Chapter 8 - VI

CHAPTER 6

Can love be measured by the hours in a day?

I have no answers now but this much I can say

I know I'll need him till the stars all burn away

Where Do I Begin "Love Story", Gary Valenciano

***

MONDAY. Kaka-upload lang ng bagong chapter ni Infinity sa Tears in Heaven.

At hindi pa nag-iinit ang bagong chapter ay nagkakagulo na sila Pipay at Robin sa kanilang mga lamesa.

"Hindi ba inaruga nung bata ang writer nitong kwentong 'to? Bakit ang hilig niyang magpaiyak ng mga readers niya?" Rinig niyang binabasa ni Robin ang ilang comments sa bago niyang upload.

"Habang binabasa ko 'to nag-iisip na ako ng mga happy thoughts ko kasi siguradong iiyak ako. But it didn't work. Umiyak pa din ako after reading."

"Gusto ko ng sabunutan writer nitong storyang 'to."

"Infinity! Hala ka! Magtago ka na at uubusin na ng mga reader mo 'yang buhok mo." Pagbabanta sa kanya ni Robin.

"Pwede namang ako nalang ang kumalbo sa kanya ngayon." Bigla namang lumapit sa cubicle niya si Pipay at mahigpit na hinila pababa ang isang bugkos niyang buhok.

"Aray!"

"Nako Infinity! Hindi lang ganyan ang gagawin ko sa'yong babaita ka! Napaka sadista mo!" pang gigigil pa sa kanya ni Pipay.

"Hayaan mo na nga 'yan Pipay. Ayaw niyang may masaya kaya laging nagsusulat ng malulungkot na storya!" Padabog namang umupo si Robin.

Inirapan pa siya ni Pipay bago tuluyang umalis at bumalik sa sarili nitong cubicle. Hindi naman niya mapigilang matawa. Sanay na siya sa dalawa. Ganito lang ang mga ito pero alam niyang biro lang ang mga binabanat ng mga ito.

They are her little ray of sunshine. Dahil sa mga ito, nagpatuloy siya sa pangarap na maging writer. Dahil din sa mga ito, patuloy siyang lumalaban sa buhay. Hindi alam ng mga ito ang eksaktong ditalye ng kanyang buhay, pero ginagawa ng mga ito ang lahat para mapasaya siya at kahit papaano mapagaan ang dalahin niya sa buhay.

Simula ng matapos niya ang una niyang storya sa The Journal, hindi na talaga siya nagbubukas o nagbabasa ng mga comments sa mga sinusulat niya.

Hindi dahil takot siyang ma-bash o mabasang madaming naiinis sa kanya o sa kanyang mga likha. Hindi siya takot sa constuctive critism. After all, malaking tulong ang mga ito para mapabuti ang kanyang pagsusulat.

Hindi siya nagbabasa dahil ayaw niyang makabasa ng mga comment na 'sana sumaya na si … kasi deserve niya.' O words of encouragement na nagsasabing 'dadating din ang happy ending na inaasam ng lahat, nananalig ako'

Because it may sound pathetic pero ang dating kasi sa kanya noon ay sound of encouragement sa mga bagay na nagyayari sa buhay niya.

For her, she is the heroine of all the stories she is writing. Lahat ng struggles and frustrations as well as sakit na nararamdaman ng character niya ay siya ring sakit na nararamdaman niya.

Writing is her outlet to ease, at some point, the pain in her heart. At kapag nakakabasa siya ng mga ganoong comment ay umaasa siya. And expectations will lead to disappointments. Ayaw na niyang masaktan. Bugbog na bugbog na siya sa mundo.

Kaya kesa masaktan ay hindi nalang siya nagbabasa.

Often times, Tobin and Pipay are the one reading comments for her. Ito ang nagsasabi ng mga comment na mayroong constructive critism sa kanyang mga storya. Hindi niya sinabihan ang mga ito na gawin, they just also love to read comments on her stories. Gustong gusto ng mga ito ang pag aamok ng mga readers niya.

At the same time, it gives her the liberty to write the things she likes to put in her story.

Of course, there are pros and cons.

Pro is she writes freely to her heart's content.

Cons is that readers usually backlashed at her for her "poor" or "unhuman" form of writing. Result? Compared to other The Journal writers, her story is not on the trending side. Marami ring nagbabasa, though it doesn't to the point na nagte-trend sa app o sa social media.

Minsan ay nag-trend ang kanyang storya, pero kadalasan lang ay dahil walang tigil na pag iyak o inis sa kanya.

But what can she do?

Pain is part of reality. Part of her reality.

She's contemplating and readying herself to write another chapter for her story ng biglang dumating si Louise, and unexpectedly with Sir Patrick.

Sir Patrick is the in-training Chairman of One Republic Corporation. A corporation that owns The Journal. Among all the companies under the umbrella of One Republic, mas napili ni Sir Patrick na mag-focus sa The Journal. His reason? He loves literature. Hinayaan na lang din siya ng ama dahil alam nitong this is for a short period of time.

And because he is a capitalist, he sees things sometimes from a different perspective. Like now, The Journal will expand into publishing! He talks to different investors about this, and months after it will be happening.

"Guys! Can I get your attention for a moment?" Sabi ni Louise sa kanila.

Agad namang nilang itinigil ang mga ginagawa. Mukhang may importanteng sasabihin ang dalawa.

"As you all know, The Journal, an online writing site, will now expand into paperback! And as a part of our marketing, the new board decided to make a new tradition on our anniversary.

It is a yearly awards night, it will give recognition to you, our writers, as well as incentives to those who will be chosen from different writing categories."

"It will be called The Journal's Award! At taon taon meroon tayong theme. This year's theme will be…"

"Hollywood!" Tuwang tuwang sabi ni Patrick habang para namang nalugi si Louise.

"Please wait for your invitations and no one's exempted! This is a big event guys! All our investors and sister companies will also be there. Sabihin na nating it will also serves as The Journal's welcoming party with Republic Corporation." Pagpapa-alala pa ni Patrick. Habang nauna naman ng umalis si Louise, hindi na siguro nito natagalan ang sinasabi ng isa.

Louise is a serious kind of woman. Kaya hula niyang hindi nito gusto ang ganitong mga party. But she doesn't have a choice. Some of the writers and staffs are also happy pero mayroon din namang hindi naging masaya. As for her, she doesn't care. Hindi naman siya a-attend.

She looked at her planner, at ayon doon she needed to write one of the heartbreaking scenes in her story. The atmosphere in the office is a little joyous. She needed to find a perfect place and atmosphere for this chapter.