CHAPTER 1
Nanlalamig ang dating nagbabaga.
Kung maibabalik lang sana.
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit,
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo 'yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggang,bakit nandito tayo, sa dulo?
- Walang Hanggan, Quest
***
~ ~ ~
Tears in Heaven – Chapter 29
"NANGAKO ka! Nangako ka na kahit kailan…hindi tayo maghihiwalay!" Tigmak ng luha ang kanyang mga mata. Ni sa panaginip ay hindi niya inaakalang dadating sila sa ganitong tagpo.
"S-Sorry…Sorry, Camille."
Mas lalo siyang naiyak sa sinagot nito. Tila ba mas binabaon nito ang punyal sa kanyang puso.
"Ano bang…ano ba ang mali sa'kin? Tell me!" She demanded an explanation! Ganoon na lang 'yon? Itatampon nito ang 6 na taon?
"Wala! Walang mali sa'yo, Camille! You are…you are a perfect partner everyone could ask for." Nagsisimula na ding mabasa ang mga mata nito. "Pero kailangan niya a-ako."
"Pa'no n-naman ako? Sa tingin mo ba…sa tingin mo ba hindi kita kailangan?"
Pilit nitong inabot ang kanyang dalawang kamay. Sobrang higpit ng kapit nito. "You are a strong w-woman, babe. I know…I know you'll be okay. Even without me."
She can see desperation on his eyes. At doon siya mas nasasaktan. He is desperate to get rid of her, habang siya…kulang na lang ay lumuhod sa harapan nito para hindi siya nito iwan.
"Alam mo bang…alam mo bang sinasaktan mo ako ngayon, Leo? Sabi mo…ayaw na ayaw mo akong nasasaktan." Hindi siya nag-abalang punasan ang butil ng luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Para saan pa? May bago namang tutulo ulit pagkatapos.
"I'm s-sorry." Pumiyok na ang boses nito, tanda na pinipigilan nito ang pag-iyak.
She know this man in front of her as a strong man. Ito ang naging sandigan niya sa lahat ng hirap. Ito ang naging lakas niya. Pero nasa harap niya ito ngayon at humihingi ng tawad sa bagay na naging mahina ito.
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, sa lugar kung saan meron silang magagandang ala ala. Doon mismo nito naisipang wasakin ang puso at mga pangarap niya.
They are just staring at each other, no one dares to talk again. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito, pero siya…she's memorizing his features.
Dati sa kanya lahat ng mga ito, ngayon pilit niyang bibitawan ang taong nagbigay sa kanya ng sobra sobrang kasiyahan, at sakit.
Nang mahimasmasan ay pilit niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kanya.
"I h-hope…I hope Ellaine could give you complete happiness. I…I pray for your h-happiness." Pagkatapos ay mabigat man sa dibdib ay tinalikuran niya ito, sinisigaw nito ang pangalan niya. Pero wala na siyang lakas para lumingon.
Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, kapatid pa niya?
~ ~ ~
***
"INFINITY! Fiesta na naman ang comment section ng update mo sa Tears in Heaven! Hindi ka ba natatakot na sugurin ng mga readers mo? Gustong gusto mo silang sinasaktan lagi." Natatawang sabi ni Robin sa kanya habang hawak ang isang tablet, malamang ay binabasa nito ang comment section ng bago niyang upload.
"Ako nga gustong gusto ko ng sabunutan 'tong si Infinity ng mabasa ko 'yong update." Inirapan pa siya ni Pipay, isa pa niyang katrabaho.
Tinawanan niya lang ito.
"Tignan mo yung comment section Pipa! May gusto ng magpa assasinate doon sa mga character niya!" Sabi pa ni Robin habang pinapakita sa kaibigan ang mga comment ng readers niya.
"Hala ka, Infinity! Yung isa aatakihin na ata sa puso dahilsa update mo! G na G!" Segunda naman ni Pipa.
"Paki tanong naman doon sa writer kung malungkot ba ang buhay niya? Bakit siya nandadamay ng readers niya? Gagi ka Infinity! HAHAHAH nandadamay ka daw ng buhay ng may buhay!"
Her friends keep on reading some comments on her new updates. Some are hilarious, yung iba ay gusto na siyang patambangan sa kanto, and some completely understand her character's choices.
"Kung ako naman kasi kay Camille, aba lalaban ako! Leo's mine to begine with! Bakit ko bibitawana ng bagay na akin?" Pipa said her opinion towards her character circumstances.
"Tumpak! Isa pa, itong Ellaine na to, oo! Ang dami namang lalaki sa mundo, bakit yung kasintahan pa ng ate niya. Talipandas din eh!" Segunda naman ni Robin.
"Sinabi mo pa! Ma-Catherine Vargas din ang Ellaine na yan!"
"Pero…" She cut her friends. "Ginusto din ni Leo si Ellaine. During Camille's absence, he focused on Ellaine. He channels his attention to Ellaine. Meaning…"
"Meaning?" Saby na tanong ng dalawa.
"At some point, Leo already chooses Ellaine the moment he gave and focuses his attention on her. Nawalan siya ng tiwala sa relasyon nila at kay Camille mismo."
"Pero umalis si Camille! Iniwan niya si Leo for her dreams. Diba naging selfish siya doon" May pagtataka sa boses ni Pipay.
"Umalis si Camille to pursue her dreams. So her parents would be proud of her and to have a name of her own. Alam ni Leo ang pinagdaanan ng dalaga sa pamilya. He is Camille's rock and wall when no one believes in her. At isa pa, umalis si Camille na nagpaalam sa kanya, pinaliwanag nito kung bakit niya kailangang umalis. It is for herself. Kasi kung hindi niya gagawin, mauubos siya. Baka wala nang matira pa sa kanya, she gave everything to everyone, all she need is a recharge. Pero hindi siya inunawa ni Leo, he chooses to be a jerk. Sa kanilanag dalawa, sino talaga ang selfish?" Tanong niya pabalik sa mga kaibigan.
"Oo nga no? And out of all women, si Ellaine pa. Both have a mistake, but Ellaine and Leo hurt Camille in the worst possible ways." Sani ni Pipay.
"Pero alam niyo, umaasa pa din akong happy ending itong kwento ni Camille at Leo." Sabi ni Robin habang ini-scan ang kanyang writing table.
"Sorry to burst your bubble, Robin. Pero hindi." Singit naman bigla ni Louise, ang editor din niya. Nakarinig siya ng pagkahulog, pagkatapos ay biglang inangat ni Robin ang ulo para tignan siya ng punog-puno ng pagkabigo.
Inabot sa kanya ni Louise ang draft ng last chapter ng kanyang kwento.
"Hindi naman siya binansagang The Tragic writer ni Tatay June kung hindi siya magaling bumasag ng puso. Okay na 'to, na-edit ko na. Bahala ka na din kung may idadagdag ka pa or para maraming sumaya, kung babaguhin mo pa 'yan. I don't mind re-evaluating your work, Infinity." Natatawa pa nitong sabi sa kanya.
"Sorry Louise, binubuo ko pa lang kasi talaga 'tong story na'to ito na talaga ang nasa isip kong ending. Pasensya na pero hindi ko babaguhin. Thanks by the way." She said in an apology tone.
"O-Okay." Nakakaintindi na sagot nito sa kanya.
Padabog na umupo sa kanyang upuan si Robin, samantalang umiiling si Pipay sabay balik sa pagsusulat. Nagbuntong hiniga pa ito bago sinabing "Marami na namang iiyak."
Hindi nalang niya pinansin ang pagdadabog ng mga ito at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Leo and Camille's story is not far from her own story. The only difference is, Leo chooses to hurt Camille. While she was hurt by incidences she doesn't have any control. While the similarity is that, like Camille, she chooses to let go. Because maybe, there are things that are much better without her.
Tinignan niya ang daft ng last chapter na kaka-check lang ni Louise. Nang buksan niya ang folder ay nanlabo sandali ang kanyang mata.
May kulay asul na post it note sa unang pahina ng draft niya, and it states:
Everything will be alright, Infinity. Trust His plans and His process. If it's still not okay, then it is not the end. It will happen in His perfect time.
Pasimple niyang pinahid ang luha.
Sana nga. Sana dumating na ang panahon na 'yon.