CHAPTER 16
***
"BABAITA! Sasama ka sa team building diba?" Tanong sa kanya ni Robin pagbalik niya sa office.
"H-Hindi ko pa alam, bakit?" Pag-amin niya sa mga ito.
"Pupunta kami ni Pipay mamaya sa apartment mo." Sabi ni pagkatapos.
"B-Bakit? Anong gagawin niyo sa apartment ko?" Puno ng pagtataka niyang tanong dito.
"Aayusin ang mga gamit mo para sa team building!" Sabay pang sabi ng mga ito.
"Hindi na! Saka walang pagkain sa apartment ko!" Pagtanggi niya sa mga ito.
"Asus! Samin ka pa nahiya? Magdadala kami ng foods!" Segunda ni Pipay.
"Bakit pa? Hindi naman na kasi kailangan na ayusin niyo ang gamit ko. Kaya ko na yon." Pagtanggi niya ulit dito.
"Alam namin na kaya mo ng ayusin! Pero alam din namin hanggang may pagkakataon hindi ka sasama sa team building! Kaya kami na ang mag aayos ng gamit mo para wala ka ng idahilan."
"Tama!" Nag-apir pa ang dalawa.
She surrendered. Hindi naman siya mananalo talaga sa dalawang 'to kahit kailan.
~~
"Ang ganda talaga niya friends!" Tili ni Robin habang tutok na tutol sa kanyang cellphone.
Hindi nagpapigil ang mga kaibigan niya at pumunta nga ang mga ito sa kanyang apartment. May dala ang mga ito na beer at ihaw ihaw. Kasalukuyan silang naka salampak sa kanyang sala.
Walang tigil naman sa pag nguya si Pipay. Siya ay nakatingin lang sa kawalan habang umiinom ng dala ng mga itong beer. Pinapakinggan niya lang iyong dalawa.
Mukhang walang plano naman ang mga itong ayusin ang mga dadalin niya sa team building gaya ng mga sinabi nito. Mukhang gusto lang talagang tumambay ng mga ito sa apartment niya. Wala namang kaso sa kanya iyon, lalo na at mag-isa lang naman siya.
"Saan? Patingin?" Sabi ni Pipay habang ngumunguya at inaagaw kay Robin ang cellphone nito.
"Teka naman Pipay! Yung kamay mo puro mantika!" Inabutan nito ng tissue ang kaibigan. Nang makapag punas na si Pipay ay inabot na nito ang cellphone. "Oh ayan!"
Pinagkakaguluhan ng dalawa ang piture ni Grace Angeles, ang rumored fiance ni Sir Paolo.
"Bhie! Magkaibigan sila ni Ms. Heart Evangelista! Fashion designeer pala siya! Ang puti puti!" Sabi pa ni Pipay.
"Ano ba yan Pipay! Talsik mo lumalaway!" Pinunasan nito ang telepono. "Pero sa true naman mga friendship! Ang ganda ni Ms. Grace, ang gwapo ni Sir Paolo! Ang gaganda siguro ng mga magiging anak ng mga ito! Match madae in heaven ang peg!"
Match made in heaven…
"Diba, Infinity?" Kuha sa atensyon niya ni Robin.
"Huh? O-Oo! Bagay silang dalawa. Bagay na bagay." Sagot niya sa mga ito bago inubos ang laman ng hawak na beer.
~ * ~
Tears in Heaven - Chapter 30
Sobrang saya ng mga tao sa kanyang paligid. Lahat ay nagtatawanan. Sa sitwasyon na'to, mukang siya lang talaga ang hindi masaya.
Hindi siya martir, pero hindi din siya manhid. What's more painful is that no one dared to ask and comfort her. Hindi naman na siya dapat magtaka, dapat nga ay sanay na siya.
She's just a shadow. She should be happy with the little things she could get. The crumbs and leftovers. That is what she always have, pero kahit kailan hindi siya nagreklamo.
Isa lang naman ang hinihiling niya, maging masaya. Pero 'yong kaisa-isahang kahilingang 'yon, kinuha pa sa kanya.
She's just a speck of dust to the eyes of these visitors. Might as well disappear to their ever-beautiful faces.
Naaisipan niyang pumunta sa harapang bahagi ng mansyon, kung saan nandoon ang fountain. Sa gitna nito ang isang kerubin na may hawak na pana habang nagbabalanse sa isa niyang paa. Ang pana ang siyang naglalabas ng tubig, papunta sa maliit na pond na may ilang coy.
Bagamat rinig pa din ang ingay mula sa hardin sa likurang bahagi ng mansyon ay mas gusto niya dito. Payapa at malayo mula sa mapanuring mga mata ng tao.
Nakakatawa lang isipin na siya ang dehado sa sitwasyon na 'to pero sa mata ng mga tao parang siya pa ang masama.
"Kanina pa kita tinitignan." Napukaw ng boses na 'yon ang kanyang atensyon.
Paglingon niya dito ay hindi nga siya nagkamali.
"Anong ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na sa likod." Walang gana niyang sagot.
"Ako ba hindi mo hinanap?"
Natigilan siya sa sinabi nito.
Gusto niyang matawa. Naloloko na ata ito. Mukang nakakalimutan nito ang ginawa sa kanya.
"Mukang nakakalimutan mo kung nasa anong sitwasyon tayo ngayon?"
Hindi naman ito nakakibo at agad na napayuko. Tila ba nahihiya sa naalalang kasalanang nagawa.
"Bumalik ka na sa loob. Baka hinahanap ka na ni Ellaine." Pagkatapos ay tinalikuran na niya ito at binalik ang tingin sa fountain. May kung anong nakabara sa kanyang lalamunan ng sabihin ang pangalang iyon.
Akala niya ay bumalik na nga ito sa kasiyahan dahil hindi na ito kumibo. Pero laking gulat niya ng may kamay na humawak sa kanyang balikat at pilit siya hinarap dito.
"Mahal kita." Direktang sabi nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Gusto sana niyang matawa kahit hindi naman biro ang sinabi nito. Pero mas nangingibabaw ang sakit sa dibdib niya.
Kung dati, kapag sinabihan siya nito ng binata ay halos lumipad na siya sa alapaap. Ngayon, sakit na ang dinudulot nito sa kanya.
"Nagpapatawa ka ba?" Pilit niyang tinatatagan ang boses. "Kung mahal mo ako, wala tayo sa sitwasyon na'to." Binigyang diin niya ang huling sinabi.
Napayuko ulit ang binata pero naramdaman niya ang higpit ng pagkapit nito sa kanya.
"Mahal pa din kita." Ulit nito na tila ba gusto nitong ipaalala sa kanya ang mga pangako nila sa isa't-isa. Mga pangakong napako.
"Nagpapatawa ka nga." Punong puno ng sarkastimong sagot nito. "Papaalala ko lang sa'yo, Leo. Ikaw ang bumitaw sa'ting dalawa. Kahit sobrang higpit ng kapit ko sa'yo. Mas mahigpit pa dito." Pinakita niya ang naka-kuyom na kamao na ngayon ay halos namumuti na sa sobrang pagkakakuyom niya dito.
"Nagmakaawa ako sa'yo. Pero hindi mo pinakinggan lahat ng pakiusap ko." Pilit man niyang pigilan ang mga luha sa mga mata ay hindi niya magawa. Pero kahit puno na ng luha ang kanyang mga mata ay hindi siya kumurap.
"Nawalan lang ako ng pagpipilian. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung anong dapat kong gawin. Naipit. Naipit lang ako ng sitwasyon." Pagpapaliwanag nito.
"Kaya mas pinili mong saktan ako kaysa saktan siya? Kaya mas pinili mong baliin ang pangako mo sa'kin kaysa sa kanya?" Panunumbat niya dito.
"Kung 'yon ang tingin mong ginawa ko...sige. Paniwalaan mo 'yan. Pero lahat ng naging desisyon ko, at magiging desisyon ko lahat ng iyon ikaw ang iniisip ko." Ang daming emosyong makikita sa mga mata nito, pero namanhid na siyang intindihin ang mga ito.
Marahan niyang pinahid ang mga luha sa mata at taas noong tinitigan ito.
"Kung ano mang nasa likod ng naging desisyon mo, wala na akong pakialam doon. The damage has been done, you're already engaged with my sister...and eventually we will all move on." Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ito.