Chereads / Here to Stay [Filipino] / Chapter 20 - XVII

Chapter 20 - XVII

CHAPTER 17

Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago

Di na tayo tulad ng dati

Kay bilis ng sandali

Oh kay tagal din kitang minahal.

Burnout, 3D [Danao, Dancel, Dumas]

***

DUMATING ang araw ng kanilang team building. But until the very end, hindi pa din siya desidido kung sasama dito.

Yes, Sir Patrick released a memo stating that it is required for all employees pero pwedeng pwede naman siyang magdahilan. A medical reason is a compelling excuse in this kind of situation.

"Alam mo, Infinity. Nakakainis ka na, hindi ka nakakatuwa." Pagmamaldita sa kanya ni Pipay.

"Sobrang Killjoy." Segunda naman ni Robin.

Hindi naman halatang excited ang dalawa. Aba naka hawaian polo and dress na ang mga ito.

"Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko." Sagot niya sa mga ito habang nagtitimpla ng kape sa kanilang office pantry.

"Masama pakiramdam?"

"Sige kunwari naniniwala kami." Pinaikot pa ni Pipay ang mata na para bang niloloko lang niya sila.

"Saka ang tigas ng ulo mo! Hindi mo ba nabasa 'yong memo ni sir Patrick? At talagang hindi ka sasama?"

"Sinong hindi sasama?" Nagulat silang lahat ng biglang sumulpot ang kanilang boss.

"Sir si Infinity po." Pagsusumbong naman ni Robin. Pasalamat ito at malayo siya sa kaibigan, dahil sa totoo lang ay gusto niyang itapon ang kumukulong tubig na mainit sa bunbunan nito.

"Bakit? May memo akong ginawa, hindi pwedeng hindi sumama." Hindi naman ito galit, nagtataka pa nga ang muka nito.

Kaya siya tumagal sa The Journal bilang writer ay dahil kay tatay June, na siyang editor-in-chief at boss nila. Napaka bait at maintinihin nitong boss. Ngayon na malapit na itong mag-retire at on training ang pamangkin nitong si sir Patrick. Nakakatuwa lang isipin na iiwan nito ang kumpanya sa kamay ng isang taong hindi din nalalayo sa kanya ang ugali.

Ang swerte niya sa mga boss niya.

"N-Not feeling well, sir." Pagdadahilan niya dito.

Sinilip nito ang ginagawa niya sa kanyang station pagkatapos ay binalik ang tingin sa kanya.

"Huwag ka ng magdahilan, Infinity. Hindi kita papayagan. May memo akong nilabas and everyone should follow. Ang hindi sumama, bibigyan ko ng memo at red tag! No exemption!" Pagkatapos ay ngumiti ito sa dalawa. Nag-thumbs up pa ang mga ito na akala mong nagwagi sila sa plano ng mga itong pasamahin siya sa team building.

"Oh! Kay sir Patrick mo na mismo narinig. Bawal hindi sumama. So no choice ka na." Pagmamaldita ni Pipay bago ito tumalikod at bumalik na sa sariling cubicle.

She exhaled a deep breath before stopping what she was doing. The last time na hindi siya nakinig sa gut feeling niya, napahiya niya ang sarili niya. Maybe this is the right moment para pakinggan talaga kung anong nararamdaman niya.

Hindi 'yong paulit-ulit mong gagawin 'yong maling naging desisyon mo. Kaya nga tinuturo ang history sa school diba? Para matuto tayo sa pagkakamali ng nakaraan. Kaso ang mahirap sa'tin, hindi na'tin masyadong dinidibdib 'yong nakaraan kaya patuloy na'ting ginagawa 'yong mga pagkakamali dito.

We must learn from our mistakes.

Pero kapag hindi naman siya sumama ay malamang hindi lang sermon ang maririnig niya mula kila Pipay, Robin at Louise. Malamang ay mabibigyan din siya ng memo ni Sir Patrick.

Tinignan niya ang orasan, she still has hours to think things through.

***

THE night came. 9 P.M. ang usapan na aalis sila, 6 vans were outside their office para i-service sila.

Sir Patrick cut off their office hours to half a day para daw may oras pa sila to prepare. And that also gave her the liberty to decide whether to join. And of course, the 2 aliens win this time, again.

With a large gym bag and her laptop bag, she is ready to go.

"Ay! Ano ba 'yan Infinity! Bakit may dala kang laptop?" Nag-hi-histerikal na tanong ni Robin.

"Pupunta tayo doon para mag-relax. Team building, to build a camaraderie with each other! Hindi para magsulat pa!" Segunda naman ni Pipay.

Inikutan niya ng mata ang mga ito.

"Syempre baka may free time tapos may ideas akong naisip. It is better prepared." Pagdadahilan niya sa mga ito.

"Talagang tina-target mo ang best employee of the month huh." Biro sa kanya ni Robin.

"Gusto ko lang matapos na 'yong Tears in Heaven."

"Desidido ka na talagang ipasa 'yon as your paperback candidate?"

Tumango siya sa tanong nito.

"Napasa ko na 'yong draft noon kay Louise, though hindi natin alam baka biglang magbago ang hangin at maisipan kong baguhin."

"Hindi ko pa man din nababasa 'yong draft mo, I know Louise will be thrilled kung babaguhin mo 'yon. Knowing you gusto mo laging magpa-iyak ng tao."

"Kaya nga Tragic writer diba?" Segunda naman ni Pipay.

She is about to say something ng magsalita na si Louise na pumasok na sa van dahil aalis na sila. Thank god for the connecting express highways at halos apat na oras nalang ang biyahe nila. And their travel were never bored because of her two friends. Full of energy ang dalawa kahit gabi sila bumyahe!

They arrived at a private resort sa isa sa mga isla ng Hundred Islands. Akala niya sa isang hotel sila pupunta, sa isa pala sa properties ng pamilya ni sir Patrick ang team building nila.

Nagbunutan kung sino ang magkasama sa kwarto and she is lucky to have Pipay as her room mate. They decided to call it a night at around 3 in the morning.

Almost sunrise when she woke up. Masakit man sa ulo dahil halos idlip lang ang ginawa niya ay hindi niya iyon alintana. Actually 10 A.M. pa ang call time nila at lahat ng katrabaho niya ay tulog pa. She wanted to grab this opportunity na makapag-isa sa payapang pagsikat ng araw.

The sea breeze plus the horizon came from the sun that is about to set. Sobrang peaceful. Sa sandaling panahon na 'yon makakalimutan mo lahat ng problema mo.

"You like sunrise." Bigla siyang natigilan ng marinig ang boses na 'yon mula sa kanyang likuran.

"I-Ikaw po pala, Sir Paolo. Good m-morning." Sagot niya sa taong gumulat sa kanya.

He was wearing a summer polo partnered with peach shorts. Bagay na bagay dito ang kulay green na summer polo.

"You are too formal." Sabi nito bago tumabi sa kanya at tumingin sa papasikat na araw. Pinagmasdan niya sandali ang muka nito bago binalik ulit ang tingin sa kanyang harapan.

Nanatili silang nakatayo sa dalampasigan ng walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hanggang sa halos lamunin na ng liwanag ang buong kalangitan.

"Ang aga mo atang nagising? 10 A.M. pa ang call time niyo diba?" Basag nito sa katahimikan.

Gusto sana niyang tanungin kung siya ba ang kausap nito pero naalala niyang sila nga lang palang dalawa ang nasa dalampasigan.

"Sunrise." Simpleng sagot niya dito.

Ngumiti naman ito sa kanya na para bang naintindihan na nito ang sinabi niya bago siya sagutin. "Napansin ko nga." Pagkatapos ay binalingan siya nito. "Akala ko hindi ka sasama?"

"Tinakot ako ni sir Patrick. Magkaka-memo daw ako saka red tag kapag hindi ako sumama."

"Kailangan pala may takutan pang kasama para lang mapa-payag ka." Natatawa pang sabi nito.

Inirapan niya ito bago talikuran. Habang naglalakad pabalik sa rest house ay dinig na dinig niya ang pagtawa nito. She's supposed to be irritated, but his laugh somewhat really gives her something she can't explain.