga mata sa dibdib nito. Aya was not wearing a bra and the fabric of her shirt was tight and thin he could see her buds straining against it. Her breasts were small, but they looked a handful at least.

His jaw tightened as heat surged through his veins. He was stirred to life way down there. Fuck. Kinailangan niyang iiwas ang mga mata bago pa siya lalong magkasala. Thank God she was wearing sweatpants otherwise, he would be damned.

"Nagising ako, tapos pupunta sana ako sa kusina para uminom ng tubig kaso natakot ako. Para kasing may something sa may hagdanan. So hindi na lang ako bumaba," pag-amin nito. "Ayokong matulog mag-isa sa kuwarto ko kaya dumeretso ako dito. Hindi na kita ginising. I hope that's okay with you?"

He swished his blanket away and climbed out of the bed. He scowled at Aya and offered his hand to her. "You should've woken me up. Malamig d'yan sa sahig. Get up. Dito ka sa kama matulog."

"Pero—"

"I'll sleep on the floor, don't worry," paniniguro niya rito.

"That's not what I meant." Umiling-iling ito. "Worried lang ako na baka ikaw naman ang malamigan dito."

He spread his arms in the air, presenting his body like a high-priced sculpture. "See this body? I can endure anything."

Pumaikot ang mga mata ni Aya at napansin niya ang lalong pamumula nito sa kabila ng karampot na liwanag na tumatama sa magandang mukha nito. "Sigurado ka ba? I don't like kicking people out of their own beds. Kahit ikaw pa 'yon, Zarona."

"Or we can sleep together if you want," All right, that came out wrong. Idiot. He was expecting to see revulsion in Aya's face, but she only shook her head and smiled.

"Okay, we'll sleep—" She stood up and jabbed her finger in his bare chest. "Next to each other. Deal?"

Napangiti siya sabay sakop sa nakatiklop nitong kamay. It wasn't really necessary. He just wanted to touch her hand. "Deal."

Aya quickly moved away from him and started placing two pillows in the middle of the bed. Siya naman ay madaling dinampot ang kanyang T-shirt at isinuot iyon. It wouldn't be appropriate to sleep next to Aya, half-naked, would it?

Hindi pa nakaka-limang minuto sa pagpikit ay agad din siyang napamulat ng mga mata. Gusto niyang matawa sa sarili dahil para bang hindi siya sanay na may makasiping na babae sa kama. This wasn't supposed to be uncomfortable. But there he was, feeling so stiff and uneasy like a virgin boy.

Aya was so different from the women he used to bang. It was like sleeping next to a delicious chocolate bar but you cannot taste it, ever.

Napansin niyang kanina pa rin ito hindi mapakali sa kama. Para bang hindi nito mapagdesisyunan kung ano ang mas tamang puwesto sa pagtulog. When she wriggled again, he decided to get up.

Aya also got up at the same time. Nagkatinginan sila.

"I can't sleep," she said softly.

"Me too."

Aya let out a long sigh. "Mukhang wala tayong choice kung hindi gawin iyon."

"Sigurado ka ba?" pangungumpirma niya nang mabasa ang nasa isip nito.

Tumango ito.

"Then let's do it."